"Pack up. Pack up guys. Tapos na ang shooting ngayong araw"
Maaga kaming natapos ngayon. Dalawang linggo na lang at matatapos na ang shooting.
Inaayos ko na ang mga gamit ni Ma'am Cheena para mabilis na kami makauwi.
"Are you done Gigi? Let's go na. Nagyaya sina Sam mag-dinner"
Napatigil ako sa pagkilos. Mariin akong pumikit bago ako huminga ng malalim. Lumingon ako kay Ma'am Cheena at binigyan siya ng matamlay na ngiti.
"Pwede bang hindi na ako sumama Ma'am?"
"Why? Sayang naman. Libre niya"
Umiling ako. "Masama po pakiramdam ko. Gusto ko po magpahinga na. Pwede po ba?"
"Oh sure! You should rest na pero hindi ka ba magdidinner?"
"Bibili na lang po ako sa labas. Pwede po ba 'yon?"
"Ah yeah sure" hinipo niya ako sa aking leeg. "Hindi ka naman mainit pero para maagapan na din ay bumili ka na ng gamot"
Tumango ako bago ko binibitbit ang mga gamit ni Ma'am Cheena palabas. Nakahinga ako ng maluwag sapagkat makakauwi na ako.
Ilang araw na akong walang tulog dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Sam. Pagkatapos kong makuha ang maliit na note sa strawberry cake, nagsunod-sunod na iyon.
Minsan na lang ay matatanggap akong pagkain na hindi ko alam kung kanino tapos may note na nakalagay.
Wala akong kinain at tinanggap. Binibigay ko iyon sa iba.
Alam kong masiyadong bastos tingnan ngunit hindi ko iyon nagugustuhan. Kahit ang mga...senyales na pinapahayag ni Sir Sam ay naguguluhan ako.
"Si Gigi Cheena? She's not gonna come?"
Sumikdo ang kaba sa aking dibdib nang makita ko sila sa parking lot.
Naando'n si Ma'am Cheena, Sir Sam, Jona at dalawa pang co-actors nila. Nagtago ako sa isa sa mga kotse para hindi nila ako makita.
"Masama ang pakiramdam Sam at gusto na mauna mauwi"
"Is that so?"
Kinagat ko ang labi nang makita ang pagkadismaya nito sa mukha. Nakikita ko sila mula sa bintana ng kotseng pinagtataguan ko.
"Yes Sam. Anyway, let's go na?"
Nakita ko pa ang paglinga nito sa paligid bago nila naisipan umalis. Nakahinga ako ng maluwag bago ako matagumpay na makakuha ng taxi pabalik sa hotel na pinagtutuluyan namin.
Inilagay ko muna sa gilid ang mga gamit na dalahin ko bago ako nagtungo sa aking higaan para magpahinga.
Pinaglaruan ko ang aking kulot na buhok habang iniisip ang dismayadong mukha ni Sir Sam kanina.
Talaga bang....may crush siya sa akin?
Kinuha ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang aking account para makita ang message niya sa akin na hindi ko nire-reply-an.
Samuel: Hindi mo ba gusto ang kape at strawberry cake na bigay ko? Hindi ka ba mahilig sa matamis? Are you even fond of coffee?
Samuel: I saw that you give your chocolate to Jona. You don't like chocolate as well?
Samuel: I talk to Jona last time, she said the you like adobo but you didn't even try it. Hindi mo ba gusto ang luto?
Samuel: Reply please?
In-off ko ang aking cellphone at inilagay iyon sa aking dibdib.
Sa totoo lang ay kinikilig ang buo kong kaibuturan. Sinong hindi? Napakagwapo ni Sir Sam ano pero etong nangyayare ngayon, napakaimposible.
Bakit niya ako magiging crush?
Ang panget ko kaya!
PA lang pati ako.
Bakit hindi ang amo ko? Nakikitaan sila ng magandang chemistry ng mga kasama ko. Kahit ako ay nakikita din iyon.
Gusto niya ba ng maliit, malapad noo tapos kulot? Ang dumi-dumi ko kaya.
"Haist...pinaglalaruan lang talaga ako no'n" Ani ko pa sa aking sarili.
Natutuwa ata saken kaya naman trip na trip ako.
Sabagay....cute naman ako sabi ng mama ko.
Maraming nanliligaw sa akin sa probinsiya pero hindi naman kasing pogi ni Sir Sam.
Haist. Tigil tigilan niya ako kasi pumapatol ako.
Umalpas ang malanding ngiti sa labi ko. Napakalandi mo Gigi.
Slight lang hehe.
Kinabukasan ay panibagong araw na naman para kabahan. Mas maaga ako magising kay Ma'am Cheena kaya naman habang tulog ay nag-aayos na ako ng gamit niya bago ako lalabas para kumain ng almusal.
Ganoon naman lagi ang routine ko sa umaga.
Pagbalik ko sa room namin ay gising na si Ms. Cheena. Medyo busy ito sa cellphone at parang may hinihintay.
"Gigi, magpa-book ka na ng grab"
"Po?" Kumurap ako. "Hindi na ba tayo susunduin ni Sir....Sam?"
Simula ng araw na inihatid kami ni Sir Sam ay nagsunod-sunod iyon kaya nakakapanibago na....magpapabook ulit kami.
"Hindi na. Mauuna na daw sila"
"Sige po"
May pakiramdam na ako na dahil iyon sa akin. Bakit parang kumirot ang puso ko?
Pagdating namin sa set ay kusang luminga ang aking mata sa paligid para hanapin si Sir Sam.
Nakita ko siyang nakikipagbiruan sa mga staff. Nang makita niya kami papasok ay tumungo ang mga mata niya sa akin.
Doon lang ata ako nagkaroon ng lakas ng loob para tingnan siya ng matagal pero ganoon din kabilis niya akong iniwasan bago tumingin kay Cheena.
Nagpaalam siya sa mga kausap bago lumapit sa amin at batiin kami.
"Goodmorning ladies" ngumiti siya.
Nakipagbeso siya kay Cheena bago niya ito niyaya at iniwan ako doon.
Napalunok ako nang hindi na niya ako muling balingan ng araw na iyon.
Wala rin akong natanggap na kahit anong padala at note.
Iyon naman ang gusto ko. Atleast magiging payapa at hindi na ako laging aatakihin sa mga kinikilos niya.
Itinatak ko iyon sa isipan ko sa mga sumunod na araw. Walang paramdam ng pagpapadala at message. Wala na ring tingin at hatid kaya naman ginagawa ko lang 'yong mga normal na ginagawa ko at mga trabaho ko.
"Why are you late Sam? Kung kailan malapit na nating matapos ang shoot tsaka ka pa nagiging hindi punctual"
Iyon ang naabutan ko paglabas ko ng tent. Dadalhin ko lang sana kay Ma'am Cheena 'yong inhaler scent niya dahil medyo sumasama ang ilong nito.
Tumingin ako kay Sir Sam.
Pinapagalitan na naman siya.
Isang araw kasi ay nahuli itong amoy alcohol. Nag-inom pagkatapos ng shooting.
Sabi sa akin ni Jona ay medyo wala nga daw sa mood si Sir Sam noong mga nakaraang araw. Hindi nga din daw niya makibo.
"I don't feel well Direk. I'm sorry for being late" rason ni Sir Sam.
Don't feel well?
Binalot ako ng pag-aalala. Masama ba ang pakiramdam niya?
Tahimik akong lumapit kay Ma'am Cheena para ibigay sa kaniya ang inhaler scent niya. Pinilit ko hindi makakuha ng atensyon lalo na sa kaniya.
"Thank you Gigi"
Mariin akong pumikit nang maramdaman ko na tumagos ang tingin ni Sir Sam sa akin.
Inangat ko ang tingin at napalunok ako sa lamig na pakiramdam na ibinibigay niya.
Bakit pinaparamdam niya sa akin na ako ang may kasalanan?
"Are you sick or what? Kaya mo ba mag perform ngayon?" Tanong ng direktor.
"I can. Let's start"
Iniwas na niya ang tingin bago siya umalis para magbihis at ayusan. Hindi naman ako mapakali na umalis. Kinagat ko ang labi habang iniisip ang tingin na iyon.
Habang walang inuutos sa akin si Ms. Cheena ay nanatili ako sa gilid at nanonood.
Hinanap ko si Jona habang nagsisimula na ang shooting. Panay kasi ang sakit ng tiyan niya kanina pa kaya biglang nawawala.
"Uy Gigi!"
Lumingon ako sa paligid. Nakita ko si Jona na nakakapit sa kaniyang tiyan.
"Oh bakit?" Umarte ako na nagulat kahit pa kanina ko pa siya hinahanap. Magtatanong lang ako kung anong sakit ni Sir Sam. Medyo maputla siya ih, natatakpan lang ng make up ang kaniyang pagkaputla.
Kinuha niya ang kamay ko nang makalapit siya sa akin. May inabot siya sa aking paracetamol at cool fever.
"Pwede favor? Bigay mo kay Sir Sam ito pagkatapos ng kanilang scene. Ang sakit ng tiyan ko!"
Bago pa ako makatanggi ay naiwan na ako ni Jona. Natutulala ako saglit bago ako dapuan ng kaba.
Ibibigay ko ito... kay Sir Sam?!
Pahamak ka Jona!
Kabadong kabado ako habang hawak ang paracetamol at cool fever sa aking kamay.
Ang scene nila ay medyo mabigat. Nakita ko ang emosyon ni Sir Sam na umiiyak. Ang galing niya. Hindi oa ang pagka-arte tapos napaka...pogi pa din.
"Cut! Break muna tayo guys"
Natataranta akong tumayo. Pumunta muna ako sa aking amo para mag-assist ng kailangan niya. Pagkatapos no'n ay nagpaalam ako saglit para ibigay ito kay Sir Sam.
Sa totoo lang ay pwede ko naman iyon i-favor sa iba kaso nga lang ay ayaw ko. Gusto ko ako ang magbigay.
Nagpunta ako sa tent nina Sir Sam. Nakailang hingang malalim pa ako bago ako pumasok.
Tinamaan ako ng matinding kaba nang makita ko si Sir Sam na mag-isa sa loob.
Naka-upo siya sa recliner foldable chair at nakapikit. Kitang kita sa aura nito ang matinding katamlayan.
"Jona? Is that you?"
Nagtaasan ang aking balahibo sa kaniyang pagsasalita. Peke akong umubo.
"Si...Gigi po ito" sagot ko.
Mabilis niyang iminulat ang mata at nang makumpirma na ako 'yon ay umawang ang kaniyang labi.
"Gigi..." tawag niya.
Dumiretsyo ako ng lakad palapit sa kaniya. Ipinakita ko ang paracetamol at cool fever na hawak ko.
"Masama ang tiyan ni Jona Sir. Pinaabot lang sa akin iton—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ang aking mga kamay.
"Sir!" Natataranta ko iyong tinanggal ngunit muli niya iyong inabot.
"I've been admired by many Gigi" ani niya dahilan para matigilan ako.
Nakatingin siya sa mga kamay ko at bahagya niya iyong pinipisil.
Para naman akong pinagpapawisan habang ginagawa niya iyon.
"Kaunting ngiti at hawak sa mga babae, mabilis ko silang makuha. Effortlessly, I can make them mine.." dagdag pa niya.
Inangat niya ang tingin sa akin. "Pero bakit ikaw? Bakit mo ito ginagawa sa akin?"
"A-anong kasalanan ko?"
"A rejection coming from you make me hurt like this. Tipong...nagkakasakit ako"
Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakapagsalita.
"I'm not insecure about myself but when you turn down all of my efforts, I feel like something is not good at me." Binasa niya ang mga labi bago sumalubong ang kaniyang kilay. "Sabihin mo, anong kailangan kong gawin?"
Kumurap ako ng ilang beses habang pinoproseso ang mga sinasabi niya.
Nasa isa akong posisyon kung saan hindi ko alam kung saan ako magpopokus. Sa kamay niya ba na hawak ang kamay ko o sa emosyon na pinapakita niya sa akin?
Seryoso ba talaga siya?
"Crush mo ba talaga ako?" Lakas loob kong sambit.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi dahilan para lumabas ang napakaganda niyang dimple. "Yes. Hindi ka ba naniniwala?"
Dahan-dahan akong umiling kahit sobrang gulat ako sa aking loob.
"Ahh..." huminga siya ng malalim. "Maybe you're thinking that I'm playing with you"
Nag-init ang aking pisngi dahil hindi ako nakaiwas do'n.
"Maybe because I...shock you. At mali rin naman na bigla na lang kita pinakitaan ng gano'n nang wala man lang pagdidiretsyo at pagkaklaro but I just want you to know that I'm serious. Seryoso ako sa intensyon ko. I really like you—"
Ang mga nalalaman ko ay sobra para sa akin at masiyadong pinapalala no'n ang aking niyerbos. Ang aking puso ay para gustong kumawala sa kaniyang rehas kaya naman hinila ko na ang aking mga kamay kung nahila rin siya pabangon sa kaniyang kinauupuan. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon na tanggalin ang distansiya naming dalawa at pinaglapat ko ang aming labi.
Naramdaman ko ang pagtigil ng kaniyang paghinga sa aking ginawa. Bago pa siya may sabihin ay lumayo kaagad ako. Ibinaba ko sa kaniyang hita ang paracetamol at cool fever. Luminga ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang tao.
Nang tumingin ulit ako kay Sir Sam ay nakaawang lang ang kaniyang labi habang nakatulala.
May munting ngiti ang umalpas sa aking labi bago ako tumalikod at umalis ng kaniyang tent.
Nang hawakan ko ang mga labi ay impit ako na tumili.
Ang lambot ng labi niya hehe.
Sana matagal na sa susunod.