CHAPTER 4

1536 Words
"Gigi parang wala kang tulog" Napatingin ako kay Ma'am Cheena na parehas lang walang tulog sa akin pero kumikinang pa din ang itsura samantalang ako, kaunting puyat lang, halata sa mukha ko. Paano ako makakatulog kung ganoon ang natanggap mong message? Isang celebrity? May crush sa akin? "Ah...opo hehe" "Why? Do you miss your family?" Tumango ako. Magandang excuse 'yon kahit hindi naman iyon ang inisip ko kagabi. "Opo. Lagi. Pinapagawa ko na nga si nanay ng social media account para video chat kami" "Haist buti ka pa may pamilya pang kino-contact" ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Bakit po? Wala ka pong...ano?" "I have. Hindi lang kami in good terms" Iyon ang unang beses na nag-open sa akin si Ma'am Cheena. Ang lungkot pala. Wala siyang kasama at nagsusuporta sa kaniya. Wala naman na siyang idinugtong doon at wala naman akong karapatan para itanong pa ang dahilan. "Basta po naandito lang ako Ma'am Cheena..." sambit ko para gumaan ang kaniyang loob. Masuyo siyang ngumiti. "Thank you so much Gigi" Mabilis rin kaming naligo at nag-ayos. Ang suot ko ngayon ay t-shirt dress. Sinuot ko ang bigay sa akin ni Ma'am Cheena na damit. Tutal napakomportable ng tela at hindi din maikli. Tumingin ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili. Ang itsura ko ay saktohan. Hindi magandang-maganda tulad ni Ma'am Cheena pero hindi din naman pangit. 'Yong tipong hindi naman ako pagkakaguluhan at makakakuha ng atensyon. Morena ang aking balat. Bilugan ang aking mga mata at maliit ang korte ng mukha. Hindi matangos ang ilong. Medyo malapad ito tingnan kapag sa harap pero kapag i-side view mo, doon makikita na may tangos pa din. Pouty ang aking labi na pinaka-asset ko kaso laging putlain. Ganito bang itsura ang gusto ni Sir Sam?! Nakakapanliit. "Okay na ba lahat Gigi?" Tanong sa akin ni Ma'am Cheena kaya kinailangan kong lisanin ang salamin at magtrabaho kaagad. Wala akong tulog at hindi ako nakakain ng almusal dahil sa takot na baka naandiyan na naman siya sa aking paglabas. Kaya naman pagpunta namin ng location ay wala akong energy tapos inaantok pa ako pero ayaw ko namang ipakita kay ma'am Cheena iyon. Kape lang nainom ko para naman magising ako. Hihikab na sana ako nang makita ko si Sir Sam. Mabilis akong napaayos ng tayo. Para itong modelo ng van. Nakasadal siya doon, habang nakalagay ang kanang kamay sa bulsa ng short na suot niya. Bahagya niyang nilalaro ang susi sa kaniyang kaliwang kamay. Para siyang kukunan ng litrato at kahit hindi ko pa amoy, ang bango-bango niyang tingnan. "Is that Sam?" Tanong ni Cheena paglabas namin. Biglang nag-pop out sa alaala ko ang mga message ni Sir Sam kagabi. I crush you back Gigi :) I crush you back Gigi :) I crush you back Gigi :) Mabilis kong hinawakan ang balikat ni Ma'am Cheena at itinungo siya sa ibang direksyon. "Hindi po ma'am Cheena. Pogi lang din hehe. Tara na po. Nakapagbook na po ako ng grab tulad ng utos niyo" "Pero si Sam talaga 'yo—" "Hindi po talaga Ma'am Cheena. Kamukha lang po hehe" "But it's his van. Let's greet him—" "Cheena!" Mariin akong napapikit nang marinig ko ang eleganteng boses niya. Ano ba naman 'to?! Iiwasan na nga eh. Mabilis kong tinakpan ang aking mukha nang aking buhok at nagtago sa likod ni Ma'am Cheena. "Goodmorning Sam!" Bati ng aking amo sa lalaking umaapaw ang halimuyak. "Goodmorning. Paalis na rin kayo?" Sumilip ako saglit. Nakita kong dumaan ang paningin niya sa akin kaya nagtago ako ulit sa likod ni Ma'am Cheena. Buti na lang maliit ako hehe. "Yes. Maghihintay kami ng pinabook namin" "Cancelled that already. Sabay na kayo sa akin" "Oh! I thought you're waiting for somebody" "Yes. I'm really waiting for someone but she's here now" Nag-init ang aking pisngi. Sa hindi malamang kadahilanan, feeling ko ako 'yong tinutukoy niya. "Me?" Natatawang sambit ni Ma'am Cheena. "Both of you. Sayang naman if mag-bo-book kayo ng grab. Isa pa ay wala 'yong driver ko so I'll be the one to drive. Gusto ko lang ng makakausap" muli siyang sumilip sa akin. Sumikdo ang puso ko sa kaba. "Goodmorning Gigi" bati niya. Umalis sa likudan ko si Ma'am Cheena kaya naman kitang-kita na ako. Inangat ko ang tingin kay Sir Sam. Nawawala ang mata niya pagkangiti tapos labas pa ang dimples. Hindi ako makangiti ng ayos. "Goodmorning din po" mahina kong sambit. "Si Jona, nasa loob. Sabay na kayo" Tumingin ako kay Ma'am Cheena. Sa totoo lang, gusto ko mag-grab na lang pero nasa amo ko ang desisyon. PA lang ako. "Cancel mo na lang ang Grab Gigi" Napabuntong hininga ako. Wala akong magagawa. Sumakay kami sa van ni Sir Sam. Nasa passenger seat si Jona na binati ako pero hindi ko siya matingnan sa tensyon na nararamdaman ko. "Hoy parang sira ka Gigi. Hanggang ngayon ba ay nahihiya ka pa rin kay Sir?" Sinamaan ko siya ng tingin habang nasa kasuluksulukan ako ng upuan. Kahit pa alam kong wala na akong iuusod ay pinilit ko pa rin para lang makapagtago ako! "Understandable naman si Gigi. Ganiyan din ako noong unang day ko sa shooting. Who knows na magiging leading man ko ay isang Sam Cuevas." Sabat ni ma'am Cheena nang mapansin nila ang sobrang pagkailang ko kay Sir Sam! Narinig ko ang mahina ngunit eleganteng tawa ni Sir Sam kaya napatingin ako sa rear mirror. Nakita kong nagtama ang tingin naming dalawa doon. Halos mabulunan ako nang bigla itong kumindat. Tinakpan ko ang mukha ng kulot kong buhok. Mas lalo kong narinig ang tawa niya. Paano ako makakatulog nito?! Medyo malayo ang location ngayon kaya eto mahaba-haba pa ang biyahe na kasama at kalapit namin si Sir Sam. "Are you okay Gigi? You look really worn out" tanong sa akin ni Ms. Cheena nang mapansin ang maya't maya kong pag- Tensiyonado ako. Ilang beses nagtama ang mata namin ni Sir Sam sa rear mirror. At hindi lang iyon, para akong magkakaheart attack! Dahil siguro sa kape na ininom ko kaninang umaga kaya siguro ako nagpapalpitate. "Why Cheena? What happened? Is she sick?" Rinig kong sambit ni Sir Sam. "Nope but she look tired. Hindi kasi siya nakatulog kagabi tapos hindi rin kumain ng almusal. Gigi is a heavy eater during breakfast so it is unusual for her to be like this" "Okay lang po ako Ma'am!" Sabat ko. Umayos ako ng tayo. "Huwag kayo masiyadong mag-alala sa akin" "I'll do my best to not disturb you later Gigi. You may rest" Ngumiti ako. Sadyang napaka...buti ng amo ko. Hindi lang siya basta artista, napaka-caring niya. "Nako Ma'am Cheena okay lang po ako at maraming salamat sa pag-aalala" Sa wakas at nakarating na din kami sa location. Good thing at hindi kami late. Nagsimula na kaagad ako mag-assist sa aking amo. Walang pag-aaksaya ng oras dahil masiyadong istrikto ang direk. Panay rin ang hikab ko habang nagtatrabaho. Haist...kasalan talaga 'to ni Sir Sam! "Magandang umaga neng" bati sa akin ni kuya Nando nang mapadaan ako sa pwesto nila. "Magandang umaga po" ngumiti ako. Hinanap ng mata ko si Kuya Bert pero wala ito ngayon. "Wala si Kuya Bert?" Takang tanong ko. "Nako, natanggal sa trabaho" "Po?" "Aba'y ewan doon. Naterminate ih" Kumunot ang noo ko. Grabe naman iyon. Mukhang okay naman si Kuya Bert kaso ay maloko lang. Nag-excuse muna ako kay Kuya Bert dahil may inaasikaso pa ako. Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ni Ma'am Cheena, ay nagpahinga ako sa loob ng tent. Hindi ko na mapigilan ang antok ko. Panay ang hikab ko. Literal na wala pa akong tulog kakaisip ng nabasa ko kagabi. "Huy!" "Ay panget na palaka!" Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Lumingon ako sa kung sinong nagsalita. Si Jona lang pala! "Wow ah? Makapangit!" Mataray niyang saad bago may nilapag na isang kape sa isang sikat na...coffee shop. Starb*cks! "Oh? Kanino 'to?" "Treat ng amo ko..." may nilapag pa siya na strawberry cake. "Sir...Sam?" Tumingin ako kay Jona. Pinanlakihan ko siya ng mata. Alam na ba niya? Na crush ako ng amo niya? Pakiramdam ko ay sisikmurain ako. "Hoy huwag assumera!" Naramdaman ko ang hapdi ng pitik sa aking noo kaya nagising ako sa katotohanan. "Aww.." napapikit ang aking isang mata habang hinihimas ko ang malapad na noo. "Alam kong crush mo si Sir Sam pero...huwag assumera, lahat tayo nilibre. Nagkataon lang na starb*cks sa'yo dahil hindi niya gusto ang flavor niyan at binigay na sa'yo. Nagkamali kasi 'yong inutusan." "Ahh...." tumango ako. Ramdam ko sa kaloob-looban ko na nadismaya ako kahit hindi ko naman dapat iyon maramdaman. Bakit naman ako magiging special kay Sir Sam? Baka kung ano pang trip no'n sa message. "Oh siya, kainin mo 'yan. Sobrang tamlay mo today teh." Iniwan na ako ni Jona. Tiningnan ko naman ang kape at strawberry cake sa harapan ko. Naglaway kaagad ako kaya kaagad kong pinagpiyestahan. Sobrang sarap. Halos magningning ang aking mata kada subo. Habang kumakain ay may napansin akong isang maliit na papel na nakasingit sa wrapper ng strawberry cake. Habang sumisipsip ng kape ay binasa ko iyon. Huwag na magpuyat at huwag magpalipas ng gutom. I hope you like the coffee and the strawberry cake. :) - Your crush, Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD