CHAPTER 8

2640 Words
"Great work anyone! Nakakaramdam na ako ng success sa movie natin. Ngayon pa lang ay ni-congratulate ko na kayo Sam and Cheena. Your chemistry is really good." "Thank you so much Direk" sabi ni Sam na umusli ang ngiti sa labi. "Salamat direk sa pagpili sa akin bilang leading woman. Sobrang laki talaga ng opportunity na ito para sa akin!" Halos umiyak na sa galak si Ma'am Cheena. Tinapik ko naman ang likod niya dahil natutuwa ako sa galing niya. Kulang na lang yakapin ko siya ng mahigpit. Sobrang natutuwa ako sa komento ng direktor lalo na sa aking amo. Alam kong isang daan ito sa mas lalong kasikatan niya. Napakagaling umarte ni Ma'am Cheena at saksi ako kung gaano siya nagpakahirap para sa movie na ito. Si Sir Sam naman, wala na akong masasabi sa kaniya. Sobrang sikat na niya at napakagaling umarte. Nadadala niya ang amo ko at natuturuan ng mabuti. "Dahil diyan, cheers tayo!" "Cheers!" Pare-parehas kaming nagtaas ng mga baso. Umiinom naman ako sa probinsiya namin kaya ang lakas ko ding makitungga sa kanila. Ininom ko ang beer sa aking baso at nasarapan ako sa init na dala no'n sa aking lalamunan kaso medyo napangiwi pa din ako dahil sa pait. Nasa isa kaming resort para sa party ng pagtatapos ng shooting. Tinatawag nila itong advance celebration dahil nga alam na nila na magiging success ang pelikula. Kahit ako naman ay naniniwala doon. Sa galing ba naman ng dalawang lead role. Gabi na kaya medyo malamig. Nakasuot lang ako ng loose na t-shirt at shirt. Nakapuyod ang aking kulot na buhok at may kaunting mga pancit kanton ang natira sa magkabilang gilid. Nagkakasiyahan kami sa pavilion at medyo nalalasing na din. "Oh tagay Gigi" binigay sa akin ng isa sa mga kasama namin sa set ang another glass ng alak. Akmang aabutin ko iyon nang agawin iyon ni Sir Sam. "Enough. She's young. Bawal uminom ng marami 'yan" mariin niyang sabi. Akmang iinumin niya iyon nang agawin ko din sa kaniya ang baso. Tumaas ang kilay niya. Ngumuso ako. "Nainom ako sa probinsiya namin. Mas malakas pa ako sa tatay ko hehe" "Iyon naman pala Sir Sam. 19 na 'yan. Pwede na isabak sa inuman" Tumalim ang titig niya. "19 is still a teen. Stop drinking" Ngunit hindi ako nakinig. Hindi ko rin alam kung dapat bang umakto siya ng gan'to sa maraming tao. Ininom ko pa rin 'yong alak kahit ang sama ng tingin niya. "By the way Gigi, I will have a vacation for two weeks. Gusto mo bang magbakasyon muna sa probinsiya niyo?" Tanong ni Ma'am Cheena. "Talaga po Ma'am? Papayagan niyo ako?" Sobrang tuwa ang naramdaman ko sa magandang balita na iyon. Miss na miss ko na ang pamilya ko at ito kasi ang unang pagkakataon na malayo ako sa kanila. "Ofcourse. You deserve that Gigi. Tommorow, I'll prepare your ticket okay? Libre ko na for doing a good job in assisting me" Hindi na ako tumanggi. Makakatipid ako kung ganoon. Magkakaroon ako ng budget para makabili ng pasalubong. "You're going home?" Singit ni Sir Sam sa usapan namin ni Ma'am Cheena. Tumingin siya sa akin at tinaas ang kilay. "Opo sir. Uuwi ako ng probinsiya. Pinayagan ako ni Ma'am Cheena" "Tiga saan ka ba?" "Iloilo po" "Ah...hanggang kailan?" "Two weeks Sam" singit naman ni Cheena. Tumango-tango siya. "Okay then. Ingat ka" "Salamat Sir Sam" Dahil masaya ako ay kinuha ko ang aking baso. Nagpasalin ako ng alak. Nararamdaman ko ang masamang titig sa akin ni Sir Sam. Nginusuan ko lang iyon at tumagay ng alak. Masaya ako kaya dapat uminom hehe. Ayaw ko din namang ma-left out sa kanila. Lumalalim ang gabi at paunti-unti din ang mga tao. Ang iba ay bagsak na at ang iba ay natulog na. Si Ma'am Cheena ay maaga na natulog dahil excited para bukas. Mukhang excited siya sa bakasyon niya. Ako naman ay nagsimula ng mag-linis. Nahihilo ako pero hindi ako gaanong tinamaan ng alak. Sanay naman ako dahil uso 'yan sa amin sa probinsiya. "Huwag mo na linisin 'yan Gigi. Magpahinga ka na rin" ani sa akin ni Stepson habang buhat si Direk. Gusto pa ng panibagong alak pero bagsak na. "Okay lang ako. Sige matulog na kayo. Goodnight" Nagpaalam na sila lahat na tutulog. 'Yong iba ay hila-hila na lang at sobrang lasing. Unti-unti naubos ang tao sa pavilion hanggang sa mag-isa na lang ako. Tinapon ko ang mga disposable utensil sa mesa. Pinispis ko ang mga buto at mga tira sa isang plastik. Tahimik akong naglilinis nang may biglang humalik sa aking pisngi. Napatig-ad ako sa gulat at lumingon sa lalaking humalik sa aking pisngi. Sinalubong ako ng isang napakapreskong lalaking kilala ko. Labas na naman ang dimple niya dahil sa pag-ngiti. Ngunit ang nagpakaba sa akin ay ang paghalik niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sir, anong ginagawa niy—" Muli niya akong hinalikan ngunit sa labi naman. Tinakpan ko ang bibig. "Sir!" Puna ko. Lumingon ako sa paligid nang bigla niya akong yakapin sa aking likod. Nanigas ako at nagtaasan ang balahibo. Nabitawan ko ang pinispisan ko sa gulat. "Finally, you're alone" bulong niya sa aking tainga. Namungay ang aking mata. Nararamdaman ko ang panghihina ng aking tuhod. "Anong ginagawa mo Sir? Huwag mo ito gawin sa labas—" Para akong isang papel na mabilis niyang naiharap. Isinandal niya ako sa lamesa bago muli akong hinalikan. Mahina ko siyang tinulak ngunit hinuli niya ang mga kamay ko at ipinulupot sa kaniyang leeg. Akmang hahalikan niya muli ako nang iiwas ko ang aking mukha. Muli niyang hinuli ang labi ko ngunit muli ko iyong iniwas. "Come on Gigi" sumalubong ang kilay niya. Tinakpan ko ang bibig at umiling. Hindi kami pwede dito sa labas kahit pa kami na lang dalawa. Bumuntong hininga siya bago lumayo at tahimik na tumulong sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag bago ako bumalik sa ginagawa. Siya ang tiga-kuha bukas ng itim na plastic bag at ako naman tiga tapon. Panay ang pagmamasid ko dahil nakabusangot ang mukha niya pero gwapo pa din. Napansin ko na sobrang fresh pa rin ng mukha niya habang ako ay nagmamantika na. Napansin ko din ang pamumula ng kaniyang pisngi at tainga. Mapula din ang kaniyang labi. Alam ko ay marami-rami rin ang nainom niya kanina. Sunod-sunod pa nga. "Hindi ka pa lasing Sir?" Tanong ko. "Dapat natutulog ka na" Tumigil siya sa pag-ayos ng basura at tumitig sa akin. "Wala pa katabi ko pagtulog. Naandito pa" Nag-init ang aking pisngi. "H-huh?" "You will sleep in my cabin" Umiling ako. "Kay Ma'am Cheena na lang ako" "Gigi" sumalubong ang kilay niya. "Lahat na lang sinasalungat mo. I told you not to drink, sige ka pa rin. I like to kiss you but you refuse. Now you are refusing to sleep in my cabin?" Umawang ang bibig ko at medyo kinabahan sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang naiinis sa akin. "Ano kasi..." Ibinaba niya ang plastic bag. Akmang ikukulong na naman niya ako sa bisig niya nang umatras ako. Mas lalong nandilim ang kaniyang paningin. "Fine" aniya bago bitawan ang plastic bag at iwan ako mag-isa doon. Hala! Paano na 'yan? Mukhang nagalit ko nga. Kinagat ko ang labi bago ko nilinis ang buong kalat. Mas mabilis ko iyong ginawa para makasunod ako. Pagkatapos ko matapon lahat at malinisan ang mahabang mesa ay isinilyo ko ng mabuti ang plastic bag tapos ay nagwalis lang saglit. Pagkatapos no'n ay naghugas ako ng kamay bago dali-daling nagtungo sa cabin ni Sir Sam. Nang tumapat na ako sa kaniyang pinto ay mahina akong kumatok. "Sir?" Mahina kong sambit. "Sir Sam?" Naka-ilang katok din ako ngunit walang nagbubukas kaya tingin ko ay natutulog na siya. Siguro bukas na lang ako mag-sorry. Bumuntong hininga ako. Akmang tatalikod na ako nang biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Muli akong humarap at sinalubong ako ng malamig niyang ekspresyon. "What are you doing here? Akala ko ba ayaw mo ako kasama matulog?" Tunog nagtatampo ang boses niya. Hala. Ang cute niya magtampo. May lihim na ngiti ang aking labi. "Ahmm pwede papasok muna?" Tumingin siya sa akin ng matagal at parang pinag-iisipan pa kung papasukin ako o hindi. Humakbang ako palapit. Sumunod lang ang tingin niya. Inabot ko ang laylayan ng damit niya. "Please?" Masuyo akong tumingin. Tumingin siya sa mga kamay kong hinihila ang damit niya. "Do you think I will be swayed like tha—" Hinila ko iyon ng malakas dahilan para mapayuko siya at mahalikan ko siya ng smack. "Please?" Bulong ko sa tainga niya. Narinig ko ang paghigit ng kaniyang paghinga bago niya ako hinawakan ang braso ko papasok sa kaniyang pinto. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay lumapat na ang labi sa akin ni Sir Sam. Wala na akong magagawa lalo na nang isandal niya ako sa pinto. Tanging bumuka lang ang aking bibig para tugunin ang halik niya. Tutal ginalit ko naman siya. Tumingkayad ako at sinukbit ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Ipinulupot naman niya ang kamay sa aking bewang. Madidiin ang kaniyang paghalik at may kasamang pagpaparusa. Kinakagat at sinisipsip niya nang madiin ang labi ko. "Hmm..." pumikit ang aking mga mata at tila nalalasing sa kaniyang labi. Papalit-palit kami ng anggulo ng mukha para lang mapaglapat ang labi namin ng mabuti. Hinihila ko siya pababa dahil nangangalay na akong tumingkayad. Napansin naman niya iyon kaya naman bigla niya akong binuhat. Kaagad ko namang ipinulupot ang aking mga binti sa kaniyang bewang at mas lalong nilapit sa akin. Sinasabunutan ko ang kaniyang buhok at bahagyang kinakalikot ng isa kong kamay ang kaniyang tainga. "Uhmm!" Mahina kong halinghing nang kagatin niya ang aking pang-ibabang labi. Umawang ang aking labi kaya matagumpay niyang naipasok ang dila sa aking bibig. Mahigpit ang naging kapit ko sa kaniya nang makaramdam ng kakaibang init sa bandang puson ko. Tinudyo ng kaniyang dila ang aking dila, inuudyok na sumabay sa kaniya. Kahit kinakabahan ay iginalaw ko rin ang aking dila at pinasok rin sa bibig niya. Parang nasa isang gera ang labi namin. At talagang nadadala ako doon. Doon ko nalasahan ang mapait na lasa ng alak ngunit mas nakadagdag lang iyon sa pagkalasing ko. Ramdam ko ang init at tensyon na nabubuo sa aming dalawa. Ramdam ko rin ang paglakit ng gitnang bahagi ko habang kumikiliti naman sa aking kaibuturan ang ang pagpisil niya sa aking pang-upo. "Sir.." mahina kong bulong nang humiwalay siya sa aking labi at nagsimulang lumakad patungo sa malapad na kama. Maingat niya akong inihiga at para akong nahipnotismong sumusunod na lang sa lahat ng gusto niya. "Sir Sam.." mahina kong sambit habang isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng kaniyang puting polo na suot. "You've been a bad girl Gigi" madilim ang kaniyang mga mata habang unti-unti kong nasisilayan ang kaniyang magandang hugis ng katawan. Kinagat ko ang labi habang nilalaro ng aking kamay ang kaniyang tainga. "Sorry na Sir Sam. Hindi na mauulit" "If you're really sorry, will you let me..." Lumunok ako nang tagumpay nitong naihubad ang kaniyang polo at tumambad sa akin ang napakaganda niyang katawan. Tumagal ang titig ko doon. Hinawakan naman ni Sir Sam ang aking kamay at dinausdos iyon pababa sa kaniyang dibdib. Para pa akong napaso kaya inilayo ko ang mga daliri sa kaniyang katawan ngunit mahigpit niya itong kinapitan at muling nilapat sa kaniya. Masiyadong...agresibo si Sir Sam. Masiyado akong nagugulat. Hindi naman kami ganito. Masiyado siyang mapilit ngayon pero gusto ko naman. Masarap eh. Tumatatak sa aking isipan ang bawat lubak ng kaniyang abs sa tiyan. Bahagya ko iyong binibilang habang dumadadaan ang mga daliri ko doon. Isa...dalawa...tatlo...apat...lima...anim...pito— Hindi ko na nabilang pa dahil dinala niya ang dalawa kong kamay itaas ng aking ulo at ipininid ang aking mga kamay sa kutsyon. Mariin aking pumikit nang unti-unting lumapit ang kaniyang mukha sa akin. May kaba sa aking puso habang nararamdaman ang labi niya sa aking leeg. May kung anong sensasyon ang lumulukob sa aking katawan sa ginagawa niya. "Sir...Sam..." mahina kong ungol habang nakatingala. Nararamdaman ko ang ngipin at mainit niyang labi na sumisipsip na parang bampira sa aking leeg. Gumagapang ang kaniyang dila paakyat ng aking tainga na sadyang nagbibigay ng kakaibang kuryente sa aking katawan. Ang bigat ng aking paghinga. Alam ko na kahit anong gawin ni Sir Sam ay susuko ako. Hindi ko alam kung paano ngunit masiyado siyang magaling. Sobrang nagpapaubaya ang aking sarili sa kaniya kahit hindi ko alam kung tama ba ito o hindi. "Sir..." kinagat ko ang labi nang madiin niyang sinipsip ang aking leeg bago unti-unting bumaba ang labi niya sa aking dibdib. Tanging paghahanda at mahigpit na pagkuyom ng aking kamao ang aking ginagawa hanggang sa hindi ko na maramdaman ang labi niya. Nakaramdam na lang ako bigla ng bigat sa aking katawan at nakarinig ng humihilik. Pagbukas ko ng mga mata, natutulog na si Sir Sam. Sabi na nga ba't may kakaiba akong nararamdaman sa pagiging agresibo niya at pagtatampo niya bigla. Humalakhak ako bago napailing. Ang...agresibo niya malasing. _____ "I'm sorry. I didn't mean to do it! I'm...just drunk" iyon ang salubong sa akin ni Sir Sam pagkagising niya. Pagkatapos niya bumagsak ay hindi ako natulog sa kaniyang kwarto. Naghatid lang ako ngayon ng mainit na tsaa para sa hangover niya. Nag-init ang aking pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. "Ahm....huwag na lang natin pag-usapan. Uminom ka muna tsa—" "Do you think I'm...kinda...forceful? Did it make you comfortable?" Hinawakan niya ang kamay ko. Kita ko sa mata niya ang kaba. Hindi ako nakapagsalita. Paano ko sasabihin na nagustuhan ko lahat ng iyon at paano ko rin sasabihin na kung tinuloy niya ay bibigay ako? Sa huli ay umiling ako. "Huwag kayong mag-alala sir, hindi ko na iyon iniisip tsaka ano...ganoon ka ba malasing?" Sumimsim siya ng tsaa bago tumango. "Kinda but it's not like I will kiss any girl when I'm drunk. Malakas lang ang loob ko and during that time...I can't control myself" umiwas siya ng tingin at kita pa rin sa kaniya ang pagsisisi. Tumango ako. Hindi na ako bata ag inosente para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Kaya pala ang kulit niya at bigla akong hinalikan sa outdoor. "Huwag mong kontrolin" sambit ko. Muling umangat ang tingin niya. "W-what?" "Sabi ko huwag mong kontrolin. Okay lang sa akin" Dahan-dahang umawang ang kaniyang bibig. "You're not joking?" Umiling ako. Hindi naman na ako bata. Minsan na nga ring muntikang mawala sa akin sa p********e ko kung hindi ako tumakas sa bar. Nagulat na lang ako nang bigla akong hawakan ni Sir Sam at higitin papuntang hita niya. Kaagad akong inatake ng kaba nang dumaan ang labi ni Sir Sam sa aking leeg. Para akong isang manika na nanigas nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na papasok ng aking damit at balak puntiryahin ang aking dibdib. "Nanginginig ka" bulong niya sa tainga ko. "Your body feels like a stone. Ang tigas" Napakapit ako sa kaniyang damit nang padaanan ng dila niya ang aking leeg. "I feel like you're not ready cutie" Lumayo siya bago ako pinagkatitigan. Nanatili ang mainit niyang palad sa aking tiyan at bahagyang naglalaro sa may bandang pusod ko. Hala! Hindi ko pa nalilinis 'yon. Baka mabaho! Hindi naman ako makagalaw lalo na nang kitilan niya ako ng halik. Madadarang na sana ako nang bigla muli siyang tumigil. Lumunok ako habang tinitingnan ang kaniyang mga mata. Sinapo ng kaniyang isang kamay ang aking pisngi at pinadaan ang kaniyang hinlalaki sa aking labi. "Even if you're ready Gigi, I'm not comfortable taking you because of the teen in your age. I'll need to wait until the 'teen' changed into 'ty'. Got it cutie?" Para akong nahipnotismo na tumango. "Okay po" "When is your birthday?" Kumurap ako ng ilang beses bago namumulang sumagot. "April 15 po Sir" "I'll wait" ngumiti siya bago pinisil ang aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD