CHAPTER 3

2143 Words
Isa akong tao na may mababang estado ng buhay. Pasasaan pa at gagawin ka talagang tanga at pagtitripan ka ng nakakataas sa'yo. Iniwan ko na si Sir Sam doon. Tutal nakapag-sorry naman na ako. Iyon lang naman ang importante sa akin ngayon. Pero ganunpaman ay nakaramdam ako ng dismaya kahit wala naman akong dapat maramdaman na gano'n. "Naranasan mo na bang pag-tripan Jona?" Tanong ko sa PA ni Sam habang nasa gilid kami at nanonood ng shooting. Ang mga bida na ulit ang nakasalang. Nakatayo kami habang nagpapaypay. Medyo mainit at katirikan ng araw pa naman. "Bakit? Anyare teh?" Napatingin ako kay sir Sam na nagbabasa ng script. Nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang at ang isang kamay sa hawak niyang script. Sa ganoong postura ay pwede na siyang kuhanan ng litrato. "Wala lang. May mga tao palang gano'n noh? Gagawin kang tanga para mapasaya sila?" "Ang lalim mo naman. Sino ba 'yan?" Napatigil ako sa pagpaypay nang biglang lumisan sa binabasa niya ang kaniyang mata at dumiretsyo papunta sa akin. Parang kung may kung anong matulis ang tumusok sa aking puso sa paraan ng kaniyang pagtingin kaya umiwas ako. Nagmukha pa nga iyong pa-irap sa sobrang bilis. "Wala naman Jona" sagot ko rito. ______ Kinabukasan ay maaga akong nagising para muli magtrabaho at ayusin ang kailangan ng aking amo para sa work niya. "Goodmorning!" Masayang sambit ni Ma'am Cheena. Hindi ko alam kung paano ngunit nakakahawa ang napakaganda niyang ngiti. Natural na namumula ang mga pisngi niya kapag ngumingiti. Ang ganda kasi ng aura niya. Kakatapos ko lang sa pag-aayos ng gamit na kailangan niya nang magising siya. Nakakamangha na ganito pa rin siya ka-energetic sa umaga. Hindi ko alam kung paano pero tuwing gabi ay nakikita ko siyang malungkot at nakatutok sa cellphone niya. Namamangha ako kung paano niya iyon tinatago. Hindi ko naman siya ma-comfort dahil pakiramdam na hindi ko dapat iyon pakielaman. "Bababa ka ba sa labas Ma'am Cheena?" Umiling ito. "No. I'm good with my cereal. Ikaw ba?" "Susulitin ko po 'yong libreng pagkain sa hotel" "Then go. How about your social media accounts? May mga problema ka pa ba?" Inutusan ako ni Sir Janus na maging active sa social media at doon na din niya ako cocontact-kin at hindi na daw kasi uso ang sms ngayon. May f*ceb*ok naman ako dati pero hindi ko na nabubuksan kasi ang hirap ng signal sa probinsiya namin. Kailangan pa naming umakyat sa mataas na lugar para magka-signal. Ginawa ako ni Ma'am Cheena ng tatlong account sa magkakaibang app. Gia Ocampo sa f***book Gigicutie sa I**tagram Gia_15 sa tw**ter Lahat si Ma'am Cheena ang gumawa at nag-isip ng pangalan ko. Siya rin ang kumuha ng litrato sa akin. Inayusan niya ako kaya naman pakiramdam ko ang ganda ko. Tanging lipstick at kaunting blush ang ginawa sa aking mukha. Pinaganda din ni Ma'am Cheena ang bilugan kong mata gamit ang eye liner niya at pangpilik mata. Hindi niya ako malagyan ng foundation dahil sa magkaiba kami ng shade. Sobrang puti ng shade niya at wala siyang pang-morena. Matino naman ako sa litrato. Nakapolo akong itim at pantalon na bigay sa akin ni Ma'am Cheena. Nakapuyod ang aking makapal na buhok. Nilagyan lang ng kaunting sobrang buhok sa magkabila kong side na mukha. Naka-peace sign ako sa larawan habang view ang magandang building ng hotel. Ang galing nga ni Ma'am Cheena kumuha eh. Napadami 'yong picture ko. "Nagagamay ko na Ma'am Cheena. Mamaya ay maglalakap ako ng friends hehe" Sila pa lang ni Sir Janus ang friends ko ih. Plano kong magtanong, tanong mamaya sa set ng mga name nila para mai-friend ko den. "Go lang" kumindat siya at nagsimula ng magtimpla ng cereal niya. Nagpaalam na ako sa kaniya pagkatapos. Tapos ko naman i-prepare ang lahat kay mag-aalmusal na ako. Sanay akong kumain ng mabigat tuwing umaga. Para sa akin kasi ay mas gaganahan akong magtrabaho kapag busog. Dahil nga sa araw-araw na shooting, nanunuluyan kami dito sa magandang hotel sa Cebu. Ang ganda din ng view. Ngayong natututo na ako sa magandang klase na phone na bigay sa akin para kumuha ng litrato. Gusto ko nga ma-try 'tong story. Tinuruan ako ni Ma'am Cheena kung paano iyon gawin. Kuhanan ko kaya itong hallway? Try ko lang. Binuksan ko ang camera ng aking phone at itinapat iyon sa hallway. Noong una ay nag-blurred pa pero nang pindutin ko ang focus ay may lumabas na gwapong sobrang fresh na fresh sa umaga. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt na itim at sweatshort na puti. Nakamedyas ito ngunit nakatsinelas. May hawak itong phone at wallet. Mula sa aking cellphone ay nakikita ko ang matiim niyang titig. Ngayon ko lang na-realize na magka-floor lang pala sila Ma'am Cheena at Sir Sam ng room! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala naman dapat akong ipag-alala. Kinalma ko ang sarili. Ibinaba ko ang phone bago nagkunwareng hindi ko siya nakikita kahit ilang pinto ng room lang naman ang layo niya sa akin. Kailangan ko siyang lampasan dahil malapit siya sa elevator para makababa ako. Naglakad ako ng mahinahon. Kunware ay hindi ko siya nakikita ngunit bago pa man ako makalampas ay tinawag na niya ako. "Gigi..." Pangmayamang panlalaki ang boses niya. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko. Parang nagiging sosiyal. Kunware ay nagulat ako at hindi ko siya napansin. "Ay! Andiyan pala kayo Sir S-sam" sumablay pa sa pagkautal sa dulo. "Hindi mo ako napansin?" Tumaas ang dalawa niyang kilay. Pansin na pansin! Amoy pa lang humahalimuyak na sa buong hallway. Sinong hindi makakapansin? Ang fresh kaya ng itsura niya. Parang walang duming nakadikit! "Ha? Hehe busy ako mag-isip Sir" "Saan naman?" "Pagkain" mabilis kong sagot. "Nagugutom na ako ih" "Good. Jona and I were having a breakfast. Sumabay ka na sa amin" Hindi na ako nakaimik pa dahil nagsimula na siyang maglakad at nang maramdaman niyang hindi ako gumagalaw ay muli siyang lumingon sa akin. "Gagalaw ka o bubuhatin kita?" Natataranta akong naglakad muli. Narinig ko ang kaniyang pagtawa habang ako naman ay windang sa sinabi niya. Binantaan niya ba ako? Pero ayan na naman siya! Pinagtatawanan niya ako. Sabay kaming pumasok sa elevator. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Panay lang ang amoy ko sa mabango niyang amoy. Tahimik lang ako at hindi tumitingin sa kahit anong direksyon. Tanging nakatingin lang ako sa gilid habang bumababa ang elevator. "About yesterday..." Napapitlag ako nang magsalita ulit si Sir Sam. Napaangat ang tingin ko sa kaniya kaya nagtama ang paningin namin. "'Yong...?" "Doon sa tingin mo na pinagtatawan kita. It's not really that way" Humaba ang nguso ko. Umusli ang ngiti sa kaniyang labi. Parehas kaming nasa pinakagilid ng elevator. Para kaming may allergy sa isa't isa. "Pwede niyo naman kasing sabihin sa akin na artista kayo. Napahiya pa ako..." matitinis kong sambit. Hindi ko sinasadyang maging matinis. Sadyang nahihiya ako sa harap niya. "Sorry. It just...that...I find it cute" "Po?" Nag-init ang aking pisngi. "You are naturally cute. Whatever you do, it...amuse me" Buti na lang at nagbukas na ang elevator. Kung hindi parang mababaliw na ako dito sa loob dahil sa mga sinasabi niya. Maaaring isa akong probinsiyana ngunit nakapagtapos ako ng Senior High School. Batid ko ang mga sinasabi niya. Hindi ko lang alam ang mararamdaman. Nilalandi ba ako ni sir? Pero masiyadong assumera ako kung isipin ko 'yon. Hindi na ako makatanggi sa pagyaya sa akin ni Sir Sam sa almusal. Buti na lang at naandon si Jona kaya naman hindi ako naiilang kahit papaano. "Magbestfriend na kayo?" Tanong ni Sir Sam sa amin. Hindi ako makakain ng ayos. Nararamdaman ko kasi ang mga tingin sa akin ni Sir Sam. Ayaw ko lang siya tingnan. "Yes sir!" Magiliw na saad ni Jona sa kaniyang amo. "Nag-click kami. Parehas ka naming crush ih" Nabulunan ako bigla. May sumangat na kanin sa aking ilong at naubo ko lahat ng laman ng aking bibig. Ibig sabihin lang no'n ay nagkalat ako sa mismong mesa namin! Napatayo si Sir Sam, ganoon din si Jona. "Ay ano ba 'yan Gigi. Ang balauga!" Umubo ako ng maraming beses at naluluha na rin ang aking mata. Buti naman bago ako malagutan ng hininga ay inabutan na ako ni Sir Sam ng tubig. Kaagad ko iyong ininom at mabilis na gumanda ang daluyan ng aking paghinga. "Nakakagulat ka naman Gigi" Tumama ang mata ko kay Jona na nagtatanggal ng ilang butil ng kanin at ulam na natapon sa kaniya. Pinunasan ko naman ang labi ko. "Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo!" "Bakit totoo naman? Crush naman natin si Sir Sam. Huwag ng pakipot. Crush lang naman ih. Isa lang tayo sa maraming nagkakacrush sa kaniya. Wala lang 'yon kay Sir Sam haha" Gusto ko ifilter ang bibig ni Jona pero wala na akong nasabi. Bumaling na lang ako kay Sir Sam na may butil pa ng kanin at hotdog sa may gilid ng labi niya. Patay! Ayan ba 'yong nabuga ko? Lalapit na sana ako para tanggalin nang abutin iyon ng kaniyang dila habang nakatingin sa akin. Napatulala ako sa kaniyang ginawa. Kinain niya...'yong naibuga ko. "Tingnan mo. Natutulala ka pa" bulong sa akin ni Jona at hinampas ako. Buti na lamang ay wala na akong kinakain. Napainom ulit tuloy ako ng tubig. Nang tumingin ulit ako kay Sir Sam, nakangisi na siya at mahinang tumatawa. Namula ang pisngi ko. Nakakahiyaaa! Dahil nadumihan ko na 'yong mga kinakain namin ay nawalan na kami ng gana. Tsaka oras na rin para maghanda para sa shooting ngayon. ______ Pagdating sa shooting location ay naghanda na kaagad kami. Pagkatapos ko maasikaso si Ma'am Cheena naghanap na ako ng pwedeng i-friend. Nagpaalam ako kya Ma'am Cheena bago nagtanong-tanong. "Hi ate Rowena! Anong social media accounts niyo? Friends tayo. Kababagong gawa lang eh!" "Ay sige. Search mo Rowena..." Halos lahat ng medyo nakakausap ko ay kinuha ko ang social media account. "Bakit? Stalk mo lang ako ih" saad ni Kuya Bert na isa sa mga camera man. Baguhan lang siya kaya siya ang pinakabatang camera man. I think 25 years old siya. "Hoy huwag kang feeling Bert. Hindi ka gwapo" singit naman ni Kuya Nando na kinuha ko din ang social media accounts. "Panira ka naman pre! Minsan na lang maging feeling ih!" Kinuha niya ang aking cellphone at ni-type ang name niya doon. "Pero ate, single ka ba?" Pahabol pa ni Kuya Bert. Tumango ako. "Opo kuya" "Chatmate tayo gusto mo?" Kumindat pa siya habang binabalik ang phone sa akin. Napangiwi ako at hindi nakapagsalita. Parang ayaw ko na siya i-friend. "Tingnan mo, nandiri si Gigi! Tumahimik ka na pre hahaha!" Nabatukan pa nga ni Kuya Nando. Nagpasalamat pa rin ako pagkatapos. Halos lahat naman nakuha ko na ang name ng account kaya okay na ako. "Anong nangyare Sam? Focus!" Napatingin ako sa nangyayari sa set. Magkasalubong ang kilay ni Sam habang umiigting ang panga. "Sorry direk" "Huwag masiyadong galit ang ekspresyon. Sweet 'yong scene!" "I know. Sorry. Let's take it again" Aba...mukhang wala sa mood si Sir Sam ah. Sumikdo ang puso ko nang tumama ang iritable niyang mata sa akin. May ginawa ba ako? Medyo late natapos ang shoot pero naging okay naman ang lahat. Ayaw na mag-dinner ni Ma'am Cheena samantalang pinag-take out na lang niya ako ng pagkain. Dahil medyo pagod din ay mabilis lang ako naligo at kumain. Nagpalit ako ng simpleng maluwag na t-shirt at short bago sumampa sa aking kama. Para magpatunaw ng kinakain ay nag-browse muna ako sa cellphone ko. Marami akong notification na lumabas pagka-on ko ng wifi. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nabasa. Sam Cuevas is sending you a friend request. Napatitig lang ako doon ng ilang segundo. Hindi ko naman kinuha ang pangalan niya ah? Tsaka marami namang dummy account ang mga artista. Tingin ko hindi siya 'to. Pero nang buksan ko ang profile ay kinabahan ako sa nasilayan. Ang daming followers. Lumunok ako. Tiningnan ko ang Ig ko. Samuel is following you. May blue check sa gilid na senyales na....legit 'yong account na sa artista iyon. Hindi ako nakahinga saglit. May notification ako sa message kaya binuksan ko iyon. Naka-highlight ang pangalan ni Sir Sam. 3 message. Tumingin ako sa paligid. Busy si Ma'am Cheena sa skin care niya ngunit kinakabahan pa rin ako na may makakita. Pakiramdam ko parang kasalanan 'to! Kagat ko ang labi bago ko iyon pinindot at binuksan. Samuel: Hi. This is Samuel Leon Cuevas. Kinuha ko ang account mo kay Jona. It seems like ayaw mo kunin ang social media accounts ko so I'll do the first move. Samuel: Earlier sa breakfast, sabi ni Jona crush mo daw ako. Nag-init ang pisngi ko. Pahamak ka Jona. Masama bang mapogian huhu. Nakakahiya pa rin kung iisipin mo. Pero halos mawala ako sa ulirat nang makita ko ang sumunod na message. Samuel: I'm just sending you this to inform you that I crush you back, Gigi :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD