“What the hell are you saying?” Natigagal si Ella sa naging reaksyon ni Gio. Napalunok siya at muling itinapat dito ang kwintas. “Sa akin ang kwintas na 'to, n-nag-iisa lang 'to sa buong mundo. Ikaw yung nag-alaga sa 'kin nung may sakit ako. Sigurado ako ro'n! K-kaya pala sobrang lapit ng puso ko sa 'yo, kaya pala ganito ang nararamdaman ko... Pamilyar,” naluluhang sabi niya saka himawakan ang kamay ni Gio. Natigilan siya nang hablutin ni Gio ang kwintas mula sa kanya. “Sa dati kong aso ang kwintas na 'to. Saka sigurado ka ba na nag-iisa lang 'to sa buong mundo? Lasing ka na, unuwi ka na.” Napatulala siya nang pumasok na si Gio sa kotse nito. Napakagat siya sa ibabang labi niya saka huminga ng malalim. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinarang niya ang sasakyan ni