“Saan mo ako dadalhin?” Hindi siya sinagot ni Gio at tuloy lang ito sa pagmamaneho. Napatingin siya sa mga kamay nito na nakahawak sa manibela, halos maglabasan ang mga ugat ng mga bisig nito sa higpit ng pagkakahawak nito sa manibela. Mukhang galit pa rin ito sa dahilang hindi niya alam. Napabuntong hininga na lang siya at ibinaling ang tingin niya sa bintana. Sa totoo lang ay kinakabahan siya, kinakabahan siya sa iniisip ngayon nina Kalliah, pero mas lalo siyang kinakabahan dahil kay Carter. Alam niya namang mabait ito, pero sa tingin niya ay hindi naman ganoong kabait si Carter upang palagpasin na lang ang pagpapahila niya kay Gio. Nahihiya siya nang sobra rito, puro kabutihan lang ang ginawa sa kanya ni Carter, pero ito pa ang iginanti niya. Wala na yata siyang mukha pa na ihaharap