Chapter 2

2742 Words
“Ano ngayon ang gagawin ko sa ‘yo?” tila wala sa sariling tanong ni Gio habang nakatingin sa taong asal aso na dinala niya sa bahay niya. Hindi madali ang pinagdaanan niya bago ito nai-uwi. Hindi naman talaga niya balak na dalhin ito sa bahay niya pero nag-alala siya na baka makagulo ito sa party ni Alliah. Buti na lang at abala ang lahat kaya walang masiyadong nakapansin sa kaniya kanina. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili, maaari niya naman itong dalhin sa mental institution o sa kung saan man ngunit mas pinili niya na dalhin ito sa bahay niya. Napangiwi siya nang patuloy ito sa pakikipagtahulan kay Zedkinah, mukhang hindi sila magkasundo ng aso niya. Sa totoo lang ay kanina pa siya naririndi sa dalawang ito na walang tigil sa pagtahol. “Hey.” nag-aalangang lumapit siya sa taong iyon upang pakalmahin, baka mapaos ito kakatahol. Nahirapan talaga siya kanina sa pagpapakalma sa kaniya. Halos puro kagat na ang braso niya habang bitbit niya ito palabas ng hardin na ‘yon, buti na lamang at wala itong pangil ng katulad sa aso at nakasuot siya ng coat kaya hindi niya masyadong ramdam ang mga kagat nito. Hanggang ngayon ay napapaisip siya kung bakit saan-saan na lamang sumusulpot ang taong ito. “Don’t be scared, I won’t hurt you.” malumanay at puno ng pag-iingat na sambit niya. Tila kumalma naman ito at tumigil na sa pagtahol ngunit masama pa rin ang tingin nito kay Zedkinah. Napakadungis nito, punit-punit din ang damit nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng awa para dito, mukhang hindi biro ang pinagdaanan niya. “Come here, papaliguan kita.” kinuha niya ito at binuhat. Magaan lang ito, kaya rin hindi siya nahirapan sa pagbuhat dito kanina. Sadyang nangangagat lang talaga ito. Nagpasalamat siya nang hindi ito nangagat ngayon, mukhang kalmado na ito. Dinala niya ito sa banyo upang paliguan, hindi na maganda ang amoy nito. Dahan-dahan niya itong inilagay sa bath tub. Hinubad niya ang coat niya at isinabit ‘yon sa may sabitan. Napakamot siya sa kilay niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano ito sisimulang paliguan. Oo nga't nagpapaligo siya ng aso, pero hindi niya pa naranasan ang magpaligo ng ibang tao. Kahit pa natahol ito at tila aso ang pag-iisip, isa pa rin itong tao. Sa katunayan nga ay hanggang ngayon, hindi niya alam kung babae ba ito o lalaki. “You can do this Gio.” sambit niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at lumapit dito. Sinubukan niyang tanggalin ang damit nito pero tinahulan siya nito at kinagat sa braso. “Shh, hindi kita sasaktan. Promise.” sabi niya dito kahit hindi naman siya nito naiintindihan. Mukhang epektibo ito dahil kumalma na ito kahit kaunti, pero masama pa rin ang tingin sa kaniya nito na tila ba mayroon siyang gagawing masama. Napabuntong hininga si Gio, mukhang biktima nga ang isang ‘to ng matinding pang-aabuso. Sinimulan niyang tanggalin ang damit nito na pahirapan pa dahil parang hindi pa ito nagtitiwala ng husto sa kaniya. “Damn!” napatayo siya nang tuluyan na itong natanggalan ng damit. “You’re a girl.” napasabunot si Gio sa sariling buhok. Ano bang gulo itong pinasok niya? Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Hindi siya ang tipo ng tao na nananamantala ng kahinaan ng babae. Pumikit siya ng mariin saka hinilot ang sentido, iisipin na lamang niya na totoo itong aso. Kumuha siya ng gunting saka ginupitan ang buhok nito hanggang balikat. Talagang nahirapan siya dahil abot hanggang talampakan ang buhok nito. Buti na lang at mukhang kalmado na ito at hinahayaan lang siya. Binuksan niya ang gripo sa bath tub, agad itong tumahol nang dumampi ang balat nito sa tubig. Agad niyang hinaplos ang pisngi nito upang pakalmahin. “It’s fine, tubig lang ‘to.” Kumuha siya ng liquid soap at pinabula ang tubig sa bath tub, para na rin hindi niya makita ang katawan nito. Hindi naman sa pinagnanasahan niya ito, sadyang hindi lang siya komportable dahil babae pa rin ito. Kinuha niya ang body sponge at marahang kinuskos ang mukha ng babae. Natigilan siya nang may mapansin siyang makinang na bagay sa bandang dibdib nito. Hinawakan niya iyon at tiningnan, isang kwintas na may nakaukit na pangalan. Katkat. “Katkat pala ang pangalan mo.” mahinang sambit niya. Muli niyang ibinaling ang tingin kay Katkat at nilinis ang mukha nito. “What the hell?” nasambit niya nang malinis na ang mukha ni Katkat. Napakaganda nito, hugis puso ang mukha, matangos ang may kaliitan na ilong nito, medyo makapal ang kilay nito ngunit hindi naman pangit tingnan, may kalakihan ang mapupungay at itim na itim na mga mata nito at ang pinakamaganda sa mukha nito ay ang manipis at may kaputlaang mga labi. Natigilan si Gio nang mapansin na inosenteng nakatingin lang sa kaniya si Katkat. Napatikhim siya at agad na iniwas ang tingin dito. Sanay naman siyang makakita ng magagandang babae kaya hindi na dapat siya naaapektuhan pa sa hitsura nito. “Ilang taon ka na kaya? Are you a minor? Sa tingin ko 18 ka pa lang o baka mas bata pa.” kinakausap niya ito kahit alam niyang hindi naman siya nito naiintindihan. Sa totoo lang gusto niyang malaman kung ilang taon na ito, ang liit na babae kasi nito at mukhang menor de edad lang. Sinimulan na niyang linisan ito. Paulit-ulit niyang tinatatak sa isip niya na aso ito pero hindi niya magawa lalo na't napakaganda nito. “Bakit ko ba ‘to ginagawa?” he’s now shaving her private part. Oo nga't may karanasan na siya sa pakikipagtalik ngunit ito ang unang beses na ginawa niya ito. Pagkatapos ng mahirap na sandaling ‘yon, kinuha niya ang extra toothbrush niya sa sink at sinimulang sepilyuhan si Katkat. Medyo nahirapan siya dahil maya't maya nitong kinakagat ang toothbrush. Nang tuluyan niya ng nalinisan si Katkat, binalot niya ito ng tuwalya at agad na binuhat saka dinala sa silid niya. Kumuha siya ng isang T-shirt at cycling shorts dahil wala naman siyang underwear ng babae. Maluwag kay Katkat ang cycling shorts dahil maliit ang baywang nito, ibinuhol niya na lang ang gilid nito upang hindi malaglag. Bukas ay mamimili siya ng mga damit nito at underwear. Kumuha siya ng suklay at sinimulang suklayan ang buhok ni Katkat. Hindi na ito natahol kahit halata na medyo nasasaktan ito sa pagkakasuklay niya. Mukhang inaantok na ito. “Sleep.” sabi niya na parang nagpapatulog ng aso. Inayos niya ang pwesto ni Katkat sa kama. Hindi siya tatabi sa dalaga, sa couch siya matutulog. Napabuntong hininga si Gio nang dumapa ito na parang aso. Muli niyang inayos ang pagkakahiga nito, mahihirapan itong huminga sa ganoong puwesto. Natigilan siya nang mapansing mabigat na ang paghinga ni Katkat, nakatulog na agad ito. Itinuwid niya ang nakabaluktot na hita ng dalaga at ini-ayos ng higa nito. Napadako ang tingin niya sa tuhod at binti nito na puro sugat. Tiningnan niya rin ang mga kamay nito, puro may galos at sugat ang iba't ibang parte ng katawan nito. Tumayo siya at kinuha anf first aid kit sa cabinet niya. Umupo siya sa tabi ni Katkat na mahimbing na natutulog at sinimulang gamutin ang mga sugat nito. Ang dami niyang gustong malaman tungkol kay Katkat ngunit alam niyang hindi ‘yon basta masasagot lahat. Nagtungo siya sa study table niya pagkatapos niyang linisin ang mga sugat ni Katkat. Binuksan niya ang phone niya at agad na bumungad sa kaniya ang missed calls at text messages na galing sa mga kaibigan niya. Malamang nagtaka ang mga iyon kung bakit bigla na lamang siyang nawala sa party. Hindi na lamang niya pinansin ‘yon. Napatingin siya kay Katkat na nakabaluktot na naman habang natutulog. Mukhang feral person si Katkat, nakita niya sa internet ang tungkol sa mga bata na lumaki kasama ng hayop na hindi na natuto ng mga kilos ng isang tao. Lalong umusbong ang kuryosidad niya na malaman ang nangyari sa kaawa-awang dalaga. Hindi niya lubusang maisip kung paano nakaligtas ang dalaga sa ganoong sitwasyon. Sana lang talaga ay may pag-asa pa itong maging normal na tao. *** NAGISING si Gio nang marinig ang malakas na tahol ni Zedkinah. Napabuntong hininga siya at napadaing nang makaramdam ng p*******t ng likod. Nahirapan siya sa pagtulog sa couch, masyado itong maliit para sa kaniya. “Katkat…” nagulat siya nang makita ito na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakadapa ito na tila isang aso at mukhang ipinagsiksikan talaga nito ang sarili sa tabi niya. Napakamot siya sa kilay niya, bumangon siya saka binuhat si Katkat at pinahiga sa kama. Napailing na lang siya, kaya nga siya natulog sa couch para hindi ito makatabi. Kahit na asal aso si Katkat, babae pa rin siya. Napatingin siya sa inosenteng mukha ng babae saka marahang hinaplos ang pisngi nito. Sigurado siya na kapag nagising ito, mangangagat na naman ito. Napailing na lang siya at agad na bumangon para maligo. Nagtungo siya sa kusina pagkatapos niyang maligo para magluto ng almusal. Buti na lang talaga at dalawang buwan siyang walang pasok sa law school, pero kailangan niya pa ring mag-aral sa bahay. Yung accounting firm naman ay ibibilin niya muna kay Nestlyn habang nasa bahay niya si Katkat. “Arf! Art!” Inilapag na niya ang nilutong almusal sa mesa. Napangiti siya nang makita si Katkat na mukhang kakagising lang, nakikipagtahulan na agad ito kay Zedkinah. “Katkat.” nilapitan niya ito at binuhat habang nakikipag-away pa rin kay Zedkinah. Pina-upo niya ito sa upuan katabi niya ngunit umupo ito na parang aso. Napakamot si Gio sa batok niya at sinubukang ayusin ang mga paa ni Katkat ngunit muli nitong binaluktot ang mga binti't hita nito. Napakibit balikat na lang si Gio at inilagay ang plato sa tapat ni Katkat. Kakain na sana siya ngunit natigilan siya nang makita kung paano kumain si Katkat. Napailing siya, bakit niya nakalimutan na tila isang aso rin kumain ito? Kalat kalat na ang mesa habang nakasubsob ang mukha ni Katkat sa plato. Agad na kinuha ni Gio ang plato mula sa kaniya. Agad naman itong tumahol na tila galit dahil sa pang-aagaw nito sa pagkain niya. Kinuha ni Gio ang kutsara na may kanin at itinapat ito sa bibig ni Katkat. Nakatingin lang ito sa kutsara na tila hindi alam kung ano ang gagawin. Kinuha ni Gio ang sariling kutsara na may laman din na kanin. “Ganito, ahh!” ipinakita niya kay Katkat kung paano kumain gamit ang kutsara. Kinuha niyang muli ang kutsara ni Katkat at itinapat iyon sa bibig nito. “Ikaw naman, ahh…” saglit na tumingin ito sa kutsara na tila ina-analisa kung ano ang gagawin. Napangiti si Gio nang sinubo na nito ang kutsara. Natawa naman siya ng tuluyan nang pati kutsara ay kinakagat-kagat na nito. Mukhang mas mahirap turuan si Katkat kaysa kay Zedkinah. Napailing na lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ni Katkat. Tumayo siya saglit at iniwan si Katkat na abala sa pagkain. Kinuha niya ang phone niya saka tinawagan ang dating kasambahay na si Aling Myrna. “Aling Myrna, may bagong amo ka na po ba?” magalang na tanong niya sa ginang. Malaki ang paggalang niya dito dahil ito ang nagbabantay sa kaniya dati kapag busy sa trabaho ang mga magulang niya. Dagdag pa na napakabait nito. “Wala, bakit hijo?” tanong ng ginang. “Puwede po kayong manilbihan sa ‘kin ulit?” tanong niya. Hindi naman puwede na siya lagi ang nagpapaligo kay Katkat, sa totoo lang ay hindi siya komportable. Hindi madali ang pinagdaanan niya kagabi habang pinapaliguan ito. Bukod sa magandang babae si Katkat, maganda rin ang hubog ng katawan nito kahit puro galos at sugat. “Aba’y oo naman, ikaw pa ba?” agad siyang natuwa sa sinabi ng ginang. Si Aling Myrna lang ang mapagkakatiwalaan niya tungkol kay Katkat. Napadako ang tingin niya kay Katkat pagkatapos ng pag-uusap nila ni Aling Myrna. Abala ito sa pagkain habang tinatahulan siya ni Zedkinah. Napailing na lang siya nang makita ang kutsara nito sa sahig, nakasubsob na naman ang mukha nito sa plato. Napaisip siya, nagkaka-intindihan kaya si Katkat at Zedkinah? Kung magtahulan kasi ang dalawa ay parang naiintindihan nila ang isa't isa. Hindi niya talaga maiwasan na makaramdam ng awa sa dalaga. May pamilya pa kaya ito? Kung mayroon man nasaan kaya sila? Bakit napabayaan ng ganito si Katkat? Ano ang mga pinagdaanan nito? *** “Bakit ba ayaw mo kaming papuntahin diyan?” iritadong tanong ni Nestlyn sa kabilang linya. Napakamot na lang si Gio sa kilay niya habang nag-iisip ng idadahilan. “I’m busy, hindi ko na nga maasikaso ang accounting firm diba?” napatingin siya kay Katkat na abala sa paglalaro ng maliit na bola sa sahig. Napangiti siya habang pinapanood ito, mukha lang itong bata na naglalaro. “Saan ka ba busy?” pangungulit pa ng kaibigan. Sa lahat talaga ng mga kaibigan niya, si Nestlyn ang pinakamakulit. “You know I’m studying law, I don’t want anyone distracting me right now.” sana lang talaga ay tumigil na sa pangungulit ang kaibigan. Tuturuan niya pa kasi na tumayo si Katkat at kumuha ng mga bagay gamit ang kamay nito at hindi bibig. “Siguro may ginagawa kang kalokohan.” napairap na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Napakamausisa talaga ni Nestlyn, hindi siya makapagsinungaling dito dahil daig pa nito ang abogado sa pag-uusisa. “Wala, sige na may gagawin pa ‘ko.” Pagpapaalam niya sa kaibigan. Natigilan siya nang biglang tumahol si Katkat. “Ano ‘yon? May bago kang aso? Hindi gano’n ang tahol ni Zedkinah eh.” pang-uusisa pa ni Nestlyn. “O-oo, bumili ako ng bagong aso kahapon para hindi na mag-isa si Zedkinah.” pagdadahilan niya. Napapikit siya ng mariin nang muli na namang tumahol si Katkat, mas malakas na kaysa kanina. Sana lang talaga ay hindi mapansin ng kaibigan na kakaiba ang tahol na nanggagaling kay Katkat. “Bakit gano’n? Parang iba yung tunog ng tahol---” agad niyang pinutol ang sasabihin ng kaibigan. “Bye na, marami pa ‘kong gagawin.” sabi niya saka agad na binaba ang tawag. Tiningnan niya ng masama si Katkat, papagalitan niya sana ito pero natigilan siya sa inosenteng tingin nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at umupo sa couch. “Come here Katkat.” lumapit sa kaniya si Katkat. Naaawa talaga siya sa dalaga kapag nakikita ito na tila aso kung maglakad. “Sit.” sabi niya saka tinapik ang puwesto sa tabi niya. Umupo naman si Katkat doon. “Kapag naupo ka, dapat ganito.” inayos niya ang mga hita ni Katkat upang pa-upuin ito ng ayos. Napabuntong hininga siya nang makitang nahihirapan itong ituwid ang mga hita, medyo napapadaing ito na tila nasasaktan. Kahit pag-upo ng nornal na tao ay hindi nito kaya. Marahan niyang hinaplos ang mukha ng dalaga. “You can do it Katkat.” dahan-dahan niyang itinuwid ang nakatiklop nitong mga hita pero talagang nahihirapan ito. “Okay, we’ll take everything slow.” hinawakan niya ang kamay ni Katkat at sinubukang ibuka ang kamay nito na laging nakatiklop pero nahihirapan din ito. “Try holding this ball.” muli niyang ibinuka ng dahan-dahan ang kanang kamay nito at saka inilagay ang bola sa kamay ni Katkat. Napangiti siya nang hawak na nito ng tuluyan ang maliit na bola. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa bola, hindi pa talaga nito kayang ibuka ang mga kamay. “Very good Katkat.” marahan niyang kinuha ang bola mula sa kamay nito. Hinilot niya muna ang mga kamay ng dalaga. Hindi niya bibiglain ito, hindi madali ang lahat para kay Katkat. Sa totoo lang, simula noong dalhin niya si Katkat sa bahay niya, hindi niya na masyadong naaalala problema niya kay Alliah. Oo nga’t masakit pa rin sa damdamin niya ang nangyari pero kahit papaano ay nalilimutan niya iyon. “Arf! Arf! Arf!” natigilan siya nang tumahol si Katkat. Mukhang mag-aaway na naman sila ni Zedkinah. “Kaya pala ayaw mo magpapunta.” natigilan siya nang marinig ang boses ni Nestlyn. Nakatayo ito ngayon sa tapat ng pinto habang nakatingin ng masama sa kaniya. Napamura na lang siya sa isip niya. Bakit nakalimutan niyang palitan ang PIN code ng pad niya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD