Chapter 8: Part 1

2926 Words
Kasalukuyang nakaupo sa pinong buhangin si Charmaine habang naglalaro ang mga paa sa tubig ng dagat at nakatingin lamang sa malawak na kawalan. Makikita na ang hati ng liwang at dilim dahil sa araw na papalubog. Napakaganda niyang tingnan mula sa likod habang suot lamang ang isang kulay asul na panloob at ang kanyang maputing kutis. "Hey..." kinuha ko ang atensyon niya, dala ko ang dalawang bote ng beer. Iniabot ko sa kanya ang isa. Hindi naman siya nag-atubili na kunin 'yon. "Senti ka dyan, ah..." sambit ko. Ngumiti siya nang matipid, batid ko na kalmado na siya sa pagkakataong iyon. "Puwedeng makiupo?" tanong ko. "May bayad..." sabi niya sabay ngisi. Umupo na lang ako at ipinatong din ang aking paa sa buhangin kung saan naaabot iyon ng alon. Tinaas ko naman ang aking bote at inilapit sa kanya. Tinaas din niya ang kanya at idinikit sa hawak ko sabay lagok ng malamig na beer. "Wow...ice cold," sabi niya. "Oo. Yelo pa nga yung ilalim eh. Kita mo?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang ilalim ng bote ko. Natawa na lang siya at binangga ang aking balikat. "Naalala ko nung nasa Australia ako...yung iba sa kanila hindi nilalagyan ng yelo ang beer," wika niya. Tumingin lang ako sa kawalan habang nakikinig sa kanya. "Mga bisita ni mommy, mga Australiano. Kumuha ako ng baso, nilagyan ng beer tapos nilagyan ng yelo. Sabi nung isa, 'No no no! You should not put ice in your beer, you will spoil the taste.' Sabi ko naman, 'but in the Philippines we serve this with ice.' Tawa sila nang tawa, para akong alien..." pagpapatuloy ng kanyang kuwento. "Talaga? Hindi sila naglalagay ng yelo? Pero kahit naman kasi ako...hindi ako naglalagay ng yelo sa beer. Mas okay na ibabad na lang sa yelo yung beer o gawing yelo, importante nga naman kasi yung lasa," sabi ko sabay tingin sa kanya. "Depende naman siguro 'yon...kung paano mo nae-enjoy," sagot niya. "Eh ikaw nag-eenjoy ka ba?" tanong ko. Tumango lang siya at muling lumagok ng beer. "Uuwi si mommy...birthday niya kasi next next week," sabi niya. "Uhmm. Sige pupunta ako," sabi ko. "Hindi 'wag na," sagot naman niya. "Eh...sige 'wag na." "Joke lang, punta ka, ha? Pero hindi pa namin alam kung saan ang celebration. Baka nga kasama yung step dad ko," may halong inis ang tono niyang iyon. "Step dad? Baka 'yan yung dahilan kaya ayaw mong pumunta ng Australia at tumira na lang do'n." "Tama ka. He's one of the biggest reasons," wika niya sabay lagok muli ng beer. "Buhay pa ang totoo mong papa?" "Wala na, matagal na siyang wala. Grade 6 siguro ako no'ng namatay siya? Ewan ko ba, hindi ko na maalala. Ang sigurado lang ako eh pagkatapos niyang ilibing, saka naman lumayas itong si mama. Iniwan ako sa lolo at lola. After a year, may bago na siya. Australian gigolo na parang gago," kuwento niya. "Galit ka rin sa mama mo?" "Galit ako sa lahat...kung puwede lang na hindi ko na siya kilalanin bilang ina, ginawa ko na," kuwento niya. Hindi na ako nakapagsalita. Sumandal lang ako sa balikat niya, senyales na kung ano man ang nararamdaman niya...naroon ako. Nakaalalay at nakikinig. "Eehh...pano 'yan. Birthday ng mama mo?" binasag ko ang katahimikan. "She's still my mom, wala namang magbabago doon. Nagpatawad din naman ako, pero hindi siya...yung nagawa niya lang," sagot niya. "Curious lang ako. Paano namatay ang papa mo?" "Kunsumisyon...atake sa puso. Kung gusto niyang hiwalayan si papa noon sana ginawa niya na lang, eh, ginawa niya binigyan pa niya ng sakit ng ulo..." sagot niya. Bahagya akong napangiti habang nakatingin sa kawalan. "Bakit ka tumatawa?" "Wala, may naalala lang ako. Noong kumain tayo ng bulalo sa Tagaytay, kakakilala lang natin noon tapos pauwi tayo ng Maynila. Sabi mo 'you remind me of my dad.' Bakit?" tanong ko. "Wala..." wika niya habang napapangiti. "Ang lakas mo kasing kumain, pero hindi ka tumataba." "Akala ko ba hindi mo na masyadong maalala?" tanong ko ulit. "No...pero maalaga kasi siya," sagot niyang muli. "Parang ako?" Tumango lang siya at ngumiti. Natawa na lang din ako at muling nilagok ang gintong likido mula sa aking bote. "Bumabalik ka na..." bulong niya. "Ha?" "Kako bumabalik ka na...yung Ian na bolero ayan na," wika niya habang natatawa. "Akala mo kasi lagi akong nagbibiro, ewan ko ba sa 'yo. Ang hilig mong mang-asar," sambit ko. Lumagok ako ng kaunting beer at pagkatapos ay ibinuhos sa kanyang likod ang natitira. "OH MY GOOOD!" sigaw niya habang napapakibit balikat dahil sa lamig. Ako naman ay napatayo at tumakbo palayo. "Hoy bumalik ka dito ang lamig no'n!" sigaw niyang muli. Halos isaboy niya sa akin ang natitira ding laman ng bote na kanyang hawak at nakipaghabulan sa akin. Tinapon ko na lang ang hawak kong bote sa buhangin at lumusong sa dagat. Ganoon din ang kanyang ginawa, hinabol niya ako hanggang sa halos sakalin niya na ako dahil sa kanyang panggigigil. "Haha...tama na ah. Ayoko na," sambit ko. Pero muli ko siyang binasa ng tubig dagat. _______________________ "Bilisan mo na dyan!" sabi niya. Umaga noon at kasalukuyan kong sinisiksik ang mga gamit ko sa aking bag. Ang mga basang damit, mga tuyong damit, ilang mga pagkain at kung ano-ano pa. Siya naman ay abala sa pagseselfie habang nasa labas ng pinto ng aming nirentahan na kwarto. "Sandali lang naman," wika ko. "Oh, 'to na..." Naglakad ako palabas dala ang tatlo kong bag. Hinila niya naman ang braso ko at itinapat sa akin ang front camera ng kanyang cellphone. Itinabi ang kanyang mukha sa akin at saka ngumiti. Ngumiti na lang din ako at nagpeace sign. "Ay...pangit isa pa," wika niya. Napangiwi na lang ako kaya ang sumunod na kuha ay wacky. "Ayusin mo!" "Maayos naman, ah?" sagot ko. Inulit niya ang pagkuha ng litrato. Pansin ko naman na hindi niya dinelete ang mga kuha na sinasabi niyang pangit. Sa sumunod na kuha ay pareho na kaming nakangiti. Bahagyang nakapaling ang kanyang ulo sa aking pisngi, ganoon din ako sa kanya. "Ayan...nice," sabi niya habang nililipat naman sa mga pangit daw na mga kuha. "Hindi mo idedelete yung iba?" tanong ko. "Hindi..." "Eh bakit sabi mo pangit?" tanong ko ulit. "Okay na 'yan, para marami tayong selfies," sagot niya. Ngumiti na lang ako at saka dinala ang ilan pang mga bag nang siya ay maglakad. "So Albay na tayo? Airport?" tanong ko matapos namin magcheck out sa gwardya sa tabi ng gate. "Ikaw? Ano trip mo?" tanong naman ni Charmaine. Agad niyang inakay ang aking braso. Pinulupot niya ang kanyang kaliwang braso sa aking kanan habang hawak ang mabigat na bag. Maya-maya pa ay inilabas niya na ang isang shades at isinuot. "Kung magbu-bus tayo aabutin tayo ng mga dalawang araw bago makauwi. Dulo 'to ng Bicol eh. Kung eroplano naman, mga 5 hours lang siguro?" sambit ko. "Edi eroplano..." sagot niya. "Okay." "Naaah! Screw the plan...let's take a long roadtrip!" wika niya. Tiningnan niya ako na para bang nang-aasar na naman. Binaba niya nang kaunti ang shades upang ipakita ang kilay niyang taas baba at parang nangungulit. "Shete!" ang tangi kong nasambit. Pumara naman siya ng isang tricycle, huminto naman iyon agad sa aming harapan. "'Wag ka nang ano diyan...sabi naman ng boss niyo wala kayong trabaho ng isang linggo eh," sambit niya. Gustuhin ko mang maiyak ay hindi ko na ginawa. Natawa na lang talaga ako sa kanya. Pero sa totoo lang, mukhang magiging masaya nga yata ang roadtrip na iyon. Sa terminal ng bus ay panay bili siya ng mga souvenir items. Pili nuts na keychain, pitaka na itsurang binalatan na palaka, puto seiko, cassava chips, sili na keychain, t-shirt na nakalagay na I Love Bicol na bumili pa ng dalawa para daw terno kami. Itim sa akin at puti naman ang sa kanya. Tuwang-tuwa akong panoorin siya habang kinukulit ang mga tindero't tindera sa gilid ng terminal. Maya-maya pa ay napadaan kami sa isa pang bilihan ng mga t-shirt. "Kapol t-shirt ma'am oh...mura na lang po...kapol shirt po," sambit ng tindera habang inaabot ang dalawang pares ng t-shirt. "Ano yung kapol?" bulong ko sa kanya. Halos maibuga naman niya ang nginunguyang cassava chips sabay palo sa aking balikat. Tinakpan niya ang bibig at napapikit habang tumatawa. "Tang ina mo?! Gago ka umayos ka," bulong niya naman. "Seryoso nga?" sambit ko naman. "Couple 'yon, sira!" wika niya na medyo natatawa pa. "M-magkano po manang?" tanong niya sa tindera na halatang nagpipigil pa rin ng tawa. "400 na lang ma'am dalawa na," sagot ng tindera. "Wow, in fairness mura siya," sabi naman niya sa akin habang hinihimas ang ilang mga t-shirt na nakasabit. Napangiwi naman ako habang tinititigan ang mga disenyo ng mga t-shirt na iyon. Para kasi sa akin walang dating, hindi maganda, corny o parang minadali lang ang paggawa na kayang-kayang gawin ng isang elementary student para sa project niya. "Ano? Trip mo?" Humarap si Charmaine sa akin at halatang may hangover pa rin tungkol sa pagpronounce ng 'couple.' "Eeh...ikaw," wika ko habang natatawa at napapangiwi. "Next time na lang manang. Salamat po," sagot niya naman sa tindera. Yumuko naman ang tindera at nag-iwan na lang ng matamis na ngiti sa amin. "Alam mong ayoko, 'no?" tanong ko kay Charmaine. "Eh ayoko rin, eh. Chaka ng design. Gusto ko lang bilhin...kasi tulong na rin kay manang," sabi niya. "Kakaiba ka rin, ano? Akala ko mga branded lang binibili mong gamit," sagot ko naman. "Bumibili ako kasi kailangan ko, 'no! O kaya kung gusto kong tumulong," paliwanag naman niya. Ilang segundo lang ay lumingon siya sa aming likuran kung saan nakapwesto ang matandang ale na nag-alok sa amin na bumili ng binebenta niyang t-shirt. "Bakit?" tanong ko. Naglakad siya papunta sa tindera at kinuha ang dalawang t-shirt na kulay puti at may nakaimprentang pakpak ng anghel sa likod. Sa harap naman ang mga katagang 'His' at sa isa ay 'Hers.' Agad siyang nag-abot ng bayad at ipinasok sa kanyang backpack ang dalawang shirt. Kinuha niya ang sukli at muling bumalik sa pwesto ko. "Ayos, ah..." sambit ko. "Sorry, naaawa lang kasi talaga ako kay manang," sagot niya. "Naaawa o trip mo lang yung shirts?" tanong ko. "Both...haha," sagot niya sabay lakad nang mabilis. Napailing na lamang ako habang napapangiti. Magtatanghali na rin nang makasakay kami sa upuan ng bus. Hindi maitatanggi ang init na aming nararamdaman. Nakasuot lang ako ng sapatos, 6 pocket na shorts at asul na t-shirt na manipis habang si Charmaine naman ay kitang-kita ang hubog ng katawan sa suot niyang puting sando at maikling shorts. Hindi nga maiwasan na mapatingin sa kanya ang ilang mga kalalakihan na bawat madaanan namin. Hindi ko na lang sila pinapansin. Ayoko rin namang isipin na overprotective ako sa kanya, eh hindi naman kami. Sa totoo lang, hindi ko pa nga rin mawari kung ano nga ba kami. Yung tanong na iyon noong gabi na magkausap kami sa café, hindi pa rin talaga 'yon nasagot para sa akin. "Huy, lalim ng iniisip mo, ah?" saway niya sa akin. Kasalukuyan akong nakatingin sa bintana ng bus noon habang iniisip ko ang mga bagay na gumugulo sa isip ko tungkol sa amin. "A-ah wala...haha," sambit ko habang nakatingin sa kanya at muling ipinaling ang aking tingin sa labas ng bus. "Anong iniisip mo?" Iniisip? Lagot. Kailangan kong makaisip ng ibang dahilan kung bakit nga ba ako napapatulala. Ayokong balikan pa namin ang usapan na 'yon. Ang katotohanan na kung ano ang mayroon sa amin ay talagang sobrang labo. "Hindi ba kayo nagsusuot ng couple shirts ng ex mo?" mabilis ngunit tila sablay na tanong. Napangiwi siya at natawa nang kaunti. "Hmm...never siguro. Sa pagkaka-alala ko hindi pa. Bakit mo natanong?" "A-ah wala..." wika ko sabay tawa nang kaunti. "Iniisip mo yung kanina ano?" sabi niya. "Yung shirt? Eh, medyo," sagot ko naman. Napangiti siya at binangga ang aking balikat. "Sa' yo yung isa," bulong niya. Binaba niyang muli ang shades niya at tila nang-aasar na naman ang kanyang mga kilay. "Thank you," sagot ko naman sa kanya. "O wala na? Wala na ah? Lalarga na!" sigaw ng konduktor. Umandar naman nang kaunti ang bus hanggang sa tuluyan na kaming lumabas ng bus station. Tumayo naman si Charmaine at itinutok sa kanya ang aircon sabay paypay pa sa kanyang leeg. "Puti ng kili-kili shet," sambit ko sabay tawa. "Gagi ka!" sagot niya naman habang nakangiti. Agad niya akong hinampas sa braso nang muli siyang umupo. _________________________ "Oh..." sambit ko nang iabot ko sa kanya ang isang tasa ng sabaw. "What's that?" nandidiri pa niyang sagot. Umupo na lang ako kaharap niya. "Sabaw." "Eh ano yang lumulutang?" tanong niya. "Oops, sorry..." wika naman ng babaeng dumaan sa aking likuran nang matabig ang upuan ko. May itsura ang babaeng iyon at ngumiti na lang siya nang ako ay humarap. "Okay lang..." sagot ko sabay kaway. Tila tumaas naman ang kilay ni Charmaine habang tinititigan ang babae. Umiwas tuloy ng tingin ang babaeng iyon at naglakad nang mabilis. "Kasama ba natin sa bus yung babaeng 'yon?" tanong niiya. Humigop na lang ako ng mainit na sabaw at nagkibit balikat. "Malay ko," sagot ko nang matapos na akong humigop. "Kain ka na, 'wag mong isipin 'yon nako. Sa 'yo lang ako nakatingin. Hindi sa kanya," pambobola ko. Napangiti siya nang kaunti ngunit nang muli niyang ibaling ang tingin niya sa tasa ng sabaw ay muli siyang nandiri. "Ano ba kasi 'yan?" "Intestines...sabaw kasi ng papaitan 'yan," sagot ko. "Yuck my gosh! Ayoko niyan!" "Ayaw mo? Eh, 'di sige," sagot ko sabay kuha ng tasa niya at lapag sa aking harapan. "Eh wala akong sabaw!" wika niya habang nakabuka pa ang mga kamay at nakatingin sa akin. Napangiti na lang ako at tumayo. "Sabaw ng sinigang gusto mo?" tanong ko. Tumango lang siya. Pagbalik ko naman ay tinitikman niya na ang sabaw ng papaitan. "Oh, kala ko ayaw mo?" "Masarap pala ," sagot niya habang natatawa. Napangisi na lang ako at inilapag ang sabaw ng sinigang sa aming harapan. "Aga ng first stop natin, eh, 'no?" sambit niya. "Tanghali na rin naman tayo nakasakay ng bus, gano'n talaga," sagot ko. Napalingon ako sa likurang bahagi niya kung saan may dalawang mag-asawa at kanilang batang anak na kumakain din. Nakikita ko ang paa ng babae na humihimas sa binti ng lalaki. Napangiti na lang ako ngunit lalo pa akong natawa nang makita kong tanggalin niya ang kanyang tsinelas at himasin ang loob ng manggas ng pantalon ng lalaki. "Bakit?" tanong ni Charmaine. Tiningnan niya rin ang tinitingnan ko. Napangiti rin siya at tumingin sa akin. "Bakit grabe 'yang reaction mo?" tanong niya ulit. "May naalala lang ako." "Edi share na 'yan!" "Eh...nakakahiya eh, baka i-judge mo 'ko," sagot ko naman bago uminom ng tubig. "Sige na!" pangungulit niya. Tumingin na lang ako sa mga mata niya, yumuko at saka umiling. "May kaibigan kasi ako, tapos may isang babae...nakakatawa kasi tinwo-time kami tapos hindi pa namin alam. Pero ayon, nagkaalaman din. Noong nalaman ko na tinwo-two time kami, sinabi ko kasi sa kanya, eh. Eh, magkaibigan, hindi magkasuntukan. Kadikit at tropa kasi, eh. Pero natatawa ako one time, lumabas kaming tatlo. Langhiya haha..." kuwento ko sabay tingala bago tumawa. Nakangiti naman si Charmaine at talagang sabik na marinig ang susunod kong sasabihin. "Edi labas nga kami. Inuman lang, 'yon yung time na alam ko na tinwo-two time kami nung babae pero hindi pa alam nung katropa ko. Eh siyempre ako, sakay na lang," kuwento ko. Kinuha ko ang baso ko na may laman pang tubig at pinaglaruan iyon sa aking kamay. "Sa Metrowalk pa nga kami noon sa Pasig, upo kami sa isang upuan na pabilog, siyempre sila sweet na sweet. Ako nasa harap nila, yung babae panay awat sa kanya kapag hinahalikan siya. Ako nakangiti na lang. Natatawa ako sa sitwasyon, eh," pagpapatuloy ko habang natatawa. "Eh, anong konek no'n sa paghaplos ng paa?" tanong niya. Uminom ako ng kaunting tubig at binigyan siya ng kakaibang reaksyon na tila patanong. "Wh-What? What the ef?!" gulat niyang reaksyon nang maisip niya kung ano ang koneksyon noon sa aking kuwento. "Putang ina mo, Ian?! Really?!" nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakangiti at nakatingin sa akin. "Oo nga! Hahaha...nakakaloko di 'ba? Nag-iinuman kami, siya nakikipaglambingan sa katropa ko habang hinahaplos ng paa niya yung paa ko. Buwisit!" wika ko habang natatawa at napapailing. "Punyeta ka! Ang gwapo mo! Walanghiya ka!" "I know..." sarkastiko kong sagot. Pareho na lang kaming nagtawanan at muling nagpatuloy sa pagkain. Siya naman ay tila hindi matunawan sa aking kuwento. "Tell me it's not true..." sambit niya habang natatawa at ngumunguya ng pagkain. "Oo nga...promise. Pagbalik natin ng Maynila pakita ko sa 'yo yung sss nung babae." "Bakit sa Maynila pa eh may data naman ako," sambit niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone, binuksan ang f*******: at iniabot sa akin. Tinype ko naman ang pangalan ng babae sa search screen. "So ano na nangyari no'n? Sila pa rin ba ng katropa mo hanggang ngayon?" tanong niya agad. "Hindi na, matagal na. Siguro natauhan din si mokong..." sagot ko sabay abot ng cellphone sa kanya. "Siya 'to? My gosh...chaka, eh kili-kili ko lang yata 'to eh!" "Grabe ka naman! 'Yang kili-kili mong 'yan na ubod ng puti at kinis? 'Wag mo ngang i-degrade 'yan," biro ko. Natawa naman siya, hinampas niya ang braso ko habang nagtatakip ng kanyang bibig. "Sobra ka! So ano pala siya sa parte ng katawan ko?" tanong niya ulit. Halos lumabas naman ang kanin sa ilong ko dahil sa pagtawa. "Wag na! Kumakain tayo!" sambit ko. Tumawa na lang siya at itinago ang kanyang phone habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD