Chapter 8: Part 2

2614 Words
Nang sumakay kami sa bus ay parang hindi pa rin siya natunawan sa aking kuwento. Muli siyang nagtanong nang makaupo na kami sa aming puwesto.   "I'm just curious, Ian, bakit mo nagustuhan yung babaeng 'yon? Chaka naman..."   "Hindi ko rin alam...college pa ako noon eh. Mabait kasi, maasikaso...hindi naman kasi ako tumitingin sa panlabas na anyo talaga. Siguro noong mga bandang pa-graduate na lang ako," sagot ko.   "Gago! Pero minahal mo?" seryosong tanong niya.   "Konti. Siguro? Ewan ko, haha. Kapag naaalala ko kasi natatawa na lang talaga ako."   "Bakit?" tanong niya.   "Para kasi kaming roller coaster noon. Kaming tatlo, para kaming mga ipis na paikot-ikot. Katropa ko hindi kami nag-away, kahit alam niya na kung anong may'ron. Tingin ko nga yung nangyari noon sa Metrowalk alam niya rin 'yon. Pinigilan niya lang kasi...tropa eh. Yung babae naman hahabulin ako no'ng sinabi ko sa kanya na ayoko na ng gano'ng sitwasyon. Iiyak-iyak pa sa phone. Biruin mo tatawag lang siya...sa loob ng isang oras puro paghikbi niya lang ipaparinig niya. Samantalang hindi niya naman mahiwalayan yung katropa ko," kuwento ko ulit. Tuluyan namang umandar ang bus nang makasakay na ang lahat ng pasahero.   "What if naging kayo? Paano kung yung katropa mo yung nag-give up sa inyo? Will you still love her?" tila seryoso na ang tono ni Charmaine noon. Tiningnan ko siya sa mata at muling nagkuwento pagkatapos.   "No...I mean, bakit? Ipagpapalit ko yung katropa ko na matagal ko nang katropa since high school sa isang babae na nakilala namin pareho tapos tinwo-time pa kami? Asa naman, 'di ba?" sagot ko.   "Ironic ano? Pinaglaruan kayo ng tadhana," wika niya habang natatawa.   "Sinabi mo pa..." sagot ko habang nakatingin sa dinaraanan ng bus habang napapailing. Muli naman niyang sinuot ang shades niya at nakangiti habang nakatitig sa bintana.   "Itatanong ko sana kung na-experience mo na. Bigla kong naisip. Natwo-time ka nga pala, at kailan lang haha..." pang-iinis ko.   "Yeah, buti nga sa 'yo yung experience mo nakakatawa. Roller coaster nga, yung tipong nakasakay ka na, paikot-ikot kayo pero ang saya-saya mo pa. Yung akin eh horror train yata yung nasakyan ko. Leche," sambit niya.   "Oh! Oh! Tama na ka-bitteran mo. Tapos na 'yon. Nakalabas ka na ng horror train. Alam mo na siguro na hindi mo trip ang sumakay doon. Try the other rides naman daw," sabi ko. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Maya-maya pa ay muli siyang tumingin sa bintana at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon ay bigla na lang akong napatulala.   ________________________   "Naniniwala ka ba sa forever?" tanong ni Jen sa akin. Napangisi ako nang kaunti nang mapatingin ako sa kanya.   "Siguro," sambit ko at muli kong ipinaling ang aking ulo sa magandang tanawin ng Taal.   "May prof ako noong colleg, si sir Evan, prof namin sa physics. Kapag naaalala ko 'yang forever na 'yan naaalala ko lang yung sinabi niya. 'Walang forever, masakit isipin na wala talaga. Ang lahat ng bagay ay naluluma at nasisira. Ang lahat ay napaglilipasan. Ang lahat ng tao ay namamatay.' Yon ang sabi niya sa amin noon."   "Ang lalim," wika ni Jen.   "Totoo nga...siguro nga, 'no?" sagot ko. Bumuntong hininga lamang siya at muling tumingin sa malayo sabay hawi ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.   "Yung paniniwala kasi sa forever na 'yan...nakakagago 'yan, eh," sambit niya na agad ko namang ikinagulat. Natawa na lang ako nang tumingin sa kanya.   "Sorry, ah?" sabi ko.   "No, maybe it's true. Lalo na ngayon," sagot niya. Tumingin siya sa akin at tila nangusap ang kanyang mga mata. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.   "Sorry...hindi ko kasi kaya," sagot kong muli.   _______________________   Walang tigil na ang bus simula noong una naming stop, tahimik lamang ang lahat habang pinapanood ang isang pelikula sa TV ng bus na ang title ay The Mistress. Paborito ko ang artistang gumanap doon, sina John Loyd at Bea Alonzo. Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikulang 'yon ay ang makatotohanan nitong ending. Napanood ko na ito noon, naalala ko pa nang huli ko'tong mapanood. Sa sine...yung mga panahon na ang saya ko pa kasama ang babaeng inakala ko ay mamahalin ko na habambuhay. Natawa na lang ako. Napatingin na lang ako kay Charmaine habang nakasandal pa rin ang kanyang ulo sa aking balikat at natutulog. Nakataas pa nang bahagya ang kanyang paa na animo'y nakakalang sa bintana. Feeling niya siguro nasa sofa siya, ako ang sandalan niya. Pero sana hindi lang ako basta sandalan. Ano nga ba talaga ako sa 'yo...Charmaine?   "Uhhmm..." ungol niya nang medyo napatagilid siya dahil sa lubak na nadaanan.   Hinawakan ko lang ang pisngi niya habang ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa TV. Maya-maya pa ay tila nag-iba na ang takbo ng bus na aming sinasakyan. Nagtayuan nang bahagya ang iba at ang iba naman ay bumubulong, nagtatanong kung anong nangyari hanggang sa igilid na ng driver ang bus.   "Pasensiya na po...na-flat ang gulong natin," sambit ng konduktor. Agad siyang bumaba para tingnan ang gulong.   "A-anong nangyari? Bakit tayo tumigil?" tanong ni Charmaine habang nagpupunas pa ng mukha at tila gulat sa nangyayari.   "Ang bigat mo daw kasi, kaya na-flat yung gulong," sambit ko habang medyo natatawa.   "Ian! Stop," wika niya habang napapangiti rin. Binalik niyang muli ang kanyang paa sa ibaba at muling umupo nang diresto. Dumungaw siya sa bintana habang naghahawi ng kanyang buhok.   "My goodness. Nasa kawalan pa tayo," sambit niya. Sa malayong ibayo naman ay tila naaaninag ko ang isang pamilyar na tanawin.   "Gusto mo baba muna tayo?" tanong ko.   "Sige tara, baka mabutas pa yung ibang gulong dahil sa bigat ko," sarkastiko niyang sagot.   Nagtawanan na lang kami habang kinukuha ang importanteng bagay sa bag namin. Dinala ko ang aking camera upang kuhanan ang magandang tanawin na hindi pa napapansin ng ibang mga pasahero.   Nang makababa na kami ay saka lamang napansin ng iba pang mga pasahero ang pamilyar na tanawin na iyon.   "Ay! Mayon Volcano, oh! Kita pala dito," wika ni Charmaine. In-on ko naman ang aking camera at umanggulo upang makuha ang perpektong hugis ng bulkan na iyon sa aking litrato. Naglakad pa ako paabante at lumuhod sa madamong bahagi upang isali ang d**o sa litrato. Ginilid ko nang kaunti at saka pinindot ang shutter.   "Wow!" wika ni Charmaine nang makita ang litrato. Kinuha pa niya ang DSLR camera ko upang titigan ang litratong iyon.   "Sakto, eh, ganda ng lighting. Hapon na kasi," sambit ko.   "Beautiful, parang ako lang," pagbibiro niya.   "Kuhanan kita?" tanong ko.   "Gusto ko tayong dalawa..."   Agad siyang pumwesto, nilabas niya ang kanyang cellphone at kami ay nagselfie. Nakangiti at tila masaya pa sa pangyayari. Pansin din namin na ang iba pang mga pasahero ay kumukuha na rin ng litrato.   "Pasensiya na po, ah? Kaunting hintay lang po papalitan lang namin ang gulong," paalala naman ng driver.   "Take your time!" muli namang pagbibiro ni Charmaine bago idikit ang mukha niya sa akin at muling kumuha ng litrato.   "Model kita ngayon...dali!" sabi ko naman sa kanya.   "Ha? Paano?"   "Dito ka pumwesto."   Naglakad pa kami nang kaunti sa pataas na gilid ng daan na iyon kung saan nakapwesto ang isang bato. Pinaupo ko siya roon, ako naman ay ilang hakbang pabalik na naglakad at lumuhod.   "Ganito?" tanong niya habang nakaturo ang hintuturo sa itaas.   "Haha! Ganyan nga!"   Kinunan ko siya ng litrato habang tila tinuturo ang Mayon Volcano. Sunod naman ay Inilapag niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mga hita habang nakangiti. Napakaganda niya sa posing na iyon na tipong napahinga pa ako nang malalim bago pitikin ang shutter button.   "Patingin!" sambit niya habang tumatakbo patungo sa akin. Kinuha niya ang camera at nakangiting pinagmasdan ang litrato.   "Ang ganda...tag mo sa 'kin 'yan, ah?" tanong niya.   "Oo ba!" sambit ko.   Siya naman ay napatalikod at napatingin muli sa ganda ng Mayon Volcano. Dahan-dahan siyang naglakad sa bato kung saan siya pumwesto at muling umupo. Sumunod naman ako sa kanya at nakiupo rin sa kanyang tabi.   "Okay ka lang?" tanong ko. Wala siyang ginawang reaksyon. Tila nakatitig lang siya sa kawalan habang malalim ang iniisip.   "Huy..." malumanay kong sambit.   "Oo naman, masaya lang," sagot niya naman habang nakangiti.   "Masaya? Eh, parang hindi ka naman ganyan pag masaya ka. Kapag masaya ka sigaw ka nang sigaw eh," natatawa kong tugon. Binangga naman ng balikat niya ang balikat ko.   "Hilig mong gawin 'yan, 'no?" sabi ko.   "Eh bakit ba? Gusto ko, eh," wika niya sabay muling bangga sa aking balikat.   "Masaya ka ba talaga o may iba kang iniisip?" tanong ko. Hindi siya agad nakasagot. Tumingin lang siya sa aking mga mata habang nakangiti.   "I'm really happy right now. Different happiness. Ewan ko ba, baka ngayon ko lang naramdaman yung ganito," sagot niya. Muli siyang tumingin sa magandang tanawin na nakahain sa aming harapan. Sumilay rin ako habang ang paligid ay tila nagiging sepia dahil sa kulay kahel na kalangitan at sa paglubog na araw.   "This is like a dream," bulong niya. Binangga ko naman ang kanyang balikat nang malakas. Napatingin siya sa akin nang masama ngunit nakangiti.   "Hindi ka nananaginip," sabi ko.   "Sana hindi rin ako nananaginip," pahabol ko naman. Tumingin siya sa aking mga mata habang nakabungisngis.   "Bakit?" tanong ko.   Nilapit niya na lamang ang kanyang labi sa aking pisngi ng dahan-dahan at isang mainit na halik ang kanyang binigay. Napayuko na lamang ako nang bahagya at muling tumingin sa malayo.   "Gising ka na?" tanong niya. Tumango na lang ako habang nakangiti. Nagtawanan kami pareho.   ____________________________   Halos tatlumpung minuto rin kaming naghihintay para mapalitan ang nasirang gulong ng bus na aming sinasakyan. Kita ko na ang pagod sa mga mata ni Charmaine habang nakasandal sa aking balikat. Ang mga kasama naming pasahero ay tila pagod na rin sa paghihintay. Ang iba ay umupo sa damuhan, ang iba naman ay ngumuya ng pagkain upang mawala ang kanilang pagkabagot at ang iba ay naglaro sa kanilang mga cellphone.   "Pikit ka muna," sabi ko sa kanya.   "I don't want to miss this moment," bulong niya. Napatingin ako sa mukha niya, nakapikit na siya. Napangisi na lamang ako nang kaunti. Baka nagsasalita na naman siya ng tulog.   "Me too..." sagot ko na lamang.   "Do you love me? Ian?" bulong niya ulit. Muli akong tumingin sa kanyang mga mata. Mulat ang mga matang iyon at hindi nagbibiro.   "A-ah..." nauutal-utal kong sambit.   "Ayos na po yung gulong! Puwede na po kayong pumasok!" sigaw naman ng konduktor. Agad akong napatingin sa kinaroroonan ng bus. Nagsimula namang magtayuan ang mga tao at mag-unahan sa pagsakay.   "Ahm...tara?" sambit ko.   Ngumiti lamang si Charmaine at tumango. Inakay ko pa siya sa pagtayo. Sinabit ko ang kanyang braso sa aking balikat habang hawak ang kanyang bewang. Napangiti ako nang saglit ngunit nang tumingin ako sa kanyang mga mata ay tila nailang ako.   "Manyak ka, ah!" bulong niya.   "Sorry, ah, inaantok ka na kasi, 'no. Saka para sa impormasyon mo kanina pa kaya kita minamanyakan."   "Ano?!" bulyaw niya sabay bitaw sa akin.   "Sshh! Joke lang...tara na," sabi ko. Nainis siya nang bahagya ngunit agad namang kumalma.   "Seryoso? Ano 'yon? Bakit?" tanong niya.   "Ah. Paano kasi, kanina ka pa nakasandal sa akin. Yang sando mo ang baba ng neckline. Kita yung ano, eh..." sambit ko.   "Cleavage ko?" tanong niya. Tumango lang ako ngunit nakaiwas sa kanyang mga tingin.   "Okay lang naman 'yon. May tiwala ako sa 'yo," sambit niya bago sumakay. Napangiti na lang ako at napailing nang saglit.   "May nakalimutan ako, eh," sambit niya nang nakaupo na kami sa aming puwesto.   "Ha?! Wallet mo? Cellphone?!" tanong ko bigla.   "No, no! May tinanong ako kanina pero hindi mo sinagot. Something like that. Hindi ko matandaan, eh!" wika niya. Napatingin ako sa kabilang banda, iniiwasan na makita niya ang ngiti sa aking pisngi. Nagkibit balikat na lang ako.   "Natatandaan mo ba?" tanong niya.   "Hmm, hindi, eh. Ewan ko," sagot ko na lang.   Nagkamot na lamang siya ng ulo at nag-ayos ng mga gamit. Ako rin ay naglagay ng gamit sa aking bag na nakalagay sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.   "Gusto mong malaman kung ano yung tinanong mo?" sambit ko bigla. Napahawi naman siya ng kanyang maikling buhok sa likod ng kanyang tenga habang nakatingin sa akin nang seryoso.   "Something about...you. I guess?" sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti.   "Leche! Ano ba 'yon?" Napapangiti siya habang pinapalo ang braso ko.   "Tinanong mo kasi kanina...kung bakit ang gwapo ko," pabiro kong sagot.   "Gago ka! Hahaha! Of course you are!" malambing niyang sagot. Saka naman umandar ang bus na aming sinasakyan.   "Joke...tinanong mo kanina kung mahal ba kita," sabi ko.   Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Halos isang dangkal lang ang pagitan ng aming mukha sa isa't-isa. Kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga mata at ang mabilis niyang paghinga.   "Alam mo...noong una pa lang kitang makita, talagang may something na sa 'yo, eh. Hindi ko maipaliwanag pero, noong nakita kita. Pumasok ka sa café, parang biglang nagliwanag lahat. Parang...hindi ko maintindihan kasi..." sambit ko. Nauutal-utal na parang tanga. Alam niya naman siguro kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko alam kung bakit nga ba kailangan kong sabihin ang mga salitang iyon.   "I-I'm...I'm sorry Charmaine. Sa pagkakataong 'yon...I just," sabi ko.   Dyahe, napaiwas ako ng tingin ngunit alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Inayos ko ang aking pag-upo at humarap na lang sa aming dinadaanan habang kinakagat ang aking hintuturo.   "Ian..." Kinuha niya ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang tamis ng kanyang ngiti. Maya-maya pa ay umiwas siya ng tingin.   "Huy! Okay ka lang?" tanong ko. Sinubukan kong hanapin ang kanyang mga mata pero agad siyang lumayo at sumandal sa aking bag na katabi niya.   "Mali ba?" tanong ko. Lumingon siya nang bahagya at ipinakita ang kanyang mga mata. Akala ko ay umiiyak siya pero sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa niya.   "May mali ba akong sinabi?" tanong ko.   Umiling siya at muling umiwas. Kinuha niya ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at pinantakip pa sa kanyang mukha. Nakita ko nang bahagya ang pamumula ng kanyang mukha at ang kanyang matamis na ngiti.   "Sige...take your time," sabi ko.   Humarap akong muli at naghintay ng ilang segundo. Matapos noon ay sumandal siya sa aking balikat. Nakatakip pa rin ang kanyang mukha ng panyo na hawak naman ng kanyang mga kamay. Tinanggal niya ang kanyang tsinelas at ipinatong ang kanyang paa sa kanto ng bintana.   "Sorry," sabi ko.   "'Wag kang magsorry," sagot niya.   "Okay..." bulong ko.   Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang tiyan. Tinanggal niya rin ang kanyang kamay sa kanyang mukha ngunit naiwan pa rin ang panyo na nakapatong. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sa kanyang katawan patungo sa kanyang tiyan. Bawat espasyo ng mga daliri ko ay pinunan ng kanyang mga daliri. Saka siya tumagilid at natulog. Ang ngiti sa aking mukha ay hindi maitatanggi. Napahawak na lang ako ng bibig gamit ang aking kamay. Saka ko hinimas ang kanyang ulo.   __________________________   "Panaginip...minsan tulog ka, madalas gising ka. Gigisingin ka na lang sa katotohanan kapag unti-unti nang nagiging bangungot ang lahat. At kapag naging bangungot na ang lahat, hihilingin mo na muli kang bumalik sa panaginip na iyon...kahit alam mong sa dulo ay isang bangungot pa rin ang naghihintay...at panaginip lang naman talaga ang lahat."   Nakangiti ako ngunit ang aking mga mata ay muling napupuwing. Huminga na lamang ako nang malalim at muling ngumiti.   "Lahat naman tayo gustong bumalik sa nakaraan...kung kailan tayo pinakamasaya, kung kanino tayo naging pinakamasaya," sabi niya. Tumingin si Jen sa akin at ngumiti.   "It's not too late to turn back," sambit niya. Huminga lang ako nang malalim at ngumiti rin.   "It was never too late for her," malungkot kong tugon bago yumuko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD