CHAPTER 28

393 Words
CHAPTER 28: Pa-famous Mga classmates namin na pa-famous. Mabait naman kami sa kanila pero ewan ko ba siguro dahil kasali rin sila sa Alpahabet team kaya hindi talaga kami magkakasundo kahit Classmate pa. “Ang pangit n'yo tumawa! Mga gag*!” inis na sigaw ni Kylla. Lumabas si Bianca at pinuntahan siya para tumigil. “Oh! The other loser, ” sabi ng isa sa kanila at mas lalo pang lumakas ang kanilang mga tawanan. Lumabas na rin ako dahil sa inis. “Hoy! Mga pa-famous na kahit kailan hindi naman naging famous. Humanda kayo sa amin sa susunod na labanan!” may halong pagbabanta ko. “F*ck you! Bitches and w***e!” sigaw ni Kylla sa kanila at nag-f*ck you sign. Tumigil na sila sa tawanan at akmang susugurin kami ng bigla kaming tumakbo at nagsitawanan ng malakas. Madali kaming nakarating sa cafeteria dahil sa pagtakbo. Kami ba naman habulin ng limang aso. Walang masyadong tao sa cafeteria kaya nakapag-order kami kaagad. Habang kumakain hindi namin maiwasang hindi tumawa. Tumigil lang kami ng may dumating na tatlong estudyante. Nakasuot sila ng maikling short at naka-sports na t-shirt. “Sila 'yung Team F,” bulong sa akin ni Bianca. Ang galing naman nasa pang-anim sila na rank 'nong audition. Mukhang sports ang pina-practice nila hindi naman halata. Possible kaya na sports ang unang activity? Naagaw din ang atensyon namin sa bagong dating na tatlong grupo, sila ay kapwa mga lalaki. Mukhang nagkakasundo sila sa isa’t isa. Marami na ring dumating na ibang estudyante kaya nang matapos kami ay agad ding umalis. Maraming estudyante ang nagpa-practice sa kung saan-saan. May 26 na team kasi ang kabilang sa Alphabet Team, A-Z. Masasali kaya kami sa Top 10? “Luh! Tingnan n'yo! ” sabi ni Kylla at sabay turo sa may stage. May apat na magagandang babae ang sumasayaw at kumakanta. Maraming na nonood sa kanila, isa rin kasi sa K-pop ang kanilang ginagaya. “Sila siguro 'yung Team B,” may alinlangan na sabi ni Bianca. “Sila nga! May nakalagay sa taas na Team B!” sabi ni Kylla. Nawawalan tuloy ako nang pag-asa. Nanood lang kami hanggang matapos ang practice ng Team B. Ang galing nila siguro 'yon ang dahilan kaya sila ay nasa pangalawang rank. Basta ako naiinis sa mga pa-famous. Bahala na yan ang iba basta naiinis ako sa mga classmates namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD