30

1916 Words
Prologue: Hindi ako makapag-focus sa aking ginagawa dahil sa sobrang ingay ni Kylla. Tinuturuan niya si Bianca sa bagong step ng sayaw namin. Malapit na magsimula ang mga activity para sa mga kabilang sa Alphabet Team. Alam kong handa na rin ang iba. “We’re done!” sigaw ni Bianca habang papalapit sa akin. Si Kylla naman ay nagliligpit ng mga gamit. Nandito kami sa aming classroom at napagdesisyunan namin na dito na lang mag-practice. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang mga teacher, siguradong tungkol sa nalalapit na activity ang pag-uusapan nila. Wala rin 'yung mga classmates namin dito, marahil nasa labas silang lahat at pinapanood ang ibang team sa pagpa-practice. Niligpit ko na rin ang aking mga gamit nang makita kong tapos na sa pagliligpit si Kylla. Sa bahay ko na lang tatapusin ang essay na aking ginagawa. “Sofia, cafeteria tayo!” sabi ni Kylla sa akin at nauna nang lumabas kasama si Bianca. Nagmadali na akong ligpitin ang mga gamit ko at sinundan sila. “Hintayin n'yo …” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang huminto sila at nagmamadaling bumalik si Bianca sa kinaroroonan ko. “Sa kabila tayo!” nagmamadaling sambit ni Bianca at hinila ako. “T-teka, ba…” “Huwag ka na magtanong 'yung mga pa-famous 'yon!” aniya ni Bianca. “Hoy! Ano ba…dito nga tayo dumaan!” malakas na sigaw ni Kylla. “Hindi naman 'to daanan nila!” dagdag pa niya. Ahh! Ba’t ba siya sumisigaw, naririnig ko ang mga tawanan nila kaya malamang narinig din nila ang sigaw ni Kylla. Haist! Bahala na nga siya. Tumakbo na kami ni Bianca pababa sa hagdan para makatago. Sinilip ko si Kylla at 'yung baliw rumarampa. “Bilisan mo nga d'yan,” bulong ko at sabay kaway sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagrampa. “Haha! Such a loser!” sabay na sigaw nila at malakas na tawanan. Mga kaklase namin sila na kabilang din sa Alphabet Team. Sila ang Team N at mas high rank sila sa amin dahil sa pag-audition. “Ang pangit n'yo tumawa! Mga gag*!” inis na sigaw ni Kylla. Lumabas si Bianca at pinuntahan siya para tumigil. “Oh! The other loser, ” sabi ng isa sa kanila at mas lalo pang lumakas ang kanilang mga tawanan. Lumabas na rin ako dahil sa inis. “Hoy! Mga pa-famous na kahit kailan hindi naman naging famous. Humanda kayo sa amin sa susunod na labanan!” may halong pagbabanta ko. “F*ck you! Bitches and w***e!” sigaw ni Kylla sa kanila at nag-f*ck you sign. Tumigil na sila sa tawanan at akmang susugurin kami ng bigla kaming tumakbo at nagsitawanan ng malakas. Madali kaming nakarating sa cafeteria dahil sa pagtakbo. Kami ba naman habulin ng limang aso. Walang masyadong tao sa cafeteria kaya nakapag-order kami kaagad. Habang kumakain hindi namin maiwasang hindi tumawa. Tumigil lang kami ng may dumating na tatlong estudyante. Nakasuot sila ng maikling short at naka-sports na t-shirt. “Sila 'yung Team F,” bulong sa akin ni Bianca. Ang galing naman nasa pang-anim sila na rank 'nong audition. Mukhang sports ang pina-practice nila hindi naman halata. Possible kaya na sports ang unang activity? Naagaw din ang atensyon namin sa bagong dating na tatlong grupo, sila ay kapwa mga lalaki. Mukhang nagkakasundo sila sa isa’t isa. Marami na ring dumating na ibang estudyante kaya nang matapos kami ay agad ding umalis. Maraming estudyante ang nagpa-practice sa kung saan-saan. May 26 na team kasi ang kabilang sa Alphabet Team, A-Z. Masasali kaya kami sa Top 10? “Luh! Tingnan n'yo! ” sabi ni Kylla at sabay turo sa may stage. May apat na magagandang babae ang sumasayaw at kumakanta. Maraming na nonood sa kanila, isa rin kasi sa K-pop ang kanilang ginagaya. “Sila siguro 'yung Team B,” may alinlangan na sabi ni Bianca. “Sila nga! May nakalagay sa taas na Team B!” sabi ni Kylla. Nawawalan tuloy ako nang pag-asa. Nanood lang kami hanggang matapos ang practice ng Team B. Ang galing nila siguro 'yon ang dahilan kaya sila ay nasa pangalawang rank. “Ang mga pa-famous oh!” agaw atensyon na sabi ni Bianca. Sinundan namin kung saan siya nakatingin at kasama ng Team B ang mga pa-famous naming classmates papunta sa cafeteria. “Ang kapal naman nila! Ang plastic!” inis na sambit ni Kylla. “Nagsusumikap talaga sila para makasali sa Top 10 kaya siguro 'yan ang paraan ang alam nila,” pagpapaliwanag ko. “Kaya dapat magsumikap rin tayo para hindi tayo ang maging loser,” dagdag ni Bianca. “Kaya nga! ” Inilahad ni Kylla ang kaniyang kamay sa harap. “Laban lang!” At nilagay din ni Bianca ang kaniyang kamay. Inilagay ko rin ang aking kamay sa kanilang mga kamay at sabay naming sabing ,“Kaya natin 'to!” “We are the Team Q!” Chapter 1: Sofia Ferrer Sofia P.O.V “Bakit ba ang hirap nito?” tanong ko sa sarili. Sinusubukan ko kasing gumawa ng experiment. Bumili kami kahapon ng mga materials. Si Bianca ang matalino sa amin sa math ngunit hindi siya marunong maglaro ng rubics cube at iba pang mga board games na may kinalaman sa math, kaya ang dami niyang binili tulad ng iba't ibang klase na Damath board. Si Kylla naman ay magaling sa Filipino, kaya niyang gumawa ng essay na may 500 words in just 5 minutes gamit ang wikang Filipino. Ngunit, pareho kaming hindi marunong mag-drawing at mag-lettering man lang. Kaya bumili si Kylla ng mga coloring and drawing materials. Ako naman bumili ng mga chemicals, plano ko kasing inumin ang mga 'yon. Magaling naman ako sa science pero itong Chemistry huwag niyo na akong tanungin. Sinunod ko na ang lahat ng mga procedures pero bakit hindi ko nakukuha nang tama ang resulta. I really hate this Chemistry! Bakit kasi pumayag ako na pag-aralan ito pero no choice at kailangan talaga. Kung sakali kasing may Chemistry activity sayang kung hindi kami sasali. Naalimpungatan ako ng tumunog ang aking cellphone. “Hello?” sagot ko sa kabilang linya. “I’m almost done!” Sa boses pa lang kilala ko na kung sino ito. “Sure? How can you do it?” may amazed na tanong ko. Ang dami naman kasi niyang binili na board games at alam niya na laruin ang lahat ng 'yon? Hindi naman ako makapaniwala lalo na 'yon sa Damath, ang hirap kaya! “I’m Bianca and I can do everything with related to math!” Sinasabi niya naman 'yung favorite lines niya tutal siya nga si Bianca 'yung matalino sa Math. Bilib na ako sa kaniya. “By the way, I’m Sofia and I’ll make sure and promise that I can be good at everything!” Ang bigat sa pakiramdam habang binibigkas ko ang aking paboritong linya. Ang hirap kasi talaga ng Chemistry. Ayoko ko na talaga nito! “Where’s Kylla?” tanong ko sa kaniya. “Tinawagan ko siya kanina at sabi niya tapos na raw siya.” “So! Ako na lang? Baka gusto n'yong subukan itong walang kwentang experiment,” may halong tawang sabi ko. “As what I’ve said, I’m good at everything with related to math,” ulit niya sa paboritong linya na may halong tawa. “You need to try this! Bianca. What if magaling ka sa Chemistry,”paliwanag ko. “Hindi na kailangan! I’m loyal to math at baka sumabog na utak ko kung isasali ko pa 'yan.” “Wehh! Sure loyal ka kay math? Eh! Paano si Dave John?” pang-aasar na tanong ko. “Wahh! Shut up, Sofia!” malakas na sigaw niya. Magsasalita pa sana ako ngunit pinatay niya na ang tawag. Ang sarap pa rin pala niyang asarin. Sa aming tatlo si Bianca 'yung laging tumatawag at ang sarap niya talagang asarin. Crush niya din naman si Dave John, hindi pa inaamin. Niligpit ko na ang mga gamit at bukas ko na lang ito tatapusin. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng English Essay kasi sa totoo dito ako magaling pero hindi ko kayang gumawa ng 500 words in 5 minutes. Kahapon ko pa ito ginagawa at hindi ko pa rin magawa. “Sofi!” I heared someone shouting my name and I know it’s Mom. What’s wrong with her? May ginagawa ako bahala siya! Kapag ako kasi nagseryoso sa ginawa ko ayoko nang istorbo. Same kami ni Kuya. “Sofia! Baba ka nga muna dito!” sigaw niya. Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Kahit anong gawin ko she’s still my mom at dapat ko siyang sundin. Nakita ko siya sa kusina at nagluluto. “Wow!” sabi ko habang nakatingin sa niluluto niya. Kakain na ako!” “Nakalimutan ko pa lang bumili kahapon ng muriatic acid. Bumili ka muna d'yan lang sa malapit.” “Kahapon hindi niyo pa po sinabi, bukas na lang kayo bumili,” pangungumbinsi ko sa kaniya at kumuha ng kutsara para tikman ang kaniyang niluluto. “Ang dami kong gagawin bukas, maglilinis ako ng bahay at wala akong time lumabas!” “Asus…walang time lumabas o baka ayaw niyo lang talaga kasi hindi na naman kayo makapaglinis. Tsimis pa more!” biro ko kay mama. “Ikaw talagang bata ka!” At pinukpok sa akin ang sandok. “Kung hindi ako makapaglinis bukas, ikaw maglinis ha!” “Ma! Ayoko!” sigaw ko at lumayo sa kaniya. “Ang dumi na ng inidoro niyo, ikaw ipapalinis ko bukas!” “Ma! Diba Sunday bukas at sabi niyo dapat magsimba ako palagi?” “Oh, sige na nga! Bumili ka na doon, nandiyan 'yung pera sa wallet,” sabay turo niya sa mesa. “Bakit ba ang ingay niyo!” sabat ni Kuya at lumapit sa amin. “Kuya! Si Mama pinukpok ako ng sandok,” sumbong ko kay Kuya. “Sundin mo na kasi ang inuutos niya” “Ang daya mo! Dapat nga ikaw naman ang uutusan!”sabi ko kay Kuya at sabay kuha ng pera sa wallet ni Mama. “Ma! 1000 kinuha ko at akin na ang sukli!” Lumabas na agad ako ng bahay para hindi ko marinig ang sasabihin ni Mama. May malapit lang naman na store dito at maglalakad lang ako ng mga 3 minutes palabas ng subdivision na ito. “Excuse me po, may muriatic acid po kayo dito?” tanong ko sa tindera. Mabuti nga at konti lang ang tao. “Meron iha, pasok ka lang sa loob.” “Opo!” magalang na sabi ko. Ang hirap naman hanapin si muriatic acid. May mga chemicals ako sa bahay p'wede akong mag-imbento ng muriatic tapos akin na itong pera. Si Mama 'yung unang gagamit ng product ko tapos kung may mga side effects, bahala na si Mama. Haha! ang sama ko. “Hindi ko nga magawa nang tama 'yung simple procedure lang tapos nagpaplano pa akong mag-imbento,” sabi ko sa sarili. “Ayoko na gawin 'yun dahil hindi naman ako magiging scientist in future. Susubukan nga lang , ano ka ba!” sabi ko sa sarili at sabay pukpok sa ulo ko. “Dapat mo 'yung gawin!” dagdag na sabi ko. “Baliw ka na!” “Yup! Baliw sa ‘yo…”Nagulat ako dahil may nagsalita at sinabihan ako na baliw, t-teka ako ba sinasabihan n'ya? Lumingon ako sa aking likuran dahil do'n nanggagaling ang boses. Pagharap ko nagulat ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD