CHAPTER 27: Kuya
Busy na naman si Kuya wala namang bago.
“Hmm…K-kuya,” mahinang tawag ko sa pangalan niya pero hindi niya siguro narinig.
“K-kuya…”
Hindi niya pa rin siguro ako naririnig.
“Kuya.”
“Kuya..”Alam kong naririnig niya lang ako at nagkukunwari lang siyang bingi.
“Kuya!” sigaw ko.
Hindi niya pa rin ako pinapansin siguro alam niya kung bakit ko siya kinukulit.
“Sofia! Learn how to respect!” Mahina at maautoridad na sabi niya.
“Pansinin mo rin kasi ako! Hindi naman sana kita iistorbohin kung hindi utos ni mama,” malungkot na sabi ko sa kaniya.
Ito ang ayaw ko sa lahat 'yong may maganda ka ng trabaho then lagi kang magiging busy at wala ng time sa family. Umuwi si Kuya dito para makasama kami pero kung ganito na naman siya, sana magsama na lang ulit sila ni daddy.
Hanggang ngayon nga hindi ko alam kung anong gusto kong trabaho, magka-college na ako next year. Siguro mas gusto kong nasa bahay lang, p’wede naman siguro kung hindi na ako mag-aral ng college.
Tiningnan ako ni Kuya nang nakataas ang isang kilay at parang pinapahiwatig niya kung anong sasabihin ko.
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
“Bahala ka! Dito ka nga lang sa bahay puro ka lakwatsa!” sabi niya. “Sumbong kaya kita kay papa at para tumino ka!”
Alam kong inaasar niya lang ako kasi hindi naman siya nagsusumbong kay daddy.
“Luis Manzano! Pupunta ako kina Kylla sa ayaw at sa gusto mo!” sigaw ko sa kaniya.
“Sige, na! Pumunta ka na pero counted!”
Umalis ako at pumunta sa kwarto ko para magbihis, bahala siya. Siya si Luis Ferrer at inaasar ko siya na Luis Manzano.
Sabi niya counted, ano naman kaya ipapagawa niya sa akin? Ang daya! Pero mabuti na 'yon atleast pumayag siya.
Bumaba ako at tumakbo palabas, mahirap na kung magsalita siya at baka magbago ang kaniyang isip. Pinuntahan ko muna si Mama sa likod ng bahay.
“Ma! Kumuha po ako ng 50 sa wallet niyo!” malakas na sigaw ko kay Mama. Lumabas na ako at naghintay ng taxi. Excited tuloy ako!
“I hate you, Kuya..” bulong mo pa bago sumakay sa taxi.