CHAPTER 26

1027 Words
CHAPTER 26: Mahirap na kung magsalita siya at baka magbago ang kaniyang isip. Pinuntahan ko muna si Mama sa likod ng bahay. “Ma! Kumuha po ako ng 50 sa wallet niyo!” malakas na sigaw ko kay Mama. Lumabas na ako at naghintay ng taxi. Excited tuloy ako! Sa tuwing pumupunta ako sa bahay ni Kylla hindi ko talaga maiwasan hindi tumingin sa mga bahay na nadaanan ko. Dito rin kasi nakatira si Liam at baka makita ko siya. Bumaba na ako ng taxi at nagbayad. Nag-doorbell ako at si Bianca ang lumabas para buksan ang gate. Nauna siya sa akin. “Ang tagal mo?” bungad sa akin ni Bianca. “Ang hirap kasi kumbinsihin si Mama,”sagot ko. Pumasok na kami sa loob at nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kyline. Nakababatang kapatid siya ni Kylla. “How are you,” tanong ko sa kaniya at niyakap pabalik. “I’m fine but Ate is still mad at me,” malungkot na sabi niya. Laging pinapagalitan ni Kylla ang kapatid niya kasi ang kulit daw nito kahit naglalambing man lang si Kyline. Mabait naman ang kapatid niya pero hindi ko din mapigilang hindi mainis sa batang ito. “You know, Ate Sofi…” At ito nagsisimula na nga siya. Dakilang madaldal 'tong batang ito. Sinundan ko na lang si Bianca sa practice room at sinusundan din ako ng batang ito. “Lumabas ka nga! Gusto mo paluin kita” pananakot ni Kylla sa kapatid nang makapasok kami sa practice room. “I hate you! Isusumbong kita kay Mommy!” sigaw ni Kyline at tumakbo palabas. Si Kyline ay 4 years old at tulad namin ni Kuya Luis ay dalawa lang din silang magkapatid. “Let’s start?” tanong ni Kylla sa akin. “Yeah! Let’s start!” Hip-hop ang pina-practice namin na sayaw ngayon. As usual matatagalan na naman kami kay Bianca. Marunong naman siyang sumayaw pero matagal nga lang makuha ang mga steps. Nagpahinga muna ako at si Kylla tinuturuan pa rin si Bianca. Ay! Baka makalimutan ko 'yung good news! Magsasalita sana ako ng nakita ko 'yung Mommy ni Kylla papunta dito kaya nagmamadali kaming magligpit at kaniya-kaniyang tago ng mga gamit. Sabay kaming umupo sa upuan at kunwaring gumagawa ng assignments. Mabuti nga at nandito 'yung mga notes ni Kylla. “Oh! Anong ginagawa niyo dito?” tanong ng mommy niya. “Ma, gumagawa kami ng assignments. Huwag niyo naman kaming istorbuhin,” sabi ni Kylla. “Hi! Tita,” sabay naming bati ni Bianca sa mommy niya. Mukhang masungit si Tita pero mukha lang kasi sa totoo mabait naman ang mommy ni Kylla. “Sige, ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Ano’ng oras ba kayo uuwi?” “Hmm…siguro po mga 5:30,” sagot ko. Tumango si Tita bilang tugon sa sagot ko. Lumabas siya at sinenyasan si Kylla na sumunod. Makikita sa mukha ni Kylla ang inis at tawa lang ang naibigay namin ni Bianca sa inakto niya. Nang sumunod na si Kylla ay agad kami ni Bianca pumwesto sa may pintuan at ready na makinig sa mga rap nila. “Baby, Kyle! Ano ginawa sa 'yo ng Ate mo?” mahinahon na tanong ni Tita kay baby Kyline habang naghahanda ng meryenda. “Ma, wala naman akong ginagawa sa kaniya sadyang ang kulit niya lang!” Pagpapaliwanag ni Kylla. “No! Mommy, sinisigawan niya po ako at sabi niya papaluin niya raw po ako,” sabi ni Kyline at umakting na naiiyak. “Wala naman akong sinasabi ha! Ma! Huwag kang maniwala sa kaniya, gumagawa lang po siya nang kwento.” “Alam mo bang hindi nagsisinungaling ang mga bata!” seryosong sabi ni Tita. “Mommy, 'yun lang naman sinabi ko sa kaniya eh!” naiiyak na sabi ni Kylla. Ang sarap talaga niyang kuhaan ng video tapos ikalat sa social media. Just kidding! “Hindi, Mommy! Ayaw niya rin po na kausapin ko sila Ate Sofia at Bianca …tapos sabi niya kanina tatalian niya raw ako sa leeg,” pagsusumbong ni Kylla at umarte na namang umiiyak. Inaasar niya talaga si Kylla. “Sinabi mo 'yon? Ikaw ang Ate tapos inaaway mo kapatid mo at kung ano-ano pa sinasabi mo!” Malakas na sigaw ni Tita at dumadaing sa sakit si Kylla. Hindi pa tumigil si Tita at kinurot pa siya sa may hita. Ang sakit no'n. Si Kyline naman ay tuwang-tuwa pa at inaasar si Kylla. Blehhh siya ng blehhh kanina pa at mabuti nga hindi iyon nakikita ni Tita kasi baka makatanggap rin siya ng kurot. Ang mommy ni Kylla ay isang elementary teacher at ang daddy nito ay ang nagmamay-ari ng isang private elementary school. Papalapit si Kylla sa kinaroroonan namin kaya dali-dali kaming bumalik sa pwesto namin ni Bianca at nagkukunwaring may seryoso kaming pinag-uusapan. “Humanda ka pag-uwi ng Daddy mo!” rinig naming sigaw ni Tita. Lagot na naman siya. “Bukas na lang natin itutuloy 'yung practice,” naiiyak na sabi niya. Pinipigilan kong hindi tumawa, ang pula kasi ng kabilang tenga niya at siguro nagpipigil din ng tawa si Bianca. Umupo siya sa upuan at nagsimulang umiyak. Ang laki niya na tapos kung umiyak siya parang isang buwan siyang hindi kumakain ng lollipop. Gusto ko talagang tumawa. Si Kylla ‘yong tipo na mainit ang ulo at palaban. Ayaw na ayaw niyang magkaroon ng kapatid simula pa noong una, lagi siyang nagtatampo nang malaman niyang nagdadalantao ang mommy niya. Nang isinilang si Kyline lagi siyang nagseselos siguro dahil si Kyline 'yung bunso. Lagi niyang inaaway ang kaniyang kapatid kaya madalas rin siyang pagalitan ni tito at kinukurot ni tita. Nakita ko si Bianca na nagliligpit ng mga gamit kaya tumayo na rin ako para tulungan siya. “Tama na Kylla!” mahinahong sabi ko habang kinukuha ang mga nakakalat na notes malapit sa kaniya. Tumahan na nga siya at tinulungan kami. “Hi! Ate, are you still crying?” sulpot na tanong ni Kyline. Nagulat tuloy ako, ang kulit talaga ng bata! “Hayop ka! Umalis ka nga dito!” galit na taboy ni Kylla sa kaniya. “Lagot ka kay Daddy! Isusumbong kita…” pang-aasar ni Kyline.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD