CHAPTER 25: New Transferee
“Sino daw 'yon?”
“Ayy, Oo may bago daw pala mag-ta-transfer dito at alam niyo ba na sobrang sikat ng girl na 'yon?"
“H-Hindi namin alam niya no.”
Wala talagang bago, umagang-umaga may pinag-uusapan ang mga nandito sa labas mas lalo na siguro sa loob.
“Sofi!"
“Sofi!”
“Bakit kayo sumisigaw?” tanong ko kina Kylla at Bianca.
Tumakbo sila papalapit sa akin at hinila ako tapos takbo na naman ulit.
Okay lang kaya sila?
“Grabe, dapat matingnan mo ang ginawa ng bagong transferee" nagmamadaling sabi ni Kylla.
“But she's pretty though, right?" sabi naman ni Bianca.
Mula rito naririnig namin ang ingay. Agad naman napahinto sila Bianca at Kylla. Mas papalapit ang mga ingay kaya nagtaka ako.
“Naku, baka papunta rito. Tara na!”
“Takbo na!! Sofi! Bilis lagot na!"
Nagmamadali silang dalawa kaya tumakbo na lang rin ako at sinundan sila. Para tuloy silang mga timang sa mga pinaggagawa nila.
Tatakbo papunta rito tas babalik lang din naman.
“Ang ganda niya!"
“Oo, super pero totoo ba ginawa niya iyon?"
Nakakainis naman ano ba kasing ginawa ng bagong transferee. Bigla na lang nawala sila Bianca at Kylla.