Chapter 1

1309 Words
"Ano ho ulit ang ginawa ni Sir, Ma'am?" Muling tanong ng Police Chief sa akin na mukhang nagpipigil ng tawa. Naramdaman ko ang init na namuo sa magkabila kong pisngi. "Ninakawan niya ako ng halik." pangatlong ulit ko na reklamo. But this time is quieter compared from the first time I blurted it out when we got here. Kung bakit ba naman kasi si Papa pa ang nag-interrogate sa akin. Nakita kong napailing ang bayaw kong si Jazz na nakatayo sa likuran ng kaharap kong si - sino nga ulit siya? Ah, basta itong bestfriend ni Jazz. How did we end up here? Well, after he freaking stole a kiss from me I called out my brother-in-law and his bestfriend out of my anger and disgust. Nawala ang kaluluwa ng propesyonalismo na nananalaytay sa katawan ko at sinabihan ko si Jazz na hindi na ako ang mag-ma-manage ng kasal nila ng kakambal ko at ibabalik ko ang pera na nasa akin na gagamitin sa mga kailangan nila. Bakas naman ang pagkabigla sa boses niya ng itinanong niya bakit at anong nangyari. I told him everything that had happened. He was also quite shocked and confused at the same time as to why his bestfriend would drop by my shop. Wala rin daw siyang kinalaman sa pera na inabot sa aking ng bestfriend niya. Siya na ang nanghingi ng dipensa at nagtanong kung ano raw ba ang gusto kong gawin niya para makabawi sa katarantaduhan na ginawa ng bestfriend niya. So, I asked him to bring his bestfriend at the Police Station near my shop para mapa-blotter ko siya. That was sexu@l harrasment. And here we are. We are seated infront of each other with me trying to kill him with my gaze. Pero ang kupal, aba! Nakangisi na parang proud pa siyang pinapulis ko siya! Ugh! I just want to erase that goddamn smirk on his face. Pasalamat siya wala na ako sa serbisyo kung hindi kanina pa 'to di na makalakad at makangisi. "Kung galit na galit ka, Kaitie Carina. Bakit hindi mo na lang ibalik sa akin 'yong halik ko?" mapang-asar na tugon niya. GAGO TALAGA! GUSTO KO SIYANG TADYAKAN SA BAYAG NG HINDI NA SIYA MAGKALAT NG NAPAKAPANGIT NIYANG LAHI! "Bro!" suway sa kanya ni Jazz. I clutched my purse tight and challenged his palyful stare with my death glare. "Wala akong kailangang ibalik sa'yo." matigas na ani ko. He chuckled. "Okay, sige. Babawiin ko na lang ba?" Urat na urat na ako sa lalaking ito! Saan ba nanggagaling ang katigasan ng pagmumukha ng damuhong ito! Sasagot pa sana ako kaso naaninag ko ang kakambal kong si Kiara papasok sa prisinto. Agad naman siyang humalik kay Jazz bago humalik sa pisngi ni Sir Khian bago nagtanong kung anong nangyari. Muling napapailing si Jazz at itinuro ang bestfriend niya. "Kapag hindi natuloy 'tong kasal natin, sisihin mo itong si Jonas." Lumingon naman agad sa kanya itong damuhong na ito. I know he had something funny to tell pero nawala ang pagkapilyo niya nang makita niyang nangingilid na ang luha ni Kiara. "J-Jonas, alam mo kung gaano kaimportante sa akin ang matuloy ang kasal namin." mahinang sambit niya sabay yuko. Hindi ko rin siya masisisi, kahit nanganak na siya emotional pa rin siya gawa ng postpartum depression niya. Salamat kay Jazz sa haba ng pasensiya at pagmamahal niya sa asawa na hindi niya hinahayaan na lumala ang pinagdadaanan niya. Agad namang napatayo si Jonas at umakap sa kanya. "Hey, hey. Matutuloy ang kasal niyo, okay? Ako mismo ang magliligpit sa gustong pumigil sa kasal niyo." What a goddam paradox this man is! Hindi niya ba alam siya ang puno't-dulo ng lahat? "Edi iligpit mo sarili mong ugok ka! Tsaka itigil mo na nga 'yang pag-yakap mo sa asawa ko!" sabay tulak sa kanya ni Jazz at yakap kay Kiara. "Fine, okay!" mapagmaktol na sambit ni Jonas na para bang napipilitan lang siyang sabihin kung ano mang susunod na salita ang lalabas sa bibig niya. "I'm sorry for stealing a kiss from you, Kaitie Carina. It was very immature and shameless, and I didn't value your being a woman." Kahit na alam kong labas sa ilong lahat ng sinasabi niya, tinanggap ko na lang dahil wala rin naman sa hulog 'yong idamay ko ang kasal ng bestfriend niya. "So, magpapa-blotter ka pa po ba, Ma'am?" tanong ni Sir Khian na um-extra lang ata sa pangyayari. Pero sigurado na ako mag-eemote na 'yan kay Nanay kapag makuwento niya ang nangyari ngayon sa akin. Umiling ako. "Hindi na. Okay na, Chief." Ano pa ba ang use na nandito ako, diba? Beisdes, I must create a space between me this despicable man. Ayaw kong mahawa sa ano mang elemento na mayroon siya. I bid farewell to the couple and to Papa and didn't wait for their reply. Basta madali akong lumabas sa prisinto at nag-abang na masasakyan pabalik sa shop ko. Umiwas na rin ako baka i-corner ako ni Papa at Kiara. Of course, dahil congested ang traffic situation ng Pilipinas kahit saang parte ng bansa. Naabutan ako ni Jazz at Kiara. "Ate Kaitie." tawag sa akin ni Kiara na siya namang nilingon ko. Agad naman siyang umakap sa akin, "I'm really sorry for what happened, Ate. Jazz told me everything. " Tugon niya ng pinutol niya ang yakapan namin. "Wala na 'yon sa akin, lil sis." this is a lie, but I have to say it. May atraso din ako sa kanilang dalawa. "Pasensiya na rin kung nadamay kayo." "Okay lang. We didn't take that personally. Nakakapikon din naman talaga ang ginawa niya." Dagdag naman ni Jazz. Tumango ako na lumingon sa pintuan ng prisinto, malayo kami pero naririnig naming umalingawngaw ang malakas na tawa ni Jonas sa loob. "Pasensiya na rin kung nagmamadali akong lumabas kanina. Kailangan ko talagang lumayo sa Bestfriend mo. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at maipalamon ko sa kanya 'tong takong ko." I said truthfully. Well, totoo naman. Siyempre hindi nga lang lahat ay puwede nilang malaman ang tunay na dahilan. My brother-in-law chuckled while my sister laughed. "Please do it. Hindi ka namin pipigilan." Jazz supplied. "So, I'll get your number, officer. And, I'll see you tonight." narinig naming banggitin ni Jonas sa kausap niyang pulis bago lumapit sa aming tatlo. Iyon kanina ang unang sumalubong sa amin bago si Papa ang humarap at kumausap sa reklamo ko. Hindi ko na lang napigilan ang pag-irap ko nang nakatayo na siya sa harapan ko. "Oh, 'wag ka nang magselos sa kanya, Kaitie. Lamang ka pa rin sa halik." tugon niya sabay kindat. Ugh! Ibang level ang confidence ng damuhong ito! "ONAS!" suway naman agad ni Jazz Jonas raised both of his hands as if retreating. "Please, stop harassing her. Marami kang babae diyan bakit hindi na lang sila ang pagtuunan mo ng pansin?" dagdag ni Jazz. Of course, he's a womanizer. Hindi na dapat ako magugulat doon. Napailing na lang ako. Ano bang ginawa ko at nakilala ko 'tong hayup na 'to? May mga sinagot siya kay Jazz, probably some sh!t reason just to validate his womanizer ways but I wasn't interested so I tuned out. May sinasabi pa sa akin ang kapatid ko pero di ko na nagawang intindihin. Inabangan ko na lang na may tryke na dumaan saka ko agad na pinara 'yon. The two of them discussing when I moved to get in the tryke. "Kaitie, we're very sorry for what happened." then he looked at Jonas. "Diba, Bro?" Jonas again has that playful smirk plastered on his face. "Yeah, really sorry." Tinanguan ko na lang sila dahil alis na alis na ako. Uupo na sana ako nang maayos pero muli akong tinawag ni Jonas. "Kaitie." I matched his eyes. At mukhang 'yon ang gusto niyang mangyari dahil lumawak ang ngiti niya sa labi. "I never regret kissing you, baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD