bc

Breaking Her Rule (Jonas Lei & Kaitie Carina Story)

book_age18+
365
FOLLOW
5.2K
READ
love-triangle
family
HE
opposites attract
badboy
decisive
bxb
gxg
lighthearted
nurse
like
intro-logo
Blurb

A lady of positive attitude, determined person, and a ray of growth. Babaeng naniniwala sa kasabihang, maging positibo sa lahat ng bagay, kasaganahan sa anumang kagustuhan ay iyong makakamtan. Nang malaman niya ang isang bagay na makakapinsala sa lahat nang ninais at inasam walang pagdadalawang-isip na tinalikuran ang lahat ng mga bagay na gustong mapasakamay at makamtan. Her receptiveness and maturity will peek thru her dilemma. Hindi naging madali ang lahat sa kanya para maunawaan ang laro ng buhay na naranasan niya. But later on she accepted and decided to move on.But when she was contented, got everything controlled and moves planned, one man came barging in and started ruining her every scheme.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue "Ma'am Kat, may naghahanap po sa inyo sa labas." narinig kong tawag sa akin ni Arvin. Napa-angat ako ng tingin at nakitang nagiting-ngiti siya habang nakasandal sa pintuan. Napakunot-noo ako saka ko siya tinanong. "Bakit ang ganda ng ngiti mo?" Mas lumapad ang ngiti ng loka-loka saka pumasok at umupo sa silya na nasa harap ng mesa ko, "Ma'am, kung si Kiara pa ang kausap ko basa na niya ang mga ngiti ko. Pero dahil ikaw ay kabaliktaran niya, siyempre, inosente tayo. Labas ka roon at kausapin mo na ang naghahanap sa'yo. Napaka-guwapo at mukhang mabango!" ipit na tiling sambit niya. Baklang to! Ewan ko ba bakit natatagalan ni Kiara ang kaingayan nito. Napairap ako. "Alam mo ikaw, wala talagang araw na wala kang pinagnanasaan na customer." "Ma'am Kat naman! Very slight lang naman, alam ko namang lahat sila ikakasal na ano! Ano lang naman ang magwindow-shopping ng very light." Napahilot ako sa sentido ko na siya namang tinawanan lang niya. "Go out there, and tell to the client that I'm coming." I heard him whispering something. Na kesyo napaka-uptight ko raw, na kesyo baka tumanda na raw akong dalaga kapag hindi ko ginalingan? Galingan saan? Na kesyo baka kulang lang daw ako sa romansa at marami pang iba. Gusto ko na sana siyang batuhin ng mug, kaso bigay kasi ito ni Nanay, may family pic pa kami na nakaprint sa tasa ko, kaya wag na lang. Malaman pa ni Tigress na binato ko lang ang tasang bigay niya baka ako pa ang ibabato niya sa far far away land. Ang bakla talaga na 'yon ang daming side-comments parati. If they only knows what I really want. I looked the calendar at the side and saw that we are jam-packed on weddings, birthdays and other celebrations. Katatapos lang ng apat na events na kung saan kami ang nag-cater at nag-supply ng mga bulaklak, at dalawa roon ako ang event planner. Ang susunod na magaganap ay kasal nang kakambal kong si Kiara at Jazz. This wedding is too dear for me to mess up, kaya sa lahat hands-on ako sa pag-aasikaso. I didn't even remember why I agreed on her. Tanging naalala ko lang di niya ako kinakausap nang umayaw ako. Ang yaman-yaman nilang mag-asawa mas gusto pa nila sa makalibre sila. Pero dahil sa mahal ko silang dalawa pumayag na lang ako. Sa dami ng pinagdaanan ng dalawang 'yon sa wakas isasakatuparan na nila ang ultimate dream wedding ni Kiara. Sana all, diba? Pangarap mong maging Princess Diana ng Pilipinas sa iyong mismong kasal, tutuparin na 'yong asawa. Si Jazz lang 'yan na marupok sa kapatid ko. Lumabas ako sa opisina ko at sinalubong ako ng aroma ng kape at mahalimuyak na amo'y ng iba't-ibang bulaklak na nasa shop ngayon. Dito kasi sa loob ng main branch ng Dreamer's Bean ang opisina ko. Katabi lang nito din ang shop sa mga bulaklak at mga gamit namin sa pag-ca-cater. Nataon pa na maraming delivery ngayon dahil may isang binyagan at isang company anniversary ang aming su-supply-an sa Biyernes. "Arvin, nasaan si Sir?" Tawag ko kay Arvin na busy na mag-ayos ng bulaklak sa maliit na paso. "Nasa kabilang waiting area, Ma'am. Nahihilo daw kasi sa iba't-ibang klase ng amoy." Sagot niya. Dalawa kasi ang waiting area sa tabing shop ng coffee shop namin. Isa sa loob para sa mga gustong tumingin sa mga available na bulaklak at floral designs at arrangements kung sa may pake sa event, at ang isa ay nakahiwalay na maliit na kuwarto para sa mga napilitan lang sumama at gusto lang makalibre ng kape at wifi. Holding my clip board and iPad, I went to the external waiting area, based on how we call it. "Hi, Sir. Sorry for the wait. What can I help you with?" I greeted with enthusiam. He stopped from scrolling his phone and he stared at me. Maya maya lang ay napatakip na siya ng ilong. "Ikaw ba 'yong mabaho?" parang tangang tanong niya. Alam kong napasimangot ako dahil sa tanong niya. The nerve of this guy. "Excuse me, Mr.?" "Ikaw ba 'yong amoy bulaklak o kape na ewan?" Saka ko naalala ang sinabi ni Arvin kanina na ayaw niya sa mga amoy dito. Hindi ko naman siya matutulungan sa problema niya. Total di rin lang naman siya ang nagsabi no'n, marami sila. Siguro dahil na rin palagi ako dito sa shop. Naging tahanan ko na rin dito simula nang iniwan ko ang prinsinto na naging unang bahay ko. "Maybe I am." Sagot ko sabay pilit na ngumiti. Sandali siyang natigilan sa kung ano mang asiwa ng ekspresyon ang nasa mukha niya saka niya ako tinitigan ng mariin. Nang una ay ayos lang, kaso nang tumagal naging ilang ako. "Excuse me, Sir?" "Sorry." mabilis na bawi niya sabay iwas ng tingin. "Ito pala ang bayad sa parte ko ng kasal ng kaibigan ko." At inabot niya sa akin ang puting enevelope na may pangalan ko sa likod. Kahit hindi ko kilala kung sino bang kaibigan ang sinasabi niya, inabot ko pa rin ang sobre mula sa kanya. Our fingers briefly touched and he withdrew instantly as if he was burned. Pinigilan ko ang sarili kong umirap dahil sa kaartehan ng lalaking ito. "Sh!t. Fvck." I heard him whisper his curse but I chose to ignore him. Kung ako man ang minumura niya mapaliguan sana siya ng pabangong amoy kape at bulaklak. "Sino nga ang kaibigan mo, Sir?" "Si Jazz at saka si Kiara." mabilis na sagot niya saka siya tumayo. "I'm going." saka siya tuluyang lumabas. Hindi ko alam kong ano ang problema niya. Una, dahil hindi ko naman sinabing babayaran nila ang serbisyo ko sa kapatid ko at si Jazz. Bakit siya magbabayad? Pangalawa, kung sakali mang babayaran pa rin nila ako kahit sinabi kong libre ay bakit ang kaibigan ni Jazz ang nag-abot sa share niya sa kasal nila? Alam naman ng mag-asawa ang bank account ng negosyo. Pangatlo, ano ang problema ng lalaking 'yon? Babalik na sana ako sa opisina ko para makuha ang cellphone ko at matawagan ang kakambal ko kaso muling bumukas ang sliding door at muli na namamg nasilayan ang wirdong lalakeng ito. Arvin is right. He's handsome. Just when I was about to ask him why he came back, he speak before I will utter a word. "Sorry, but..." The he closed in the space between us in a few strides and before I know it his lips were on mine. It was brief but it was intoxicating. "I just need to taste your lips. I've been dying to do that for a long time now." I was in a state of daze before I noticed that his arms where around me and I was clinging unto him. I quickly entangle myself and bought a huge gap between us. "I'm Jonas. I'll see you around more often, Officer Kaitie." then he left again. Napahawak ako sa labi ko at biglang nawindang ang utak ko. WHAT THE HELL JUST HAPPENED AND WHAT THE f**k DID HE JUST CALLED ME?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
319.5K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
17.4K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
99.2K
bc

Just Got Lucky

read
146.4K
bc

The Lone Alpha

read
110.1K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
6.6K
bc

Cruel Love

read
782.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook