(7) The Legal Daughter

3170 Words
EVEION ANASTASIA'S POV "Please, sumagot ka... sagutin mo..." Pabalik-balik ang lakad ko dito sa loob ng aking apartment. Nauna na akong umuwi at piniling mag-undertime na lang sa trabaho ko ngayon sa flowershop matapos kong makita ang balita kanina. The number you have dialed is currently busy, please try again-- "Urgh!" Inis kong naibaba ang aking cellphone bago tuluyang napasuklay sa maikli ko ng buhok. Pinagpapawisan na ako at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. T-This is not what I really want... Hindi... H-Hindi sa ganitong paaran... Muli kong dinial ang numero ni Dave, nagbabakasakaling sagutin na niya ako sa pagkakataong ito, pero hanggang ngayon ay busy parin ang linya niya. Wala akong number ni Candice, at mula nong lumayas ako, binura ko na rin ang number ni dad. Nanginginig ang mga kamay kong pilit na kinokontak si Dave. "Kahit ngayon lang... please kahit ngayon lang..." Totoo ba talaga yung nasa balita kanina? The news report flashed a university bus where Candice and Dave is currently enrolled at-- sa mismong paaralan kung saan din sana ako nag-aaral ngayon. Base sa balita ay mga cheerleading squad daw ang nasa loob ng bus. Most of them are fine and only got a minor injury, but when the reported mentioned the bus driver and Candice's name... The number you have dialed is-- "Bwisit!" Ayoko... ayokong paniwalaan na totoo ang lahat ng 'to... Panaginip lang 'to, panaginip lang. Sinampal ko ang aking pisngi dahilan upang mapangiwi ako sa sakit. Dahan-dahan akong napaluhod sa carpet habang kinakalma ang aking naghaharumentong dibdib. How was it? Good? Madiin akong napapikit nang maalala ko ang huling text nito. How could they say that? 'Good'? What's good in putting someone's life in danger? Biglang umilaw ang cellphone ko dahilan upang mapatingin ako roon. The pain in my cheek is still tingling. Nang basahin ko ang text message na natanggap ko, hindi ko maiwasang manigas. Unknown: Why are you hurting yourself? Nanlaki ang aking mga mata sabay tayo mula sa pagkakaluhod. Mabilis kong nilingon ang buong paligid ng aking apartment lalo na ang bintanang nakabukas. I hurriedly sprint ahead and closed all of the windows-- locked them and made sure the curtains are covering any sight from the outside. Muling umilaw ang cellphone ko dahilan upang mapatingin ako roon. Unknown: Why are you hiding? Our agreement is to keep your windows open, Eveion. Napasinghap ako hindi maiwasang mapahawak ng mahigpit sa cellphone. They are watching me. Eveion: Ayoko na. Ayoko na! Binabawi ko na ang gusto ko! Unknown: Bakit? Hindi mo ba nagustohan ang ginawa ko kanina para sa'yo? Nanindig ang balahibo ko sa batok nang mabasa ko 'yon. Eveion: Hindi! Muntikan mo nang mapatay si Candice! Unknown: Oh... I thought that was the plan? I scream in terror when I read the message. I scream to let out my anxiousness and fear mixing all up in my system. Mamamatay tao ba 'tong kausap ko ngayon? Eveion: Sino ka ba?! Bakit mo 'to ginagawa? Unknown: Haven't I told you already? I'm your guardian angel. Eveion: Stop playing games with me! Unknown: Honey, I'm not playing games with you. Ilang ulit kong iniling ang aking ulo habang patuloy paring pinagpapawisan ngayon. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, earlier I was in the living room, now I'm at the kitchen-- pressing myself against the countertop. Napaparanoid na ako ngayon. Eveion: Tumigil ka na. Unknown: Bakit? Nagsisimula pa lang tayo, hindi ba? Eveion: TUMIGIL KA NA! AYOKO NA! Unknown: Aayaw ka na kaagad? Eveion, we're not yet even halfway there. I still have a lot of skills to show you. For example, I know a hundred ways on how to kill a man... and I can make 80 of it look like it was an accident. Napalunok ako ilang beses bago tuluyang napaiyak. He's sick. He's sick! Hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya kaya mabilis akong nagtungo sa aking kwarto. Magbabalak na sana akong mag-impake para umalis dito dahil parang ayaw kong magpaglipas ng gabi ngayon dito, nang bigla akong matigilan sa aking nasaksihan. Ang kaninang bintanang sinara at nilock ko kanina ay nakabukas na ngayon... Napahakbang ako paatras habang gulat at tulalang napatingin sa nakabukas na bintana. Nangingini ang mga kamay ko nang dahan-dahan akong humakbang papalapit sa bintana atsaka napatingin sa baba. I see nothing. Humangin ng malakas dahilan upang mapahawak ako sa aking buhok at sa kurtina. *crash* "Ah!" Napahawak ako sa aking dibdib atsaka mabilis na napaharap sa pinto ng aking kwarto nang may marinig akong nabasag sa labas. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko ngayon upang takbuhin ang sala. Nang marating ko ito, muli kong nakita ang is ako pang bintanang nakabukas. Ang bagay na nabasag ang ang flower vase na malapit sa bintana. I ran as fast as I can to look over the window, hoping I could catch whoever dares to get inside my apartment, but I saw nothing. Mabilis kong hinanap ang aking cellphone atsaka nagcompose ng message sa kanya. Eveion: Ikaw ba 'yon? Ikaw ba ang pumasok sa apartment ko?! Unknown: Maybe. Maybe not? Eveion: Hindi ako nakikipagbiruan! Unknown: Why are you afraid if I didn't cause you harm? Eveion: Hindi ito ang gusto ko! Unknown: But I thought you want revenge? Honey, this is revenge. Eveion: Hindi sa ganitong paraan. Unknown: Pano ba 'yan? Ito lang ang paraan na alam ko. Eveion: Kaya tumigil ka na! Ayoko na! Binabawi ko na ang lahat. Sa isang idlap ay biglang nahinto ang pagpapalitan namin ng text messages. Hindi ko alam kung bakit pinili kong maghintay sa reply nito imbes na mag-impake at umalis na dahil baka hindi na ako sisikatan ng araw kinabukasan. Minutes... hours... until a day already passed... the unknown vanished into thin air. Matapos ang tatlong araw ay wala na akong natanggap na text message mula sa kanya. Was that it? Did they finally stop? Does our agreement finally done? "Eve, mag-uundertime ka?" Muli akong nabalik sa reyalidad nang pukawin ni Ina ang aking atensyon. Nasa pinagtatrabahoang coffee shop ako ngayon dahil weekends. "Oo, may pupuntahan pa kasi ako." "Ganon ba? Sige, mag-iingat ka ha?" Ningitian ko si Ina atsaka niya pasimpleng hinawakan ang buhok ko. "Gusto ko buhok mo ngayon ah, bagay na bagay." Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya bago siya tuluyang bumalik sa trabaho. Kaagad kong tinanggal ang aking uniform pagkapasok ko sa locker naming mga babae atsaka nagbihis. Inayos ko ang pagkakatali ng sapatos ko atsaka isinakbit ang aking bag. "Para!" Pumara ako ng bus atsaka tuluyang tinahak ang highway papunta sa isang pamilyar na exclusive subdivision. Nang dahil sa nabalitaan ko, tuluyan akong nagpasya na dumalaw dito matapos ang isang taon. As I looked up on a familiar mansion right in front of me, I can't help but to tighten my grip against my bag. Andito ulit ako... Habang pinagmamasdan ko ang bahay, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga alaala namin noon bilang isang pamilya. Who would've thought that everything will fall apart like this? Ang noong masaya at perpekto kong buhay kasama ang aking mga magulang ay tuluyan nang naging alaala at mananatiling alaala na lang. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito sa labas, na kung hindi lang dahil sa isang maid na bumukas ng gate at nakita ako, ay baka hanggang ngayon ay nasa labas parin ako. "M-Ma'am Eve?!" Gulat nitong saad nang makita ako. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Ma'am Eve, bumalik po kayo!" Masaya nitong saad atsaka ako mabilis na nilapitan. Dahil sa boses nito ay isa-isa na ring nagsilabasan ang mga kasambahay namin. Nang makita ko ang mga pamilyar na mukha nila ay kahit papano naibsan ang lungkot sa aking dibdib. "Ma'am pasok po kayo, tatawagin ko si Aling Concepcion." Mabilis na umalis ang maid atsaka dali-daling tumakbo sa loob. Pagkapasok ko ay hindi ko maiwasang tignan ang buong paligid at madismaya. Mahigit isang taon kang wala rito, Eveion, kaya ano ang inaasahan mo? Everything changed from the furniture up to the chandelier that hangs on the center. Even the carpet that my mother loves was already gone and was changed into an animal fur. I silently watch the entire interior of this house and realized something... This is no longer my home. "Eve?" Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Nang lingunin ko kung saan ito nagmula, kita ko ang isang matandang babae na gulat na nakatingin sa akin. Unti-unting nagkaroon ng ngiti ang matamlay kong mukha. "Nay..." "Diyos ko, Eve, bumalik ka!" Kaagad niya akong nilapitan atsaka niyakap ng mahigpit. Nang maramdaman ko ang yakap niya, hindi ko maiwasang mapapikit kasabay ng pangingilid ng aking mga luha sa mata. Nang mayakap ko 'to, parang nakayakap na rin ako sa sarili kong ina. Siya si Aling Concepcion, siya ang nagpalaki ni mama nong sanggol pa lang ito. At nong maikasal siya sa aking ama at nabuntis, katuwang niya si Aling Concepcion sa pagpapalaki sa akin. I don't have a grandmother, but with the presence of her, I feel like I already have one. "Kamusta ka na? Bakit... b-bakit ngayon ka lang bumalik bata ka? Kumakain ka ba ng maayos? Bakit pumapayat ka ata?" Sunod-sunod nitong tanong sa akin bago hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Nasan ang mga gamit mo? Bakit hindi mo dala?" Dagdag pa nito matapos nitong mapansin na tanging sarili ko lang ang dala ko ngayon dito. "Nay..." Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay atsaka ito dahan-dahan na ibinaba mula sa pagkakahawak sa aking pisngi. "Hindi po ako... babalik." Sabay na bumagsak ang kanyang balikat bago napakurap. "Eve, naman." "Nagpunta lang po ako rito dahil narinig ko ang balita." Palihim akong napalunok matapos ko itong sabihin sa kanya. Hanggang ngayon ay andon parin ang konsensya sa dibdib ko. "A-Andito po ba si Candice?" Malungkot itong tumango sa akin dahilan upang tipig ko itong ningitian. "Nasa kwarto siya, nagpapahinga." "Pwede ko po ba siyang puntahan, nay?" "Aba, oo naman, Eve. Bahay mo 'to, dito ka lumaki, kaya anong klaseng tanong 'yan?" Bakas sa boses nito ang pagkairita dahil sa tanong ko. "Novelyn! Ihanda mo ng makakakain si Eve ngayon din!" Sigaw nito sa isa naming kasambahay bago hinawakan ang kamay ko. "Halika at ihahatid kita sa kwarto niya." "Hindi na po kailangan, nay, ako na pupunta." "Sigurado ka ba?" "Opo." "Oh s'ya, bumalik ka kaagad dahil ipaghahanda kita ng paborito mo." Isang tipid na ngiti na lang ang isinukli ko sa kanya bago ito pinagmasdan na maglakad patungo sa aming kusina. Bakas sa boses at mukha nito ang pananabik dahil sa pagbisita ko ulit dito matapos ang mahigit isang taon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa atsaka dumiretso sa kwarto ni Candice, titignan ko lang ang kalagayan niya ngayon, iyon lang. Sisilip lang ako sa kwarto niya para maisiguro kong ayos na talaga siya. Pero sa pagpasok ko sa loob ay hindi ko siya nakita, ni kahit anino nito. Bakit wala siya rito? Akala ko ba nagpapahinga siya? Saktong pagsara ko sa pinto ng kwarto niya ay siyang paglabas nito mula sa isang kwarto na nasa kabilang direksyon ng pasilyo. Pareho kaming natigilan sa aming pwesto nang magtama ang paningin namin ni Candice. She immediately went pale when she saw me while I look at her in disbelief when I realized where she came from. "Anong ginagawa mo sa kwarto ng ina ko?!" I suddenly snapped in an instant when I saw her holding the key to my deceased mother's room. Mula nong namatay si mama, lahat ng mga gamit nito ay inilagay namin sa kwartong iyan. That room is the most cherished room in this mansion, iyan din ang kwartong hindi hinahayaang may makapasok na iba. So why... why does this girl have the key into my mother's room? "A-Anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwala nitong saad lalo na't sa dinami-raming taong may makahuli sa kanya, ay ako pa talaga. Biglang nandilim ang paningin ko lalo na't mapatingin ako sa kanyang leeg. "Walangya ka, bakit suot-suot mo ang kwintas na 'yan?!" "Ahh!" "Akin na 'yan!" She winced in pain when I grabbed her arm and was about to snatch the necklace from her neck. "Ano ba?! Nasasaktan ako! I'm injured! Stop!" "Wala akong pakialam! Hubarin mo 'yan!" Bakit? Bakit niya suot-suot ang kwintas ng mama ko? Who gave her the permission to get inside? Tatlo lang ang taong binigyan ng susi sa kwartong ito, ako, si Aling Concepcion, at ang sarili kong ama. Wala na akong ibang maisip na pwedeng nagbigay sa kanya kundi ang ama ko lang. "Ouch! Get off me! Mom! Mommy!" Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Kunin na nila ang lahat, pero huwag na huwag nilang pakikialaman ang mga gamit ng ina ko. My mother's belongings are like sacred treasure to me. If my father failed to protect them-- I will never forgive him. And seems like he really did fail. "Candice!" Napasinghap ako nang biglang may humila sa akin mula sa likuran dahilan upang mapaupo ako sa sahig. "Bitawan mo nga ang anak ko!" Galit na saad nito bago mabilis na hinawakan ang kanyang anak. Naikuyom ko ang aking kamao na ngayon ay hawak-hawak na ang kwintas ng aking ina. Nasira na ito dahil sa kagustohan kong matanggal kaagad ito mula sa leeg ni Candice. The girl in front of me cried while holding her neck, at nang makita ito ng ina niya, mabilis niya akong hinarap atsaka sinampal sa pisngi. I gasped in disbelief when she laid her hands on me. "Bastos ka! Hindi mo ba nakikitang may injury ang anak ko?! Bakit mo siya sinugod ng ganon?!" "Talagang ako pa ang bastos?!" Galit kong sigaw dahilan upang matigilan ito. Hindi ko na alam kung anong klaseng mukha ang pinapakita ko sa kanila ngayon, pero isa lang ang alam ko, galit na galit na galit na ako ngayon. "Kinuha niyo na ang lahat, kaya bakit hindi pa kayo marunong makuntento?! Pati gamit ng sarili kong ina, pinapakialaman ng anak mo! Anong kalseng ina ka ba para lumaki nang walang modo 'yang anak mo?!" "EVEION!" Bigla akong natigilan nang may malaki at malalim na boses ang bigla na lang umalingawngaw sa buong palapag. And just the time I look behind me, a hand suddenly laid against my cheeks which made me almost lost my balance. Nanlaki ang aking mga mata nang tignan ito sa mukha na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa akin. He's here... my father finally arrived. "Hon. Hon, tama na." I almost scoffed when his new wife suddenly held his arm as if she was deeply affected when my own father just hit me. "H-Hindi naman sinasadya ni Eveion na sabihin ang masasakit na salitang iyon sa amin k-kaya huminahon ka lang." Naikuyom ko ang aking kamao nang marinig ko ang sinabi niya. I can't believe my father fall into this kind of woman. "D-Daddy, ayos lang kami. Tama si mommy, hindi sinasadya ni Eveion na sabihin 'yon." Hirit pa ni Candice atsaka nilapitan ang aking ama. I look at them with disgust. Nakakasuka silang pagmasdan. Nawala na ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Kung alam kong ganito lang din naman pala hahantong ang lahat, edi sana hindi ko na lang pinakinggan ang konsensya ko at hinayaan si Candice. Pero kung hindi rin ako nagpunta rito, baka hindi ko malalaman ang ginagawa ng babaeng 'to sa sariling pamamahay ko. "Sige, kampihan mo ang dalawang 'yan, dad." Saad ko dahilan upang sabay silang mapatingin sa akin. Hindi ko na talaga kaya, parang sasabog ulit ako kung may marinig pa akong magsasalita sa kahit na sino sa mag-inang 'to. "Total mula nong nawala si mama, sa kanila na umiikot ang mundo mo, tama ba? Kinalimutan mo na 'ko." Deretsahan kong wika sa kanya habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito. Nang wala akong makitang reaksyon mula sa kanya, don ko na napagtanto na wala na talaga akong saysay sa kanya. It was as if I also died when my mother left into this world. "Ayos lang sa'kin 'yon, hinayaan kita sa gusto mo dahil kahit isang beses hindi mo naman ako pinakinggan. Ni hindi mo nga ako tinanong kung ayos lang ba sa'kin na magdala ka rito ng palamunin." His new wife, Cathy, gasped in disbelief but I remained firm into the ground. "Wala kang narinig mula sa'kin dad, pero ito?" Saad ko sabay taas ng hawak-hawak kong kwintas na pagmamay-ari ni mama. Nang makita niya ang sira ng kwintas ay don ko pa lang nakita ang reaksyon sa kanyang mukha. Of course he'll remember this, ito ang unang kwintas na binigay niya sa ina ko matapos nilang ikasal. "Hindi ko palalagpasin 'to." He knew pretty damn well how protective I am when it comes to my mother's possession. Kita ko kung paano napalunok si Candice sa kanyang pwesto sabay palihim na napahawak sa kanyang leeg na namumula parin. Nilapitan ko ito dahilan upang mapaigtad siya sa kanyang pwesto. I look at her straight in the eye and God-- how I wish my glare can kill a person. Napasinghap ito nang hablotin ko mula sa kanya ang susi ng kwarto ng aking ina. My father looks at her in disappointment when he saw the key that once belongs to him. Looking at his reaction, it seems like Candice stole this key from him. Tignan mo? Sariling mga taong pinapalamon at pinapatira mo rito ay ninanakawan ka na. "I will get all my mother's possessions starting today and no one can stop me from doing that." Matigas kong wika sa kanilang harapan. "And where do you think you'll put all your mother's belongings? To your little apartment?" He mocked. The nerve of this man. "Problema ko na 'yon dad, hindi na sa'yo." Matigas ko paring wika bago sila nilagpasan. Talagang dumaan ako sa gitna nila. Total sinabihan naman na nila akong 'bastos' kaya sige, magpapakabastos ako sa harapan nila. Nang makita ko si Aling Concepcion sa may hagdan, panandalian akong natigilan bago muling naglakad paalis. "Eve..." "Alis na po ako, nay, pasensya na kung hindi ko magawang magtagal dito." "E-Eveion." Mabigat man sa aking loob pero pinili kong lagpasan ito atsaka tuluyan ng bumaba ng mansyon. "Alejandro! Hindi ka ba magsasalita?" Rinig kong tawag ni Aling Concepcion sa aking ama. "Hayaan mo siya, Aling Concepcion, malaki na 'yan. She always has a choice, but she'll always choose the one that will make her suffer." "Alejandro, magpaka-ama ka naman sa anak mo!" "Tama na, nay." Pagpipigil ko habang nasa kalagitnaan na ako ng mahabang hagdan. Nilingon ko sila sa ibabaw ng aking balikat atsaka isa-isang tinignang. My gaze locked into my father who is now looking at me. "Hindi mo siyang kailangang pilitin... kung tutuosin, kailan ba siya nagpaka-ama sa'kin?" Nanlaki ang mga mata ni Cathy at Candice nang sabihin ko iyon. Sabay pa silang napalingon sa ama ko. I scoffed when I saw their reactions. "Ni hindi ko nga matandaan." That was my last words before I finally left that place... ... for good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD