(6) The Unknown

1254 Words
EVEION ANASTASIA'S POV "Open your windows." Nakaharap ako sa aking bintana na ngayon ay nakabukas na. Habang pinagmamasdan ko ang kurtinang hinahangin sa aking harapan, kaagad akong kinumutan ang aking sarili. Tama ba talaga 'tong ginagawa ko? Sa totoo lang, kung isa lang 'tong prank, tatawanan ko talaga ang sarili ko... pero hindi e. Nang dahil sa unknown sender na palaging nagtetext sa'kin, ay tuluyan ko nang nalaman ang katotohanan tungkol kina Dave at Candice. "Ang tanga-tanga mo, Eveion." Bulong ko sa aking sarili bago tuluyang humiga sa ibabaw ng aking kama. Hindi ako nakapagtrabaho nang dalawang araw dahil sa natuklasan ko. Ang lalakeng buong akala ko ay hindi ako kailanman tatraydorin, ay andon sa kabila niyang babae. What's even worse was that she's my stepsister. Sa dinami-raming babae, bakit si Candice pa? Naikuyom ko ang aking kamao bago inis na pinunasan ang panibagong luhang kumawala mula sa aking mga mata. Tama na, Eve, hindi mo sila kailangang iyakan. Habang naglalakad ako pabalik dito sa aking apartment, ilang beses paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga salitang binitawan sa aking ni Dave noon. "I missed the old you." "Your shoes are worn out; you're not even using a slight powder in your face or a tint on your lips. Your hair is kinda... kinda boring and then your clothes-- when was the last time you used a perfume?" "At least before, you seemed presentable." Bigla akong napabalikwas sa aking kama atsaka dumiretso sa maliit kong vanity table. Umupo ako sa harapan atsaka pinagmasdan ang aking mukha hanggang sa tuluyan akong mapatulala. Dahan-dahan akong napahawak sa aking pisngi paibaba sa aking labi at hindi maiwasang mapakurap. My face looked so dull, my lips are dry, and my hair looks so frizzy. Halos hindi ko na makilala ang hitsura ko. Ito ba ang dahilan kaya pinili akong gag*hin ni Dave? Was it because Candice has everything I had before, and I now I have nothing left? Pero akala ko ba... akala ko ba naiintindihan niya 'ko? Kaya lang naman ako naging ganito dahil mas inuna ko ang kagustohan kong makapag-aral ulit, to the point I can't afford to spend something for myself. "Bakit hindi ka na lang bumalik sa inyo? You can always come back." Naikuyom ko ang aking kamao bago napailing. No, Dave doesn't understand me from the start. Hindi niya naiintindihan ang pinagdadaanan ko dahil unang-una wala siya sa sitwasyon ko. Hindi niya alam ang pakiramdam na traydorin ng sarili mong ama-- ang natitira mong pamilya. Mabilis kong binuksan ang isang drawer atsaka roon kinuha ang isang gunting. I take a last look of myself in front of my mirror before holding my hair. Walang pagdadalawang-isip kong ginupitan ang aking mahabang buhok hanggang sa aking balikat. I did the process repeatedly until I cut all my hairs, letting them fall on the table and on the floor. "NAGPAGUPIT KA?!" Gulat na saad ni Krizza nang tuluyan na akong pumasok sa flower shop. Muntikan pa niyang malaglag ang hawak-hawak niyang mga bulakalak na halatang kakadeliver lang dito. "Oo, para naman maiba." I hide the pain and the feeling of betrayal through my smile as I casually walk towards the counter. "Hmm, talaga lang ha?" I know Krizza sensed something but instead, I just smiled at her. "Bagay ba?" Tanong ko na lang habang sinusuot ang apron namin. "Oo naman, in fairness ha mas mukha kang fresh sa short hair." Huling komento nito bago ako tuluyang nilagpasan para ihanda ang mga ititinda naming mga bulaklak. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, kaagad na bumagsak ang aking balikat kasabay ng pagkawala ng aking ngiti sa labi. I sighed silently as I welcomed our first customer of the day. Wala akong oras para magmukmok sa mga taong hindi karapat-dapat pagtuonan ng pansin. Do you want to get some revenge? I can do that for you. Bigla akong napaderetso ng tayo nang biglang sumagi sa aking isipan ang text mula kay unknown. Ginawa ko na ang pinagawa niya sa akin kagabi, I let my windows open throughout the night, pero wala namang nangyari. Kailan niya gagawin ang gusto kong mangyari? "Uh miss?" Napakurap ako nang bigla akong tawagin ng isang customer. "Y-Yes po, sir? May gusto pa po ba kayong bilhin?" I can't believe I just stare blankly at the wall. "Wala na, pero kanina pa umiilaw ang cellphone mo." Nang sabihini niya 'yon, mabilis kong nilingon ang aking cellphone na nasa gilid lang ng kahera. "Salamat po," isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya bago ito mabilis na kinuha atsaka binulsa. The man smiled at me before leaving the shop with flowers in his hand and a paper bag on the other. Nang tuluyan na itong nakaalis, mabilis kong chineck ang buong paligid bago pansamantalang umalis sa aking pwesto. I went to the back and hurriedly take out my phone from my pocket. Nang makita ko kung kanino galing ang isang text message, dali-dali ko itong binuksan at binasa. Unknown: I only told you to open the windows... not to cut your hair. I gasped. "Eve?! Eve, ayos ka lang ba?" Bigla akong nanlamig at sa isang idlap lang ay pinagpapawisan na kaagad ako. Nabitawan ko ang aking phone kaya kaagad iyong pinulot ni Krizza sabay bigay sa akin. "S-Salamat, ayos lang ako." "Sigurado ka ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Napalunok ako bago mabilis na napailing. "H-Hindi, ayos lang talaga ako." Krizza looked concern while looking at me before nodding her head as a response. "Ayos lang ako, Krizza, m-medyo nagulat lang ako." I saw her look at my phone before shifting her gaze straight to my eyes. "Sige, uminom ka ng maraming tubig dahil medyo namumutla ka." Tanging pagtango lang ang binigay ko sa kanya bago niya ako tuluyang iniwan sa aking pwesto. I turn my back against her before taking my phone and reread the message I received from the unknown. Paano... paano niya nalaman ang tungkol don? Nanginginig ang mga kamay kong hawak-hawak ang aking cellphone. Was he there when I cut my hair? Was he... watching me? Napalunok ako at hindi maiwasang kabahan. Eveion, ano 'tong pinasok mo? Muntikan na akong mapatalon nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Nang tignan ko ito, may isang panibagong text message na naman akong natanggap mula sa kanya. At nang basahin ko 'to... Unknown: Tell me your wish and I'll grant it right away. Having a hard time deciding? Maybe this can help. Biglang nag pop up ang dalawang imahe kung saan may nakita akong isang bola at isang pompom. After a few seconds, the unknown sent me a message again. Unknown: Choose one. Napalunok ako habang nakatingin sa imaheng pinakita niya. Hindi ko alam kung para san 'to, pero sa huli ay pumili parin ako. Eveion: Yung pompom. And then I hit the send button. Inabot ng lagpas isang minuto bago niya ako nireplyan. Unknown: Wish granted. At mula non, hindi na ito ulit pa nagtext buong araw. Binulabog nalang ako ng isang balita sa TV na tungkol sa isang cheerleading squad na naaksidente papunta sa isang unibersidad kung saan sila makikipagpaligsahan. Candice was one of them... And what's even worse was that she's the only one who got a major injury. Nang marinig ko ang balitang iyon, dali-dali akong pumasok sa banyo atsaka nagcompose ng message sa unknown. Pero bago ko pa iyon isend, nauna na itong magmessage sa akin. Unknown: How was it? Good? Napasinghap ako at hindi maiwasang mapatulala. Hindi siya nagbibiro. The unknown is real. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD