EVEION ANASTASIA'S POV
Hindi ko alam kung saan ko ilalaan ang aking galit at inis dahil sa nangyari kanina. Habang hawak-hawak ko ang nasirang kwintas ng aking ina, tanging pagbuntong-hininga na lang ang aking nagawa.
Wala na nga akong sapat na pera para bumili ng bagong sapatos, ano pa kaya ang pagpapaayos nito?
“Hello? Attorney? Attorney Biajez, ako ‘to, si Eveion,” wika ko sa kabilang linya habang naglalakad pabalik sa apartment ko.
[Eveion? Napatawag ka.]
“Pwede po ba tayong magkita?” Tanong ko dahilan upang magkaron ng kaunting katahimikan sa kabilang linya.
Atty. Biajez is my mother’s attorney. Mula nong namatay si mama, may iniwan itong last will of testament, pero sa kasamaang palad ay hindi ako sumipot sa kismong pagtitipon upang pag-usapan ‘yon.
I was grieving so much during that time that hearing that kind of testament doesn’t piqued any of my interest.
[Are you finally going to get your inheritance, Eve?] Halata sa boses nito ang pananabik na masettle kaagad ang trabaho niya.
It’s been more than a year, kaya kung masettle na ‘to, ibig sabihin lang na tapos na sa wakas ang trabaho niya tungkol dito.
“Opo.”
[Finally, Eveion. Finally! Pwede natin ito isettle ngayong Sabado. I have the entire day to discuss your inheritance, Eve. Just give me an exact time.]
“Sige po, sa sabado.”
[This is good news. Thank you, Eveion.]
And with that, the call ended.
Tuluyan na akong napatulala pagkatapos. Nang maramdaman kong may kung anong pumatak sa aking noo, awtomatiko akong napatingin sa itaas.
Umaambon na…
Nababasa na ang aking mukha hanggang sa tuluyan na akong napapikit.
Ang ambon ay tuluyan nang naging ulan.
Sobrang lakas ng pagbuhos ng ulan ngayong nasa labas na ako ng subdivision. Mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa kwintas ng aking ina bago ako tuluyang napa-iyak.
Simple lang naman ang gusto kong makamit sa buhay, pero bakit kinailangan ko pang danasin ‘to?
Ang mas masakit pa ay hindi ko lubos maisip kung bakit mas kayang kampihan ng sarili kong ama ang mga taong hindi naman niya kadugo.
Ako na sarili niyang anak ay nakaya niyang pagbuhatan ng kamay nang ganon lang ka simple.
Iyon ang unang pagkakataon na mangyari iyon sa akin. Ni kahit sarili kong ina ay hindi ako nagawang saktan ng ganon.
It just happen that my anger during that time boils within me, but now that it finally subsides, the pain is now unbearable.
Napahawak ako sa aking dibdib habang humahagolhol dito sa ilalim ng ulan. Pinagtitinginan na ako ng mga drayber na napapadaan sa aking pwesto pero wala akong pakialam.
Masyado akong nasaktan sa nagawa ng aking ama sa akin upang pagtuonin ko pa sila ng pansin.
Hindi ko kayang tanggapin...
Habang nakayuko ako sa gilid ng daan, bigla na lang tumila ang ulan dahilan upang mapakurap ako. Basang-basa na ako mula ulo hanggang paa at ang suot kong sapatos ay mukhang bibigay na.
Sa pagtingala ko sa kalangitan, ang tangi kong nakita ay isang payong imbes na ang madilim na langit.
Huli nang mapansin kong may nag-alok sa akin ng isang payong.
Hindi ko ito masyadong maaninag ang mukha dahil unti-unti na ring dumodoble ang aking paningin.
I was about step forward when suddenly...
... I collapsed.
BIGLA akong napabalikwas sa aking kama nang makita kong nakabalik na ako sa loob ng aking apartment. Tulala akong napatingin sa aking sarili nang makitang nakabihis na ako at nakakumot pa ang aking katawan.
"Anong... s-sinong..."
Anong nangyari?! Tsaka sino ang nagdala sa'kin dito?!
"Eve! Mabuti at gising ka na." Mabilis akong napatingin sa may pinto ng aking kwarto atsaka ko nakita si Krizza.
"Krizza?"
"Ano, ayos ka lang ba? Mabuti at nagising ka na, heto may niluto akong agahan para sa'yo." Buong pagtataka ko itong sinundan ng tingin.
"Kailangan mong kumain dahil hindi ka nakakain kagabi. Deretso na ang tulog mo hanggang ngayong umaga." Dagdag pa nito dahilan upang mapakurap ako.
"T-Teka lang, paano ako nakarating dito?" Napahinto ito sa paglalakad nang sabihin ko iyon sa kanya.
"Hindi mo ba naalala? Tinext mo 'ko kagabi. Dali-dali nga kitang pinuntahan dahil sabi mo emergency. Ayun, emergency nga-- naabutan na lang kitang walang malay at basang-basa sa waiting shed."
Huh? Hindi ko maalalang tinext ko siya, at mas lalong hindi ko maalalang nasa waiting shed ako.
The last time I knew, I am soaking wet in the rain ang I collapsed before I could even--
Natigilan ako.
"Y-Yung lalake..."
"Anong lalake?" Kunot-noong wika ni Krizza dahilan upang mabilis akong mapatingin sa kanya.
Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Pati rin ako ay nagugulohan sa sinasabi nito dahil wala ni isang nagtutugma sa sinabi niya kumpara sa naalala ko kagabi.
Could it be that... that man did all of these?
Alam kong lalake 'yon dahil sa pisikal nitong anyo, pero dahil hilong-hilo na ako kagabi, hindi ko nakita ang mukha niya dahil na rin sa dilim.
"Alam mo, kung ano-ano na lang siguro ang naiisip mo dahil sa lagnat mo. Halika at kumain na, buti na lang at may gamot ka rito."
Kaagad akong napahawak sa aking noo nang marinig ko 'yon, nilalagnat nga ako.
"Overfatigue 'yan dahil sa kakatrabaho mo, napili mo pang magtampisaw sa ulan kaya ayan, nilagnat ka." Sinundan ko na si Krizza sa kusina ko atsaka sinimulang kumain matapos kong magpasalamat sa kanya.
Hindi nagtagal ay umalis na rin ito dala ang kanyang mga gamit matapos kong uminom ng gamot. Sabi niya ay pinaalam na raw niya ako sa amo namin na hindi ako makakapagtrabaho ulit ngayon dahil sa lagnat.
Buti na lang talaga at kahit papano ay may kaibigan akong katuald ni Krizza.
Nang matapos ko nang hugasin ang mga pinggan, kaagad na hinanap ng aking mga mata ang aking telepono.
I immediately took my phone ang scanned the last text message Krizza said I sent to her.
At totoo nga... may text nga akong sinend sa kanya kagabi.
Pero sigurado akong hindi ako ang gumawa nito.
Mahigpit akong napahawak sa aking cellphone sabay upo sa aking sofa. Sa ilang minuto kong pananhimik at pag-iisip kung sino ang pwedeng gumawa nito, iisang tao lang talaga ang alam ko.
Posible kayang... siya 'yon?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko atsaka muling binuksan ang text message naming dalawa. I compose a message before sending it to him.
Eveion: Ikaw ba? Ikaw ba nagligtas sa'kin kagabi?
It took me several minute for wait for him to respond but I didn't get any.
Susuko na sana ako nang biglang umilaw ang aking cellphone.
Unknown: I thought everything is over, Eveion. Did you miss me?
Bigla akong natigilan nang mabasa ko ito.
Unknown: But yes, it was indeed me.
Napalunok ako nang may kasunod kaagad itong sinend na text message.
So, tama nga ako. Tama ang hinala ko.
Eveion: Bakit? Bakit mo ginawa 'yon?
Unknown: Coz I'm not like your father.
I almost gasped when read that. Alam ba niya na galing ako sa ama ko kagabi? Alam kaya niya ang totoong nangyari sa akin?
Eveion: Sino ka ba talaga? Bakit parang alam na alam mo ang buhay ko? Kung ginagawa mo lang 'to dahil naaawa ka sa'kin, pwes hindi ko kailangan ang awa mo.
Unknown: Relax, I'm not your enemy here, angel. So why get mad at me?
Hindi kaagad ako nakareply dahil don. Sapol ang mga salita niya na tila isang bala. I hate to admit this but he's right, wala siyang ibang ginawa kundi ang ipamukha sa akin ang katotohan-- na kung hindi pa siguro dahil sa kanya, baka hanggang ngayon ay pinagtatawan ako ni Candice and Dave dahil sa katangahan ko.
Unknown: This would be the last time you'll hear something from me, Eveion. I dislike entertaining someone without any business with me.
Natigilan ako at hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin.
Tinapos ko na 'to, matagal na, kaya bakit nakikipagtext parin ako sa kanya?
Muli na naman itong nagtext.
Unknown: Goodbye, Eveion.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakapagtype ng mabilis atsaka ito sinend sa kanya nang wala man lang pagdadalawang-isip.
Eveion: Teka lang!
1... 2... 3 minutes had passed but he didn't reply.
Eveion: Binabawi ko na. Binabawa ko na ang sinabi ko.
4... 5... still, no reply.
Eveion: Hello? Andiyan ka pa ba?
Napatayo ako atsaka nakapamewang na pabalik-balik na naglalakad dito sa loob ng aking kwarto. Nang umupo ako sa ibabaw ng aking kama, tuluyan na akong nakapagdesisyon na subukan itong tawagin.
And when I dialed his number, my eyes widened when he accepts the call.
Sobrang lakas ng pagtambol ng aking puso nang itapat ko sa aking tainga ang cellphone.
Pinakinggan ko muna ang kabilang linya pero wala talaga akong ibang marinig kundi puro katahimikan lang.
"H-Hello?" Bungad ko sa kanya pero hindi ito sumagot.
"Hello, andiyan ka ba? N-Naririnig mo ba 'ko? Hello?" Hindi parin ito nagsasalita.
"Hello? Naririnig mo ba--"
[Yes. Loud and clear.]
Napatakip ako sa aking bibig dahil sobrang lalim ng boses nito. Mabilis kong nailayo ang aking cellphone mula sa aking tainga atsaka napahinga ng malalim.
His voice seems unnatural, parang may ginamit siya para hindi ko marinig ang natural niyang boses. It was kind of robotic, maybe an instrument to change his voice so I can't distinguish the real him.
"I-Ikaw ba talaga 'to?"
[Oo.] Tipid nitong sagot sanhi upang mapalunok ulit ako.
[What do you want, Eveion?] Muli akong napahinga ng malalim nang tawagin niya ako gamit ang aking pangalan.
"Uhm... y-yung sinabi ko sa text. B-Binabawi ko na."
[Hm, what's with the sudden change of mind?]
I clenched my fist behind my back several times because they are starting to sweat.
"G-Gusto ko lang na ipagpatuloy 'yon, wala na akong pakialam pa kung ano ang mangyayari. Punong-puno na ako." Was it okay to tell him everything?
Half of me says 'yes', but the other half still wanted to be cautious.
[Sige, kung 'yan ang gusto mo. But let me remind you Eveion, you already broke the agreement once-- breaking it twice will lead to a consequence.]
A consequence?
"Anong klaseng consequence?"
[Sa akin na lang 'yon, malalaman mo 'yan kung aayaw ka na naman. I'm not playing games here, just so you know-- this is a real thing.] Napalunok ako sa sinabi niya.
This is indeed real, coz what he did to Candice is so damn serious and was not just any simple prank.
"O-Okay... okay, sige, hindi na ako aayaw. Pero paano ko malalaman kung pwede nang ihinto ang lahat?"
[If the goal already achieved. Ganon lang kasimple.]
"At ano yung goal?"
[It's not for me to answer, angel.] Nang sabihin niya 'yon may kung ano akong naramdaman lalo na't umiiba na ang tono ng kanyang pananalita.
I felt nervous and little bit of fear.
"S-Sige."
[This settles then. We're back to business.] Napahinga ako ng malalim nang sabihin niya 'yon.
Napatingin ako sa mga bintana kong nakasara atsaka sila isa-isa nilapitan upang buksan. I even put the curtains aside to get a better view from the outside, and when I go, the unknown left a chuckled on the other line.
[Yes, that's right... keep your windows open...] Napatingin ako sa labas ng aking apartment atsaka inisa-isa ang mga establisyementong nasa aking harapan.
[... so I can see you.] Dagdag pa nito dahilan upang palihim akong napalunok.
"A-Anong pwede kong itawag sa'yo?" Tanong ko habang nanatiling nakahawak sa cellphone.
Tumahimik saglit ang kabilang linya bago ito muling nagsalita.
[It's better not to give names, angel.]
He's right... this is better...
"Pwede na ba tayong magsimula?"
[Ah, my bad, are you that eager to execute your revenge?]
"P-Parang ganon na nga." He chuckled.
[Alright, give me a name.]
Napahinga ako ng malalim bago tuluyang sinabi sa kanya ang unang pangalan na pumasok sa aking isipan.
"Cathy. Her name's Cathy."
And just like that, my revenge officially started.