(5) A Dream

2322 Words
EVEION ANASTASIA'S POV Mabilis kong inagaw ang bote mula kay Elie matapos niya itong buksan. Pikit mata kong tinungga ang bote ng alak bago ito nilagay sa ibabaw ng center table. Hindi ito kumibo, but I can feel his pair of eyes looking at me while silently sitting on the carpet in front of me. "Alam mo?" Tinuro ko sa kanya ang bote. "Ang daya mo, bakit ako lang 'tong umiinom?" Kunot-noo kong tanong sa kanya bago muling tinungga ang bote. Ang init ng tiyan ko na parang ewan, hindi ko ito mapaliwanag. Umiinom naman ako pero ito ang unang beses na ganito karami ang ininom ko. “Ano ‘to?” Sabi ko sabay pulot sa isang trash bag na nasa aking tabi. “Ba’t may dala kang basura?” Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang aking noo. Narinig ko itong napatawa ng mahina dahilan upang lingunin ko siya. “Andiyan ang mga damit ko.” “Wala kang bag?” “No.” Kawawa naman ang batang ‘to. “May extra ako, pwede mo yung gamitin.” “Stop worrying about me.” Napatitig ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon. Medyo dumadalawa na ang paningin ko ngayon pero ayaw ko paring tumigil sa pag-inom. Naiinis ako sa sarili ko at hindi rin maiwasang magalit kay Dave. Minsan ay sinisisi ko rin ang sarili ko pero andon parin yung tanong kung bakit biglaan ang naging desisyon niya. Ayos lang naman kami nitong mga nakaraang araw— ang tanging pinagkaiba lang siguro ay madalang nalang kami nagkikita ngayon. Habang nakatitig ako sa mukha ni Elie, hindi ko maiwasang maningkit ang aking mga mata. Why do every time I look at him, there is something within me that feels like I used to know him before? “Ilang taon ka na?” Bigla kong tanong sa kanya. “Does it matter?” He suddenly replied while still looking at me. “Nagtatanong lang.” “I’m 20.” Ang bata pa nga niya. He’s wearing an ID sling for freshmen college students, kaya nasa isipan ko na bente palang siya. At hindi nga ako nagkakamali. “How about you?” “24 na.” He nodded once before taking my empty bottle and opened another one. I smiled before taking it from him. He already know the drill. “Alam mo, ang bait mo.” Bigla ko na namang saad dahilan upang maitabingi nito ang kanyang ulo. “At bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Wala lang, masunurin ka kasi.” He suddenly scoffed. “I just bought you some drink because you look pathetic, but it doesn’t mean I’m good.” Aba, ang harsh magsalita ng batang ‘to. “Oh sige na nga, binabawi ko na. Nakalimutan kong suwail ka nga palang anak. Walang mabait na taong biglang lalayas sa bahay nila.” Teka, mukhang hindi na ata maganda ang sinabi ko. I think the alcohol made me just say things without thinking twice. Pero ganon na lang ang pagkabigla ko nang bigla itong tumawa sa kanyang pwesto. Napakurap ako ng ilang beses habang nakahawak sa bote ko. May nakakatawa ba? “Go on, tell me something more.” He said before resting his chin against his palm. Nakapalumbaba na itong nakatingin sa akin. Medyo natigilan ako at mas lalong napatitig sa mukha niya dahil kasalukuyan na itong nakangiti. Ngayon lang ata ko ito tinitigan ng ganito katagal dahilan upang mapansin ko ang magandang kulay ng kanyang mga mata. It’s hazel brown, but it’s on its lightest shade. Ang ganda. “Eveion.” Napakurap ako. “Huh?” “I said, tell me something more.” “W-Wala na akong ibang masabi,” wika ko kaagad sabay iwas ng tingin atsaka nilagok ang bote ng alak na hawak-hawak ko. Para mawala ang biglaang awkwardness na naramdaman ko, nagtanong na lang ako tungkol sa kanya. Tatlong araw na rin siyang natutulog dito sa apartment ko mula nong nalaman kong lumayas siya pero ni kahit katiting ay wala parin akong nalalaman tungkol sa kanya. Napansin niya rin siguro ang kagustohang makilala ko pa siya lalo kaya sinagot niya rin ang mga tanong ko. Pero ang problema… “May kapatid ka?” “Oo.” “Ilan?” “Isa.” “Malapit kayo sa isa’t-isa?” “Medyo.” … sobrang tipid nito sumagot. “Isn’t this moment supposed to be about you and your ex-boyfriend?” He asked, changing the topic all of a sudden. Tuluyan na itong nagbukas ng bagong bote pero hindi para sa’kin kundi para na sa kanya. Ininom niya ito ng walang pagdadalawang-isip habang nakatingin sa akin. Ni hindi nagbago ang reaksyon niya nang lagokin niya ang alak. Halatang sanay na. “Okay na ‘ko kanina,” sagot ko. “Tapos na ‘yon.” The bitterness in my voice is evident. Mukhang lagpas isang oras din akong nagpalabas ng hinahaing sa kanya. Pagkabalik ni Elie dito mula sa isang tindahan, ‘yon kaagad ang bumungad sa kanya. And he doesn’t even say something against it. Talagang nakinig lang ito. Perp kahit na sabihin ko pang wala na ‘yon, andon parin ang kagustohan kong makipagkita at makipag-usap kay Dave. Nang tutungga pa ako mula sa bagong bote, a hand suddenly caught my wrist which made me stop. “I think that’s enough.” He blurted out. Tuluyan ng nagiging tatlo ang lalakeng kaharap ko. “T-Teka!” Bigla niyang inagaw sa akin ang bote atsaka ito tinungga. “Hoy! Akin ‘yan.” Mabilis akong gumapang sa ibabaw ng center table atsaka pilit na inaagaw mula sa kanya ang natitirang bote ng alak. “Akin na sabi!” Pilit ko itong inaabot kahit na nasa ibabaw na ako ng center table. “Elie!” He raised the bottle so high which made me forget the remaining space in the table. Tuluyan na akong napasubsob sa ibabaw niya dahilan upang mapahiga ito sa carpet. Nasa ibabaw na niya ako kasabay nang pagbitaw nito sa bote. The alcohol spilled on the floor when he let go from it. Tuluyan na akong natigilan at nabato sa aking pwesto habang nakatingin ng deretso sa kanya. Nang dahil sa posisyon na ‘to, bigla akong may naramdamang kakaiba sa aking sistema. Ang alak ang rason kung bakit nagkaganito ako. Instead of getting off him, my body remained on his top. Ramdam ko ang pagbigat ng aking talukap mata habang nakatingin sa labi niya. His lips are undeniably pink in color, his nose shape is so perfect, he got a strong jawline, hunter eyes and thick eyebrows and lashes. Bakit… bakit pakiramdam ko ay parang minsan ko na siyang nalapitan ng ganito? Na kung tutuosin ay ito ang unang pagkakataon na mangyari ito. “Elie.” “Yes?” He whispered while his eyes are fixed on me. “Anghel ka ba?” A-Ano ba ‘tong sinasabi ko? Bakit hindi ko makontrol? “Unfortunately, I’m not Eveion.” Bakit hindi siya nag-aate? Hindi na ba uso sa mga ka edad niya na tawaging ate o kuya ang mga mas nakakatanda sa kanila? “Hmm…” I saw how his eyes darkened when I replied in a simple hymn. Ang bigat-bigat na talaga ng mga mata ko. “Do you want to kiss me?” Napakurap ako dahil hindi ko masyadong magawang iproseso ang mga salitang binitawan niya ngayon. The alcohol is making me dumb to even understand simple words. “Pwede mo kong halikan kung gusto mo.” Ha? Bakit parang umiikot na ang buong mundo ko? Hindi naman ako gumagalaw sa ibabaw niya pero pakiramdam ko ay nasa laot ako. “But if not, then you better get off me.” He said staring right into my eyes as if he’s looking through my soul. My mind is telling me to get off this guy as quickly as possible but my body dictates the opposite. My mind went blank and just like that, instead of placing my hands against his chest to help myself stand up, I cupped both of his cheeks and leaned my face closer. Sa oras na nagtama ang labi naming dalawa, awtomatiko kong ipinikit ang aking mga mata. I kissed him more a few seconds. Isang simpleng pagdampi lang ng labi. Pero ang sunod na nangyari ang tuluyang nakapagpa-iba ng ikot ng aking mundo. Elie parted his lips and started sticking out his tongue to taste mine. Dinilaan niya ang aking ibabang labi sabay hawak sa likod ng aking ulo upang diinan ang halik. Kaagad kong nalasahan ang alak mula sa aming dalawa nang halikan ko rin siya pabalik. Wala na ako sa tamang pag-iisip nang tuluyan na itong pumaibabaw sa akin. He flipped me so easily like a pancake before holding my neck and kissed me once more. Mas lalong naging agressibo ito at ang mga labi naming dalawa at tila naging mapaghanap na. Elie pinned me on the carpet while we’re sharing an intense kind of a kiss. Hindi na bago sa’kin ang humalik ng isang lalake, pero sa oras na maramdaman ko ang labi niya, tila may kakaiba akong naramdaman. I don’t know what’s gotten into me but I felt like this kiss feels like deja vu. Bakit… parang nangyari na ‘to noon? “Ana.” He whispered while panting on top of me. Tama ba ang dinig ko? Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok habang taimtim na nakatingin sa akin. Ang init ng buo kong katawan at ramdam kong nag-aalab ang aking magkabilang pisngi. “What happened to you, Ana?” Bulong niya sa akin dahilan upang mapakurap ako. Ako ba ang ibig niyang sabihin? “I can’t believe you forget about me.” His husky voice is so deep. Hindi ko na siya maintindihan, kita ko ang paggalaw ng bibig niya pero hindi ko na talaga siya maintindihan. My mind is already cloudy. It feels like I’m high because of the alcohol. “I won’t forgive you for doing this to me.” I cupped his cheek and felt his jaw tightened. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay atsaka ito mahigpit na hinawakan sa magkabila kong gilid. “You and I are gonna play a game— a game where I made the rules, Ana.” Bakit… ganyan siya kung makatingin sa akin? May nagawa ba akong mali? Why does Elie look so mad? “Elie…” My mouth suddenly uttered. Bakit galit siya? Ayoko siyang magalit sa’kin. “I’m sorry.” Bigla na lang itong nabato sa aking ibabaw kasabay nang pagbilog ng kanyang mga mata. Habang nakatingin ako sa gulat nitong mukha, unti-unti ng sumasara ang aking mga mata. And when I finally closed them, the last thing I saw was his face slowly softening before he looks away. “ARGH.” Napahawak ako sa aking ulo bago dahan-dahan na napaupo mula sa pagkakahiga. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa akong likod. Nang tignan ko ang buong paligid, kita ko ang mga nagkalat na bote ng alak. Bakit nasa sala ako? Madiin akong napapikit bago tuluyang tumayo habang nakahawak sa aking likod. Ang sakit. Ikaw ba naman matulog sa sahig. Pero teka nga lang, anong nangyari kagabi? Ako ba ang uminom ng lahat ng ‘to? Isa-isa kong pinulot ang mga bote atsaka nilagay sa isang eco bag para itapon sa labas ng apartment. Nang makita ko ang babaeng may-ari ng minimart sa tapat ng apartment, kaagad akong kumaway sa kanya. “Magandang umaga ho.” “Magandang umaga rin, hija.” Ngumiti ako bilang pagtugon sabay lagay ng mga bote sa gilid ng basurahan. Bigla akong natigilan nang may pumasok na senaryo sa aking isipan. “I won’t forgive you for doing this to me.” “Elie…” Nanlaki ang aking mga mata atsaka mabilis na napatingin sa ikatatlong palapag ng apartment building kung saan makikita ang bintana ng aking unit. Dali-dali akong umakyat pabalik sa aking apartment atsaka ito hinanap, pero hindi ko ito makita. Ang tanging nakita ko lang ay isang papel na may sulat. Eveion, I have to leave now. Tuluyan na akong nagpasya na bumalik sa amin. I know I shouldn’t leave you while drunk but I really have to go, don’t worry I’ll lock the door before leaving. Just drink a lot of water when you wake up. Thank you for letting me stay for a few days. P.S. Hindi talaga ako umiinom kaya pasensya ka na kung hindi kita masabayan. Napakurap ako. He already left. Not even a single thing was left behind. It looks like he doesn’t even step a single foot in here. Pero teka nga lang… Inulit kong basahin ang huling sinulat niya at hindi maiwasang mapakurap. Hindi ko masyadong maalala ang nangyari kagabi dahil sa kalasingan. Everything is a blur. Pero hindi nga ba talaga uminom si Elie kagabi? Was… everything just a dream? Wala sa huwisyo akong napahawak sa aking labi. Yes, it was just a dream. A dream that feels so real. Mula nong araw na ‘yon, hindi ko na nakita si Elie. Nagdaan ang ilang mga araw hanggang sa umabot na ito ng ilang buwan. Our meeting is so brief that sometimes, I almost forgot that I actually met a man named ‘Elie’. Ang daming nangyari sa loob ng ilang buwan. After that day, Dave and reconcile and apologized for what he did. Tinanggap ko siya ulit pero dumating ang araw na tuluyan na kaming nasira. Tuluyan akong nasira. I caught him cheating with Candice, my step-sister, with the help of the unknown. And now… “Open your windows every night…” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa screen ng aking phone sa gitna ng daan. Mahigpit akong napahawak doon at hindi maiwasang maramdaman ang galit at poot sa aking sistema. I composed the a reply before hitting the send button Eveion: Sige, gagawin ko yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD