CHAPTER FOUR

1303 Words
THE DESSERT BOY BY : SHERYL FEE CHAPTER FOUR "Helllllllppppp!!!! Tulungan niyo ako....... Nilamon ng dilim ang paghingi ng tulong ni Rhose. Bago man may makalapit o matawag ang pansin ay may tumakip na sa kanyang bibig. "Hsssss...... Huwag kang maingay Rhose." aniya ng tumakip sa kanyang bibig. Marahil ay hindi ito nakikita ng dalaga ay kilalang kilala niya ang may ari ng boses. "Walang hiya ka papatayin mo pa yata ako sa nerbiyos." simangot na aniya ni Rhose at akmang sasampalin ang kababata pero muling nitong tinakpan ang bibig niya. "Sinabi na ngang manahimik ka. Talagang mamatay ka diyan hindi sarap kundi sa takot kong hindi ka pa manahimik." bulong ni Benjie ang kababata niya. Napaawang ang labi niya sa sinabi nito at rumehistro ang takot sa buong mukha nito. Magsasalita pa sana siya pero hinila siya nito pasiksik dito. "Tol nasaan na iyon akala ko jackpot na eh ang bilis naman no'n nakalayo." boy 1. "Gago umariba na naman ang kamanyakan mo pigil pigilan mo nag iyan paminsan minsan." boy 2. "Weh di nga tol. Ikaw nga ang lider sa pagplano eh manyakis daw." ngising kantiyaw ni boy 3. "Tsk! Tsk! Taking! Huwag nga kayong magmalinis diyan pare parehas lang tayo sa likaw ng bituka. Baka hindi pa panahon na mahasang muli ang anaconda natin kaya tara na sa ibang lugar tayo." aniya naman ng pang apat. Na siyang kinatawa at sinegundahan ng mga ito. Saka nag high five sa sa isa't isa saka nilisan ang lugar. Nang makasiguradong nakalayo na nag mga ito ay saka lamang din pinakawalan ng binata ang kababata niya. "Be-Benjie!" nautal na aniya ni Rhose. "Mag-ingat ka Rhose dahil hindi sa lahat ng oras ay may makakakita o makakarinig sa mga masasamang loob. Sa kuwentuhan kasi ng mga ito ikaw ang target nila at ikaw lang naman dito sa baryo natin ang may pasok sa ganitong oras. Pasensiya ka na Rhose kung natakot kita ayoko ko lang na mapahamak ka. Halika ka na at ihatid na kita sa inyo." aniya ni Benjie. Walang maapuhap na salita si Rhose dahil puno ng takot ang buong pagkatao niya. Hindi niya akalain na kamuntikan na siyang mapariwara. "Salamat Benjie at sorry kung muntik ka na ring mapasubo dahil sa akin. Salamat." sinserong aniya ng dalaga. "Walang anuman Rhose. Tara na at ihatid na kita sa inyo." tugon nito at naglakad na pauwi kina Rhose. Nagdaan pa ang mga araw sa buhay nilang lahat. At kahit hindi man masyado nagkikita sina Chester at Jorelyn ay tuloy-tuloy naman ang kanilang communication. Kagaya ng gabing iyun. Isang gabi ng huwebes sa gitnang silangan. Kasalukuyang nagluluto si Chester ng kanilang dinner ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Anak may tawag ka." pukaw sa kanya ni tata Elmo. "Sandali ho Tata malapit na itong maluto." sagot naman ng binata. Pero hindi pa naglipat minuto ay muli itong tumunog. "Go and answer your phone friend maybe it's important. No worries about that I'll take a look on it." aniya din ng indianong kasama nila sa flat. Pinahinaan muna ng binata ang apoy ng niluluto saka pinuntahan ang tumutunog niyang cellphone. Hindi maiwasang mapangiti ng binata ng mapagsino ang caller niya. "Hello Lyn, pasensiya ka na kung natagalan ako. Kumusta ka na?" masiglang sagot ng binata sa cellphone niya. "Hi Chester naabala ba kita?" alanganing sagot ng dalaga. "Hindi naman Lyn okey lang iyun. Salamat pala sa tawag, may problema ba?" tugon naman ng binata. "Wala naman Ches, mangungumusta lang. Sige na Chester baka may ginagawa ka." aniya ng dalaga. "Peste! Kung kailan nandoon na saka naman nenirbiyusin ang tao!" kastigo ni Jorelyn sa sarili. "Hello Lyn nandiyan ka pa ba?" tinig ng kausap ni Jorelyn na si Chester ng hindi na siya sumagot. Pero nakahiyaan na ng dalaga ang nagsalita kayat hinayaan na lamang niya ito hanggang sa nawala ito sa linya bago niya ipinatong sa ibabaw ng tiyan niya ang kanyang cellphone at parang ewan na nakatingala sa kisame na kung mayroong butiki at maaring ng nahulog sa kanyang mukha. "Ehhhh!!! Nakakhiya ka ikaw ang unang tumatawag!" muli ay kastigo ng dalaga sa sarili ng napatay niya ang tawagan niya. "Miss mo siya anu?" tukso ng isipan niya. "Slightly lang naman." sagot niya sa sarili. "Baka naman mahal mo na siya ooooyyyy." tukso pa ng isipan niya. "Eh anu naman kong nagmamahal ako sa kanya wala naman sigurong masama di ba?" kausap niya sa sarili na hindi niya maiwasang napangiti . "Eh bakit hindi mo sinabing kaarawan mo sa susunod na off ninyo? Kaya ka tumawag di ba?" sagot pa ng isipan niya. "Eh di walang mali kong ikaw ang unang tatawag sa kanya----- "Anak ng tikbalang!" nagulat na sambit ng dalaga ng biglang tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw ng tiyan niya. Dahil sa pag aakalang may masamang nangyari sa dalaga at bigla itong nawala sa linya ay nag call back siya dito. Aksidenti namang napindot ni Jorelyn ang answer call nito kaya kahit nahihiya ay panindigan sagutin sana pero bago man niya ito masagot ay nagwala ang roommate nila. Biglang nagwala ang isa nilang ka room mate. Ang roommate nila na laging problema ang kinakaharap. Masuwerte pa rin siya na kahit isang kahig isang silang maituring ay masaya naman ang kanilang pamilya at hindi pa nasubukang nag skip ng meal. Ang kasa nilang baba na ang ay asawa na nasa pilipinas nangapitbahay, ang anak ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot, at ang bunsong anak nito ay nawawala. At ang pinaka masaklap ay pinapadala lahat nito ang sahod. Na kadalasan ding nanghihiram sa kanila. "Aaaaahhhhh!!! Baaakkkkiiiiitttt!!! Ang lupit ng mundo sa akin! Bakit! !!" pagsisigaw nito habang nagwawala. Panay ang pagtatapon nito ng gamit nito. "Sis tama na iyan---- "Bakit di na lang ako mamatay para matigil na ang paghihirap ko!" "Hirap na hirap na akong nagpapakakuba dito sa ibang bansa para may maipadala ako sa kanila pero puro na lang problema ang katugon nito. BAKIIIIIITTTT!!!!" pagwawala nito. Hindi namalayan ng dalagang si Jorelyn na umiiyak na pala siya. Kung ang mga kasama nila ay naumid yata ang mga dila at walang reaksiyon sa nagwawala nilang kasama pero siya at hindi nag aalinlangan. Nilapitan niya ito at niyakap na parang nagsasabing "Sige umiyak ka lang kung iyan ang makakabawas sa sakit ng damdamin mo" "Tama na sis pasasaan ba at malalagpasan mo ang lahat. Magdasal ka kay AMA sa langit. Sa mga panahong ito I sa ganitong sitwasyun at walang ibang makakatulong sa atin kundi tayo at tayo lamang. Kaya' t tama na ate ha isipin mong walang ibininigay si LORD na alam niyang hindi natin kayang labanan kayat magpakatatag ka." payo ni Jorelyn sa ka room mate nila. Hindi ito sumagot bagkos ay kumalas ang akala nila ay okey na pero iyon ang pagkakamali niya kahit hindi niya kasalanan. Huli na para naisipan nila ang dahilan kung bakit ito kumalas sa kanya. "Ate! "Sis Ana! "Sadik! "Huuuuwwwwaaaaaaaggggg! "Huwag at---- Sabayang aniya ng mga ito pero huli na dahil kalabog na sa baba ng flat niya ang sumunod na narinig. She killed herself! She lost hope and can't bare it anymore so she end up her life by committing suicide. Mga kaganapang narinig ni Chester mula sa cellphone ng babaing pumukaw sa kanyang puso at katunayan mahal ba niya ito. Nakalimutan na rin ng dalaga na nasagot niya ang cellphone niya kayat dinig na dinig ng binata sa kabilang linya ang nangyayari. "Where are going friend?" tanung ng kasama ni Chester dito ng makita siyang paalis. "You haven't eat your dinner." segunda naman ng isa. "Pupuntahan ko muna ang kaibigan she needs ------------" Pero hindi pa natapos ng binata ang sinasabi ay may malakas na pagsabog sa kanilang paligid only to found out na sa kabilang building. Nilalamon ito ng naglalagablab na apoy. . . . . . . . . . ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD