THE DESSERT BOY
BY : SHERYL FEE
CHAPTER 2
"Insan ang mata mo." bulong ni Luciana kay Chester ng hindi maibaling baling ng binata ang paningin sa dalagang patungo sa kinauupuan nila.
"Panira ka talaga ng moment insan eh." tugon ni Chester pero sa sulok ng mata ay nakasunod sa dalaga.
"Paanu insan oh palapit na naku mukhang lalabas na ang puso mo insan." muli ay bulong ni Luciana.
"Manahimik ka nga Luciana mamaya marinig niya tayo eh."
Presto napasimangot ang maganda niyang pinsan. Yes! Maganda ito pero maski siya ay hindi niya mauunawaan kong bakit nagtatago ito sa kanyuhang lalaki.
"Peste ka insan hanggang ba naman sa pag abroad natin Luciana pa rin?" nakasimangot na aniya ng dalaga.
Pero hindi nakasagot si Chester dahil may nagsalita na sa kanilang tabi.
" Hi kuya may nakaupo po ba diyan sa tabi ninyo?" tinig ng dalaga na kanina pa palihim na tinitingnan ng binata. Pero hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.
"Hello miss maganda halika maupo ka bakante iyan." mabilis na sagot ni Luciana.
"Salamat po." tugon ni Jorelyn.
"Huwag mo akong po po in miss maganda. Lucy na lang itawag mo sa akin. Anu pa pala pangalan mo?" aniya ni Lucy.
"Respeto po este na lamang ang po Lucy kasi hindi naman natin kilala ang mga taong nakakasalamuha natin at hindi natin alam kong mas maedad sila o mas bata pero salamat ha. Ako pala si Jorelyn Arellano. Ikaw anung pangalan mo?" sagot ng dalaga.
"Sabagay tama ka Jolyn I love that anyway. Lucy Aguillar Tenorio ang iyung lingkod. And...
"Hoy insan namamaligno ka na yata diyan ah." puna ni Lucy sa pinsan na nakatulala.
"Kuya naman po may dumi po ba ako sa mukha?" tanung ni Jorelyn sa binatang nakatitig sa kanya.
Para namang natauhan si Chester mula sa pagkatulala niya nang marinig ang pinsan niya at ang dalaga.
"Huuh sorry miss maganda nakakabighani kasi ang iyung ganda na pusong ko'y humalina---..."
"Ouch naman Luciana este Lucy ayan ka na naman sa kababatok mo. Totoo namang kaya ako nakatulala dahil binihag ni miss maganda ang puso ko. Kumbaga love at first sight." aniya ni Chester para ikubli ang pamumula ng mukha. Peste kasi ang pinsan niyang tomboy na ito!
"Bagay kayo iho, guwapo ka at maganda siya kaso wala ka naman yata sa timing para manligaw ah nandito tayo sa airport." kantiyaw ng katabi nila .
"Eh parehas lang po iyun tata at maganda na rin iyun para malaman ng lahat diba miss maganda?" aniya ni Chester sa mid forties na matanda sa likuran nila at saka bumaling sa dalaga.
"Naku iho paanu mo liligawan iyan eh mukhang hindi mo pa alam ang pangalan niya. " ganting biro nito.
"Si tata naman eh di tanungin ko po." sagot ni Chester.
Samantalang pigil pigil ni Luciana ang sarili na huwag humahalakhak mukhang napasubo ang pinsan niya. But she can see that there's something in their eyes. Bisexual man siya pero hindi siya iyong tipong nakikipaglandian sa kapwa niya babae. Her best ever friend is her cousin na kahit kalog at bolero minsan ay mapagmahal itong anak, kuya, kaibigan.
"Ahm miss maganda maaari ko bang malaman ang iyong kasing gandang pangalan? At kong ako ang iyong tatanungin , Chester Boromeo at your service." aniya ni Chester habang nakalahad ang palad.
Kamuntikang mapaubo si Luciana dahil sa sinabing apelyido ng pinsan. Sa tagal nilang magkasama nito bilang magkatrabaho at pamilya at Chester Aguillar lagi ang sinasabi. Pasimple siya nitong kinindatan na parang nagsasabing GO ON insan.
"Jorelyn Arellano kuya Chester---
"Chester na lang miss Jore-----
"Chester ang itatawag ko sa iyo kong Jorelyn na rin lang itawag mo sa akin." putol din ng dalaga sa sinasabi ni Chester.
"Anu kasalan na ba iha, iho?" muli ay kantiyaw ng kasama nilang di katandaan na lalaki.
At dahil dito ay hindi nila napigilan ang napahalakhak pero agad silang napatahimik nang umalingaw mula sa pamunuan ng paliparan ang pagtawag sa kanilang flight.
"TO ALL PASSENGERS BOUND TO SAUDI ARABIA PLEASE PROCEED TO GATE FOUR."
"Insan tara na flight na natin iyun." aniya ni Lucy sa pinsan niya.
"Ah kayo din pala Lucy, Chester Saudi din pala kayo?" aniya ni Jorelyn sa bago niyang kakilala.
"Makikipagsapalaran Jorelyn, sa hirap ba naman ng buhay dito sa ating bansa ay mamatay na dilat ang mata ng mga taong tulad kong mahirap lamang." abah! Pinanindigan ang pagiging mahirap!
"Ikaw naman Chester napakahumble mo. Kaya nga tayo nagsusumikap para hindi tayo mamatay na dilat ang mata. Sabagay tama ka, lalo na sa mga walang kapit sa taas na tulad ko nahirapan ako sa pagpasok sa trabaho dati. " aniya ng dalaga.
" Mabuti pa si pinsan Luciana isang enhinyero malaki ang kita siya pa ang tumulong sa akin para makapangibang bansa. Pero that's life ika nga nila. Saan ka pala sa Saudi magtrabaho?" tugon ni Chester na pinauna na ang dalaga sa pila kaysa sa kanya at nasa likuran niya ang pinsan niya. Binulungan niya ito.
"Leave it to me insan." pasimple niyang bulong niya dito.
"Ouch dahan dahan naman po kuya------" tinig ng dalaga na nagpabaling sa binata in just a blink of eye.
"Okey ka lang Jorelyn?" tanung nila dito at tinulungang umayos.
"Okey----
"Tol wala namang ganyanan, nakapila tayong lahat kaya makihanay naman kayo ng maayos. Look at her she almost fall to the floor." puno ng pagtitimpi na aniya ni Chester sa tatlong lalaki na sumingit sumingit sa kanila.
Tiningnan lamang sila ng mga ito. From head to foot na para bang minamaliit sila.
"And? I want to be here infront of this lady and you can't do anything about that. Am I right men?" ngising sagot nito.
"Chauvinist crippled! " mahinang sambit ni Chester na halatang nagtitimpi pero sapat para umabot sa pandinig ng dalaga.
"Hayaan muna Chester. Ang mahalaga ay makarating tayo ng maayos sa ating patutunguhan." pigil dito ng dalaga. She can see anger on Chester's eyes kaya pumagitna na lamang siya.
Ilang sandali pa at sa wakas ay nasa loob na sila ng eroplano. At dahil sa likod lang ng upuan nilang magpinsan ang upuan ng dalaga ay nakipagpalit si Lucy dito. Ang dalaga at ang pinsan niya ang naging magkatabi.
They exchanged their accounts in social networks and agreed to know more about each other kahit sa networking.
Nueva Ecija
"Gema nakaalis na kaya ang panganay natin?" aniya mang Gusting sa asawa.
"Siguro Gusting ang sabi niya 11pm ang flight niya at nagtext daw kay Rhose kaninang 10 na nasa loob na siya ng airport." tugon ni Aling Gema.
"Sana maging maayos ang madatnan niyang trabaho doon. May maayos naman siyang trabaho dito sa ating bayan pero mas pinili pa rin ang mangibang bansa." aniya ni Mang Gusting.
" Alam ko Gusting ang tinutumbok mo. Nakakanibago ang mawalay sa atin ang ating anak pero nasa tamang edad na siya at alam na niya ang tama at mali. Ang magagawa natin sa ngayon ay ang ipagdasal ang kalusugan niya habang wala siya sa ating tabi. " sagot ni Aling Gema.
"Sabagay tama ka asawa ko. Napapaisip lang kasi ako. Hindi naman na tayo nagugutom at hindi naghihikaos. Siya na nga ang bumalikat sa pag aaral ng mga kapatid niya kahit buhay pa tayong mga magulang nila. Parang baliktad Gema imbes na tayo ang magsabi sa kanya na mag ipon siya para may magagamit siya sa kanyang kinabukasan dahil dalaga siya pero siya pa ang nagsabi sa atin na ipunin natin ang kita natin sa sakahan natin. Anu sa tingin mo Gema?" aniya ni Mang Gusting.
"Desisyun niya iyon Gusting at wala tayong magagawa pa dahil nakaalis na siya. Magtulungan na lamang tayong lahat para sa kinabukasan nila. Pero sa ngayon matulog na tayo at maaga na naman tayong pupunta sa bukid." sagot ni Aling Gema.
Matatanda na daw sila kaya wala nang good night hug and kisses.
Sa tahanan ng mga Aguillar, nabulabog sila ng may biglang nangalampag sa kanilang gate sa disoras ng gabi!
Bilang mga alagad ng batas ay lagi silang handa. Binilinan ang mga katulong na huwag nang lumabas at ipagpatuloy ang naudlot na tulog.
" Open it Sablay!" aniya ni Lampa pero walang ingay pero ang baril ay nakatutok na sa gate.
Hawak sa kanang kamay ang baril, binuksan ni Sablay ang gate gamit ang kaliwang kamay .
He opened the gate para lamang magulat ng makita ang nangangalampag sa kanilang gate.
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY