❤ THE DESSERT BOY
BY : SHERYL FEE
CHAPTER 1
"Kuya bakit ba kailangan niyong magsipaglayasan dito sa bahay? Sa laki ng bahay kami kami lang nina mama at papa? Eh naman kasi kuya eh." halos magpapadyak na nguso ni Queennie sa kuya Chester niya.
"Halika dito bunso. Tabi tayo para maunawaan mo ng maayos ang sassbihin ko." tugon ni Chester dito.
Tama naman kasi ito. Lahat sila ay may trabaho na. Ang kuya nila ay nasa Maynila bilang isang alagad ng batas na sumunod sa yapak ng mga magulang nila. Ang kambal niya ay nasa Mt Province ito kasama ang bestfriend nito na kagaya rin nitong doctor. Siya bilang isang engineer na kong saan saan nadedistino kayat kadalasan ay wala siya sa kanila. And the only PRINCESS? Isa itong reporter sa ABS CBN BAGUIO CHAPTER.
"Hmmmp!!! Hindi naman ako bingi kuya eh! Madalang nga lang tayung magkikita kita eh lalabas ka pa ng bansa." nagkakandapadyak na aniya nito pero tumabi din sa kuya niya.
"Alam mo bang mas maganda ka bunso pag nakangiti ka? Iyun bang nakikita ang liwanag sa iyong mukha, like our mom we are all adults already but our mom is still indeed beautiful. The beauty that captivated the heart of our dad, at ikaw bunso ang ganda mo eh at mas maganda ka pa sana pag lagi kang nakangiti." aniya ni Chester sa bunso nila. Like there kuya Ace Cyrus dati noong lumuwas ito sa Maynila ay ang bunso nila ang bukod tanging umaalma sa paglayo. Dahilan nito ay malaki naman daw ang bahay nila at may kanya kanyang trabaho.
"Oo na oo na kuya huwag mo na akong daanin sa pangungunsensiya. Anung kinalaman ng kagandahan sa paglayo mo?" nakanguso pa ring aniya ni Queennie.
"Mag abroad ako bunso hindi dahil sa pera marami tayo niyan. Gusto kong magkaroon ng bagong kapaligiran o gusto ko na makaranas ng buhay mahirap. Alam kong pagtatawanan mo ako pero pupunta ako ng Saudi Arabia pero hindi isang inhenyero kundi isang karpentero. I know it's crazy pero gusto kong maranasang mabuhay na isang mahirap. As you can see I never been to a relationship at my 28 years of living and who knows sa pamumuhay ko bilang isang mahirap ay makikilala ko ang magiging hipag mo. Don't worry ikaw at ikaw pa rin ang nag iisang princesa ng ating angkan dahil ang magiging hipag mo ay reyna ng aming buhay. Kaya huwag ka ng magtampo ha mauunawaan mo rin pagdating ng panahon . I want a simple life Princess." sagot dito ni Chester.
"Eh oo na oo na eh naman kasi eh. Basta uuwi ka pa rin ha.?" aniya ni Princess Queennie.
"There's no place like home bunso kaya of course naman uuwi ako pero hindi pa ako nakakaalis pero pag uwi na ang sinasabi mo." sagot naman ni Chester.
Pero bago makapagsalita si Queennie ay dumating ang kaaaway!
"Bunso hold your breath." bulong ni Chester sa kapatid dahil naniningkit na naman ang mga mata nito at lumalaki ang butas ng ilong nito.
"Diyan ka na kuya! Aalis na ako bago ko makalimutan ang manners ko!"singhal ni Queennie sa kapatid at nagwalkout na.
Dumaan ito sa exit area kasya entrance area para lamang hindi magsangga ang landas nila ng kinaiinisang tao.
"Nasaan na si langgam pare?" tanung ni Wayne kay Chester.
"Hahaha nagwalkout na bro kaysa naman daw makalimutan niya ang manners niya. Miss mo anu?" tudyo niya dito.
"She's the queen of all langgam. But I miss her hindi na yata nacocompleto ang pagdalaw ko dito kong hindi ko siya natutukso." sagot ni Wayne.
"Imbes na suyuin mo tol itinutulak mo palayo sa iyo ayan tuloy umiwas na pero mag isa ka yata ngayun asaan si kambal?" sagot ni Chester.
Hindi na nakasagot ai Wayne dahil pumasok na ang taong tinatanong niya.
"Puwedi ba naman iyun kambal kaya nga kami nandito para Makita ka bago ka umalis ng bansa. Pero mukhang walkouts queen na naman si bunso." aniya ng bagong pasok na si Ruben.
"Sinabi mo pa ayun ang nag eemote kaninang nagpaalam ako lumaki ang butas ng ilong at naningkit ang mata ng maamoy ang kaaway niya." tugon ni Chester.
"Paanu kasi laging pinagtritripan ni pareng Wayne----
"Correction pare nagpapapansin lang ako sa kanya kasi mas gumaganda pag nagagalit lalo na pag namumula ang mukha niya." putol ni Wayne sa pangangantiyaw ng kaibigan.
" Parehas lang iyun tol huuh." aniya ni Chester.
Umabot din ng ilang oras ang pagkukuwentuhan nilang tatlo bago nagsidatingan ang iba pa nilang kasambahay at nagpatuloy sila sa kanilang kuwentuhan.
San Isidro Nueva Ecija
"Anak alam kong layunin mo ang tumulong sa amin ng itay mo pero nakakatulong ka na sa amin. Simula nakapagtapos ka sa pag aaral hanggang sa makapagtrabaho ka at ikaw na ang halos sumasalo sa gasto natin. Pati sarili mo ay nakalimutan mo na rin. Bakit kailangan mo pang lumabas ng bansa anak?" tanung ni Aling Gema sa anak.
"Wala naman pong problema sa akin sa pagtulong sa inyo nina itay at mga kapatid ko. Masaya po akong nakakatulong sa inyo kaya huwag po kayong mag alala inay. Tinanggap ko po ang offer nila sa akin sa Saudi kasi mas malaki ang sahod doon, magco- college na si Rhose gusto ko kasi magfucos sila sa pag aaral nila. Hindi na po bali na malayo ako basta makapagtapos sila." sagot ni Jorelyn sa ina. Hindi na niya sinabi sa mga ito na siya mismo ang nag apply. Naisip kasi niya na kung aasa lamang siya sa sahod niya para sa sahod niya bilang isang ordinaryong nurse sa kanilang lugar ay kakapusin siya lagi lalo at magkokolehiyo na ang isa niyang kapatid . Hindi sa nagrereklamo mo siya pero may pangarap siya sa buhay.
"Wala na ba kaming magagawa ng inay mo para para pigilan ka anak? Maganda ang trabaho mo dito ah. May munti naman tayung sakahan at nagtratrabho naman ang kapatid mo sa sabado at linggo para may pandagdag sa gastuhin. Hindi na baling mahirap ang buhay natin anak basta buo ang ating pamilya. "aniya naman ng kanyang ama na si Mang Gusting.
"Itay sorry po pero hindi na po magbabago ang desisyun ko at nakahanda na po ang lahat kaya wala na po. Isa pa po itay hindi naman po panghabang buhay ito gusto ko po kasing makaahun tayu. Tumatanda na po kayu ni inay gusto ko rin pong makatikim kayu ng ginhawa hindi na lang puro hirap sa buhay. Kaya huwag na po kayung mag alala itay." sagot ni Jorelyn sa kanyang ama.
"Bueno total hindi ka na namin mapipigilan ay ipagdasal na lang natin ang tagumpay at kaligtasan mo sa iyung pupuntahan. Mamimiss ka namin anak." aniya ni Mang Gusting.
"Salamat po itay , inay. Kayo din po dito mag ingat po kayong lahat dito." sagot ng 25 anyos na dalaga.
"Hindi mo na hintayin mga kapatid mo anak? Sigurado akong hahanapin ka ng mga iyun lalo na si bunso pag hindi ka nila makikita." tanung ni Aling Gema.
"Mas mahihirapan po ako inay sa pagbiyahe ko pag nandito sila kaya hayaan niyo na lamang po. Sige po inay , itay alis na po ako naghihintay na po tricycle na maghahatid sa akin sa sa high way." aniya ni Jorelyn at binitbit ang katamtamang laki ng maleta niya.
"Kaawaan ka ng Diyos anak." pahabol na aniya ng mga magulang niya.
"Salamat po inay, itay." sagot niya at tuluyang sumakay sa tricycle.
Kailangan na niya kasing lumuwas ng Maynila dahil flight na niya. Alas onse medya ang oras ng flight niya kaya kilangang nasa paliparan siya 3 hours before the departure .
"Ama ikaw na po ang bahala sa aming lahat. Alam ko pong hindi mo kami pababayaan. Amen." dasal niya ng umusad ang sasakyan.
Baguio City
Nakahanda na rin ang magpinsan na Luciana at Chester. Si Luciana , natanggap bilang isang engineer sa Saudi kung saan natanggap namang karpentero ang pinsan niyang si Chester.
"Always pray anak Siya lamang ang magiging sandigan niyo doon. Huwag kayung tumulad sa iba na magluluko sa ibang bansa. " bilin ni Lampa sa anak.
"Magpupunta po kami ng Saudi mama para magtrabaho hindi para magloko." tugon ni Chester pero iyun ang pagkakamali niya dahil pinanlalakihan siya ng mata ni Lampa.
"Naku Chester kung hindi ka lang sana aalis mapapalo kita kahit malaki ka na. Nagpapaalala lang ako anak." aniya nito.
"Hayaan mo na mahal ikaw na rin nagsabi malaki na siya at may sariling pag iisip alam na nila ang tama I mali at alam na nila ang nawala o hindi sa bansang kanilang pupuntahan. "aniya naman ni Sablay Dulay.
"Siya , siya , mag ingat kayo sa daan.
"Ikaw Lucy sapakin mo ang pinsan mo pag magloko doon ha. At ikaw din mag ingat doon iba ang Saudi at iba dito sa Pinas kaya know your limitations okey?" dagdag pa ni Lampa sa pamangkin ng mahal niyang si Sablay Dulay.
"Makakaasa po kayo tita mabait po iyang pinsan ko lalo na pag tulog." pabirong sagot ni Luciana.
Ito sana ang babatukan ni Chester pero nakatawa lamang itong nauna sa sasakyan.
Sa wakas matapos ang sermon este mahaba habang bilin ng kanilang pamilya ay umusad na rin ang sasakyan ng pamilya Aguillar paluwas ng Maynila.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY! !!!