CHAPTER 4

1081 Words
MICAH'S POV PAGKABABA niya, napakunot noo siya nang marinig ang tinig ng kanyang Mommy. Napabuga siya ng hangin at pinaikot ang mga mata. So, dumating na pala ito galing Dubai. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa living room magiliw na kausap si Duday. "Oh, I have so many dress for you, Hija. Look--bagay na bagay saiyo ito," ngiting-ngiti wika ng Mommy niya. He silently chuckled. Puro kasi Abaya dress ang laging regalo ng Mommy niya kay Duday at eto namang sekretarya niya, kahit mainit sa Pilipinas ay sinusuot talaga nito ang mga Abaya dress na halos hindi na makita ang paa sa haba. "Ang gaganda po!" bulalas ng dalaga. He chuckled again then he put his two hands inside his pocket. Parang batang tuwang-tuwa si Duday sa mga damit. Pansin niya kasi na mahilig ito magsuot ng mga conservative style na damit. Tagong-tago talaga nito ang balat nito. Naiiling na lumapit siya sa dalawa. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng mga ito. Lumingon sa kanya si Duday pero ini-snob siya. Mukhang nagtatampo na naman sa kanya ang dalaga. Sa dalawang taon na pagiging sekretarya nito sa kanya kahit papaano gamay na niya ang ugali ng dalaga at ganoon din ito sa kanya. Kaya naman malakas ang loob nitong supladahan siya. Pagak siyang natawa. Naupo siya sa single sofa. "My son! How are you? Ang sabi mo papasyal ka sa Dubai, hindi ka naman nagpupunta," nagtatampong wika ng Mommy niya. Nasa Dubai na kasi nakatira ang Mommy niya. Nagpupunta na lang ito sa Beijing kung may importanteng meeting na kailangan ang presensiya nito. "Mom, marami lang inasikaso saka etong si Duday, ayaw kumuha ng passport e, sabi mo dapat kasama siya pagpapasyal ako sa Dubai," nakangusong turo niya sa dalaga. Binalingan naman ng Mommy niya si Duday. Nagtatanong ang matang tumingin sa dalaga. "K-Kasi po, na--nahihiya po ako sumama," kiming sagot ni Duday. Huh? Nahihiya? Iyon ba ang dahilan nito, ilan ulit niya itong tinatanong kung bakit ayaw nito kumuha ng pasaporte pero laging tinatamad daw ito kumuha. Ayaw niyang mag isip ng kung ano subalit hindi katanggap-tanggap para sa kanya ang dahilan ng dalaga. "Ano ka ba, Hija. Kasama sa trabaho mo ang samahan si Micah, wala ka dapat ikahiya. Akong bahala, tutal andito naman ako, kukuha tayo ng passport mo. Isasama kita sa Dubai," abot tengang nginitian ni Mommy si Duday. Bigla siyang natawa ng mahina dahil sa reaksyon ng dalaga. Napangiwi kasi ito. Ewan ba niya pero tuwang-tuwa siya makita ang weird na mukha nito. Pag nakangiwi, mukha itong chucky doll. Pag nakatawa, mukha itong Jollibee na lumalaki ang mata at pag umiiyak, para itong si spongebob kung umatungal ng iyak. "Good. Nice idea, Mommy. Pilitin mo si Duday para makasama na siya sa Dubai," nakangising sabi niya. Tinapunan naman siya ni Duday ng matalim na tingin. Tila binabantaan ang buhay niya. He softly laughed. What a weird woman! Siya ang boss pero kulang na lang saksakin siya sa talim ng tingin nito. "Alam nyo po ba, Maam. Si Micah po, nagdala na naman ng babae rito sa Mansion," sumbong ni Duday. Nahindik siya. Aba't sumbongera pala ang babaeng ito. Nilaglag siya bigla. Dumilim kaagad ang anyo ng Mommy niya saka nagbabaga ang matang tumingin sa kanya. "Micah! Pinagsabihan na kita, magseryoso kana sa babae. My god!" bulyaw sa kanya ni Mommy. "Mommy--" "Pinapaalala ko sa'yo ang nakasulat sa last will ng Daddy mo. You have to married at the age of thirty. Now, you are thirty, maybe this is the time to stop you for being a skirt-chaser!" gigil na gigil na asik ng Mommy niya. Umingos siya. Nakasimangot na tinapunan niya ng tingin si Duday. Nag-make face lang ito sa kanya. Huminga siya ng malalim. Naalala niya ang last will and testament ni Daddy. Kailangan niyang magpakasal sa edad na trenta upang mapunta sa kanya ng buo ang kumpanya nila, dahil kung hindi, mapupunta ang kumpanya nila sa pinsan niya. Dugo't pawis na ang sinakripisyo niya sa MLEU International at hindi niya hahayaan mapunta lang sa iba ang lahat ng pinaghirapan niya. "Mommy, hindi ganoon kadali humanap ng babaeng papakasalan. Paano kung gold digger pala 'yun makuha ko?" alanganin sabat niya. "Ano pinagsasabi mo, Micahel?! Anong akala mo sa babae, pinupulot lang?" bulyaw sa kanya ng Mommy niya. Napakamot tuloy siya sa ulo. Mali yata ang ginamit niyang salita. Lalong uminit ang ulo ng Mommy niya. Well, wala naman kasi siyang naging serious relationship. Its been two years since naghiwalay sila ni Melissa, nagpakasal kasi ito sa isang Mayor. Naalala pa niya ang huling intimate sèx nila ni Melissa sa isang charity event. Gusto niya kasing bumalik ito sa kanya pero wala rin nangyari nag mukha lang siyang kabit sa ginawa niya kaya tinigilan na niya ito. "Wala akong girlfriend," tinatamad na sabi niya. "Alam ko. At saka, ang nakasulat sa last will ng Daddy mo, ako ang pipili ng magiging asawa mo. Kaya ako ang pipili ng babaeng papakasalan mo. Wether you like it or not, wala kang choice kun'di pakasalan ang babaeng pipiliin ko para saiyo," ngiting-ngiti lintanya ni Mommy. Bakit ba bigla siyang kinabahan sa klase ng ngiti nito? Tama nga naman, iyon talaga ang nakasulat sa last will ng Daddy niya. Napalunok siya. Hindi niya mawari pero may kutob siyang may hindi kanais-nais na mangyayari sa kanya. Lumawak ang ngiti nito. Lumiwanag na ang anyo nito at ngiting-ngiti hinawakan ang kamay ni Duday at hinila patayo. Naguguluhang tumayo naman si Duday. Palipat-lipat ito ng tingin sa kanya at sa Mommy niya. "Si Duday. Si Danica Bonifacio ang napili ko para saiyo, Anak," wika ni Mommy, para itong host sa isang TV show na nagpakilala ng contestant. May atomic bomb yata na nahulog sa harapan niya. Daig pa niya nasabugan at nabingi bigla. Si Duday? Ang napili nito? What the? Si Duday ang papakasalan niya at magiging asawa? Parusa ba ito ng Mommy niya sa kanya? Oh, isa itong malaking biro? Bumunghalit siya nang tawa. Hindi na niya napigilan ang sariling matawa. Ito na ba ang karma niya dahil sa pagiging playboy niya? Napatigil siya sa pagtawa nang lapitan siya ng Mommy niya at hinampas nang malakas sa balikat. Napa-aray siya. Subalit, tuloy pa rin ang pagtawa niya. Oh, well, may magagawa pa ba siya? Sinulyapan niya nang tingin si Duday. Nag isang linya ang makapal na kilay nito saka tinaasan siya ng gitnang daliri nito. 'F*ck you.' she mouthed no sound. Tawang-tawa talaga siya. Oh, this is going to be fun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD