CHAPTER 5

1027 Words
MICAH'S POV "SERYOSO ka ba, Mommy?" Nang humupa na ang pagtawa niya saka siya nagseryosong magtanong sa Mommy niya. "Mukha ba akong nagbibiro, Micahel?" pataray na asik nito. "Look at her...she's beautiful. Idilat mo mata mo. Bulag!" Walang buhay na tumango-tango na lamang siya. O-Okay! "Fine. Kayo na rin nagsabi na wala akong choice, kaso ang tanong papayag ba si Duday?" Lumingon agad si Mommy kay Duday. Mukhang na realized nito na tao rin si Duday at may karapatan mag desisyon. Sumenyas siya nang tingin kay Duday. Umiling siya rito. Para bang sinasabihan niya itong huwag pumayag sa gusto ni Mommy. "Hija, I'm sorry kung nabigla ka. I didn't mean to but you are the daughter I never had. I really, really like you, Danica. I really want you to be my daughter," nagsusumamong wika ng Mommy niya. Pansin niya rin iyon. Sobrang aliw na aliw ang Mommy niya sa dalaga. Kumbaga, siya ang tunay na anak pero parang si Duday ang laging kina-kamusta nito at laging hinahanap-hanap. "Thank you, Mrs. Leu. Masaya po ako dahil sa magandang treatment na binibigay ninyo po sa'kin. You treated me as a part of the family. Wala na po kasi akong Mommy kaya masayang-masaya po ako dahil gusto ninyo po akong maging tunay na anak." Naluluhang sambit ni Duday. "Pero hindi po ako nababagay maging asawa ni Sir Micah. Nakakahiya lang po. Baka pagtawanan lang si Sir dahil sa akin. Ayoko pong mapahiya si Sir. Okay na po akong maging secretary niya." Nakangiting wika nito habang nagpupunas ng luha. Mataman siyang nakatitig kay Duday. Bigla tuloy siyang nakonsensya sa mga inisip niya. Well, wala naman masama kung ito ang pakasalan niya. Wala naman siyang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao. At saka, mabait naman si Duday, kumportable siyang kasama ito sa trabaho at magkasundo naman sila. Paminsan-minsan nga lang nag-aaway sila pero siya rin naman ang nauunang sumusuyo kay Duday. Huminga siya nang malalim. "I don't care about other people's think. I think, we can work it out, tutal two years na kitang secretary...So, why not? Okay sa akin ang pakasalan ka." That's true. Sa loob ng dalawang taon tanging ito lang ang babaeng nakasama niya ng matagal. Though, secretary niya ito masasabi niyang daig pa niyang may girlfriend. Sanay na kasi siyang nasa paligid niya lang ang dalaga. Mawala lang ito sa paningin niya ng ilang oras ay hinahanap niya agad ito. So, feeling naman niya kahit pakasalan niya ito ay walang magbabago sa pakikitungo nila sa isa't isa. Siya pa rin ang boss at aakto pa rin itong secretary niya. Pure work relationship and friendship lang. No deeper more than that. Medyo nagulantang ang dalaga sa sinabi niya. Marahil hindi nito inaasahan ang sinabe niya. Tuwang-tuwa naman ang Mommy niya. "Pero, Sir--" "Why? may boyfriend ka na ba? Kailan pa? o don't tell me may nagugustuhan ka na? Sino naman?" bigla siyang nainis sa pumasok sa isip niya. Umiiling-iling ito. "Wala akong boyfriend. May gusto akong lalaki..." "Sino? Kilala ko ba 'yon?" lukot ang noong tanong niya. "Kaso hindi niya ako gusto," dugtong ng dalaga at malungkot na ngumuso. Napa 'Ah' na lang siya. Bakit parang nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito? "It's okay, don't worry. Hindi ka na lugi sa akin," he gave her a charismatic smiled. Napa-yes! naman ang Mommy niya sa tuwa at niyakap si Duday. "You heard my son? Oh my, I'm really excited. Please, Hija. Marry him. You don't have to be feel ashamed, you are beautiful," masayang wika ng Mommy niya. Ewan ba niya pero isang bahagi ng isip niya ang nalungkot. Kung magpapakasal na siya, may chance pa kayang makita niya ang babaeng laging laman ng panaginip niya. Napaigtad siya ng bigla siyang yakapin din ni Mommy. "You're matured now. I know, Danica will be a perfect wife for you. Bukas na bukas din tatawagan ko ang kaibigan ko na judge." "Ma'am, okay lang po ba na simpleng kasal lang po at gawin na lang pribado," kapagkuwa'y wika ni Duday. Pumalatak ang Mommy niya. "Oh simple and private wedding will be fine, andito kasi tayo sa Philippines. Pero meron kaming traditional wedding kaya uulitin na lang natin ang kasal ninyo," paliwanag ni Mommy sa dalaga. Traditional wedding na tinutukoy ng Mommy niya ay isang extravagant wedding celebration. Kukulangin ang isang daan milyon na halaga ang maaaring gagastusin kung ipipilit ng Mommy niya ang 'TRADITIONAL' wedding na sinasabi nito. "Talaga po? Ayos lang naman po kung--" hindi makapaniwalang wika ni Duday. Pagak na tumawa ang Mommy niya. "Oh please, my darling, stop calling me Ma'am, okay? Call me Mommy now, because from on, I'll be your Mother." Bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan. Halatang sabik din ito sa kalinga ng isang Ina. Hindi pa masyado nagku-kwento sa kanya si Duday tungkol sa pamilya nito. Ang tanging alam lang niya ay naglayas ito sa poder ng Ama nito. Hindi na nito sinabe ang buong detalye pero wala naman problema sa kanya iyon. Nasa tamang edad naman na ito at tama lang na maging independent woman ito. "Thank you po, M-Mommy," nahihiyang sambit ni Duday. Parang kinikilig sa tuwa ang Mommy niya. "Oh my god! I have a daughter now. Finally!" Botong-boto talaga ito kay Duday. Siguro kakausapin na lang niya ng masinsinan si Duday. Ikakasal sila ngunit meron siyang pangangailangan bilang lalaki. Kailangan niyang makausap muna ito. Kailangan niyang ipaintindi sa dalaga ang nais niyang kondisyon. "Mom, kakausapin ko lang saglit si Duday," aniya. Tinignan niya ang dalaga at sumenyas siya rito na sumunod sa kanya gamit ang daliri. "Oh sure! sure! magpapahanda muna ako ng dinner natin. I'll see you later, my daughter--isukat mo mamaya 'yong mga dress, okay?" pahabol na wika ng Mommy niya kay Duday. "Okay po, M-Mommy. Isusukat ko po lahat mamaya." Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang tignan niya ang dalaga. "Bilisan mo, sa office tayo. May sasabihin ako saiyo." "Bakit kailangan sa office mo pa?" Pinatirik niya ang mata sa iritasyon. "Malamang, ayoko marinig ni Mommy ang sasabihin ko sayo." Paniguradong kakagalitan na naman siya ng Mommy niya pag narinig nito ang balak niyang sabihin sa dalaga. May rights siyang demand di'ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD