DANICA'S POV
NAPAUPO siya sa gilid ng kama at sinapo ang kanyang ulo. Hang over.
Naparami ang inom niya kagabi. Hindi talaga siya marunong uminom, pero kagabi mas pinili niyang mag-celebrate para sa kanyang KALAYAAN.
Yes, she's free for now but she knows sooner or later mahahanap din siya ni Daddy. Nang akma siyang tatayo ng bigla siyang mapaigik sa sakit. Napaupo siya uli, sumasakit ang sentro ng kanyang pagkababaë.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya nang maalala ang nangyari kagabi.
Ang lalaking nakita niya sa charity event ay muli niyang nakita sa Club. Hindi siya makapaniwala, lalo nang lapitan siya nito at ayain makipagtalik.
Pagak siyang natawa nang bumalik sa isip niya ang buong nangyari at kung paano sila nauwi sa mainit na pagtatalik sa parking space. Pero bakit ganoon? Hindi naman masyado masakit kahit unang karanasan niya iyon.
Marami kasi ang nagsasabing sobrang sakit daw pag unang beses. Bakit siya hindi niya naramdaman iyon? Ngayon lang sumasakit, parang mahapdi na ewan. Napabuga siya ng malalim na paghinga.
Ilang oras pa siyang tumihiya ng higa at tumitig sa kisame. Mauubos ang cash niyang dala pagtumagal pa siya rito sa hotel. For sure, iikotin ni Daddy lahat ng hotel dito sa Manila mahanap lang siya.
She have to leave now. Naligo muna siya at nagmadaling mag-check out sa hotel. Saan siya pupunta? Wala siyang alam na sa pasikot-sikot dito sa Maynila. Sumakay na lamang siya ng taxi at nagpahatid sa isang Mall.
Nang makarating sa Mall, naisipan niyang mag-window shopping. Gustuhin man niyang mag-shopping subalit kailangan niyang tipirin ang pera niya.
Huminga siya ng malalim.
Habang nililibang niya ang sarili sa paglalakad. Nakakita siya ng salon. May kung anong bumbilya ang umilaw sa isipan niya. Kaagad siyang pumasok sa salon.
"Hi, Maam Ganda. How may I help you?"
magiliw na sabi ng baklang hairstylist.
Kiming ngumiti siya. Sinabe niya na gusto niyang ipakulot ang buhok niya, as in curl na curl at gawin buhaghag.
Medyo na weirdohan sa kanya ang hairstylist.
"Sure kayo, Ma'am? As in lahat todo kulot?"
Tumango-tango siya at nginitian ito. Parang Alicia Keys curly hairstyle ang peg niya. Dinahilan na lang niya na sobrang idol niya ang naturang singer.
Mukhang na-gets na nito ang nais niya kaya sinimulan na siyang asikasuhin.
Pagkalipas ng ilang oras, hindi niya inakala na aabutin siya nang siyam-siyam sa salon, sobrang tagal pala. Nakaidlip na nga siya e'.
Nang matapos siyang kulutan ay magha-hapon na. Ay kaloka! Pero sobrang sulit, nagustuhan niya ang buhok niya. Ngiting-ngiti siya sa harap ng malaking salamin.
Wow!
Nagbayad na siya at umalis. Next stop naman ay sa dental care. Magpapalagay siya ng dental brace. Gusto niyang matawa sa naisip niyang gawin sa sarili. Pero sa ganitong paraan makakapagtago siya sa Daddy niya.
Sumunod naman na ginawa niya matapos magpa-dental brace ay nagtungo siya sa optical shop. Nagpagawa siya ng malaking eye glasses frame na di gaano kataasan ang grado.
After sa optical shop, sunod na pinasok niya ang department store para bumili ng make up at bumili rin siya ng mahabang palda at long sleeve na polo.
Tawang-tawa siya sa sarili habang nasa loob ng fitting room. She really look so different. Mukha siyang timang sa itsura niya. No one's gonna know. She smirked.
Naglagay din siya ng konting fake pimples gamit ang make up at kinapalan niya ang mga kilay.
Mabuti na lang at may alam siya pagdating sa mga cosmetics.
At ang final verdict niya, ka-mukha na niya ang bidang babae sa Betty in NY na TV series. Bumunghalit siya nang tawa. Hindi na niya makilala ang sarili, kaya malabong makilala siya ni Daddy sa itsura niya.
Nang makapagbayad na siya. Pumasok siya sa isang Italian restaurant, bigla kasi siyang ginutom. May natira pa siyang konti pera, siguro dapat na rin siyang maghanap ng trabaho.
May tatanggap ba sa'kin ng ganitong itsura? mostly ang hinahanap kasi sa mga applicants ay iyon may pleasing personality. Huminga siya nang malalim, bahala na nga.
Pagkapasok sa loob ng Italian restaurant, iginiya siya ng waiter patungo sa bakanteng table. Nag-order siya ng Italian salad at creamy chicken pasta.
Inilibot niya ang tingin sa paligid ng restaurant. Very classy and homely ang style ng restaurant. Beautiful.
Nahagip ang atensyon niya sa dalawang Ginang na nag-uusap sa katabing table niya.
"Sumasakit na talaga ang ulo ko dahil kay Micah. Hanggang ngayon, wala pa rin balak mag-seryoso pagdating sa buhay."
reklamo ng isang Babae na hula niya ay nasa 40's na.
"Wala pa rin ba balak mag-asawa si Micah? twenty eight na siya ngayon taon a',"
"Ayon nga ang problema ko! Kahit isang babae, wala pa siyang sineseryoso pati mga naging sekretarya niya pinapatos tapos pinapaalis niya sa trabaho pag-nagsawa na siya."
Umiiling-iling ang kausap nito.
"So, walang sekretarya ngayon si Micah?"
"Wala. Baka pagkumuha ako ng sekretarya uli, isang buwan lang itatagal. Alam mo naman ang anak ko, kahit poste titirahin basta nakapalda,"
sarkastikong biro ng Ginang.
Bahagya siyang natawa sa narinig. Mayamaya pa ay dumating na ang order niya. Habang kumakaen patuloy pa rin siya nakikinig sa tsimisan ng dalawang ginang.
"Dapat kasi lalaki ang kunin mo sekretarya ni Micah o kaya iyon panget para hindi niya patulan,"
suhestiyon ng kausap.
"Ay, oo nga!"
pumalatak ang Ginang.
Bigla siyang napatayo sa at mabilis na lumapit sa dalawang Ginang at nagtaas ng kamay.
"Ako po! Ako na lang po! Naghahanap po ako ngayon ng trabaho. Kahit taga-timpla ng kape, ayos lang po sa akin. Masipag po ako at graduate po ako ng college,"
pag-piprinsita niya sa sarili.
Naglagay siya ng malawak na ngiti sa labi. Bahagya pa niya inayos ang malaking salamin.
Napatunganga sa kanya ang dalawang Ginang. Nakasuot ang mga ito ng magandang abaya dress at hijab.
Nginitian siya ng Ginang at tumayo.
Hinawakan siya nito sa balikat, pinaikot nang kaunti para bang sinisipat-sipat nito ang buong katawan niya.
"She's Perfect! Siya na lang ang kunin mo secretary ni Micah."
bulalas ng isang Ginang.
May pagkahawig ang dalawang babae, malamang magkapatid ang mga ito.
"I know right! You are angel sent from above. You are hired now!"
ngiting-ngiti sabi ng babae sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. Napa-Yes! pa siya sa hangin. May trabaho na siya. Oh god, I'm so happy!
"Here's my calling card. Puntahan mo ako bukas na bukas sa office ko. What's your name again?"
tanong nito.
"I'm Danica Bonifacio, Duday for short."
ngumiti siya.
Kulang na lang makita ang buong gilagid niya kung maka-ngiti siya.
"Oh well, Miss Bonifacio. I'll see you in my office tomorrow,"
nakangiting turan ng babae.
Ilan saglit pa ay tumayo na ang mga ito upang umalis. Kumaway pa ang mga ito sa kanya saka lumabas na ng restaurant.
Mukhang umaayon sa kanya ang kapalaran niya. Masiglang pinagpatuloy niya ang pagkain. Habang kumakaen, nag-iisip siya kung saan na naman siya matutulog.
Kailangan na niya siguro maghanap ng mauupahan. Napatingin siya sa hawak na calling card. Ito na ang simula nang panibagong buhay niya.
KANINA pa pinapaltos ang papa niya dahil sa layo ng nilakad niya. Naghahanap siya ng paupahan. Kanina may nakita na siya pero alanganin siya sa itsura ng kwarto. Iyong iba walang kwarto, studio type raw. Iyong iba naman, walang banyo.
Nakakainis! Akala niya madali lang maghanap ng mauupahan. Pasado alas-otso na nang gabi, ngunit wala pa rin siyang makitang matino-tino.
Napabuga siya nang malalim na paghinga.
Mag hotel na lang kaya muna siya? o kaya motel para mas mura?
Ah tama! mag motel na lang siya.
Sakto may nadaanan siyang motel kanina.
Binalikan niya ang motel na nakita.
"MOTEL MOKKO" ang pangalan ng motel. Nakakatuwa naman ang pangalan. Natuwa rin siya dahil sobrang mura ang kwarto rito. One hundred fifty pesos ang 24hours na renta sa isang kwarto. May electric fan, may TV, may maliit na mesa at may maliit na banyo.
Sobrang sulit 'to. Napakamura.
Pabagsak na humiga siya sa kama.
Maliit ang kama at hindi gaano malambot. Mukhang mahihirapan siyang makatulog nito. Huminga siya nang malalim.
"Bawal mag-inarte, Danica, wala ka na sa Mansion,"
bulong niya sa sarili.
Kinaumagahan, maaga siyang pumunta sa Makati City kung saan naka-address ang binigay na calling card ng Ginang.
Tumingala siya sa napakataas na building. MLEU INTERNATIONAL. Ito pala ang pangatlo sa malaking BPO company sa bansa.
Nang makalapit siya sa front desk, hindi na siya nahirapan sabihin ang pakay niya dahil expected na pala siya kaya naman dumiretso na siya agad sa elevator.
Sa twentieth floor siya pumunta, sabi sa front desk. Nabungaran niya agad ang Vice-President Office. OMG!
Natuptop niya ang bibig. Nag inhale-exhale muna siya bago kumatok nang marahan sa malaking glass door.
Parang nag-automatic naman na bumukas iyon. She entered and smiled.
"Good Morning, Maam,"
magalang na bati niya.
Nakangiti ang Ginang sa kanya habang nakaupo ito sa couch at nagkakape.
"Morning. Come here, sit beside me. I want to know everything about you,"
magiliw na saad ng Ginang.
Ewan ba niya pero magaan ang loob niya sa babae. Siguro dahil lagi itong nakangiti sa kanya kaya ganoon.
Lumapit siya at umupo sa tabi nito.
"I like your hair. You're so cute. By the way, I'm Felicity Leu, the Vice-President of MLEU INTERNATIONAL. I hired you for my son, you will be his secretary. Pagpinaalis ka niya o tinanggal sa trabaho, huwag kang mag-alala, I'm the one who hired you so, I'm your boss."
pagpapaliwanag nito.
"I understand, Maam."
"Good. Now, tell me about yourself."
Magsasalita na sana siya nang bumukas ang glass door at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahan makita.
Ang lalaki sa charity event, ang lalaking nakatalik niya sa parking space sa Club.
Ang lalaking ni hindi man lang niya nalaman ang pangalan. Oh my, why is he here?
"Micah, my son!"
tawag ni Ms. Felicity.
Kulang na lang lumubog siya sa labis na hiya. Hindi niya sukat akalain na ito pa pala ang magiging boss niya.
Pinagdasal pa naman niya na makita ito pero hindi sa ganitong itsura niya.
Nakakainis! Hindi pa naman siya naghugas ng buhok. Argh!