CHAPTER 6

1006 Words
DANICA'S POV BLANKO ang mukha niya matapos marinig ang sinabi ni Micah. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa playboy na ito? "Walang mababago, this marriage will be pure business only. Mapupunta sa akin ang MLEU, ako pa rin ang boss mo at aakto ka pa rin sekretarya ko," anito. Umikot pa si Micah sa likuran niya at hinawakan siya sa balikat. "At gusto ko ma-gets mo na kahit kasal na tayo ay..." "Gets ko na. Kahit kasal na tayo, mambababae ka pa rin," walang buhay na wika niya. "Exactly! Lalaki ako, may pangangailangan din ako. Kaya ang hiling ko ay kooperasyon mo, don't tell to Mommy, okay? Please, Duday, maawa ka naman sa'kin." pakiusap ni Micah saka tumingin sa kanya. Nag-baby face pa ang damuho! Bakit parang naiinis siya? Ikakasal sila pero sisiping ito sa kung sino-sinong babae. Well, ano bang aasahan niya? Malabong matipuhan siya ni Micah sa ganitong itsura niya. Ang sarap bigyan ng leksyon ang lalaking ito. Ngumiti siya at tumango. "Okay. Walang problema. Susuportahan kita, pero may kondisyon din ako," isang pilyang ngisi ang ginawa niya. "Sure, what is it?" "You are not allowed to fall in love with me," seryoso at madiin niyang sabi. Isang malakas na tawa ang pumailanlang sa loob ng office. Tawang-tawa si Micah. Sapo ang tiyan at napahiga pa sa leather couch. "Lakasan mo pa ang tawa mo, ibibitin kita patiwarik, Sir," banta niya sa binata. Nakakagigil ang naging reaksyon nito para bang napaka-imposibleng mangyari ang sinabi niya. Tumaas ang sulok ng labi niya, imposible nga siguro, pero nais pa rin niyang subukan kung mahuhulog ito sa kanya kahit ganito ang itsura niya. "I'm so sorry, I just can't help it. Iyon lang ba ang kondisyon mo?" nangingiting tanong ni Micah. Pinatirik niya ang mata. Sarap dagukan ang lalaking ito. "Oo! At seryoso ako," madiin niyang sagot. "Duday, I know you are beautiful inside, you're soul is beautiful, that's why I trust you, I respect you. You're not just a secretary for me, you're my friend. And this marriage, we will work it out with the foundation of friendship," malamyos nitong sabi sa kanya. Ramdam niya ang katapatan sa lahat ng sinabi ng binata. Micah trust her? Respect her? May kung anong kakaibang pakiramdam ang humaplos sa puso niya. Tumango-tango siya. Malaki rin naman ang tiwala niya sa binata, malaking bagay din naman sa kanya ang pagpapakasal kay Micah. Tuluyan na siyang makakatakas sa Daddy niya, mahanap man siya nito, wala na itong magagawa pa dahil kasal na siya kay Micah. Alam niyang natalo sa nakaraan eleksyon ang kanyang Daddy. Hindi siya bumoto pero naging updated naman siya kaya alam niyang natalo ito. Huminga siya ng malalim. "Thank you, Sir." Pumalatak si Micah. "Oh yeah, I forgot. Don't call me Sir anymore. Call me by my name," Tinaasan niya ito ng kilay. "Huwag mo na rin akong tawagin Duday," reklamo niya. Nakakasuya kung Duday pa rin ang itatawag nito sa kanya. Bahagyang natawa si Micah. "Yeah, don't worry, I won't call you that anymore. I will call you, hmmm...Love? what endearment would you prefer?" umakto itong nag-iisip. Umingos siya. Ayaw niya ng love, baby, babe, honey, darling, lahat iyon ay narinig na niyang tawag ng binata sa mga naging babae nito. "Wala. Danica na lang. Wag ka ng mag-isip, hindi bagay saiyo," pataray na sabi niya saka akma na siyang lalabas ng office nito. "Sige, Dani na lang," nakangisi turan nito. Hindi na siya nagsalita pa, lumabas na siya agad. Mabilis niyang pinuntahan si Mommy, ang Mommy ni Micah. "Hey, my daughter. Tumawag na ako sa judge at sa linggo na ang kasal ninyo ni Micah. Gusto mo magsalon bukas? Mas okay siguro kung ipa-straight natin ang hair mo, ipa-haircut na rin natin. What do you think?" malambing na tanong sa kanya ni Mommy. Mabilis siyang tumango at ngumiti. Na-excite siya. Matagal na niyang inaasam na maranasan ang Mommy and Daughter bonding sa salon at mall. Tuwang-tuwa talaga siya na meron na siyang Mommy ngayon. "Opo, gustong-gusto ko po," sabik niyang sabi. Oras na siguro para ibalik niya sa dati ang buhok niya. Medyo nahihirapan na rin kasi siyang magpatuyo at mag-brush ng buhok. "Very good! Sige, bukas na bukas, mag-bonding tayo sa Mall," Natawa siya dahil sobrang genuine ang pinapakitang kasiyahan ng Mommy ni Micah. Bigla tuloy niyang naalala ang sarili niyang Mommy, actually, wala siyang ideya sa itsura nito, ang sabi ng Daddy niya ay baby pa lang daw siya ay iniwanan na siya ng Mommy niya at sumama sa ibang lalaki. Kahit pangalan ng Mommy niya ay wala siya ideya, wala rin kasi nakasulat sa birthcertificate niya, halatang pinatanggal ng Daddy niya ang pangalan ng Mommy niya. Kaya kahit gustuhin man niyang hanapin ito ay hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Mayamaya pa ay bumaba na rin si Micah, naka-rugged look outfit ito. Nakasuot ito ng casual jeans, plain white t-shirt, black leather jacket at naka-Timberland shoes. Gagala na naman ang herodes na ito. Alam na niya kung saan ito pupunta pag ganoon ang outfit nito. Sa Black Club. "My son, hindi ka ba sasabay kumain sa amin ng dinner?" malungkot na tanong ni Mommy. Umiling si Micah, pinaikot-ikot pa nito sa daliri ang susi ng motor nito. "Nope, may lakad ako ngayon, Mommy," tugon nito sabay sulyap sa kanya at kumindat pa ang loko. Inismiran lang niya ito. Kayanin kaya niya ang pagiging womanizer ni Micah? Huminga siya nang malalim. 'Stick to the plan, Danica. Let him fall for you, one step at a time,' usal niya sa isip. "Okay, be careful sa pag-drive," pahabol na sigaw ni Mommy. Bakit parang pakiramdam niya hindi siya matutunawan? Alam na alam niya kasi kung anong klaseng lakad ang gagawin ng binata. Humanda talaga sa kanya si Micah, tuturan talaga niya ng leksyon ito para matigil na pambababae. Sa ngayon, kailangan niyang kalmahin ang sarili. Hahayaan niya muna itong mag-enjoy sa huling araw ng pagiging buhay binata nito. Dahil oras na maging asawa niya ito, pasensyahan talaga dahil hindi siya marunong mag-share ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD