DANICA'S POV
Siya si Danica Bonifacio, ang nag-iisang anak ni Senator Bonifacio.
Buong buhay niya wala siyang ibang ginawa kun'di sundin ang lahat ng gusto ng Daddy niya. Mula sa kung saan siya mag-aaral, kung ano kurso ang dapat niya kunin sa kolehiyo at kung sino ang dapat niyang pakasalan.
Hindi siya kumontra bagkus sinusunod niya lahat ng nais nito.
Napabuntong hininga siya.
"Napakaganda ng dalaga mo kumpare,"
puri ni Governor Padigdig.
Binigyan siya ng isang malisyosong tingin ni Governor Padigdig. Parang hinuhubaran siya nito kung makatingin.
Kasalukuyang nasa isang charity event kasi sila. Isinama siya ng kanyang Daddy para ipakilala sa mga politician alliance nito at kasama na roon si Governor Padigdig.
Pagak na natawa ang kanyang Daddy.
"May pinagmanahan. Mana sa akin syempre."
Nagtawanan ang dalawa. Medyo nakakaramdam na siya ng pagkailang.
Pakiramdam niya nilalako siya ni Daddy sa lahat.
"Kumpare, nasabi mo na ba sa kanya?"
kapagkuwa'y tanong ni Governor Padigdig.
Sumulyap muna si Daddy sa kanya saka bumaling sa kausap.
"Not yet. Maybe later."
Naguluhan siya. Anong kailangan sabihin sa kanya?
Pero napaigtad siya ng abutin ni Gov. Padigdig ang isang kamay niya. Marahan nitong hinaplos ang kamay niya. Tumindig ang balahibo niya.
"I really can't wait, kumpare," makahulugang wika nito.
Napalunok siya. Nagsusupetsang tumingin siya sa Daddy niya. Ngumiti lang ito at hinaplos ang pisngi niya.
Something is not right. Kinukutuban siya ng hindi maganda. Alam niyang plano ng kanyang Daddy ang arranged marriage, subalit hindi niya inisip na sa isang matandang hukluban siya nito planong ipakasal.
Binawi niya ang kamay sa pagkakahawak ni Mr. Padigdig.
Nag-excuse muna siya sa dalawa na pupunta saglit sa restroom.
Punong-puno ng kaba ang dibdib niya.
For twenty-four years, naging mabuting anak siya. Pikit matang ginagawa niya ang lahat ng gusto ni Daddy, but this time. She can't marry that pervet old man. Para na niya itong Lolo. Mas matanda pa yata ito sa Daddy niya.
Pagbukas niya sa pinto ng ladies restroom, napasinghap siya sa gulat ng makitang may nagtatalik sa loob. Holy s**t!
Nakaupo ang babae sa marmol na lababo, nakabuka ang mga hita at nakataas ang suot nito palda. Habang nakatayo ang isang lalaki sa pagitan ng hita ng babae na bahagyang nakababa ang suot na pantalon.
Tila hindi alintana ng dalawang nilalang ang presensiya niya. Patuloy lang sa pag-ulos ang lalaki habang nakatingala ang babae at umuungol. Kitang-kita niya ang gigil na gigil na pag-indayog ng likuran ng lalaki. Oh my!
Natuptop niya ang bibig at tahimik na sinara ang pinto ng restroom. Imbes na umalis, nanatili lamang siya sa labas ng restroom. Biglang nag-init ang dalawang pisngi niya dahil sa nasaksihan. Huminga siya ng malalim. Hindi niya inaasahan ang ganoon eksena.
Hanggang sa tumahimik na, wala na siyang ungol na naririnig. Mayamaya pa ay nagmamadaling lumabas ang babae.
Nilagpasan lang siya nito. Kumunot ang noo niya ng may sumalubong na lalaki sa babae na para bang kanina pa inaantay ang babae. Hinalikan ng lalaki ang babae sa labi saka hinapit patungo sa table ng mga ito. What the heck?
Nakipagtalik 'yun babae sa iba kahit nasa paligid lang ang boyfriend o asawa nito?
Napapailing siya. Grabe! Nang akma siyang papasok sa restroom ng mabundol siya sa isang matipunong dibdib.
"Ouch!" bulalas niya.
Tumama ang noo niya sa baba ng lalaki.
Bakit ba nawala sa isip niya na may lalaki pa pala sa loob?
"Hey, careful..."
wika ng baritonong boses.
Wala sa sariling napatingala siya. She don't know why, pero na mesmerized siya sa kagwapuhan ng lalaki nasa harapan niya. This man is so freaking handsome and hot. Para itong greek god, idagdag pa na napaka-kisig nito tignan sa suot na navy blue tuxedo.
Who the hell is he? Saan parte ng langit ito nakatira? He's so hunky and sexy.
Hindi siya nito tinapunan ng tingin. Malayo ang tingin nito at tila nagmamadali rin.
Kaya na disappoint siya ng lagpasan lang siya nito.
Na-snob ang beauty niya.
Nakasimangot na pumasok siya sa loob ng restroom. Bakit ganoon, nakaramdam siya ng panghihinayang?
Bihira lang siya ma-attract sa isang lalaki, kaya naman sobrang nanghihinayang siya. Sino kaya ito? Huminga siya ng malalim.
Hanggang sa paglabas ng restroom, hinanap ng kanyang mata ang naturang lalaki. Umaasang makikita niya ito sa huling pagkakataon subalit hindi na niya nakita ang gwapong lalaki.
Sayang naman. May secret affair ba ito sa babae kanina sa restroom?
Napabaling ang atensyon niya ng magsalita ang Daddy niya.
"Danica, may pag-uusapan tayo mamaya pagdating sa bahay,"
seryosong sabi ng Daddy niya.
Tumango-tango lang siya. May ideya na siya sa balak nitong sabihin kaya naman, may nabuo na rin siya plano sa isip. Hinding-hindi siya magpapakasal kay Governor Padigdig. Never.
Nang makauwe na sila. Kaagad siyang kinausap ng Daddy niya and she was right.
She have to marry Governor Padigdig, for political reason. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Governor Padigdig ay isang bilyonaryong businessman sa bansa.
Susuportahan nito ang kanyang Daddy sa pagtakbo bilang Vice-President ng bansa sa susunod na eleksyon kapalit ang pagpapakasal niya rito.
Hindi siya makapaniwala. Para lang sa posisyon ay ipagpapalit siya ng kanyang Daddy. I hate him!
Tahimik na sumang-ayon naman siya. Hindi na siya nakipag-agrumento pa.
Kasama sa plano niya ang pakikisakay.
Alam niyang desidido na ang Daddy niya kaya walang saysay kung kumontra pa siya.
Masayang niyakap siya ni Daddy.
"Thank you, my baby. You will be in good hands. I assure you that,"
masayang wika ni Daddy.
Kiming ngumiti lang siya.
Mayamaya ay nagpaalam na siya na magpapahinga. Kaya nang makapasok siya sa kanyang silid, mabilis siyang nag empake ng ilan damit. Kinuha niya ang lahat ng cash niya at inilagay sa pouch. Ngayon gabi siya tatakas.
I'm sorry, Daddy...but this is my life. I won't let you ruin it.
Wala siyang alam kung saan siya pupunta pero bahala na. Basta kailangan niyang magtago at lumayo. Hindi na siya nag abalang magdala ng mga credit cards dahil mabilis siyang matutunton ni Daddy oras na gamitin niya ang mga iyon.
Pagpatak ng alas dose nang gabi. Tahimik siya lumabas ng mansion. Sakto naman na wala ang security guard sa gate, marahil nasa loob at may kinuha sa kusina.
Matagumpay siyang nakalabas at nakasakay sa nirentahan niyang taxi. Nagpahatid siya patungo sa isang hotel.
Doon muna siya pansamantala magpapalipas ng gabi habang nag-iisip siya kung saan pupunta.
Hindi kasi uubra kung lalabas siya ng bansa. Kukulangin ang dala niyang pera, mas okay na dito lang siya magtatago sa bansa.
Nasa loob na siya ng kanyang private suite sa hotel, napatingin siya sa hawak niyang cellphone. Malakas na hinagis niya ang cellphone sa sahig at inapak-apakan hanggang sa tuluyan masira at madurog.
Nonsense na iyon, wala naman kasi siyang kaibigan na maaaring tawagan.
Gulong-gulo na ang isip niya, kaya naman naisip niyang lumabas muna ng hotel at mapunta sa isang club.
Tama na ang pagiging good daughter, siya naman ngayon ang masusunod.
This is my life! I will live in any way I want to.