NATIGILAN ako sa sagot ni Daddy. Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner at magkakaharap sa mesa. I’m being distracted with someone else’s presence. Ayoko sanang doon magtanong at mangulit kay Daddy, pero sa palagay ko ay kailangan kong magsalita. Baka mamaya ay magtaka ang mga magulang ko kung bakit tatahi-tahimik ako gayong hindi pa nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Israel or Ivan kanina.
"And that's my final decision, honey." Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom.
“B-but why? Bakit biglang nagbago ang isip mo, Dad? May balak ka bang bawiin ang kotse ko?” Tumingin ako kay Mommy upang kahit paano ay humingi ng saklolo. Gaya ko kase ay nagulat din ito sa sinabi ni Daddy.
“Hindi sa gano'n. Nagbago lang ang isip ko na paturuan ka sa isang driving instructor.”
Nagusot ang mga kilay ko. “Paano ako matututong magmaneho kung ganiyan?”
Inilapag ni Daddy ang baso at dinampot ang table napkin upang magpunas ng bibig. He entwined his fingers and placed his hands under his chin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa aking katabi. “Napag-isip-isip ko lang, mahirap kung ipagkakatiwala kita sa iba. You're an attractive young lady. At bilang lalake, kabisado ko na ang takbo ng utak ng mga kabaro ko. Kaya gusto ko sanang pakiusapan na lang ang Kuya Ivan mo na siya na ang magturo sa’yong mag-drive.”
“Me?”
“W-what?” sabay kaming napabulalas ni Israel.
“Yes, Ivan, ikaw nga. As my best friend's son, buo ang loob ko na mas safe si Andy kung ikaw ang magtuturo sa kaniya. Mas panatag ako na hindi siya mapapabayaan.”
"Sweetheart... just in case you forget, lalake rin naman ang inaanak mo," mahinahong paalala ni Mommy at tumingin sa amin ni Israel.
Sang-ayon ako rito. Lalake si Israel at walang kaduda-duda roon.
"I know, sweetheart. Pero kumpara sa ibang tao, mas may tiwala ako sa anak ng kaibigan ko."
“But he’s not a professional driving instructor!” Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses. Mabuti na lang at hindi iyon nabigyang-pansin ni Daddy dahil sinundan agad ni Israel ang sinabi ko.
“I agree with your daughter, Ninong. Marunong akong magmaneho ng sasakyan, pero hindi ko alam kung paano magturo.”
“Start with the basic, hijo. Kung paano ka unang natuto, which I'm sure na natatandaan mo pa, gano’n mo rin tuturuan si Andy.”
“Ayoko ng idea mo, Daddy. Mas gusto ko ang isang professional na instructor. Mamaya ay maibunggo ko pa ang kotse o kaya ay maaksidente ako.”
"Let’s hear it from Ivan first.” Hindi pinansin ni Daddy ang rason ko at tumingin sa nilalang sa aking gilid. “So, hijo, okay lang bang ikaw na ang magturo sa kinakapatid mo? Hindi mo naman kailangang umubos ng isang buong araw. One or two hours a day is enough. Dito lang din kayo sa village since, naipagpaalam ko na ito sa presidente ng Home Owner’s Association at pumayag naman.”
Hindi agad sumagot si Israel. Nakatingin lang ito kay Daddy at wari ko ay nag-iisip. Parang minamaso ang dibdib ko habang naghihintay sa magiging pasya nito.
“Sasama ba ang loob mo kung tatanggi ako?” tanong nito maya-maya.
“Of course not. Maiintindihan ko kung hindi ka pumayag. You’re here for a vacation and not to do a favor for anyone. Ako naman ay nakikiusap lang sa isang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko. Maaaring ngayon lang tayo nagkakilala, pero anak na rin ang turing ko sa'yo dahil anak ka ng matalik kong kaibigan. At gaya ng sinabi ko, walang magiging problema kung hindi mo man ako pagbigyan.”
Nilingon ko si Israel. Parang hangin ako sa tabi nito dahil kay Daddy lang ito nakatingin. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagkibit ito ng balikat. “All right. Kailan mo'ko gustong magsimula na mag-driving instructor sa anak mo?”
Inabangan kong umakyat si Israel sa kwarto nito. Plano kong baguhin ang isip niya sa naging sagot kay Daddy dahil hindi talaga ako makatulog. Having him as my driving instructor is totally awkward. Umiiwas nga akong magkasalubong kami sa bahay tapos ay makukulong kami sa maliit na espasyo ng kotse ko?
I hear the foot steps coming in the hallway. Alam kong nasa ibaba pa si Israel kaya inantay ko talaga na pumanhik siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sumilip. Madadaanan niya ang kwarto ko papunta sa silid niya kaya madali kong makikita kung siya nga iyon.
Tama ako. Ilang hakbang paglampas niya sa aking pinto ay tuluyan akong lumabas at sinundan siya. Naramdaman niya marahil ako. Huminto ako nang humarap siya. Sa bahagyang liwanag sa pasilyo ay naaninag ko ang pagtikwas ng isang sulok ng kaniyang bibig. Pero bago pa siya makapagsalita ay inuhan ko na siya.
“I need to talk to you,” mahinang wika ko. My parents are already asleep, pero kailangan ko pa ring mag-ingat.
“Kung tungkol sa driving lessons mo, h’wag ako ang kausapin mo.”
Hindi ko siya pinakinggan. Tatalikuran na sana niya ako, pero hinila ko siya sa damit at pinaharap. Natigilan kami pareho. Parang may mga dagang bilang nagtakbuhan sa loob ng dibdib ko.
Naaninag ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Israel. "What do you want? Sinusubukan mo ba'ko?"
Pinantayan ko ang tono niya at hindi pinansin ang huli niyang tanong.
“Tanggihan mo si Daddy. Sabihin mong may mahalaga kang gagawin kaya hindi ka pwede.”
“May isang salita ako. I can’t do that, Angel.”
“Will you stop calling me Angel?" bahagyang angil ko. "Andy ang pangalan ko. Mamaya niyan ay may makarinig sa'yo at magtanong kung bakit iba ang tawag mo sa'kin.”
“Is it my fault that you lied about your name?”
Hindi ako agad nakasagot. Medyo guilty ako sa part na ‘yon. Nag-imbento ako ng ibang pangalan while he used his nickname Ivan.
Itinaas ko ang aking mukha at pinagkrus ang aking mga braso. “Whatever. Basta h’wag mo na ulit akong tatawagin na Angel para walang maging problema. And please, kausapin mo si Daddy bukas. Hindi talaga pwede ang gusto niya.”
“Ikaw ang anak niya, hindi ba? Bakit hindi ikaw ang kumausap?" sarkastikong tugon niya dahilan para mapamaang ako. "Stop pestering me with your nonsense issues, Andy.”
“Nonsense?" ulit ko. Honestly, hindi ko inakala na ganito ang magiging pakikitungo sa akin ni Israel. Hindi sa inaasahan kong maging sweet at malambing siya, but he's a little brutal. Heartless. Rude. Malayo siya sa estrangherong si Ivan na nakilala ko sa roof deck.
"Walang kabagay-bagay ang inirereklamo mo, Mahal na Prinsesa. Isa pa, hindi sa lahat ng pagkakataon susunod sa'yo ang mga tao sa paligid mo. Maraming mas importanteng bagay ang dapat kong pagtuunan ng pansin kesa sa'yo."
"Wow! How can you say that to my face, Israel? We’re god siblings who didn’t know that we are when that thing happened.”
“Do you think it has my concern?" Nagtagpo ang mga kilay niya sa gitna. "At akala ko ba hindi mo 'ko kilala at wala ring nangyari sa’ting dalawa? Ngayon, bakit ikaw pa yata ang laging nagpapaalala?” He slightly raised his chin and gave me a scrutinizing look. “Are you still affected by me, Angel?”
Natigilan ako sandali. Galit na hinampas ko siya nang isang beses sa dibdib. “Okay ka lang? Makapal pala ang mukha mo, ano? Hindi ako apektado sa’yo! Nakakaasiwa lang na magtuturuan pa tayo pagkatapos ng katangahan na ‘yon.”
“Wala akong pakialam kung naaasiwa ka. Kung hindi mo gusto ang idea ng tatay mo, ikaw ang kumausap sa kaniya.”
Iniwan na ako ni Israel. Obviously, hindi ko siya nakumbinsi. It's frustrating. Bukod sa hindi ko nakuha ang tulong ni Israel ay pinatunayan lang niya na balewala nga ang namagitan sa amin. He's not affected by the fact that we shared a night on his bed. Kayang-kaya niya akong kausapin nang hindi kumukurap. He can even face my parents without looking guilty for snatching my virginity. Kunsabagay. Siya na mismo ang nagsabi na walang special sa nangyari sa aming dalawa. Walang halaga ang p********e ko sa kaniya.
Iritadong napabuga ako ng hangin. Pumasok ako ng kwarto at nahiga. Hindi ko na alam kung ano ang mas ikinaiinis ko- ang pagtanggi ba ni Israel o ang pagpapakita niya na balewala ako sa kaniya.
Late akong nagising at bumangon kinabukasan. Naalala ko agad ang nakatakdang mangyari sa araw na 'yon. Lalo ko tuloy binagalan ang pagligo at ang pagbihis. It's silly to stay in my room. Siguradong maya-maya ay may kakatok para tawagin ako kaya nagkusa na akong bumaba. Bahala na. Kung balewala pala kay Israel ang mga nangyari, gano'n din sa'kin. Isa iyong masamang karanasan na dapat nang kalimutan.
"They are fine, Tita."
Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Kabababa ko lang ng hagdan. At dahil nakatalikod ang hagdan sa living room ay hindi ko napansin na may bisita pala. Pumihit ako at muling natigilan nang makita si Paulo. Nakita rin nila ako ni Mommy.
"O, anak, gising ka na pala? Aakyatin na sana kita sa kwarto mo."
Hindi ko sinundan ang sinabi ni Mommy. Bahagya akong lumapit at tumingin sa taong nakaupo sa aming sofa. "A-anong ginagawa mo rito?"
"He's with me."
Napalingon ako sa aking gilid. Palapit si Margaux na marahil ay galing sa kusina dahil may dala itong tray na may lamang dalawang baso ng juice. Inilapag nito ang dala sa center table bago naupo. Pagkatapos, kinuha nito ang isang baso at iniabot kay Paulo.
Gustong mangati ng tuktok ng ulo ko. Sanay nga pala si Margaux sa amin kaya kung kumilos ito ay parang ito ang may-ari ng bahay.
"Kumain ka muna ng almusal, anak, bago mo balikan ang mga bisita mo. O kaya naman ay ikaw na ang mag-yaya sa kanila. Inaalok kong kumain, pero ayaw naman."
"Nag-breakfast na po kasi kami ni Paulo sa bahay, Tita."
Nakangiting tumango si Mommy sa pamangkin. "O, siya, maiwan ko na kayong tatlo. Si Miranda na ang bahala sa inyo."
"Thank you, Tita," sabi ni Paulo at pagkatapos ay umalis na si Mommy.
Ibinalik ni Paulo ang hawak na baso sa tray at tumayo. Tumingin ako kay Margaux na prenteng umiinom ng juice. I remember what she told me. Ang sabi nito ay hindi na raw magpapakita ulit si Paulo dahil nandidiri na raw sa'kin. Ano kayang gustong palabasin ni Margaux sa pagsasama sa boyfriend dito? Para asarin ako? Para ipamukha sa akin na ang lalakeng hinahabol ko ay walang hirap niyang nakuha?
"Andy... kumusta ka na?"
Tumingin ulit ako kay Paulo. I shrug. "As you can see, I'm completely fine."
"Good to hear that. Are you still mad at me?"
Naiwan sa lalamunan ko ang aking sagot nang marinig ko ang isang tikhim at ang mga yabag sa hagdan. Nakita ko si Margaux na natigilan sa pag-inom ng juice. Nawala ang mga yabag. Sunod kong naramdaman ay ang pagtayo ng mga pinong-balahibo sa katawan ko nang maamoy na ang pamilyar na nilalang sa gilid ko.
"Andy, sino siya?" kunot-noong tanong ni Paulo.
Tumayo na rin si Margaux at nakangiting tumingin sa katabi ko. "H-Hi.You must be Tito Williard's god son? Nabanggit ka kasi sa'kin kanina ni Leah."
Nilingon ko si Israel. Naabutan ko siyang tumatango sa tanong ng pinsan ko. "Ivan."
"Oh. Ivan, hi!" Lumapit sa amin si Margaux at iniabot ang kamay sa bagong kakilala. "I'm Margaux. Pamangkin ako ni Tita Marcella."
I watch them shake their hands. Nagsalubong ang mga kilay ko.
"And I'm Paulo. Andy's friend."
Halos sabay naming nilingon ang isa pang nilalang na lumapit. Nag-abot din ng palad si Paulo at nagkamayan ang dalawa habang tinitingnan naman ako nang makahulugan ni Israel.