“DAD, ang sabi ni Paulo, hindi rin ako makakakuha ng student’s license kapag hindi ako dumaan sa driving course ng LTO. So it’s really necessary na sa isang driving school ako mag-aral at isang professional ang magturo sa akin.”
“Bakit ba nakikinig ka sa kaibigan mo? Ano bang meron sa Paulo na 'yan at bilib na bilib ka?” tanong ni Daddy na kausap ko sa aking cellphone.
Kaaalis lang nina Paulo at Margaux. Nabanggit ko kay Paulo na magsisimula na akong mag-aral mag-drive, and Israel would be my personal instructor. I had no plan on talking to him, pero mukha kase siyang tanga kanina sa living room. Habang nasa salas siya ay nasa kusina sina Margaux at Israel at kakwentuhan si Leah.
"I know about the new regulation. But don’t you trust me?"
“Of course, Daddy, I do. Baka lang hindi mo alam at isa pa, kailangan nating sumunod sa batas. Let's not use any connection. It’s the regulation, so we need to comply.”
“Ako na ang bahala roon, honey. Anyway, your driving instructor will still see you. Ang gusto ko lang, may alam ka na sa basic lessons on driving bago kita ipa-handle sa iba. Iga-guide ka na lang niya at tuturuan sa kalsada. So it’s still Israel. Siya muna ang bahalang magturo sa’yo.”
“Hindi ko ba talaga mababago ang isip mo, Dad?”
“Why, honey? Ano bang masama sa ginagawa ko? Ikaw lang naman ang iniisip ko.”
“Why do you trust your god son so much? Paano kung loko-loko pala ‘yon?”
Narinig ko ang marahang tawa ni Daddy mula sa kabilang linya. “Hindi gano’n si Ivan. I know his parents. Hindi ko man nakita ang paglaki ni Ivan, sigurado ako na maganda ang upbringing sa kaniya ng mga magulang niya especially ni Abel.”
“I really don’t know what to say to you anymore.” Dahil gustuhin ko mang sabihin na isa't kalahating siraulo ang inaanak niya at may nangyari na sa amin ni Israel ay siguradong magwawala sa galit si Daddy. Baka itakwil na niya ako bilang anak.
Maya-maya ay narinig ko ang marahang buntung-hininga ni Daddy. “Sundin mo na lang ang bilin ko, honey. Ivan’s like your older brother. Ang gusto ko nga ay magkasundo kayo nang husto. You see? You’re so close to Paulo and you can tell him everything. Bakit hindi rin sa inaanak ko?”
“Because I don’t know him. That simple.”
“Then get to know your Kuya Ivan. Kahit para sa akin man lang. Please?”
Wala na talaga akong nagawa. Sa ayaw at sa gusto ko ay natuloy kami ni Israel. Mahigpit ang bilin ni Mommy sa kaniya na ingatan ako at huwag kaming lalabas ng village. Nasa garahe din sina Wesley at Leah at pinanood ang aming pag-alis. Ang sabi ni Daddy ay doon kami sa bahagi ng subdivision na hindi pa gaanong nade-develop magda-driving lesson. Itinuro ko kay Israel kung saan papunta iyon.
“What?”
Bahagya kong pinalaki ang mga mata ko nang makitang pinanonood lang ako ni Israel. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa manibela ng aking kotse at patagong inirapan ang aking katabi. Nakaka-isang oras na marahil kami dahil inuna niyang ituro sa'kin ang mga bahagi ng kotse gaya ng power buttons, pedals, handbrake at kambiyo at ang functions ng mga ito.
“What’s the first thing you should do that I told you?” he asked.
“Seatbelt!” kumpiyansang sagot ko at akmang dudukutin ang seatbelt nang pigilan ako ni Israel.
“What’s your problem-”
“Unang subok pa lang, mali ka na agad. I told you that you have to be properly seated before buckling up. Importante na komportable ang posisyon mo. Your feet and hands are in the right places and your body is relaxed.”
“Okay, fine! Nalimutan ko lang naman. Siyempre ngayon pa lang ako magta-try.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi ko na lang pinansin ang naiinis na imahe niya at inayos ang aking sarili. Si Israel ang nakaupo kanina roon at dahil mahahaba ang mga binti niya, kinailangan kong i-adjust ang upuan. I found the seat adjustment button. Nang sumakto ang paa ko sa pedals at nakuha ang tamang anggulo ng aking mga tuhod at mga braso ay saka naman ako nag-seatbelt. Nilingon ko siya pagkatapos.
“Okay na ba? What do you think?”
Hindi siya sumagot. Nagulat na lang ako ng yumuko siya sa pwesto ko at idinukot ang isang kamay sa ilalim ng aking inuupuan. My breathing stopped. His warm skin brushed against my legs. Hindi ko napigilang tayuan ng mga balahibo dahil doon. Ini-adjust niya pa nang kaunti ang aking upuan. At dahil nakayuko siya ay nasamyo ko ang mabangong amoy ng buhok niya. He smelled of mint and musk.
My heart was pumping hard on my chest when he went back to his seat. Seryoso pa rin ang mukha niya nang magkabit ng kaniyang seatbelt.
“What’s next?” he asked.
“E-eer... m-mirrors..?” Tumango naman si Israel.
Masasabi kong madali akong matuto. After being distracted with the skin and the smell of my instructor, para bang nabuhay ang natutulog na nerves ng utak ko at gumagana ngayon nang husto. Plus the fact na automatic ang aking sasakyan, madali kong nakukuha ang turo niya.
“This is quite easy!” Ang lawak ng ngiti ko nang sabihin iyon. I checked the speedometer on the dashboard. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko, pero sobrang nakakamangha dahil ako ang nasa manibela.
"Really, this is so basic!"
Narinig ko ang pag-ismid ng aking katabi. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Pagtingin ko sa side mirror ay natanaw ko ang parating na kotse. Kinabahan at nag-panic ako.
“I-Israel, anong gagawin ko?”
Walang sumagot sa akin. Hindi ko maiwan ang tingin sa side mirror. Mabilisan kong nilingon si Israel at inulit ang tanong ko.
"H-he's tailing me. A-ano ba kase dapat?"
“Sabi mo madali lang. Bakit ka nagtatanong ngayon?”
“Sh*t, don’t be so cute, now! Tell me what should I do?”
”Kumalma ka lang. Continue driving. Derecho ang tingin. Hayaan mo ang parating na kotse," mahinahong bilin niya.
Gano’n nga ang ginawa ko. Gayunman ay hindi nawawala ang aking kaba kaya panay ang tingin ko sa rear at side mirror. Malakas ang buga ng aircon pero, ramdam ko ang pamumuo ng aking pawis. Ilang sandali pa ay nilampasan ako ng kotse. Saka lang lumuwag ang aking paghinga.
Nairaos namin ang two-hour driving session. Sobrang saya ko dahil sa unang araw pa lang ay napatakbo ko na ang aking kotse. I could see my self driving my car when going to school. Hindi naman ako naiinggit sa iba kong school mates na may sariling sasakyan at nakakapagmaneho, but this was something I should be proud of. Driving is a skill. And not all the people could own a car. Thanks to my father!
Ang sabi ni Daddy kanina ay pupuntahan pa rin ako ng instructor ng driving school kung saan niya ako in-enrol. That’s cool, at excited akong maipakita ang natutunan ko. Israel was a good teacher. Malinaw siyang magpaliwanag. He even looked at me in the eyes. Obviously unbothered by the fact the he’s the one who deflowered me. Kaya kapag nadi-distract naman ako ng alaala naming dalawa na magkasiping sa kama, I would quickly set aside the thoughts at sasabayan ko ng pagtatanong para sa lesson na lang ulit matuon ang aking isip.
I could say that he’s okay. Regardless that he wasn’t been very gentle during my first time, mukhang maayos namang klase ng tao si Israel. And I was starting to see the stranger Ivan who I first met on the roof deck. The stranger whom I instantly got attracted with.
“Sshhh… stop making sounds…”
Napigil ako sa akmang pagpasok sa kusina nang marinig ang mahinang boses. It’s past two in the morning. Nagising akong uhaw na uhaw. I forgot to prepare a glass of water in my room kaya kinailangan ko pa tuloy bumaba at pumunta ng kusina. Pero bigla akong natigilan at kinilabutan nang marinig ang mga ungol na sinundan ng boses ng lalake.
“S-Sir… ang sh-sharap… Ahh- Hmmpp…”
“I said quiet!” mariing bulong na nagmumula sa loob.
Impit na ungol na lang ang sunod kong narinig. But the sound of two bodies bumping against each other was torturing my ear. Halos makita ko sa imagination ko ang nagaganap sa aming kusina.
"Hmmpp.."
Lumaganap ang kilabot sa buo kong katawan. Malinaw kong naintindihan ang dahilan ng impit na ungol. Nagsanib ang takot, kaba at pagdududa sa akin at ilang segundo akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Ayaw kong manubok, pero siguradong hindi ako patatahimikin ng mga naririnig ko kaya naman pinilit kong igalaw ang aking katawan.
Para akong mabibingi sa dagundong ng aking puso nang sumilip sa kadiliman ng kusina. My eyes started to adjust until it’s not completely dark anymore. At dahil mapuputi pa sila ay nakita ko ang dalawang tao doon sa counter top kung saan ako madalas pumwesto para mag-bake. Sa mismong ibabaw noon ay kitang-kita ko ang maputing mukha ni Leah, sa tantiya ko ay nakapikit ito, pero ang sigurado ay ang malaking kamay na nakatakip sa bibig ng babae. Suot nito ang karaniwang pantulog kung saan nakalawit ang isang d*de sa maluwang na neckline. Nakataas ang mga binti nito na nakatuntong ang mga paa sa lababo at nakabukaka. Habang sa harapan naman niya ay mabilis at sunod-sunod na umaatras-abante ang p*wet ng isang matangkad na lalakeng natitiyak kong walang iba kundi kay Israel.