Kabanata 5

1819 Words
“AKALA ko ba uuwi ka na? Sinabi mo kahapon nang tawagan mo’ko, babalik ka na ng Manila. What changed your mind?” Hindi ko agad sinagot si Genesis. Itinulak ko pabukas ang sliding glass doors ng balkonahe ng guest room at lumabas. Maganda at mamahalin ang subdivision kung saan nakatira si Williard. And the house alone is one clear evidence of how convenient his life has been. Maswerte ang pamilya nito. “Ano pang ginagawa mo riyan sa bahay ng tatay mo?” “I was invited by Williard Gallano himself. Matatanggihan ko ba ang paanyaya ng sarili kong ama?” Iritadong nagbuga ng hangin si Genesis mula sa kabilang linya. He’s my first cousin, best friend and confidant. Lahat ng bagay ay nasasabi ko sa kaniya. “Ivan, look! May nangyari sa inyo ng half-sister mo. Sa tingin mo makakauwi ka ng buhay oras na malaman ‘yan ng tatay niya? Umuwi ka na rito sa'tin! You’ll give my father a heart attack.” “If only you discontinue being quiet. So I suggest that you keep your mouth shut for the sake of Uncle.” “Kung anuman ang binabalak mo, tigilan mo na. Wala kang mapapala sa pagganti. Nangyari na ang mga nangyari.” “Nangyari ang mga nangyari dahil masamang tao si Williard. Kung hindi niya pinakialaman si Mommy, hindi sana nasira ang pamilya ko. Buhay pa sana ang mga magulang ko.” “Ang sabihin mo, kung hindi kay Williard, hindi ka naging tao. Remember, baog si Tito Abel. Kaya nga lumabas ang totoo.” “Mas gugustuhin ko pang hindi ako naging tao kung ganito naman ang nangyari. Kasalanan lahat ito ni Williard.” “So anong gagawin mo? Gagamitin mo ang kapatid mo laban sa tatay n’yo? Nasa’n ang konsensiya mo?” I was silenced for a moment. “Konsensiya? Sa pagkakaalam ko, nang mamatay ang mga magulang ko, kasama na ring namatay ang konsensiya ko.” “What? You mean hindi ka man lang nakaramdam ng kahit ano ni pagsisisi? The girl’s your sister!” “Ano bang dapat kong pagsisisihan? Pareho kaming walang alam.” I suddenly remember Andy’s face when her father introduced us. She’s obviously shocked when she found out that I am her father’s godson. Ano pa kaya kung malaman niyang anak din ako ng tatay niya? “So, paano? Paano kung dahil sa nangyari sa inyo, nagkagusto sa’yo ang half-sister mo? And now you’re staying with them. Paano kung maulit ang nangyari?” Lumaki ang ngisi ko. “Walang problema. Maingat naman ako-” “Sh*t! At balak mo pa talagang ulitin?” Hindi ko napigilang tumawa sa reaksiyon ni Genesis. Nakikinita ko ang pagtatagpo ng mga kilay niya. “Siraulo ka ba, kapatid mo ‘yon! You'd actually committed a sin. What happened between you and Andy is inc*st!” “Masyado kang seryoso. I’m just kidding.” Humarap ako sa salamin at ako naman ang sumeryoso. “Alam ko ang ginagawa ko, Gene. Nagkamali ako, hindi ko ‘yon sinadya. Stop telling me what to do and what to feel. Malinaw ang isip ko. Ngayong alam ko nang kapatid ko pala si Andy, hindi ko na siya gagalawin. Besides, I don't f*ck the same woman twice.” “Totohanin mo ang sinabi mong ‘yan! Kung anuman ang kasalanan ng tatay mo sa’yo, labas ro’n ang pamilya niya. Kahit anong galit mo kay Williard, h’wag mong kalilimutan na kadugo mo ang mga anak niya.” “Mga anak niya,” ulit ko. “I can’t help but think of it. Kapag nalaman ni Williard na ang anak na hindi niya nakilala sa loob ng dalawampu’t anim na taon ang naka-jackpot sa pinakamamahal niyang prinsesa, ano kayang mararamdamam niya?” Mula pa kahapon ay madalas nang bukambibig ni Williard ang anak na si Andy. He keeps on telling how he adores his unica hija. Ito raw ang prinsesa ng buhay niya. “He will die. Sa sama ng loob o sa kung anuman, pero malamang na ikamatay ‘yon ng ama mo.” “Masyado namang madali kung mamamatay lang siya. He has to suffer like his son.” “Kapag namatay si Williard, ang pamilya niya ang magdudusa. Particularly, his daughter. Kapag nalaman ni Andy na magkapatid kayo, ano sa tingin mo ang gagawin nito?” “She will hate me. I guess. She’ll also hate her own father. She’ll hate the life she has.” “Iyon ba ang gusto mong mangyari?” “No. Pero anuman ang maging implikasyon nito, si Williard lang ang dapat sisihin.” “Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa’yo! Kasalanan ang iniisip mo, Ivan!” “Mas makasalanan pa rin ang ama ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya mapapantayan.” “Bahala ka na nga! Just make sure that you won’t do anything to your sister. Wala siyang alam sa problema mo sa ama n’yo.” “Don’t worry about it. Hindi pa’ko gano’n kagago. Kaya ko ring kontrolin ang sarili ko.” “Sana nga, Ivan. Sana nga!” mariing sabi ni Genesis bago siya nawala sa linya. Ilang sandali pa akong tumayo sa may balcony at pinag-isipan ang mga gagawin. Tama si Gene. Labas ang pamilya ni Williard dito. Pero imposibleng hindi sila madamay sa magiging resulta ng pagganti ko sa ama ko. Nang magsawa ako sa pagmamasid sa paligid ay pumasok na ako ng kwarto at naligo. Pagkabihis ay agad din akong lumabas at bumaba sa kusina. Balak kong kumuha ng tubig na maiinom nang maabutan ko roon si Tita Marcella. “Hello.” Nang makita ako ay agad ngumiti si Tita Marcella at nagtanong. “O, Ivan, may kailangan ka ba? Gusto mo ng meryenda?” Ngumiti ako. “No, Tita. Busog pa ako sa dami ng nakain ko kanina sa breakfast. Kukuha lang sana ako ng tubig.” “Ako na ang kukuha-” “Ako na,” pigil ko nang akma siyang aalis sa kinatatayuan. “Kaya ko na, Tita. Ituloy n’yo na lang ang ginagawa n’yo.” Nakinig naman ito. Dumirecho ako sa cupboard at kumuha ng baso. Habang umiinom ay nakita kong pumasok ang medyo may-edad na katulong ng mga Gallano. Ang isa nilang kasambahay na tagapag-alaga ng bunso ay kasing edad ko halos. Nagsalita sa lokal na wika ang kasambahay. At dahil Cebuano rin ang mga magulang ko at madalas din silang mag-usap sa gano’ng wika noong bata ako, naintindihan ko ang sinabi ng katulong. “Anong ipapakita mo, Norma, at bakit parang aligaga ka?” takang-tanong ni Tita Marcella. “Heto, Ma’am, tingnan mo!” Pasimple akong lumapit para makita kung anong hawak ng katulong. Hindi ako naman ako likas na chismoso, pero dahil pamilya ng ama ko ang nasa paligid ay dapat akong maging mapagmanman at matalas. Baka makadiskubre pa ako ng sikreto na makakatulong sa binabalak ko. “Saan mo nakita, Norma?" "Sa garbage area sa labas ng gate, Ma’am. Tumalsik pag-angat ko ng trash bag. Hindi ko lang napansin kung saang basurahan mismo galing, pero siguradong dito sa bahay." "Bakit pinulot mo pa at hindi na lang itinapon?” “Nahiwagaan lang ako, Ma'am. Hindi naman 'yan sa'kin at malamang na hindi rin sa'yo." “Hindi nga. E, kanino naman ito sa tingin mo?” “Malamang na kay Leah. Hindi ba't may nobyo ang isang ‘yon. Baka naghinala siya na buntis kaya gumamit ng ganiyan.” “Mommy!” tawag na nanggaling sa entrada ng kusina. Pumasok si Andy. Nagkatinginan kami, pero ako na ang unang nagbawi. “O, anak, anong kailangan mo?” “Ah… itatanong ko lang Mommy kung may nabanggit ba si Daddy tungkol sa driving lessons ko?” “Wala naman. Mamaya pagdating ay kausapin mo. Iwasan mo munang kulitin habang nasa trabaho.” “Sige po.” Napatingin si Andy sa hawak ni Tita Marcella. “Ano po ‘yan, Mommy?” Hindi pa nakakasagot ang ina ay napansin ko nang natigilan ito. “Pregnancy test kit. Nakita ni Norma sa basurahan. Ang hinala namin ay kay Leah.” Hindi nakakibo si Andy. Napatingin ito sa akin at bahagyang namutla. Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakitang reaksiyon nito. “Tanungin mo kaya, Ma’am, si Leah?” “Naku, ano ka ba, Norma, hindi na! Personal na buhay niya ‘yon kaya h’wag tayong makialam. Hintayin ko na lang na magsabi siya sa amin ng Sir Williard mo. Isa pa, negative naman ang result ng test. Payuhan mo na lang kapag magkausap kayo. Sabihin mong maging maingat at h’wag masyadong magtitiwala sa kaniyang nobyo.” “Sige, Ma’am, mapagsabihan nga nang kaunti si Leah.” “Uh, Mommy, balik na pala ‘ko sa kwarto ko. Bababa na lang po ako kapag oras na ng tanghalian," paalam ni Andy. “Sige, anak. Ipapatawag kita kay Leah.” Dali-daling tumalikod si Andy at lumabas ng kusina. Inilagay ko naman ang walang laman na baso sa sink. “Tita, maiwan ko na rin kayo. Tatawag muna ako sa relatives ko Manila.” “Sure, Hijo, go ahead. Ipapatawag na lang din kita kapag kakain na.” “Thank you.” Binilisan ko ang paglalakad para maabutan si Andy. Paakyat na siya ng hagdan nang hawakan ko sa braso at hilahin paharap. “A-ano?” Pumiksi siya nang isang beses at tarantang luminga sa paligid. “Bitiwan mo’ko! Pwede ba, umiwas-iwas ka nga sa’kin! Ikaw ang magbubuking sa ating dalawa!” Hindi ko pinansin ang sinabi niya, pero binitiwan ko agad ang kaniyang braso. “It’s yours, right?” Natigilan siya sandali at nagbukas ng bibig, pero hindi nasabi ang dapat sasabihin. “Umamin ka. Sa’yo ‘yon, hindi ba? Ikaw ang gumamit no’n.” “Oo!" pasinghal na sagot niya. "Nagsisigurado lang ako, bakit ba?” I smirked. “Nagsisigurado? Anong akala mo sa’kin, tanga? Nalimutan mo bang sa tiyan mo ako nagpalabas? It wouldn’t get you pregnant.” Namula ang buong mukha niya kasabay ng panlalaki ng mga mata. “Ang bibig mo! H’wag ka ngang nagsasalita ng ganiyan dito sa pamamahay ko!” Hindi ko pinakinggan ang sermon niya. “Breathe, Angel. Wala akong planong gumawa ng bastardo.” “I don’t care about your plans! Ivan, Israel, or whoever you are, h’wag mo nga akong basta kinakausap! Tandaan mo, hindi kita kilala! Okay? Walang nangyari sa’tin, wala!” I couldn’t help but grin. Hindi ko pa gaanong nakikilala si Andy pero, sa tingin ko ay kaugali niya ang tatay niya. Self-obsessed and entitled. Walang ibang iniisip kundi ang sarili nila. Tumaas ang dalawa kong kilay at sarkastiko siyang pinagmasdan. “You don’t have to say that. Hindi ako ang tipong nag-iimbak ng alaala kasama ang mga babaeng naka-s*x ko. Kahit sino ka pa, wala ka ring ipinagkaiba sa mga babaeng pinatulan ko. There’s nothing special with what happened between us, Angel, and so forgetting about it is just very easy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD