Kabanata 9

1099 Words
Kabanata 9 "Ano 'to?" gulat kong sambit at napalinga sa aking paligid. Bumaba ako agad sa kama. Nasa parang isang kuweba ako. At parang sa tingin ko rin ay mukhang may nakatira rito base na rin sa mga ilang kagamitan. Bawat sulok naman ng kuweba ay may nakasabit na mga sulo. Humakbang ako at muling napahinto. Hinawi ko ang mala kurtinang baging na nakaharang sa aking daraanan. Ang malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Ngunit ang pumukaw sa aking atensyon ay ang usok na nagmumula sa tubig. "Bukal?" Nakaramdam ako ng galak dahil hindi ko akalaing may ganito pala rito. Ang itaas naman ng mga bato ay may mga butas. Kaya malabong maipon ang mainit na singaw ng bukal dito sa loob ng kuweba. Nagsilbing ilaw rin ang sinag ng buwan dahil tumatagos ito sa mga butas. Bigla namang umahon si Zsakae sa gitna ng bukal at 'di ko napigilan ang aking sarili na mapatili dahil sa tindi ng aking gulat. Agad ko rin namang pinakalma ang aking sarili at napalunok. Nakatalikod ito sa akin at para bang wala itong pakialam. "Zsakae?" tawag ko. Bahagya niya akong nilingon. Igting ang panga nito at mahigpit na napahawak sa mga bato. Nadurog pa ang mga ito. Huminga ako ng malalim. "Ayos ka lang ba? Hindi na naman ba— Zsakae!" bulalas ko nang bigla niyang hawakan ang aking kanang binti. Kulay puti na naman ang kanyang buhok. Muli ay huminga ako ng malalim. Inalis ko ang aking sandalyas at ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kanang binti. Lumuhod ako ngunit bigla naman niya akong hinila dahilan para ako'y mahulog sa bukal. "Ugh!" ungol ko at inalis ang mga basang hibla sa aking mukha. "Hindi dapat ako ang gumagawa nito. Dapat ang babaeng 'yon," mahinang litanya ko. "Ikaw ang gusto ko," anito. Umawang ang aking mga labi. Sa isang kurap ko'y sakop na nito ang aking mga labi. "Zsakae..." pigil ko sa kanya ngunit napasinghap ako nang wasakin nito ang aking suot na bestida. Nahati ito sa gitna. Maging ang panloob kong kasuotan ay nawarak din. Napasinghap ako nang agad niyang sambahin ang aking dibdib. "Ah!" ungol ko at tinakpan ang aking bibig. Unang beses kong magawa ito sa tanang buhay ko at 'di ko alam kung ano ang aking gagawin. Naglalaban ang aking utak at puso. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat lumugar. Sa isinisigaw ba ng aking puso o sa itinatakbo ng aking isipan? Napaliyad ako nang gumapang ang mga labi niya patungo sa aking kaibuturan. "Ah!" ungol kong muli. Ang katamtamang init ng bukal ay mas lalong uminit sa aking pakiramdam. Habol ko ang aking paghinga. Hindi ko siya kayang pigilan at aminin ko man o hindi. Ayaw ko siyang pigilan. Ganito ko siya kamahal! Mahigpit niyang hinapit ang aking baywang at maingat niyang pinasok ang aking kaibuturan. Mahigpit akong kumapit sa kanyang batok dahil sa sobrang sakit. Dahan-dahan niya akong binayo at kasabay niyon ang pagkagat niya sa aking leeg. Naglandas sa mukha ko ang aking mga luha. Patawarin sana ako ni Luna at ng Diyos sa ginawa kong ito. Narating ko man ang sukdulan ngunit lantang gulay naman ang aking katawan. Unti-unti na namang nawawala ang aking pandama at tuluyang bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Nang magdilat ako'y nasa lihim na silid pa rin ako ni Zsakae. Nakahiga sa kanyang bisig at suot ang kanyang polo. Kinusot ko ang aking mga mata. Bumaling ako kay Zsakae at agad akong napasinghap. May nangyari sa aming dalawa. Agad akong napabangon ngunit bigla niyang hinila ang aking kanang kamay at muli ay napahiga ako pabalik sa kanyang bisig. Marahan niyang niyapos ang aking baywang. "Huwag kang umalis. Dito ka lang sa aking tabi," aniya at napadilat. Kulay pula na naman ang kanyang mga mata at nagkulay puti na naman ang kanyang buhok. "Paano siya?" "Hindi ko gusto si Eunice," sagot niya. Peke naman akong tumawa. "Kung ganoon ay ako ang iyong gusto? Nagpapatawa ka ba?" Bigla naman niya akong siniil ng halik. "Hindi ako marunong magbiro." Agad nanubig ang aking mga mata. Hindi ko inaasahan na magtatapat ito sa akin ng kanyang damdamin. "Hindi ako manhid at mas lalong hindi ako tanga para 'di ko malaman na matagal ka nang umiibig sa akin." Itinago ko ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Hindi ko maiwasang umiyak ng husto. Masaya ako ngunit karugtong nito'y isang malaking kalungkutan sa aking dibdib. Hindi ako puwede sa kanya. Hindi puwede! Mali 'to," matigas kong ani at kumawala sa pagkakakulong sa kanyang mga bisig. Ngunit bago pa man ako makaalis sa kanyang tabi ay agad niya akong kinubabawan. Matalim niya akong tinitigan sa mata. "Baka nakakalimutan mo Angelika. Nakakontrata ka sa akin. Akin ka." Umawang ang aking mga labi. Muli ay sinakop niya ang aking labi. Muli niya akong inangkin at muli ay nagpatianod ako sa bugso ng aking damdamin. Nang magdilat muli ang aking mga mata ay narito na ako sa aking silid. Agad akong napabangon at agad na hinagilap ng aking mga mata ang aking antigong orasan. Nang mahagilap ko ito'y agad akong napasinghap. May pasok pa ako. Agad akong napababa sa aking kama ngunit may nahulog na itim na rosas sa sahig. Pinulot ko ito. Sa tangkay ng rosas ay may kasamang nakarolyong maliit na papel. Agad kong kinuha ito at binuksan. "Magandang umaga," basa ko sa papel na aking hawak. Agad na sumilay sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Inamoy-amoy ko pa ang itim na rosas na kanyang ibinigay. "Gel!" biglang bukas ng pinto ni Kaye. Agad kong naitago sa aking likuran ang itim na rosas. "Oh?" sabi ko pa. Bigla namang sunod na pumasok ay si Eunice. Awtomatiko kong nabitiwan ang itim na rosas na aking hawak. Pasimple kong sinipa ito sa ilalim ng kama at ang papel na kasama nito'y agad kong nakumyos. "Bakit?" taka kong tanong. Pinaningkitan naman ako ni Kaye at napatitig sa suot kong polo. Alam niya! "Angelika, alam mo ba kung saan naroon ang aking nobyo? Hindi ko kasi mahanap si Zsakae," ani Eunice. Napalunok ako. Para akong sinaksak ng punyal sa sinabi niyang nobya niya si Zsakae. Indikasyong pag- aari niya ang pinakamamahal kong lalaki. "Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita kagabi," pagsisinungaling ko. Malungkot namang napatungo si Eunice. "Sige. Baka babalik na 'yon mamaya," aniya at lumabas na ng aking silid. Agad na isinarado ni Kaye ang pinto. "Kaye—" Buong pigil ang puwersa niya nang ako'y sampalin. "Bakit ka nagsinungaling? Sumagot ka Angelika! Sabihin mo sa akin ang totoo!" singhal niya. Napaluha ako. "Mahal ko siya," humahagulhol ko nang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD