Kabanata 15

1051 Words
Kabanata 15 Hindi pa kami nakakuha ng tiket kaya sumalisi kami sa mga nagbabantay. Pumasok kami sa huling bagon at nagtago sa gilid ng pinakahuling upuan. Kinakabahan na ako at napapadasal na sana'y 'di nila kami matunton. "Wala na," biglang ani ni Kaye. Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad akong natigilan. Isang malakas na pagkabog ng aking puso kasabay nang pagtigil nito ay bigla akong nawalan ng hininga. Nakumyos ko ang aking damit sa may bandang dibdib at agad akong bumagsak sa sahig. "Gel! Gel!" Tuluyang nagdilim ang aking paningin. Nang magising ako ay ang malakas na atungal ni Kaye ang aking narinig. "Kaye?" "Gel!?" gulat na sambit nito at agad akong niyakap. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Mas lalo itong umiyak. "Kainis ka talaga! Muntik na kitang ilibing!" Kumunot naman ang aking noo. "Ha? Bakit mo naman gagawin 'yon sa akin?" "Dalawang oras kang namatay Gel!" Napasinghap ako sa aking narinig. "Huwag ka nga magbiro ng ganyan!" "Hindi ako nagbibiro!" Bumuntong-hininga ako at hinagod ang kanyang likuran. Nagtataka man ako kung bakit nangyari ito sa akin ngunit 'di ko naman alam kung saan ako kukuha ng sagot. "Buhay naman ako Kaye. Lumakad na tayo. Gutom na ako e." Pinunasan nito ang mga luha na para bang walang nangyari. "Tara. Kumakalam na rin ang tiyan ko." "Nasaan na ba tayo Kaye?" Tumayo ito at namaywang. "Nakalimutan ko Gel. Pero tumigil tayo sa ika'tlong istasyon." Inalalayan niya akong tumayo. Nang sapuhin ko ang aking tiyan ay nakaramdam ako ng malaking umbok. Para yatang biglang lumaki ang tiyan ko. "Gel? May problema ba?" Umiling ako. "Wala 'to Kaye." Kumapit ako sa kanya. "May kainan malapit dito," aniya. Tumango lamang ako. Lumakad na kami ni Kaye. Huminto kami sa isang karinderya. "Kaye, banyo lang ako." Tumango lang siya. Tinungo ko agad ang banyo at naghilamos ng aking mukha sa lababo. Itinukod ko ang aking mga palad sa magkabilang dulo ng lababo. Huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid. Inangat ko ang aking damit. Nanlumo ako at laglag ang aking mga balikat. Lumalaki talaga ang aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit pero talagang lumulobo ito. Nang mapatingin ako sa salamin ay nakita ko si Zsakae. Agad akong napalingon sa aking likuran ngunit wala ito. Nasapo ko ang aking noo. Nag-iilusyon na naman ako. Aminado naman akong nangungulila ako sa kanya ngunit paano nga ba kami malalagay sa tahimik kung marami namang hadlang. Bigla namang may kumatok sa pinto. "Gel, kakain na tayo." "Lalabas na." Muli akong naghugas ng aking kamay at lumabas ng banyo. Agad naman akong lumapit kay Kaye. Umupo ako sa kanyang tabi at nagsimula na kaming kumain. Habang sumusubo ako'y pawala nang pawala ang aking panlasa. Binitiwan ko ang aking hawak na kutsara. "May problema ba Gel?" "Wala akong malasahan sa pagkain." Kumunot naman ang kanyang noo. "Paanong wala? Masarap naman ah?" Umiling ako. Bigla akong nakaramdam ng pagkaumay at diretso ako agad sa labas para sumuka. Hinagod naman ni Kaye ang aking likuran. "Ano bang nangyayari sa iyo Gel!?" Suka lang ako nang suka hanggang sa sumuka na ako ng dugo. Natutop ko ang aking bibig. Biglang nangatal ang aking mga kamay. "Diyos ko! Gel!" sambit ni Kaye at agad na hinila ang aking kamay upang punasan ito, maging ang aking bibig. Bumagsak ang mga luha ko. "May sakit ba ako Kaye?" umiiyak kong tanong. Namilog ang mga mata niya. "Imposible! Hindi nagkakasakit ang mga immortal!" Mabilis niyang kinuha ang aming mga gamit. "Umalis na tayo. Kailangan kitang patingnan sa aming manggagamot. Kaya mo pa bang maglakad?" Tumango ako. "Magiging maayos ka Gel. Magiging maayos ka," umiiyak niyang ani. Tumango ako kahit na ang totoo'y hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ako. Umalis kami ni Kaye sa kainan at lumakad na. Akay-akay niya ako dahil parang pakiramdam ko'y unti-unting nawawala ang lakas ng aking mga tuhod. Bigla namang napatigil si Kaye. "Kailangan nating magmadali Gel. Ang mga tauhan ng aking kapatid ay nakapaligid lang sa atin." Kumapit ako sa kanya ng husto. Ngunit nang mahinto kami sa gitna nang daanan ay biglang sumakit ang aking tiyan. "Ah!" malakas na hiyaw ko sa kawalan. Sa sobrang sakit ay hindi na kinaya ng aking mga tuhod. Bumagsak ako sa lupa. "Ah!" muling hiyaw ko. Mas malakas na hiyaw. Tipong nakabubulabog na sa iba. "Gel! Tama na!" Namilipit ako sa sakit. Muli akong napaubo ng sarili kong dugo. "Gel!" "Shairyll Kaye!" Pareho kaming dalawa na napatingin sa aming harapan ni Kaye. "Kuya Alquin!?" gulat na sambit ni Kaye nang makilala nito ang lalaki. Lumapit ito sa amin at hinila si Kaye. "Labas na tayo sa problema ng mga Zoldic! Sinisira mo ang kasunduan!" Nagpumiglas si Kaye. "Hindi ko iiwan si Angelika! Bitiwan mo ako!" "Huwag matigas ang iyong ulo!" "Kuya naman!" Bigla naman itong sumenyas. Laking gulat ko nang pumalibot na sa akin ang mga tauhan ng mga Zoldic na humahabol sa amin ni Kaye. "Gel! Ano ba kuya!? Angelika! Mga hayop kayo! Wala siyang ginagawang masama! Angelika!" Patuloy sa pagwawala si Kaye habang hawak ng kanyang nakatatandang kapatid. Mapait akong napangiti. "Tama na Kaye," wika ko sa kanya at umiling. "Tama na," anas ko. "Hindi! Kuya! Ano ba!? Papatayin nila si Angelika! Kuya!" Walang ampat sa pagtulo ang mga luha ni Kaye habang nakatanaw sa akin. Mas malakas ang kanyang kapatid. Kaya kahit anong gawin niyang pagpupumiglas ay wala pa rin 'yong epekto. Pinahiran ko ang aking mga pisngi. Mukhang katapusan ko na yata ito. "Devolvat invisibilis torquem!" Sa narinig kong iyon ay agad akong napatingin sa likuran nila Kaye. "Zsakae," anas ko. Nang dumapo ang mga mata ko sa kanyang kanang kamay ay biglang lumitaw ang solidong kadena na nakakabit sa kanya. Unti-unting lumilitaw ang kadena hanggang sa kumunekta ito sa aking kaliwang kamay. Nahigit ko ang aking hininga. Paano ako nangkaroon ng ganito. Hindi ko matandaang kinabitan niya ako. Ngunit isa lang aking napagtanto. Nasusundan niya ako dahil sa kadena. "Zoldic," mariing sambit ng kapatid ni Kaye. "Seltzer," mariing ganti rin naman ni Zsakae rito. "Nakikialam ka," muling segunda ni Zsakae. Humarang naman si Kaye. "Walang kasalanan ang kapatid ko! Mali ang iniisip mo!" Mahigpit akong humawak sa kadena. "Hindi ko ugaling makialam," anang kapatid ni Kaye at tumabi. "Huwag niyong hayaang makatakas ang babaeng 'yan!" "Eunice!?" gulat kong sambit nang makilala ang pinanggalingan ng boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD