EPISODE 2 - Payong

1334 Words
WAVES OF REGRETS EPISODE 2 PAYONG SABRINA AIK'S POINT OF VIEW. Nandito pa rin kami ngayon sa loob ng opisina ni Ma’am Chagas. Alas dos na at siguradong tapos na ang unang subject namin ngayon sa afternoon. Tahimik lang kami ngayon dito sa loob ni Mave at walang gustong magsalita. Nakakainis! Bakit kasi nakalimutan ng lalaking ito na sira pala ang pintuan sa opisina ni Ma’am! “Absent na ako sa dalawang subject!” Naiiyak kong sabi at napahawak sa aking noo. “A-Ako nalang ang magsasabi sa mga teachers natin na pumasok na nakulong tayo dito,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya at tinignan ko siya nang masama. “Siguro plano mo ito, ano?! Gusto mo akong ma solo kaya hindi mo agad sinabi sa akin na sira ang pintuan ni Ma’am dito sa opisina niya!” sabi ko. Alam kong nagmumukha na akong assuming pero alam ko naman na matagal na akong gusto ni Maverick. Mabilis siyang napailing na parang takot na takot sa akin. “H-Hindi, Sabrina. G-Gusto kita pero hindi ko gagawin ang ganito para lang ma solo kita,” mahina nitong sabi at napayuko. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na ulit nagsalita. Sabagay, hindi naman siya mukhang desperado para lang mapansin ko siya kaya impossible na plinalo niya ito. Ilang oras pa kaming nag hintay rito sa loob ng opisina ni Ma’am Chagas hanggang sa bumukas nalang ito nang mag alas tres na. Nakita ko ang gulat ni Ma’am habang nakatingin sa amin. “Bakit kayo nandito?” taka niyang tanong. Tumayo kami ni Maverick at inayos ang aming mga sarili. Siya na ang nag explain kay Ma’am kung bakit kami nandito pa rin at sinabi niya rin na lock kaming dalawa rito. “Sa susunod ay h’wag niyong kalimutan na sira ang pintuan ng aking opisina kung ayaw niyong ma lock ulit, okay?” sabi ni Ma’am. “Yes, Ma’am,” sabi namin ni Maverick. Hindi na rin naman ako pupunta rito. Bahala na. Never. Nang makalabas na kami sa opisina ni Ma’am ay ako na ang unang naglakad papunta sa classroom namin. “S-Sabrina!” rinig kong tawag ni Maverick sa akin pero hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko nalang ang kanyang pagtakbo at pagpantay sa aking paglalakad. “Galit ka pa rin ba sa akin, Sabrina?” Tanong niya. Napatigil ako sa aking paglalakad at napatingin sa kanya. “Hindi ako galit sa’yo, okay? Naiinis ako sa pagiging makulit mo kaya tigilan mo na ako!” inis kong sabi at muling naglakad papunta sa aming classroom. Nang makapasok na ako sa loob ay nakita ko ang mga ka-klase kong nag-uusap sa kanilang mga upuan. Hinanap ko ang kaibigan kong si Gab at nakita ko siya sa kanyang upuan na natutulog. Lumapit ako sa kanya at ginising siya. Napakusot siya sa kanyang mga mata at napatingin sa akin. “Sab! Saan ka nanggaling? Absent ka sa dalawang subject,” sabi ni Gabby. Umupo na ako sa aking upuan at napasimangot. “Na lock kami ni Maverick sa opisina ni Ma’am Chagas,” sabi ko. Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ni Gabby. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at kita ko ang malaki niyang ngiti kaya hindi ko mapigilang mainis sa kanya. “Stop smiling! Weirdo!” sabi ko sa kanya. “Kwento mo sa akin bakit kayo na lock ni Rick aa opisina ni Ma’am Chagas. Anong ginawa niyo sa loob? Nagkakamabutihan na ba kayong dalawa?” Sunod-sunod niyany tanong sa akin. Tinignan ko siya nang masama. “Gabriella Nevaeh!” pagtawag ko sa buo niyang pangalan. Tumawa siya nang malakas at tumigil na rin. “Okay, okay! Sorry na. Alam mo naman na number one shipper ako sa inyo ni Rick, diba?” sabi niya. Inirapan ko siya. “Never ko siyang magugustuhan, okay?! Hindi ko siya type at may boyfriend na ako!” inis kong sabi. “Okay, Sab. So, kwento mo nalang sa akin,” sabi niya. Kahit labag sa kaluoban ko ay kinuwento ko pa rin kay Gab ang nangyari sa amin ni Mave sa loob ng opisina ni Ma’am Chagas. Nang makwento ko na kay Gabby ay kita ko ang pagsimangot sa kanyang mukha. “Iyon na ‘yun? Wala man lang exciting na nangyari?” sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?” Tanong ko. Umiling siya at ngumiti sa akin. “Never mind! By the way, may sinulat kami kanina kaya ibigay ko nalang ang notebook ko sa’yo para masulat mo sa notebook mo, okay?” sabi niya. Ngumiti ako kay Gabby. “Thanks, Gab!” sabi ko. Kinindatan niya nalang ako at bumalik na sa kanyang pwesto. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang aming last professor ngayong hapon. Half day lang naman talaga ang class namin kasi college na kami pero Friday ngayon kaya whole day ang class. Nang matapos na kami sa last subject namin ay nag-ayos na kami nang aming mga gamit upang makauwi na. Habang nag-aayos ako ngayon sa aking mga gamit ay may biglang tumawag sa aking cellphone. Tinignan ko ito at nakitang si Jacob ang tumatawag. Hindi ko sinagot ang tawag niya at pinatay nalang ang aking cellphone. Naiinis ako kay Jacob ngayon at ayaw ko siyang makita o makausap man lang. Siguro bukas ko nalang siya kakausapin kasi hindi ko naman siya pwedeng hindi nalang pansinin dahil boyfriend ko pa rin siya. “Sabby, una na ako sa’yo ah?” sabi ni Gabby na handa nang umalis. Ngumito ako sa kanya aty tumango. Alam ko naman kung saan siya pupunta ngayon at bilang supportive friend niya ay hahayaan ko siya sa kaligayahan niya. Nang matapos na akong mag ayos sa aking gamit ay lumabas na ako sa aming classroom. Bago ako umalis ay pumunta muna ako sa library dahil may kailangan akong hanapin na libro para sa aming project. Nang makapasok ako sa loob ay wala na masyadong mga estudyante at sinabi na rin sa akin ng librarian na huling student na ako na pwedeng pumasok. Nang mahanap ko na ang libro na hinahanap ko ay lumabas na ako sa library. Hindi ko inakala na sa paglabas ko ay malakas na ulan ang bubungad sa akin. Nakakainis naman! Wala pa naman akong dalang payong at baka mabasa ang mga gamit ko. Aakmang susulong na sana ako sa ulan nang may magsalita sa aking gilid. “Wala ka bang dalang payong?” Napatingin ako rito at nakita ko si Maverick na may dalang payong at nakatingin siya sa akin ngayon. Hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin sa kanya dahil ang hot niya tignan sa basa niyang buhok kahit naka suot siya nang kanyang eye glasses. Agad akong napaiwas nang tingin at napalunok sa aking laway nang makaramdam ako nang tensyon. “H-Hindi ba obvious?!” inis kong sabi habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa kanya. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa. Muli akong napatingin sa kanya at hindi ko na naman mapigilang matigilan nang makita ko siyang nakangiting nakatingin sa akin ngayon. Bakit ang gwapo niya? “Sabay ka nalang sa akin, Sab. Kasya naman tayo sa payong ko dahil malaki ito,” nakangiti niyang sabi. Napakurap ako sa aking mga mata. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok nang aking puso ngayon. Bakit ako kinakabahan?! “Sab?” tawag niya sa aking pangalan. Napatingin ako sa kanya. “H-Huh?” What the heck, Sabrina?! Bakit ka nauutal?! “Sabay ka na sa akin?” muli niyang sabi. Napatango nalang ako at sumabay nalang sa kanya. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat kaya natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Nakaramdam ako ngayon ng kuryente! “S-Sorry. Baka kasi mabasa ka,” sabi niya. Napaiwas nalang ako nang tingin at nagpatuloy kami sa aming paglalakad. Nababaliw ka na, Sabrina! Huwag kang kabahan dahil nasa tabi mo si Maverick Santiago! Don’t tell me nagugustuhan mo na siya?! Napailing ako. NO. Hindi pwede. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD