EPISODE 1 - Locked

1447 Words
WAVES OF REGRETS LOCKED EPISODE 1 SABRINA AIK'S POINT OF VIEW. “I don’t like him! He’s a nerd, and he’s disgusting!” I said while looking at the guy named Maverick Santiago. “H’wag ka ngang ganyan, Sabby! Ang bait kaya ni Rick tapos ang talino pa,” sabi ni Gabby. Inirapan ko nalang ito at hindi na ulit nagsalita pa. Gabriella Nevaeh is my new friend at bago lang din siya dito sa province namin. We became friends kaagad because siya lang ang nag iisang girl na hindi inis sa akin at hindi rin ako inis sa kanya. Pero naiinis lang ako sa kanya minsan kasi palagi niyang sinasabi sa akin na bagay kami ni Maverick Santiago, ang best friend ni Sebastian. Palaging sinasabi sa akin ni Gabby na Maverick Santiago likes me! But I don’t care. I don’t like him, and I will never like him. “S-Sabrina, may ka partner ka na ba sa project?” Napatigil ako sa aking pagsusulat at napatingin sa aking harapan. Napataas ang aking kilay nang makita ko kung sino ang nandito. Peke akong ngumiti at sumimangot. “I’m sorry Maverick, pero may ka partner na ako at si Gabby iyon,” sabi ko. “Pero partner na sila ni Sebastian,” sabi nito. Napataas ang aking kilay at napatingin sa aking kaibigan na nasa aking gilid. Hindi ko mapigilang mainis nang makitang kausap na niya ngayon si Sebastian. Hindi naman namin kaklase si Baste pero nandito siya para tulungan si Gabriella na girlfriend niya sa project. Argh! Nakakairita. Napapikit ako sa aking mga mata at palihim na nagmura sa aking isipan sa inis. Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ulit si Maverick na parang kinakabahan ngayon. “Okay. Partner na tayo,” sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag sa kanyang mukha at kanyang malaki na ngiti. “T-Talaga? Sige, sige. K-Kailan tayo gagawa sa project natin? Pwede ba mamaya? Sa may coffee shop nalang tayo magkita—” “May date kami ng boyfriend ko mamaya,” putol ko sa kanyang sinabi. Natigilan siya sa aking sinabi at napaiwas nang tingin. “G-Ganun ba? Bukas, okay ka ba?” mahina niyang sabi. Umiling ako habang nakatingin nang malamig sa kanya. “Ako na ang magsasabi kung kailan ako available kaya h’wag kang makulit,” sabi ko. “S-Sige, s-sabihin mo lang sa akin,” nauutal niyang sabi. Inirapan ko siya at tumayo na at walang sabi na lumabas sa aming classroom. I really hate him! Simula elementary kami ay kaklase ko na siya. Siya palagi ang kakompetensya ko sa classroom kasi siya palagi ang nauuna sa ranking habang ako ay palagi nalang pangalawa. Hindi naman ako pini-pressure ng daddy ko kasi okay lang sa kanya kung anong grades namin ni Kuya ko sa school basta makagradute lang kami at hindi mabagsak sa aming mga subjects. Pero hindi ako papayag, I deserve to be in the first place! I work hard and I’m smart! I joined many extracurricular activities sa school kahit noon pa pero kahit anong gawin ko ay 2nd place pa rin ako. Kasalanan iyon ni Maverick kaya ayaw ko sa kanya! Kahit sabihin niya pa sa akin na he likes me, hindi ko pa rin siya magugustuhan dahil galit ako sa kanya! “Bakit ka ba nakasimangot jan? Ngiti ka na nga!” Napatingin ako sa boyfriend ko na si Jacob at napabuntong hininga. Nandito kami ngayon sa malapit na milk tea shop sa aming campus. “Ano bang problema?” tanong niya. Napailing ako at napainom nalang sa aking inorder na milk tea. “Naiinis ako kay Maverick! Hindi niya pa rin ako tinatantanan,” sabi ko. Napakunot ang noo ni Jacob. “Maverick? ‘Yung kaklase mong matalino?” tanong niya. Tinignan ko siya nang masama. “Matalino rin ako, Jacob!” inis kong sabi. Mahina siyang napatawa. “Hey, easy. I know that you’re smart pero matalino talaga ang nerd na ‘yun,” sabi niya. Napairap nalang ako at hindi siya sinagot. “Pero pwede kitang tulungan,” sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jacob at tinignan siya. “What do you mean?” “Paglaruan natin si Maverick. Alam naman natin na may gusto siya sa’yo kaya take that as opportunity para paglaruan ang puso niya,” nakangisi niyang sabi. Napailing ako sa sinabi niya. “No, no way! Hindi ko gagawin ‘yan, Jacob. Kahit galit ako sa kanya ay hinding-hindi ko siya paglalaruan. Alis na ako,” sabi ko at napatayo na. “Sabrina!” tawag ni Jacob sa aking pangalan pero hindi ko na siya pinansin. Bumalik nalang ako sa campus at dumiretso sa aming classroom. Nang makarating ako sa aming classroom ay nakita ko kaagad si Maverick na nasa kanyang chair habang may sinusulat. Napairap nalang ako at dumiretso sa aking chair. Alam kong nakita na niya ako pero hindi ko ito pinansin. Kami lang dalawa ngayon sa loob ng classroom kaya tahimik ang paligid. “S-Sab,” tawag nito. Napatigil ako sa aking ginagawa sa phone at napatingin sa kanya. Tinaasan ko ito nang kilay. “A-Ah…. Hindi ka ba busy? Pwede mo ba akong matulungan?” tanong niya. “What? At bakit naman kita tutulungan?” hindi makapaniwala kong tanong. Napalunok siya sa kanyang laway at napakamot sa kanyang ulo. “M-mabait ka naman kaya alam kong tutulungan mo ako,” mahina nitong sabi na parang nahihiya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at napatango. Wala rin naman akong ginagawa at bad trip ako ngayon sa boyfriend ko. “Ano ba ‘yun?” inis kong tanong. Napangiti siya nang pumayag akong tulungan siya. “A-Ah, padala lang sana nang listahan habang ako naman ay magdadala sa mga test papers,” sabi niya at tinuro ang maraming test papers sa tabi ng kanyang table. Napataas ang aking kilay at hindi makapaniwala sa nakita. “Bakit na sa’yo lahat ‘yan? Hindi ka naman teacher!” sabi ko. Napakamot siya sa kanyang ulo. “Humingi kasi nang favor sa akin si Ma’am Chagas about sa mga test papers kaya pumayag na rin ako,” sabi niya. Napahawak ako sa aking noo sa sinabi niya. Ito ‘yung isa sa ayaw ko sa kanya, eh! Napakabait niya at hindi niya kayang humindi sa mga taong humihingi nang tulong sa kanya. Napatayo na ako at inayos ang aking sarili. “Saan ba natin idadala ‘yan? Alis na tayo dahil baka dumating na ang prof natin,” sabi ko. Nagmadali siyang bumalik sa kanyang table at binitbit ang maraming test papers. Binigay niya rin sa akin ang class record na hawak niya kanina. “S-Sa office raw ni Ma’am. Wala kasi siya roon kasi may meeting siya pero sabi niya ilagay lang daw natin sa table niya ang mga ito,” sabi ni Maverick. Napatango ako ay nagsimula na kaming maglakad nang makalabas kami sa classroom. Bukas ang pintuan nang office ni Ma’am kaya mabilis lang kaming nakapasok dalawa. Siya ang una kong pinapasok sa loob dahil nahihirapan siya sa dala-dala niya ngayon. Sinirado ko ang pintuan nang makapasok na rin ako. Napatingin ako sa office ni Ma’am at hindi mapigilang mamangha. “In fairness, maganda ang taste ni Ma’am,” sabi ko. Nakita ko ang pagngiti ni Maverick habang nilalagay niya ang mga papers sa table ni Ma’am. Hindi naman pangit si Maverick, hindi lang siya marunong mag-ayos at bumagay sa kanyang mga suot. “Halika na, baka dumating na si Sir Mervin sa room,” sabi ni Maverick kaya tumango na rin ako. Ako na ang unang naglakad at aakmang bubuksan ko na ang pintuan nang hindi ko ito mabuksan. Napakunot ang aking noo at napatingin kay Mave. “Ni-lock mo ba ang pintuan?” Tanong ko. Napailing siya at lumapit na rin sa akin upang subukan niyang mabuksan ang pintuan. Pero kahit si Mave ay hindi niya rin mabuksan ang pintuan. “What’s happening?! Bakit hindi natin mabuksan ang pintuan?! May nag lock ba sa atin?!” natataranta kong sabi. Nakita kong natigilan si Maverick na parang may naalala. Napahawak siya sa kanyang noo at napatingin sa akin. “S-Sira pala ang pintuan dito sa office ni Ma’am. Nakalimutan kong sabihin na h’wag isirado ang pintuan,” sabi niya. Pinanlakihan ko siya nang mga mata sa inis. “Bakit hindi mo sinabi?! Nakakainis!” sigaw ko at padabog na umupo sa bakanteng upuan sa aking tabi. “S-Sorry… nakalimutan ko kasi,” mahina niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at hindi na nagsalita. Mukhang makakasama ko pa nang matagal ang nerd na ‘to rito! Nakakainis. Sana makabalik na kaagad si Ma’am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD