WAVES OF REGRETS
EPISODE 3
SABRINA AIK GENEROSO
SABRINA AIK’S POINT OF VIEW.
“Ano, Sebastian?! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin makalimutan ang babaeng iyon?! God! Ang tagal na niyang wala, Seb! Move on!”
“Shut up, Cristina! Bakit mo ba dinadamay si Celestia rito?! Wala siyang kinalaman dito sa problema natin!”
“At bakit hindi ko siya idadamay?! Siya naman talaga ang dahilan kung bakit tayo ganito palagi! Hindi mo pa rin siya nakakalimutan! Siya pa rin ang mahal mo!”
“I said shut up!”
Argh! I hate this life! Kakauwi ko pa lang galing paaralan pero ang sigawan na naman ng mga magulang ko ang naririnig ko pag pasok ko sa loob ng mansion namin. Nakakawala ng gana! Nakakainis! Palagi na lang ganito ang eksina kapag umuuwi ako galing campus.
Kung inaakala ng ibang mga tao rito sa Governor Generoso na perfect ang pamilya namin pwes doon sila nagkakamali. Magaling umarte ang mga magulang ko na mahal nila ang isa’t isa kahit ang totoo naman talaga ay ang Mommy ko lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Mahal pa rin hanggang ngayon ng Daddy ko ang first wife niyang si Celestia na namatay sa car accident kasama ang kapatid ko, first kuya ko sana.
Second wife ang Mommy ko sa aking Daddy at ako lang ang anak nila. Meron akong Kuya at anak ito sa first wife ni Daddy na namatay, and my Kuya’s name is Tobias Kai Generoso. Kahit half-brother ko lang siya ay mahal na mahal ko si Kuya at close kaming dalawa dahil siya lang ang kakampi ko rito sa bahay at siya lang ang nakakaintindi sa akin.
Nagmadali akong umakyat sa hagdan dahil hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang sigawan ng parents ko. Hindi ako dumiretso sa aking kwarto, pumunta ako sa kwarto ni Kuya at mabilis na kumatok dito. Agad din niya akong pinagbuksan at nakita ko itong nakasuot ng salamin at mukhang alam ko na ang ginagawa niya sa loob.
Agad akong pumasok sa kwarto ni Kuya at hindi niya naman ako pinigilan. Nakita ko ang mga nakakakalat na mga papel sa kama niya at nandoon din ang kanyang laptop na nakabukas.
“What’s the problem, Sab?” tanong ni Kuya Kai sa akin.
Umirap ako at napahalukipkip na humarap sa kanya.
“As usual, nag aaway na naman si Mommy at Daddy sa labas at nagsisigawan! Akala naman nila na sila lang ang tao rito sa mansion. Hindi ba sila nahihiya sa mga tao rito?! Gosh! Para silang mga bata!” inis kong sabi at padabog na umupo sa gilid ng kama ni Kuya Kai.
Bumuntong hininga siya at umupo sa aking tabi. Hinakawan niya ang aking balikat at nagsalita.
“Hayaan mo na lang sila, Sab. Ganiyan naman sila palagi pero nagkakaayos naman sila kaagad,” aniya.
Tinignan ko ng masama si Kuya Kai at inalis ang kanyang kamay sa aking balikat.
“Hindi mo ako naintindihan kasi hindi mo naman totoong ina si Mommy!” inis kong sabi at napatayo.
Napakunot ang kanyang noo at nakita ko rin ang inis sa kanyang mukha.
“Sab, she’s still my mother! Siya ang nagpalaki sa akin kaya tinuturing ko na rin siyang ina. Ang akin lang ay huwag na natin pakialaman ang problema nila dahil sa kanila na iyon, ang gawin mo ay ang mag aral ng mabuti,” seryoso niyang sabi.
Inirapan ko siya at naglakad papunta sa may balcony niya rito sa kanyang kwarto. Lumabas ako rito at napatingin sa tahimik na dagat na nakikita ko sa hindi kalayuan. Napaupo ako sa may upuan dito sa balcony at kinuha ang sigarilyo ko sa aking bulsa at sinindihan ito. Alam kong hindi ito maganda sa katawan ko pero ang pag yo-yosi lang ang nakakatulong sa akin para kumalma.
Ginagawa ko naman ang lahat para palaging maging number one sa klase pati na rin sa mga sinasalihan ko na mga events noon at ngayon sa paaralan ko, pero palagi akong sinasapawan ni Maverick Santiago, that nerd! Ito na nga lang ang way para mapansin ako ng mga magulang ko lalo na si Daddy tapos pagkakaitan pa ako dahil sa lalaking iyon! That’s why I really don’t like him! Tapos ang lakas pa ng loob niyang sabihin sa akin na gusto niya ako, ha! Utot niya! Hinding-hindi ko siya magugustuhan! Over my dead and sexy body!
“Sabrina Aik Generoso! What the hell?!”
Mabilis kong napatay ang aking sigarilyo at tinapon nang marinig ko ang galit na boses ni Kuya Kai.
Shit! Nakalimutan kong nandito pala ako ngayon sa kanyang kwarto kaya amoy na amoy niya ang usok sa aking sigarilyo.
“K-Kuya Kai!”
Shit. Sana hindi niya ako isumbong kay Mommy at Daddy sa paninigarilyo ko.
“Bakit ka naninigarilyo?! Kailan mo pa ginagawa ang bagay na iyan, ah?!” galit niyang tanong sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at umiwas ng tingin sa kanya.
“Hindi naman ito always, Kuya. Nag so-smoke lang naman me kapag I’m stress at naiirita sa surroundings!” sabi ko kay Kuya Kai.
Napahawak siya sa kanyang noo at hinilot ito na parang na stress na rin sa akin. Akala mo naman hindi siya naninigarilyo! Nakita ko rin kaya siya isang araw na naninigarilyo tapos hindi ko lang binanggit sa kanya dahil baka mairita siya sa akin kaya shut up na lang me, buhay niya naman iyan. Pero bakit siya nangingialam sa akin? This is my life! I can do whatever I want.
“Sabrina, hindi maganda sa isang babae ang naninigarilyo,” kalmado at seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Napaiwas ako ng tingin at hindi na mapigilan na maging emosyonal.
“A-Ang gusto ko lang naman ay matigil na sila Mommy at Daddy sa pag aaway, eh. Ang sakit lang para sa akin na excited ako sa pag uwi sa bahay dahil may ipapakita akong achievements na nakuha ko sa school tapos maririnig ko na lang na nagsisigawan ang mga magulang ko at muli na namang nag-aaway. Kuya Kai, ang sakit. Gusto ko lang naman na magmahalan sila, gusto ko na maging masaya ang pamilya natin,” mahina kong sabi, nasasaktan sa lahat ng palaging nangyayari rito sa aming bahay.
Nang maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Kuya at pagyakap ay hindi ko na mapigilan na mapaiyak at humagulgol. Yumakap ako sa kanya pabalik at sumiksik sa kanyang balikat.
“I’m still here, Sabrina. Hinding-hindi ka iiwan ni Kuya mo at nandito lang ako palagi,” malambing niyang sabi at hinalikan ang aking noo.
Hindi na muli ako nagsalita at niyakap na lang si Kuya Kai. Believe it or not, Kuya Kai is the only person who can give me comfort. I am so blessed to have a kuya like him.
Nang matapos na kaming mag yakapan ni Kuya Kai ay napagpasyahan kong sa kwarto niya na lang ako matulog. Siya na rin ang nag dala ng pagkain sa akin para sa dinner ko dahil ayokong lumabas sa kwarto, naiirita pa rin ako sa pag aaway ni Mommy at Daddy kanina, baka mas lalo lang akong mawalan ng gana kapag makita ko sila sa may dining room at kumakain. May malaking couch naman dito sa kwarto ni Kuya Kai kaya doon na lang muna siya matutulog habang ako ay nasa kama niya.
“Sabrina anak, Good morning!”
Napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko si Mommy sa may living room namin. Humarap ako kay Mommy at pilit na ngumiti sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya at hinalikan sa kanyang pisngi.
“Good morning, Mommy,” bati ko pabalik sa kanya.
“Darling, bakit hindi kita nakita kahapon? Umuwi ka ba?” tanong niya sa akin habang naka kunot ang noo. Gusto ko sana siyang irapan pero baka magalit lang sa akin si Mommy.
“Yes, Mom. Maaga po akong umuwi kahapon kaya siguro hindi niyo napansin,” sagot ko sa kanyang tanong.
Napatango si Mommy at hindi na nag tanong sa akin ulit. Baka na realize niyang baka narinig ko ang sigawan nila ni Daddy kaya hindi siya nakapagsalita. Naglakad na lang ako papunta sa dining room para kumain. Nakita ko kaagad si Kuya ro’n na kumakain kaya tumabi ako sa kanya at kumain na rin.
Sabay kami ni Kuya na pumunta sa aming campus kung saan kami rin ang nag mamay-ari. Si mommy ang nag ma-manage sa university dahil isa rin siyang teacher noon kaya siya na ang namamalakad sa university habang si Daddy naman ay busy sa iba naming mga negosyo. Impossible akong maka handle sa mga negosyo namin dahil mas magaling naman sa akin si Kuya Kai at kasalukuyan na rin siyang hinahanda ni Daddy dahil kapag nag resign na si Daddy ay si Kuya Kai na ang mamamahala sa negosyo namin.
Hindi naman ako nasasaktan dahil mas gusto kong gumawa ng sarili kong negosyo at magpatayo ng aking kompanya na hindi umaasa at walang tulong galing kay Daddy.
Nang makarating ako sa school ay mabilis kong pinalitan ang aking mood dahil gusto kong maging masaya dahil wala ako sa mansion at wala si Mommy at Daddy.
“Gabby!” tawag ko sa aking pinsan s***h best friend. Nasa labas siya ng aming room at alam ko kung bakit nasa labas pa siya, hinihintay niya ang kanyang boyfriend na si Baste!
“Sab, ikaw pala!” nakangiti niyang sabi. May kinuha siya sa loob ng kanyang bag at ibinigay ito sa akin. Napakunot ang aking noo at kinuha ito sa kanya.
“Para saan ‘to?” taka kong tanong.
Ngumisi siya. “Pinapabigay ni Rick!”
Tinignan ko siya ng masama at binalik sa kanya ang regalong binigay niya sa akin.
“Hindi ko tatanggapin ‘yan! Bakit ba gustong-gusto mo akong itulak diyan sa Mave na ‘yan?! Ayoko nga sa kanya!” inis kong sabi.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
“Why, Sab? He’s a nice and decent man just like Aki! Mabait din si Rick, matalino tapos gwapo!” sabi ni Gabriella.
Mas lalo akong napasimangot at umiwas ng tingin sa kanya, pero sa kasamaang palad nang mag iwas ako ng tingin kay Gabriella ay nakita ko si Mave na naglalakad papalapit sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa at parang lumundag ang puso ko nang mapatingin siya sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at pinakalma ang aking sarili. Bakit ba ako nagkakaganito?!
“S-Sabrina?”
Napakurap ako sa aking mga mata nang marinig ko ang kanyang boses.
“Psst. Sabby! Tinatawag ka ni Rick,” sabi ni Gabriella at nginuso si Mave na nasa aking likod.
Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kaha at tinaasan siya ng kilay.
“Anong kailangan mo?!” inis kong tanong.
“A-Ah, nagustuhan mo ba ang pinapabigay ko kay Gabriella sa ‘yo?” nahihiya niyang tanong.
Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Gabby.
“Nako, Rick, hindi niya tinanggap ang binigay mo! Ang arte masyado,” sabi ni Gabby.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ang daldal!
“G-Ganon ba? B-Baka hindi mo nagustuhan ang bigay ko, Sabrina. ‘Di bale na lang, bigyan na lang kita ng ibang regalo,” malumanay niyang sabi.
Sa inis ko sa kanya ay muli ko siyang hinarap.
“Ano bang trip mo, Mave?! ‘Di porket nakulong tayo sa office ni Ma’am ay mag fe-feeling close ka na sa akin! Hindi pa rin tayo friends!” inis kong sabi at pumasok na sa loob ng room namin at padabog na umupo sa aking pwesto.
Yes, wala nga siyang ginagawang masama sa akin. Pinaparamdam niya sa akin palagi na gusto niya ako, pero kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin mapigilan na mainis lalo na kapag lumalapit siya sa akin o kinakausap niya ako.
Bumibilis ang t***k ng aking puso kapag nasa malapitan lang si Mave, hindi rin ako mapakali at hindi ako makapag isip ng matino kaya naiinis ako sa kanya! Naiinis din ako kapag ngumi-ngiti siya sa ibang mga babae! Argh! I hate him so much!
“Babe, kanina ka pa nakasimangot diyan! May nagawa ba akong kasalanan sa ‘yo?”
Napatigil ako sa aking pag iisip nang marinig ko ang boses ng aking boyfriend na si Jacob. Bumuntong hininga ako at umiling.
“Naiinis lang ako dahil hindi ako ang napili para ipadala sa regional contest sa quiz bee,” nakasimangot kong sabi kay Jacob.
Ngumisi siya habang nakataas sa kanyang kilay.
“Hulaan ko, si Rick ang napili diba?”
Muli ko siyang inirapan at sinuntok sa balikat. Tumawa siya nang malakas. Nakakainis! Hiwalayan ko na lang kaya ang lalaking ito?! Pero sayang naman, wala ng mang li-libre ng snacks at lunch ko kaya tiisin ko na lang.
“As usual! Siya pa rin ang pinakamatalino sa aming department,” sabi ko.
“Bakit hindi mo na lang kasi paglaruan ang damdamin ng lalaking iyon? Alam mo naman kung gaano siya kapatay na patay sa ‘yo, Babe. Kaya mo siyang kontrolin! Kaya mo siyang paikotin! Gamitin mo ang karisma mo sa lalaking iyon para ikaw na ang maging number one,” sabi ni Jacob at kinindatan ako.
Hindi ako makapagsalita. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at muling inisip si Mave. He really likes me since we were young, yes! Bata pa lang kami alam ko ng may gusto siya sa akin dahil palagi niya ako binibigyan ng flowers na pinipitas niya lang naman sa garden namin sa school. Pero hindi ko talaga siya gusto noon dahil ayoko sa pananamit niya at naiinggit ako sa kanya dahil siya ang favorite ng teachers namin.
He’s a good guy. Kahit ayoko sa kanya ay alam ko na ang backgroun niya at tungkol sa pamilya niya. Siya lang ang nag iisang anak at tumutulong din siya aa pamilya niya para may makain sila at may pambayad siya sa tuition.
Hindi ko yata kayang gawin ang sinabi ni Jacob na paglaruan ko si Maverick. I just can’t do it… I can’t… ayokong saktan siya. Feeling ko kapag niloko ko siya ay masasaktan ako, hindi ko kayang gawin iyon.
TO BE CONTINUED...