Hindi malaman ni Almira kung paano pipigilan ang kilig na nararamdaman dahil sa mga pasimpleng tingin at pagkindat ni Art sa kanya.
Binisita ni Almira si Aya at ang kambal, at wala pang isang oras ang nakakalipas ay dumating na si Art kasama sina Kurt, Zeke, Luis at Joey. Mabuti na lang at nasabihan na niya ito na huwag munang sabihin kahit kanino na nanliligaw ito sa kanya. Hindi pa kasi niya nasasabi kay Aya na si Arthur ang lalaking hinihintay niya.
The men decided to have a light drink, habang sila naman ay nagfood trip. Ang mga kambal ay kasama na ng mga yaya.
"Hey, hon. Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nagulat pa si Almira nang magsalita si Arthur mula sa likuran niya. Nang hindi na kasi niya kayanin ang kilig ay nagpaalam siyang magbabanyo muna.
Lumingon-lingon muna si Almira sa paligid bago sinagot ang tanong ni Arthur.
"Eh, kasi naman kung makatitig ka wagas. Baka makahalata na sila."
"Bakit kasi ayaw mong ipaalam sa kanila?"
"Argh. We already talked about it, diba? Baka kasi magtampo sa akin si Aya."
Pumalatak ito. "Okay. You go first." Pagpapauna ni Art sa kanya.
"Are you mad?" Tanong niya dito. But instead of answering, Art just blew a heavy breath.
"Art, please understand." Sumamo niya dito.
"I understand. Balik kana don, baka maghinala na sila." Art said with an irritation in his voice.
"Okay." She said in a flat voice.
Naiinis na umalis siya at binalikan ang mga kaibigan.
Masayang nakikipagkwentuhan si Almira kina Aya at Joey nang marinig niya ang message tone ng cellphone.
——————————————————
Bakulaw: I want to hug you :(
——————————————————
Pasimpleng sinulyapan niya ito. May kung anong tinitignan ito sa cellphone nito.
——————————————————
Me: Later. Ang busy mo naman sa phone mo? Listen to your friends! >:O
Bakulaw: You jealous? :D Nah, I was just looking at your photos. And Zeke keeps on talking about his girlfriends.
——————————————————
"Hey, hindi kana man nakikinig, eh!" Si Aya. Tinapik siya nito sa balikat.
"Sorry, best. May nagtext kasi. Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Nakangiwing tanong niya. Masama na kasi ang tingin ni Aya sa kanya. Si Joey naman ay umiiling lang.
"Sabi ko, tara magkaraoke tayo sa entertainment room. Kinukwento ko kasi kay Joey kapag nagvivideoke tayo nung college." Bahagya pa itong kinilig nang banggitin ang college days nila.
"Oo nga! Namiss ko din yun! Tara! Tara!" Excited na tumayo siya. Natawa tuloy ang mga ito sa kanya.
"Saan kayo pupunta, sweetheart?" Tanong ni Kurt kay Aya. Napansin siguro nito ang excitement sa mga mukha nila.
"Sa entertainment room lang, sweetheart. Magkakaraoke kami!" Sagot ni Aya with excitement.
"Wow! I want to sing too!" Si Zeke na ikinagulat nilang lahat.
"Ano ba talagang pinagdadaanan mo, bro? Para ka ng timang, sa totoo lang." Si Luis na kunot na kunot na ang noo.
Umiling lang si Zeke pero napansin niyang lumungkot ang mga mata nito.
Tinignan niya si Aya na mukhang napansin din iyon. Nakakaintinding tumango ito sa kanya.
Bestfriends instinct.
"C'mon join us, Zeke!" Yaya niya dito.
"Siya lang talaga ang yayayain mo?" Nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Arthur.
"Mukhang ayaw niyo naman, eh." Sagot ni Aya.
"Sinong nagsabi? Let's go, sa Entertainment room na lang natin ituloy 'to." Si Luis.
"Sus, kung makareact yung isa diyan kanina. Sasama din pala." Si Joey na halatang pinaparinggan si Luis.
"Ako ba pinaparinggan mo, Abigail?" Si Luis.
"Ay, hindi po bossing! Sarili ko po ang pinaparinggan ko. Ayaw ko kasing sumama sa kanila kanina, bossing. Hehe." Sagot ni Joey pero nung umikot na ito ay nagmake-face kaya natawa siya.
"Baliw ka din, eh no?" natatawang sita niya kay Joey.
"Ang slow niyan, eh." Natatawang sagot naman nito.
"Oh, who'll sing first?" Tanong ni Almira sa mga kasama. Nagkukwentuhan lang kasi sina Art, Kurt at Luis. Si Zeke lang ang nakikipili ng kanta sa kanila.
"Ako na." Si Zeke na nagpipindot na. Natigil naman ang mga barkada nito at napapantastikuhang nakatingin kay Zeke. Nakita niya pa ang pag-iling iling ni Art.
Tinext niya ito.
Me: You're so harsh to Zeke, eh mukhang may pinagdadaanan ang kaibigan mo!
Nang magplay ang napiling kanta ni Zeke ay sunud-sunod ang natanggap na pang-aasar nito.
Pusong lito by Myrus

"What the f**k! Ang corny mo, 'tol. Pahiram nga ng songbook." Si Luis.
"'Tangina, ano yan?" si Art na nakatanggap ng masamang tingin mula kay Almira.
"Torn between two lovers, bro?" Nakangising tanong ni Kurt kay Zeke.
But Zeke didn't mind his friends. Tuloy lang ito sa pagkanta at feel na feel pa nito ang kanta!
Nang matapos si Zeke ay nagvolunteer si Aya.
Can't help falling in love by A*teens.

Nang matapos si Aya ay siya naman. Well, hindi kasing-ganda ng boses ni Aya ang boses niya pero hindi naman siya nawawala sa tono.
She sang Colours everywhere by Youth Asylum.
Nagsunud-sunod sila at ilang beses pa siyang kumanta. And when it is Art's turn. She can't help but to be amaze by his voice. s**t! Sumisinger!
He sang Everything I own by Breed

At habang kumakanta ito ay hindi naalis ang tingin niya dito. Dang!He really could sing!
Ilang beses siya nitong nahuling nakatitig pero wala siyang pakielam. At nang matapos ito ay kumindat pa sa kanya.
Shit lang! malulusaw na ata siya sa kilig.
And then for the nth time, it's Zeke's turn again.

Pero hindi na nito natapos ang pagkanta dahil bigla itong nagwalk-out. Randam niyang may pinagdadaanan ito at alam niyang nararamdaman din ng mga kasama niya sa kwarto iyon. Walang nagsasalita sa kanila. Lahat nakatitig sa pintuang nilabasan nito.
"Susundan ko siya. Let's go, Abigail." Si Luis. Umalis na ang dalawa at silang apat na lang ang natira.
"Aalamin ko kung anong nangyayari." Si Art at may kung anong pinagpipindot sa cellphone nito.
"Try ko siyang tawagan." Si Kurt.
Nagkatinginan na lang sila ni Aya.
"Hm. I'll go ahead na, best. Hindi ko ata kinaya si Zeke." Paalam niya kay Aya.
Tumango si Aya. "Pahatid na kita sa driver." nagcommute lang kasi siya dahil coding ang sasakyan niya.
"Isasabay ko na lang siya." Pigil ni Arthur kay Aya.
"Okay lang ba, best?" Tanong sa kanya ni Aya. Tumango na lang siya.
"Okay, ingat kayong dalawa."
"Bro, call me when you find anything." Bilin ni Kurt.
Nang lulan na sila ng kotse ni Art ay hindi niya mapigilang kastiguhin ito.
"Alam mo ikaw, nakakainis ka! May problema na ang kaibigan mo, wala ka pang pakielam!"
"What?! May pakielam ako! It's just that, sanay na kami na puro babae ang lumalabas sa bibig non. Hindi naman siya nagkukwento." Depensa ni Art.
"Kanina kaya nagkukwento siya but you ignored him! Text ka kasi ng text!" Naiinis na bulyaw niya dito.
"Nakikinig ako sa kanya. He keeps on telling us that he has a thing for this girl and then other girl came and what? He always end up banging all the girls he met! Eh, lagi naman na ganon ang sinasabi non."
"Paano kung this time seryoso na siya? You see that sadness in his eyes? And the songs he sang? May laman!"
"Argh! Bakit ba siya ang pinag-uusapan natin?" Si Art na halatang gusto ng i-drop ang topic.
"Because you act as if you don't f*****g care! Imbes na tanungin mo si Zeke, you keep on teasing and cursing him!"
"Of course, I care! Hindi lang kami katulad niyong mga babae na showy. But I care for him. Hindi lang kami sanay na ganoon siya. Knowing Zeke, napakamaloko non. He treats everything as a game, a joke. And of course, tutulungan namin siya if ever na may pinagdadaanan nga siya. And what the hell? Bakit ba masyadong big deal sa iyo ito? May gusto ka ba kay Zeke?"
"What the f**k? Are you serious with that stupid question? You know what? Stop the car. I can't stand being with you!"
Inihinto nga nito ang kotse, she didn't waste a single second at lumabas na siya sa kotse nito.
Walang lingon likod na naglakad siya at naghanap ng masasakyan taxi.
Pagdating niya sa condo ay naiyak siya sa hindi malamang dahilan.
"s**t! Nababaliw na ata ako."
Nang makita ni Arthur na sumakay ng taxi si Almira ay agad niyang tinawagan ang mga tauhan.
Alam niyang concern lang ito kay Zeke at alam niyang hindi tama ang tanungin niya ito ng ganon. Naiinis lang siya because, of course, he knows everything that is happening to his friends.
Dahil kahit gusto niyang sabihin kay Almira ang nagyayari kay Zeke ay pinpigilan niya ang sarili. He respect Zeke. Gusto niya ay ito mismo ang magkwento sa kanila.
Pero kakausapin niya si Zeke. Dahil kahit siya ay hindi maimagine ang pinagdadaanan nito. At alam niyang naiisip din ni Zeke ang magiging reaction ni Kurt.
Naiinis na tumayo si Almira mula sa pagkakadapa sa kama. Naiinis siya at siguradong makakarinig sa kanya ng mga hindi kanais-nais na salita ang kung sino man ang taong gusto na atang sirain ang doorbell niya.
Kanina pa niya gustong magwala dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Nagising kasi siya kaninang madaling araw dahil naramdaman niyang basa ang hinihigaan niya. And when she look at her bedsheets, she was greeted by blood.
It's the time of the month!
"What?!" Inis na salubong niya sa kung sinong nasa harapan ng unit niya pagkabukas niya ng pinto. But she was greeted by a bouquet na dala ng isang lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatakip ang bouquet.
"Who are you?" Tanong niya.
Ibinaba ng lalaki ang bouquet sa bandang tiyan nito.
"Your future husband." Sagot ni Art sabay kindat sa kanya.
"Future husband your face!" Kinuha niya ang bouquet dito. Nagulat ito kaya hindi nakakilos. "Go away!" Igaw niya sabay bagsak ng pinto.
Dala ang mga bulaklak, bumalik siya sa kuwarto. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Art sa kanya.
"Bahala ka diyan, bwiset!"
Gulat at hindi nakakilos si Arthur dahil sa pagbagsak ng pinto. Mabuti na lang at may konting distansiya pa siya kundi ay siguradong yupi ang ilong niya dahil sa sobrang lakas ng pagkabagsak ni Almira.
"Almira, hon ... please, open this damn door." Katok niya dito nang mahimasmasan.
Ngunit ilang minuto na siyang kumakatok ay tila wala itong naririnig. Sinubukan niya na ring tawagan ito sa telepono at cellphone ay wala parin.
"Argh! Akala mo, huh!" Inis na usal niya. Inilabas ang duplicate key na ibinigay sa kanya ni Tito Al.
Pagbukas niya ng pinto ay katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Kunot-noong pumasok siya at tumungo sa kuwarto ni Almira. Nadatnan niya itong nakadapa sa pinagpatong-patong na unan.
Nilapitan niya ito at napansin niya na may dinadamdam nito.
"What's wrong?" Tanong niya nang magmulat ito ng mata.
"Not now, Art, please? Masama ang pakiramdam ko." Pakiusap nito sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinayaan na itong makatulog.
Lumabas siya ng kuwarto nito at nanatili na lang sa sala.
Minsan, hinihiling ni Almira na sana ay naging lalaki na lamang siya dahil sa sakit na nararanasan niya tuwing may buwanang dalaw siya. Isa pang dahilan ay dahil dinadaig pa niya ang naglilihi dahil sa mga pagkain na kinecrave niya.
She look at her reflection on her full length mirror.
"Pwede na 'to!" Bulalas niya. She was just wearing a maong shorts, hanging blouse and slippers.
Nagke-crave kasi siya ng street foods. From her condo ay lalakarin niya lang papunta sa park kung saan maraming food stall.
Paglabas niya ng kuwarto, napatigil siya ng makitang nakahiga sa couch si Arthur. Nilapitan niya ito at bahagyang tinapik.
"Hmmm." Ungol nito.
"Art, wake up! Anong ginagawa mo dito? Paano kang nakapasok?" sunud-sunod na tanong niya. Pero imbes na sumagot ay hinawak lang nito ang kamay niya at hinila palapit dito.
"Art, ano ba!" pilit na hinihila ang kamay. "Bubuhusan kita ng tubig, sige ka." Banta pa niya dito. Bahagya namang iminulat ni Art ang mga mata.
"Paano ka nakapasok?" Muling tanong niya.
"Argh! Ingay mo." Reklamo pa ni Art. Tuluyan na nitong iminulat ang mga mata. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at itinaas ang isang kilay.
"Where are you going?" taas kilay na tanong ni Arthur sa kanya.
"Excuse me? Ako ang unang nagtanong. What the hell are you doing here?! Paano ka nakapasok?!"
"You forgot to lock the door." Sagot nito.
"I-I did?" Tanong niya. Ang alam niya ay nilock niya iyon. "Oh, siya. Alis na, may pupuntahan pa ako." Pagtataboy niya dito.
"Aalis ka ng ganyang ang suot?!" May kalakasan ang boses na tanong ni Art sa kanya.
"Yes. Anong masama? Kakain lang naman ako sa kanto."
"No way! Go change into something decent. I won't allow you to go wearing that piece of shits!"
"Are you crazy?! Dinaig mo pa ang daddy ko, ah! Atsaka anong piece of shits? Branded mga damit ko!"
"Ayaw mo talagang magpalit?"
"Ayaw ko!" Nakataas ang kikay na sagot niya.
"Oh, edi walang aalis." Sagot ni Arthur sabay hila sa kanya papasok sa kuwarto.
"Hey, ano ba! Nakakainis ka talagang bakulaw ka! Nagugutom na ako!" Naiiyak na bulyaw niya dito.
Nagugutom na kasi talaga siya at gustong-gusto na niyang kunain ng street foods.
"Just change your clothes, please? Ayaw ko lang na mabastos ka. After that, you could go anywhere you want. Just please don't wear those clothes na nakakabastos."
Nakita niya ang concern sa mga mata nito. Kumibot-kibot ang mga labi niya. Gusto pa niyang sumagot dito pero nang makita niya ang mga emosyon sa mga mata nito ay parang bulang nawala ang inis niya.
Nang hindi na matiis ang mga titig nito ay tumalikod siya.
"Sige na nga! Magpapalit na 'ko. Diyan ka lang! Wag kang susunod!" pumasok na siya sa walk in closet niya at naghanap ng masusuot.
"Dito mo gustong kumain?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Arthur sa kanya. Matapos magpalit ng damit ay nagpilit itong sumama sa kanya.
"Yes. Why?" May himig na pagkainis na sagot niya.
"Safe ba ang mga pagkain dito?"
"Oo naman. Edi sana matagal na akong namatay kung hindi? Lagi kaya kaming kumakain ni Aya dito." May pagmamalaking sagot niya at hinila ito papunta sa mga stall.

"Manong, pusit nga po, dalawa."
"Init po ba ma'am?" Tanong ni manong sa kanya.
"Opo. Pa-chop na din po" sagot niya. "Ikaw? Anong gusto mo?" Tanong niya kay Arthur na mukhang diring-diri na.
Umiling ito. "Magbabalut na lang ako. Baka may red tide yang mga yan." Sagot nito.
"Ang O.A mo, huh! Yii! Mamaya pa ako magbabalut eh. Iba na muna kainin mo para sabay tayo mamaya. Try mo muna ang isaw, please?" Pagpapacute niya dito.
Imbes na sumagot ay tumitig lang ito sa kanya.
"Asus. Wag kang ganyan!" Bahagya siyang lumayo dito. Naramdaman kasi niya ang pag-init ng mukha dahil sa pagtitig nito sa kanya.

"Manong, limang isaw po. Pa-chop din."
Iniabot na ni Manong ang pusit niya at isinalang na ang mga isaw.
Nang kinakain na niya ang pusit ay nakangiwing pinapanood siya ni Arthur.
"Here, try mo." Itinutok niya sa bibig nito ang pusit pero mas itinikom lang nito ang bibig at pilit inilalayo ang ulo.
"Please? For me? ito lang, please? Please?" Hiling niya dito while pouting her lips.
"No, isaw na lang. Mas safe yon." Sagot nito.
"Ayaw mo talaga?" Naglungkut-lungkutan pa siya. Tinitigan siya nito.
"Fine! Isa lang." Pagpayag ito.
Natuwa naman siya ay kinuha ang pinakamalaking hiwa at iyon ang isinubo dito.
"Oh? Masarap no?" Masayang tanong niya habang nginunguya nito ang pusit.
Nagkibit-balikat lang ito bilang sagot.
"Asus, echosero." Bahagya pa niya itong binunggo gamit ang balakang.
Natatawa naman ito sa kaniya.
Nang ibigay na sa kaniya ang mga isaw ay halos siya lang ang nakaubos dahil ang arte nito. Ang daming inirereklamo, pero nung magbabayad na ay inunahan siya nito.
"Ano pa kayang masarap?" Tanong niya habang inililibot ang tingin sa mga stalls.
"Ikaw." Sagot ni Arthur. Napatingin siya dito. "What did you said?" Tanong niya.
"Wala po. Ano? Saan mo pa gustong kumain?"
"Ang hirap pumili... balut na nga muna. Tara!" Muli niyang hinila ito papunta sa nagtitinda ng balot.
"Ilan ang kaya mo?" Tanong niya dito. Challenging him.
"What?" Hindi maganda ang marami."
"Says who?" taas kilay na tanong niya. "Manong, anim nga po."
"Mauubos mo lahat yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Art sa kanya.
"Yes. Pero tig-tatlo muna tayo. Unahang makaubos, ang mauna may prize. Deal?"
"What's the prize?"
"Ikaw. Kung anong gusto mo. deal?
"Deal." Nagshake hands pa sila bago nag-unahan sa pagkuha ng balot.
Ngunit nang nasa pangatlobg balut na siya ay biglang may nagpaputok ng baril malapit sa kanila.
"s**t! Dapa." Hinila siya ni Arthur papunta sa tabi ng isang malaking puno.
"W-What's t-that? A-Art, n-natatakot a-ako." Yumakap siya kay Art.
"Shh. I'm just here. I won't let anything bad happen to you." Paulit-ulit na hinahalikan nito ang noo niya.
Nakita niyang may inilabas itong baril.
Shit! Saan galing ang baril nito?
Nang akmang tatayo ito ay pinigilan niya.
"Saan ka pupunta?"
"Titignan ko lang kung nandiyan pa sila."
"No, wag mo akong iiwan, please? Hintayin na lang natin ang mga pulis."
Nagsipulasan kasi ang mga tao kanina. Nang marinig nila ang sirena ng mobile saka pa lang niya hinayaan si Arthur na tumayo.
Itinago na nito ang baril at inalalayan siyang tumayo. Nanginginig pa ang mga binti niya kaya halos nakayakap na ito sa kanya bilang suporta.
May dalawang lalaking lumapit sa kanila.
"Sir." Bati ng mga ito kay Arthur.
"Tell me that you've got them." May otoridad sa boses nito.
"We've got the two, Sir. Pero nakatakas ang isa. Nakita po namin ito." May ibinigay na papel ang mga ito kay Arthur.
Arthur Acosta, ang ganda naman ng girlfriend mo. Mukhang masarap! Patikim naman, ah? HAHAHAHAHAHA. It's payback time!