ALAS SAIS PA LAMANG ng umaga ay gising na gising na ang diwa ni Almira. Kahapon pa siya hindi makatulog ng maayos knowing that their vacation is about to end. Isiniksik niya ang sarili kay Arthur na tulog na tulog parin. Late na kasi silang nakatulog dahil niyaya niya itong mag-night swimming. Nang matapos ay nagkulitan pa sila kaya halos madaling araw na rin nang makatulog sila. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ni Arthur. Pinadaan niya ng kanyang hintuturo ang matangos na ilong nito. Bahagyang gumalaw si Arthur kaya umupo na lamang siya at medyo dumistansiya dito. Pinagpatuloy niya ang pagmamasid dito. Bahagya pa siyang napangisi ng kinapa-kapa ni Arthur ang side kung saan siya nakahiga kanina. Nang wala itong makapa ay nagmulat ito ng mata. "Good morning!" Masiglang bati niya