"BACK TO THE REAL LIFE!" malungkot na usal ni Almira nang makababa sila sa Chopper na sumundo sa kanila ni Arthur mula sa Palawan. Sa rooftop ng building nito sila lumapag. Kausap pa nito ang piloto at nagbibigay ng instructions. Naiwan pa kasi sa Palawan ang ibang mga tauhan ni Arthur. "Let's go, love?" Inakbayan siya ni Arthur. "Tired?" Tanong nito, marahil napansin nito na tahimik siya. Bahagya siyang umiling. "Sepanx lang sa Cruise ship." "Sepanx?" Tanong nito, lulan na sila ng elevator. "Seperation anxiety." Niyakap siya nito mula sa likuran kaya sumandal siya dito. "Ahhh. Saan tayo uuwi, love?" Tanong nito. "Anong tayo? Pinapauwi ako ni mommy sa bahay, diba?" Pagpapaalala niya dito sa bilin ng mommy niya. Bumuntong-hininga ito. Napapansin niya na kapag binabanggit niya ang mo