Nagising si Ivory dahil sa araw na tumatama sa mukha niya, mahigpit ang yakap sakanya ni Blaine kaya dahan dahan niyang inalis ang kamay ng binata sa may bandang tiyan niya. Nang ma ialis na niya ay sinuot niya ang tsinelas niya at dinama kung mainit pa ba ang pakiramdam ni Blaine.
Napa hinga ng maluwag si Ivory nang bumalik na ang temperatura ng binata sa normal. Bumaba na si Ivory sa kusina para mag luto ng pagkain, puro masustansya ang niluluto niya dahil na rin sa kalusugan na pinapangalagaan ni lola Griselda.
“Good morning lola Ris” bati ni Ivory sa matanda nang makita niyang nag ka kape ito sa may kusina.
“Good morning apo, kamusta ang pakiramdam ni Blaine?” tanong ni lola Griselda sa dalaga.
“Ayos naman na po ang pakiramdam niya lola, bumaba na po ang temperature niya. Ano po mga paborito ni Blaine lola?” tanong ni Ivory habang na hahalungkat sa ref ng pwedeng iluto.
“Kare kareng baboy apo” sagot ni lola Ris. Tumango si Ivory sakto namang paborito niya ring iluto ang kare kare.
“Ikaw po lola, ano pong gusto niyong pananghalian?” tanong ni Ivory sa matanda.
“Kare kare rin apo, sabi naman ng doctor pwede akong kumain ng baboy, huwag lang ang taba taba.” sambit ni lola Ris.
“Copy lola, alisin ko na po ang mga taba tabang parte ng baboy para hindi na mamili mamaya habang nasandok” nakangiting sambit ni Ivory.
“Specialty mo talaga ang pag luluto ano?” nakangiting tanong ni lola Ris kay Ivory.
“Tinuruan po ako ni mama lola, para raw po kapag ako nalang mag isa sa apartment, kaya ko raw po lutuan sarili ko.” nakangiting sambit ni Ivory habang nag hihiwa ng gulay.
“Hindi naman marunong mag luto si Blaine, puro lang siya trabaho. Pihikan din sa pagkain ang batang iyon." Naiiling na sambit ni lola Griselda.
“May allergy po ba siya sa pagkain lola?” tanong ni Ivory.
“Oo apo, alimango, lobster, tahong, pusit din bawal sakanya. Kaya puro karne ang kinakain niya, gulay din.” nakangiting sambit ni lola Griselda, tumango si Ivory at tinatak sa isipan niya iyon.
“Ang hirap pala niya pakainin lola, puro unhealthy kinakain niya.” naiiling na sambit ni Ivory.
“Ewan ko ba sa batang iyon, minsan ay hindi rin siya kumakain dahil busy sa trabaho niya.” sagot ni lola Griselda, ngumiwi si Ivory sa narinig sa matanda.
“Buti nandito siya lola? Kung busy siya sa trabaho niya?” nag tatakhang tanong ni Ivory at tinikman ang niluluto niya.
“Ewan ko sa batang iyon, lagi nalang talaga sumusulpot iyon dito, madalas kapag sobrang stressed na siya sa trabaho niya, pupunta siya rito para rito nalang muna mag trabaho. Pero madalas hanggang isang linggo lang siya rito.” sambit ni lola Griselda, tumango si Ivory sa sinabi nito.
“Luto na po ang ulam lola, ipag hahain ko na po ba kayo?” tanong ni Ivory kay lola Griselda.
“Oo apo, mukhang masarap, amoy palang” nakangiting sambit ni lola Griselda, ngumiti si Ivory at kumuha ng pinggan na may kanin, at nilagyan ng kare kare, nag lagay din ng bagoong sa platito at nilapag sa lamesa.
Inasikaso ni Ivory ang pagkain ni Blaine at nilagay sa isang tray para hindi siya mahirapang mag bit bit.
Dere deretsong pumasok si Ivory sa kwarto ni Blaine, nadatnan ng dalaga ang binata na naka harap sa laptop nito at nag titipa.
“Talaga naman" problemadong sambit ni Ivory.
“Hi” nakangiting sambit ni Blaine sa dalaga.
“Kumain ka muna” sambit ni Ivory, tumango si Blaine at inalis ang laptop nito sa study table nito, kaya nailapag ni Ivory ang tray sa lamesa.
“Oh kare kare, did you cook this?” tanong ni Blaine habang tinitignan niya ang ulam na nasa mangkok.
“Oo, kumain kana.” sambit ni Ivory at nag simula nang mag lakad palabas ng kwarto ni Blaine.
“Wait, Ivory.” tawag ni Blaine sa dalaga, nag papadyak namang hinarap ni Ivory ang binata.
“Ano na naman?” problemadong sambit ni Ivory.
“Can you help me? My hands are kind of hurting.” sambit ni Blaine habang hinahawakan nito ang kamay niya, tumaas ang kilay ng dalaga.
“Anong arte ’yan? Nakaya mo ngang alisin ang laptop mo sa lamesa mo, tapos hindi mo kaya hawakan ang kutsara at tinidor?” masungit na tanong ni Ivory sa binata, ngumiwi si Blaine at tinignan ng masama ang laptop nito.
“Ivory” naka simangot na sambit ni Blaine.
“Ayoko, matanda kana Blaine. Kaya mo nang kumain mag isa mo” sambit ni Ivory.
“I won't eat then, take this food with you, Ivory.” masungit na sambit ni Blaine, napa sabunot nalang si Ivory sa buhok niya at padabog na lumapit sa binata.
“Akina, ayoko sa makulit. Sasalaksakin kita ng kutsara.” banta ni Ivory, tumango si Blaine.
Tumango si Ivory at hinawa hiwa ang baboy pagkatapos haluan ng sarsa ng kanin, kumuha ng kapirasong baboy si Ivory ay nilagyan ng bagoong pagkatapos ay kanin, tsaka niya sinubo kay Blaine.
“You cook so good” sambit ni Blaine. Umikot naman ang mata ni Ivory.
“Ang sabi ni lola Ris, maarte ka raw sa pagkain?” tanong ni Ivory sa binata.
“A little” sambit ni Blaine, tumango naman si Ivory at patuloy na sinusubuan ng pagkain si Blaine, tanggap lang naman nang tanggap ang binata kaya hindi nahirapan si Ivory pakainin ito.
Pagkatapos kumain ni Blaine, inayos na ni Ivory ang pinag kainan nito at napag desisyunang ibaba na ito sa kusina.
“Mag pahinga ka nalang diyan.” sambit ni Ivory, tumango si Blaine at humiga na sa kama, inayos ni Ivory ang comforter na naka balot kay Blaine, pagkatapos ay kinuha na niya ang tray, at lumabas na ng kwarto ng binata.
Dumiretso siya sa kusina at sinimulang hugasan ang mga kasangkapan na ginamit, pagkatapos niyang mag linis ay dumiretso siya sa sala para magpa lipas ng oras, habang palabas siya ng kusina ay naka bangga siyang isang lalaki.
“Pasensya na” sambit ni Ivory at tinangkang lampasan ang lalaki pero hinawakan siya nito sa braso.
“Anong kailangan mo?” nakataas ang kilay na sambit ni Ivory.
“I don't accept sorry, a kiss will do.” nakangising sambit nito at akmang hahalikan nito si Ivory, tinulak ito ni Ivory at sinampal.
“Punyeta ka ah.” galit na sambit ni Ivory, ngumisi lang ang lalaki at tinitigan si Ivory.
“Hard to get, definitely my type.” sambit nito at akmang lalapit pa, nang biglang sumulpot si Blaine at sinuntok ang lalaki sa mukha.
“Stop your crazy antics Jarrel. Mahiya ka kay lola, dinadala mo pagiging manyakis mo rito.” galit na sambit ni Blaine.
“Oh cousin, the favorite grandchild. Bakit ka nandito?” tanong ng lalaking nag ngangalang Jarrel.
“It’s none of your f*****g business.” galit na sambit ni Blaine at hinila si Ivory palayo sa lalaki.
“Luluhod ka rin sa'kin babe, sa'kin ka rin ma pupunta.” sambit ng lalaki, naramdaman ni Ivory ang galit na dumaloy sa buong pagkatao niya, bumitaw siya sa pagkaka hawak ni Blaine at deretsuhang sinipa ni Ivory ang maselang parte sa katawan ni Jarrel, at sinuntok ito ng dalaga sa mukha. Napaluhod si Jarrel sa harapan ni Ivory.
“Sinong naka luhod ngayon? Hindi ba ikaw? Gàgo!” sambit ni Ivory.
“Acting strong eh?” nang aasar na sambit ni Jarrel kahit namamalipit na ito sa sakit.
“Hindi ko kailangan mag panggap Jarrel, dahil natikman mo na ang kamao ko. Ulitin mo pa, kutsilyo na ang babaon diyan sa leeg mo. Huwag mo akong susubukan.” mahinang banta ni Ivory at tinulak ang lalaki.
“Anong nangyayari rito? Bakit ka nandito Jarrel?” galit na tanong ni lola Griselda sa lalaking naka higa sa sahig, namimilipit sa sakit.
“Bigla nalang sumulpot lola, at binastos niya si Ivory at tinangka pang halikan.” sambit ni Blaine.
“Wala talagang pinipili yang katarantaduhan mo sa katawan, Jarrel.” galit na sambit ni lola Griselda at inaya na ng matanda ang dalawa para iwan ang lalaki roon.