Nilapag ni Ivory ang pagkain at hinintay si Blaine dahil may sasabihin daw ito sakanya.
“Matagal pa ba?” bugnot na sambit ni Ivory, gusto nang umalis ng dalaga dahil sa kahihiyan na naramdaman niya kanina.
“Wait, I am just here for luke two minutes” reklamo ni Blaine, pina lobo ni Ivory ang dalawang pisnge niya para habaan ang pasensya niya.
“Let’s eat” sambit ni Blaine pagka labas ng walk in closet nito.
“Ha? Ikaw lang ang kakain niyan.” sambit ni Ivory, kumunot ang noo ni Blaine sa pagkain at tinuon ang pansin sa dalaga.
“You think kaya kong maubos ito?” tanong ni Blaine sa dalaga.
“Ikaw na bahala r’yan” sambit ni Ivory at tumalikod na para lumabas pero mas naging mabilis ang kilos ni Blaine, binuhat niya ang dalaga na parang sako, ni lock ni Blaine ang pintuan at binagsak ang dalaga sa kama.
“Ano ba?!” bulong ni Ivory at binalak na bumaba sa kama ni Blaine pero agad siyang dinaganan ni Blaine para hindi ito maka baba sa kama.
Kinuha ni Blaine ang dalawang kamay ng dalaga at pinangko ito sa itaas ng ulo ni Ivory.
“You will help me finish those foods or I'll kiss you? Choose, Ivory.” bulong ni Blaine at binaba ang mukha malapit sa mukha ni Ivory, iniwas ni Ivory ang mukha niya kaya ang leeg ng dalaga ang muntik na mahalikan ng binata.
“Speak Ivory” bulong ni Blaine, na tila inuutusan ang dalaga.
“S-sige, tutulungan na kita” mahinang bulong ng dalaga.
“Good” sagot ni Blaine.
Habang inaamoy ni Blaine ang leeg ng dalaga, biglang mag kumatok sa pintuan.
“Ivory apo? Kinakain na ba ni Blaine ang pagkain niya?” tanong ni lola Griselda sa pintuan.
“O-opo lola, binabantayan ko po siya para ubusin niya ang pagkain niya.” sambit ni Ivory.
Hindi na sumagot si lola Griselda pero narinig ng dalawa ang yapak nito papalayo.
“Hm, you smell so good” sambit ni Blaine habang patuloy na inaamoy ang leeg ni Ivory.
“Alis na, Blaine.” sambit ni Ivory, tinitignan ni Blaine si Ivory.
“Say my name again” sambit ni Blaine, nag tatakha namang tumingin si Ivory kay Blaine pero sinunod pa rin naman niya ang gusto ng binata.
“Blaine” sambit ni Ivory, tumango si Blaine at ngumiti, umalis na ito sa ibabaw ni Ivory kaya naka hinga ng maluwag si Ivory.
“Let’s eat” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at umupo sa kama.
Ibinigay ni Blaine kay Ivory ang mga matatamis na pagkain at mga prutas.
“Bawasan mo ’to Blaine, andami” naiiyak na sambit ni Ivory nang makitang halos sakanya ibinigay ni Blaine ang lahat ng pagkain na nasa tray.
“You need that, para medyo magka laman naman ang katawan mo” walang prenong sambit ni Blaine.
“Ganito na ang katawan ko noon pa” angil ni Ivory.
“Still no, Ivory. You need to eat” sambit ni Blaine, sumimangot si Ivory, tama naman si Blaine na kailangan niyang kumain pero sobra yata ang pina pakain niya sa dalaga.
“Blaine, please?” nag mamakaawang sambit ni Ivory, napatingin si Blaine kay Ivory at pinikit niya ang dalawa niyang mata.
“Fine, just one cupcake.” sambit ni Blaine, ngumisi si Ivory.
“One cupcake and one donut, Blaine.” sambit ni Ivory at tinitigan sa mata ang binata. Umiwas ng tingin si Blaine kay Ivory.
“Fine” sambit ni Blaine kaya napangisi si Ivory at masayang kumain.
“You look happy” puna ni Blaine.
“Yes” nakangising sambit ni Ivory.
Pagkatapos nilang kumain, humiga si Blaine sa kama niya, nakita ni Ivory ang pamumutla ng binata kaya nilapitan niya agad ito at pinatong ni Ivory ang likod ng palad niya sa noo ni Blaine, para namang napaso ang dalaga sa init ni Blaine.
“Inaapoy ka ng lagnat, Blaine” sambit ni Ivory. Dali daling bumaba si Ivory sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig.
“Why are such in a hurry apo?” tanong ni lola Griselda
“Inaapoy po kasi ng lagnat si Blaine lola” sagot ni Ivory. Napangiwi si Ivory nang mataranta ang matanda.
“Omy my apo! Wait Ivory” natatarantang sambit ni lola Griselda.
“Ah, ako na po lola ang mag aalaga kay Blaine, chill lang po kayo. Upo nalang po kayo r’yan, huwag ka na po mag alala lola” pagpapa kalma ni Ivory sa matanda. Kumalma si lola Griselda kaya naka akyat ng matiwasay si Ivory.
Naka pasok na si Ivory sa kwarto ni Blaine, nakita niyang mahimbing na ang tulog ng binata, dahan dahang umupo si Ivory sa gilid ng kama ni Blaine at sinimulang punasan ang mukha ng binata at leeg, pati ang dalawang kamay ni Blaine ay pinunasan na rin ni Ivory.
“Blaine, Blaine” bulong ni Ivory, pero hindi nagigising ang binata, walang pag pipilian si Ivory kung hindi siya mismo ang mag alis ng damit ng binata. May hinanda nang puting sando si Ivory para kay Blaine.
Matiwasay namang napalitan ni Ivory ang damit ni Blaine, nilagay ni Ivory ang damit ni Blaine sa may lamesa, akmang tatayo ang dalaga nang hilahin siya ni Blaine sa kama pahiga sa tabi niya.
“Blaine ano ba?" Bulong na sambit ni Ivory pero hindi na siya pinansin ng binata, kinumutan siya ng binata at niyakap nito ang katawan ni Ivory.
“So cold, so cold” bulong ni Blaine habang naka yakap kay Ivory. Ramdam ni Ivory ang panginginig ng binata kaya hinayaan nalang niya itong nakayakap sakanya.
Umayos ng higa si Ivory, siniksik naman ni Blaine ang mukha nito sa leeg ni Ivory, hinayaan lamang ni Ivory ito at sinuklay suklay pa ang buhok ni Blaine.
Ilang minuto nang tahimik ang buong kwarto, tanging pag hinga lang ang naririnig ni Ivory hanggang sa mag salita si Blaine.
“Can you tell me what's your life before you came here?” tanong ni Blaine sa dalaga. Tinignan ni Ivory ang binata pero naka pikit ito.
“Akala ko tulog kana” sambit ni Ivory.
“I can't sleep, make kwento please?” sambit ni Blaine, bahagya namang natawa si Ivory sa pagiging conyo nito.
“Bakit?” tanong ni Ivory sa binata.
“I just want to know what is your life before living here. Because I always see the sadness on your eyes.” sambit ni Blaine, ngumiti ang dalaga.
“Hindi naging maganda ang buhay ko sa bahay ng tiyahin ko, Blaine. Ginawa nila akong alipin sa bahay nila. Namatay ang parents ko na hindi ko man sila naiburol, agad libing. Ni kabaong wala man lang sila. Galit na galit ako pero wala akong magawa. Pagkatapos ay ang tiyuhin ko, ilang beses niya akong binalak hipuan, gabi gabi rin siyang kumakatok sa pintuan ko.” naka pikit na sambit ni Ivory, pilit na nilulunok ang bukol sa lalamunan niya, at ang mga luha niyang pinipigilan tumulo. Humigpit ang pagkaka yakap sakanya ni Blaine, pero ito nag salita. .
“Hindi kailanman naging mahirap ang buhay ko, hindi lang isang beses na binalak ko sumunod sa mga magulang ko, pero isang gabi nag pakita ang parents ko sa panaginip ko, na kailangan kong mabuhay. Na may nag hihintay pa na magandang bukas para sa'kin. Tinanggal ng tiyahin ko ang pangarap ko, at ang karapatan ko mabuhay. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya naisipan ko mag layas.” bulong ni Ivory.
“Didn’t your parents especially your dad tell you something about his lineage?” tanong ni Blaine.
“Wala siyang sinabi sa'kin Blaine, kahit kapiraso kaya pinaniwalaan ko na wala nang kamag anak si papa.” nahihirapang sambit ni Ivory.
“There is something that your dad doesn't want you to discover.” bulong ni Blaine.