Pagkatapos ng nangyaring gulo dahil kay Jarrel, pinauwi soya ni lola Ris. Kasalukuyang nag aayos si Ivory ngayon dahil inutusan siyang mamalengke ni lola Ris. Pagkatapos mag ayos ni Ivory, bumaba na siya sa sala at pinuntahan si lola Ris.
“Tapos na po ba ang listahan lola?” tanong ni Ivory sa matanda pagka baba niya sa sala.
“Oo apo, pa sama ka nalang sa driver okay? Ikaw nalang kasi ang natirang kasambahay dito, ikaw nalang nag aalaga sakon.” nakangiting sambit ni lola Ris.
“Ayos lang po lola, trabaho ko po ito. Punta na po akong palengke lola.” sambit ni Ivory, nakangiting tumango ang matanda kaya nag lakad na palabas si Ivory pero bigla siyang tinawag ni Blaine.
“Where are you going, Ivory?" Tanong ni Blaine sa dalaga.
“Pupunta ako sa palengke, Blaine.” sagot ni Ivory.
“Oh? Sama ako.” sambit ni Blaine.
“Huwag na” sagot ni Ivory.
“No, sasama ako. Tsaka wala akong driver. Inutusan ko.” sambit ni Blaine at dali daling umakyat sa kwarto nito.
“Hayaan mo na si Blaine apo, madalang lang iyan lumabas ng bahay, siya nga pala. Bumili ka rin ng mga pagkain mo ha? Mga snacks mo para kapag nagutom ka sa madaling araw, may kinakain ka.” nakangiting sambit ni lola Griselda.
“Salamat lola” malambing na sambit ni Ivory, ngumiti naman si lola Griselda.
Hindi naman nag tagal ay bumaba na si Blaine na naka suot ng simpleng t-shirt at jogging pants.
”Mauna na po kami lola” nakangiting sambit ni Ivory, tumango si lola Griselda at nag bilin lang.
“Let’s go Ivory, we will use my car.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at sumakay na sa sasakyan ni Blaine.
“Alam mo ba ang palengke rito?” tanong ni Ivory habang inaayos niya ang seatbelt niya.
“Yes” sagot ni Blaine, tumango naman si Ivory at pinag masdan ang dinadaanan nila.
Nalibang si Ivory sa dinadaanan nila kaya hindi niya napansing nandito na pala sila, bumaba na si Ivory at tinitigan ang buong lugar, malinis ang palengke rito, wala ring gaanong tao pero puno ang paninda bawat stall, at halatang fresh pa ang mga ito.
“Let’s go on the grocery store first” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at sabay na silang nag lakad papunta sa grocery store.
Kumuha ng dalawang cart si Blaine, pina hawak niya ang isa kay Ivory.
“Bakit dalawa?" Kunot ang noong tanong ni Ivory sa binata.
“Your cart will be filled with lots of snacks, my snacks and yours." Sambit ni Blaine, tumango naman si Ivory at nag simula nang dumampot ng mga gusto niya.
“You like junkfoods more? That's unhealthy." Sambit ni Blaine habang nag lalagay ng mga cereal sa cart.
“Ikaw nga puro meat kinakain mo?” patanong na sagot ni Ivory, umiling naman si Ivory kay Blaine.
“It’s because I have allergy sa mga seafoods.” sambit ni Blaine at kumuha ng iba pang healthy snacks.
“Kahit na” sambit ni Ivory at nag lagay ng trail mix.
“Kahit na” nang aasar na sambit ni Blaine kaya sinuntok ito ni Ivory sa braso.
“Bwisit ka ha” sambit ni Ivory at inirapan ang binata, nang mapuno na nila ang cart nila, dumiretso sila sa mga pinapa bili ni lola Griselda.
“I want to bake” malungkot na sambit ni Ivory nang makita ang mga ingredients sa pag bebake.
“You know how to bake?" Tanong ni Blaine sa dalaga nang marinig nito ang sinabi ni Ivory.
“Yes, tinuruan ako ni mama, kaso binenta nila tita mga tools ko sa pag bebake.” nakangusong sambit ni Ivory at tinuloy ang pag lalagay ng mga pinapa bili ni lola Griselda.
“Do you want to bake, Ivory?” tanong ni Blaine sa dalaga.
“Yes” naka labing tanong ni Ivory. Tumango si Blaine.
“Kunin mo lahat ng mga gagamitin mo sa pag be bake, including ingredients. Damihan mo.” sambit ni Blaine, gulat na napatingin ang dalaga kay Blaine.
“Seryoso ka ba? Baka joke time ’to ha.” sambit ni Ivory sa binata, nag dududa.
“No, it's a joke. Bilis, baka mag bago pa ang isip ko.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at nang hingi ng assistance sa mga staffs.
“Are you happy now?" Nakangiting tanong ni Blaine sa dalaga pagkatapos nilang ilagay sa kotse ang mga pinamili nila sa grocery store.
“Yes! Thank you Blaine!” nakangising sambit ni Ivory.
“Happy birthday, Ivory.” nakangiting sambit ni Blaine habang naka titig sa dalaga, gulat na napatingin ang dalaga kay Blaine, kaya natawa ito.
“Paano mo nalaman?” gulat na tanong ni Ivory sa binata.
“I have my ways, Ivory." Nakangising sambit ni Blaine.
“Thank you” nakangiting sambit ni Ivory.
“Let’s go now” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at nag punta na sila sa palengke.
“Bakit andami naman yatang pinapa bili ni lola?" Nagtatakhang tanong ni Ivory.
“I don't know eh” maang maangang sambit ni Blaine, tumango lang si Ivory at pinag patuloy na nila ang pamimili nila.
Pagkatapos nilang mabili ang mga nasa listahan, agad din silang bumalik sa kotse. At nag drive na pauwi si Blaine, chine check ni Ivory ang cellphone niya nang makita ang text message galing sa tiyahin niya, hinahanap siya. Napag desisyunan ni Ivory na alisin ang sim ng cellphone niya at tinapon ito sa labas.
“What’s that?" Nag tatakhang tanong ni Blaine sa dalaga.
“Ah yung sim ko, text kasi nang text tita ko, akala mo naman talagang nag aalala sa'kin.” badtrip na sambit ni Ivory.
“Cut your connections to them, hindi mo sila kailangan.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory sa sinabi ng binata.
“Pagka park ni Blaine sa parking lot ng mansyon, bumaba na silang dalawa para ibaba na ang mga pinamili nila.
“Huwag na Ivory, ayusin mo nalang ang mga snacks na binili natin, paki ayos nalang sa kwarto ko” sambit ni Blaine, tumango ang dalaga at kinuha ang mga snacks na binili nila, kinaya naman itong buhatin ni Ivory.
Inuna ng dalaga na pumasok sa kwarto ni Blaine, may mini ref dito at mga racks kung saan pwedeng ilagay mga pagkain. Isa isang nilagay ni Ivory ang mga binili ni Blaine, at inayos niya ito. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto ng binata bitbit ang mga pagkain na binili niya.
Gutumin si Ivory kapag madaling araw, lalo na mahilig ang dalaga manood ng kung ano ano sa internet, sinimulan nang ayusin ni Ivory ang ang mga pagkain, katulad ng kay Blaine, may mini ref din sa kwarto niya, pagkatapos niyang ayusin ang mga pagkain ay napag desisyunan niya munang matulog dahil sinabi ni lola Griselda ay may pupunta sa mansyon para mag luto para sakanila.
Nagising si Ivory sa mahihinang katok sa may pintuan ng kwarto niya, tumayo si Ivory at binuksan ang pintuan, bumungad sakanya si Blaine na may hawak na magandang dress.
“Take a bath and wear this, be beautiful and all, after that, baba ka sa may dining area.” sambit ni Blaine at binigay sa dalaga ang dress na hawak nito. Kahit nah tatakha ay ginawa ni Ivory ang sinabi ni Blaine.
Kakatapos lang mag ayos ni Ivory, at napag desisyunan na niyang bumaba at mag punta sa dining area. Nagulat si Ivory sa nadatnan sa dining area, naka patay ang mga ilaw pero may ilaw nang gagaling sa mga kandila kaya sobrang romantic ng kinalabasan ng set up, marami ring pagkain sa lamesa.
“Happy Birthday, Ivory!” nakangiting sambit ni lola Griselda at Blaine. Ngumiti si Ivory at dahan dahang nag lakad papasok sa dining area.
“Thank you po” naiiyak na sambit ng dalaga.