CHAPTER 1: The Planning

2073 Words
SKYE "How was it?" tanong ko kay Cliffer habang mataman niyang tinitingnan ang sketch ng female character na ipinakita ko. Ilang minuto na rin siyang tahimik lang at nakatitig sa monitor ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa sasabihin niya dahil maya't-maya ang pagkunot ng noo niya at bahagyang pagkiling ng ulo na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya roon. I've known Cliffer Montalvo since we were in college. Not to mention that we were also classmates and partners in most of our major subjects in Arts for three years. Siya ang number one critic ko sa mga gawa kong drawings noon pa man. Direkta niyang sasabihin ang mga gusto niyang sabihin nang walang pag-aalinlangan - maganda o pangit man iyon. That's how frank he was. And I'm already used to it. "It's good. Just a little fix in the eyes. Your character was supposed to be fierce, right? Her eyes were lack of it." Tumango-tango ako. "Okay. I'll fix it." Not bad, though. At least, mata lang ang hindi okay sa kanya. The overall style and outfit were okay to him. Hindi man siya nagkomento roon, alam kong approved iyon sa kanya. Ang mali at kulang lang naman palagi ang pino-point out niya sa mga gawa ko. "Ito naman ang tingnan mo," sabi niya bago iabot sa 'kin ang tablet niya. "I need your input on this." Nang abutin ko iyon, hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang male character niya. Hindi ito basta sketch lang, detailed na at may kulay na rin. It was almost done, actually. And just like the description of his character's personality, you can see it in his appearance. Powerful and dangerous. Siguradong approval na lang ang kailangan at ready for release na ang character niya. At hindi naman malabong mangyari. "So? What can you say?" I couldn't help but roll my eyes at him when I saw a proud smile on his lips. "Kung hinihintay mo lang na purihin ko ang gawa mo, not gonna happen, Montalvo," sabay tapal ko ng tablet sa tiyan niya.  Bahagya siyang natawa nang kunin niya iyon. "You're not being honest, Montenegro."  Umirap lang ako sa kanya bago kinuha ang stylus ko para ayusin na ang sketch ng female character ko. Alam naman niyang wala talaga akong masasabi sa mga gawa niya. Wala kang makikitang butas o kulang sa mga iyon. Sabi nga ng iba, almost perfect ang artworks niya. Just like its own artist. Besides, yayabangan lang niya 'ko at lalaki lang lalo ang ulo niya kapag pinuri ko ang gawa niya. Tsk. Ang mga characters na ginagawa namin ni Cliffer ay part ng new game project na planong i-release ng MG-Tech In sa third quarter of this year. Kahapon lang kami nagsimula for the game concept, pero tapos na agad ni Cliffer ang design concept niya sa isa sa mga main characters ng game. We have the last week of March and the whole second quarter to work on the phase one of this new mobile game project. MG-Tech In stands for Mobile Game and Technology Innovation, founded by Uno Kien Montecaztres, the current President of the company. Kahit anim na taon pa lang ang MG-Tech In, it was already one of the top and leading game development company in the country. Pagka-graduate namin ng college seven years ago, nag-develop si Uno ng isang MMORPG game for mobile phones. According to him, it was developed out of boredom. Wala siyang magawa during that time at hindi pa siya interesadong mag-undergo ng management training sa company ng Papa niya. Besides, he wanted to make a name for himself. Hindi land dahil anak siya ng isang Errol Nathaniel Montecaztres, isang kilala at sikat na negosyante sa business world. Maraming good reviews at umabot sa million of downloads ang game niya in just three months after its release in the market. Nag-rank one ito sa most popular games at naging editor's choice din. Then, naging sunud-sunod din ang interview sa kanya nang makilala at maging successful ang first developed game niya. At naging mas matunog pa ang pangalan niya nang bukod sa guwapo, ay napakabata pa ng game developer. At the age of 21, he made a name for himself - just like he wanted to. And MG-Tech In was born. Isa ako sa mga naging pioneer at regular na empleyado ng kompanya as a multimedia and graphic artist. Same with Cliffer, but he was only contractual. Pumapasok lang siya sa office kapag nandito siya sa 'Pinas. Kapag wala naman siya sa bansa, through Skype siya uma-attend ng meeting at through email niya isine-send ang designs na gawa niya.  Minsan nang inalok ni Uno ng full-time position sa kompanya si Cliffer, pero tinanggihan niya ito. Alam ko ay may business siya with Lander and other two men sa ibang bansa at hindi niya iyon puwedeng talikuran. Kung anong business iyon, walang nakakaalam. Masyado silang malihim ni Lander. Tapos, nakakaduda rin ang identity ng dalawa nilang kasama sa business na iyon. Minsan ko nga siyang niloko na baka shady or monkey business lang iyon.  "Legal ang business namin, Skye. Ayaw lang naming maraming makaalam dahil ayaw rin namin ng maraming trabaho. Besides, masyadong personal din ang dahilan kung bakit iyon ang pinili naming business." Hindi naman siya pinilit ni Uno. Iba na lang ang in-offer sa kanya, which is 'yung pagiging contractual nga niya. Hindi na rin naman siya nakatanggi kaya pumayag na rin siya. Madalang din naman siya sa opisina dahil mas madalas siya sa LA kung saan nakabase ang business nila. Pinakamatagal niyang pag-stay rito sa 'Pinas ang dalawang linggo. Ngayong buwan ng March lang siya nagtagal dito sa bansa. Almost three weeks na rin siyang pumapasok at nakakasama namin sa opisina. Dito raw muna siya hangga't wala pa siyang planong bumalik sa LA.  Napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon sa may pinto nang bumukas iyon.  "Team, let's have a meeting," anunsiyo ng team leader ng Design Department. Nagkatinginan muna kami ni Cliffer bago walang salitang tumayo sa upuan namin at naglakad palabas kasabay ng ibang tao sa team. ----- "'Ma, 'Pa, kumusta na po? It's been a while." Naupo ako sa damuhan bago tinanggal ang mga lantang bulaklak sa dalawang vases. Pinalitan ko ang mga iyon ng mga sariwang white roses. Nang mailagay ko na ang mga bulaklak, kinuha ko naman ang sketch pad ko. "Look n'yo po, oh. My new design for my wedding dress." At ipinakita ko ang new sketch ko. "Alam ko po na may dati na 'kong design sa wedding dress ko. Pero, gumawa pa rin po ako ng bago. Sa new design, instead of my favorite flower, 'yung favorite flower n'yo po ang inilagay ko, 'Ma. Then, 'yung original na mermaid cut dress, I made it into a princess cut dress. Just like you wanted me to be, 'Pa. Because you always told me I'm your only princess, right? Then, si Mama ang only queen mo. Anyway, alam n'yo po ba kung bakit ko binago ang design?" pagkukuwento ko. Tumingin ako sa sketch pad at nakangiting hinagod ng mga daliri ko ang design ng wedding dress ko. "Kasi gusto ko pong maramdaman na kasama ko pa rin kayo. Kasama ko kayong maglakad sa aisle habang inihahatid n'yo ko sa lalaking pakakasalan ko. Iyon ang original plan natin, 'di ba?" Halos mabasag na ang boses ko sa huling sinabi ko. Tumingala ako at pumikit nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Agad ko ring itinabi ang sketch pad ko. Mahirap na at baka mabasa pa ang design ng wedding dress ko. Ilang minuto rin ako sa gano'ng posisyon bago nagmulat ng mga mata. Isang maaliwalas na kalangitan ang bumungad sa 'kin. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ibinalik ang tingin sa harapan. "Miss ko na po kayo, 'Ma... 'Pa..." mahinang sambit ko habang hinahaplos ang mga pangalang nakaukit sa lapida. Hindi ko na rin napigilan pa ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Five years ago, my parents died in a car accident one month before my wedding. Lasing ang driver ng truck na nakabangga sa kanila at hindi nakaiwas ang sasakyan ng mga magulang ko. Dead-on-the-spot si Mama habang naisugod pa sa hospital si Papa. Pero, nang magkamalay ito at magpaalam sa 'kin, agad din itong binawian ng buhay. Sa isang iglap, sabay na nawala ang mga magulang ko sa isang gabi lang. And that night was the darkest day of my life. Isang bangungot. Nahiling ko na sana isang masamang panaginip lang talaga iyon at paggising ko, buhay pa sila. Na babalik din sila. Pero, sa tuwing gigising ako, walang Cloud at Dawn Montenegro akong nabubungaran. Wala na talaga sila. Sa loob ng isang linggong burol, hindi ako makausap nang matino. Tahimik lang ako at walang ganang kumilos. Ni hindi ko na magawang umiyak. Good thing at nasa tabi ko no'n si Uno. Hindi niya 'ko iniwan at pinabayaan. Nando'n din ang mga magulang niya at mga magulang ng kaibigan namin para mag-asikaso sa mga nakikiramay. Hindi rin ako iniwan ng mga kaibigan namin. Umiyak na lang ulit ako sa mismong libing nila. Pagkatapos ng libing, tinanong ako ng lola ko kung gusto kong sumama sa kanila pabalik ng Bacolod. Lahat kasi ng kamag-anak namin ay doon naninirahan. Sabi ko ay pag-iisipan ko muna. Hindi rin naman kasi ako puwedeng umalis agad dahil nasa Manila ang trabaho ko.  Then, kinausap ako ng mga magulang ni Uno. Inalok nila akong tumira sa kanila kung ayaw ko raw bumalik sa probinsiya namin. Nangako kasi sila sa mga magulang ko na aalagaan raw ako at hindi pababayaan. Uno convinced me, too, to accept his parents' offer. Hindi naman ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon. Ayoko rin namang mapag-isa sa bahay namin. Ikababaliw ko iyon. Isang linggo pagkatapos mailibing ng mga magulang ko, lumipat na 'ko sa bahay nila. At sinabi ko rin kay Uno ang desisyon ko na ipagpaliban ang kasal namin hanggang sa maging maayos na ang lahat. Hanggang sa maging maayos na ulit ako. He agreed without asking any questions.  At ngayon nga, limang taon na ako sa poder ng mga Montecaztres. Uno's parents were good to me. They treated me like their own daughter, too. And they were like a real parents to me. At hindi naman magtatagal, magiging magulang ko na rin talaga sila. The postponed wedding will happen six weeks from now. Hindi ko rin naman akalain na aabot ng limang taon bago matuloy ulit ang kasal namin ni Uno. Sa mga nakalipas na taon, wala sa 'min ang nagbanggit tungkol sa naudlot na kasal. Bukod pa roon, pareho kaming naging busy sa mga trabaho namin. Walang pagkakataon para pag-usapan ulit ang kasal. Hindi rin nagtatanong si Uno tungkol doon. Siguro dahil ako rin lang talaga ang hinihintay niya na mag-open up no'n. Maybe because he didn't want to pressure me. Kaya naman last month, sinabi ko sa kanya na ready na ulit ako. Besides, we were supposed to get married five years ago. Baka mamaya, magbago pa ang isip niya at maghanap na ng ibang pakakasalan. Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang maramdaman na may umupo sa tabi ko. Ang guwapo at nakangiting mukha ni Uno ang nalingunan ko. "You okay?" Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko. He gently wiped away my tears. "Uh-huh," tumatangong sambit ko bago ibinalik ang tingin sa harapan. "Ipinakita ko sa kanila ang new design ng wedding dress ko. Magugustuhan kaya nila kapag isinuot ko na sa araw ng kasal natin?" Sumunod dito si Uno dahil after naming dalawin ang mga magulang ko, dederetso kami sa botique kung saan ipapatahi ang wedding dress ko. Nakontrata na namin ang magtatahi no'n na tatapusin ang gown in just a month and according to her, kaya naman daw.  "I'm sure they'll do. Bukod sa anak ka nila, ikaw ang nag-design no'n. They're always so proud of you, Skye." Napangiti ako. "Sinabi ko rin sa kanila na multuhin ka kapag iniwan mo 'ko sa ere," pagbibiro ko. Malakas siyang tumawa bago umakbay sa 'kin. "Sa tingin mo, magagawa ko 'yon? I can't lose you, remember? Besides, ayoko ring multuhin ng mga magulang mo." Natawa na rin ako bago inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. Ilang minuto rin kami sa gano'ng posisyon bago siya muling nagsalita. "Are you ready to be Mrs. Uno Montecaztres?" Tumingala ako sa kanya at matamis na ngumiti. "I'm ready, Kien. Five years ago pa." Unti-unting lumapit ang mukha niya hanggang sa dumampi ang labi niya sa noo ko at pagkatapos ay ikinulong ako sa mga bisig niya. Pumikit ako bago gumanti ng yakap sa kanya.  This is it. Matutuloy na talaga ang long overdue na kasal namin ni Uno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD