PROLOGUE
"Ash!"
Lumingon ang taong tinawag ko. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya nang makalapit ako sa kinatatayuan niya.
"Skye? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Nagpalinga-linga siya sa likuran ko na para bang may hinahanap. "Nasa'n siya?"
"May importanteng inaasikaso kaya ako ang pinapunta niya. May usapan nga raw kayo na may susunduin dito sa airport."
"Mas importante pa kaysa sa taong susunduin namin?"
Kibit-balikat lang ang naging sagot ko. Ilang minuto rin kaming nakatayo at nakatingin lang sa mga taong lumalabas sa arrival area. Mayamaya pa, binalingan ko si Ash. "Sino ba ang susunduin n'yo?"
Nagtatakang lumingon siya sa 'kin. "He didn't tell you?"
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Hindi, eh. Wala siyang binanggit. Ang sabi lang niya ay puntahan kita rito at samahan sa pagsalubong sa taong 'yon."
Ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa 'kin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "His twin. Ngayong araw ang balik niya."
Natahimik ako at bahagyang natigilan. Hindi pa man ako nakakahuma sa narinig, ibinalik na niya ang tingin sa harapan. Then, as if she saw something or someone that made her face lit up in delight. "Oh, he's here." Bahagyang lumayo si Ash at tumalikod. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong itinaas niya ang isang kamay at kumaway sa direksyong tinitingnan habang tinatawag ang pangalan ng taong iyon.
Parang itinulos naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang lumingon sa direksyon nila. Kahit inuutusan na ng utak kong ihakbang ang mga paa ko palayo, ayaw sumunod ng katawan ko. At mas lumakas ang kagustuhan kong umalis na lang nang makita ko sa peripheral vision ko ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa harapan ni Ash.
"Welcome back," sabay yakap ni Ash dito.
Gumanti naman ito ng yakap. "Yeah. It's really good to be back, Ai Hea Isabelle Jimenez."
May kung anong sumipa sa dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses niya pagkalipas ng maraming taon.
"Oh? Why so formal, Montecaztres? Anyway, may kasama akong sumundo sa 'yo." Lumingon si Ash sa direksyon ko at tinawag ako. "Skye! Come here!"
Mas lalong kumabog nang malakas ang puso ko. Nahiling ko na sana ay nagpanggap na lang si Ash na hindi ako kasama. At sana lang din ay nakiki-cooperate ang katawan ko para makagalaw rito sa kinatatayuan ko. Because honestly, I want to run. Run away from him.
Pero, mabilis na kumontra ang kabilang bahagi ng isip ko. Bakit ako tatakbo? Bakit ako iiwas? Kapag ginawa ko iyon, magmumukha lang akong tanga at katawa-tawa sa paningin niya. Besides, it's not as if I'm the one who broke the promises a long time ago.
Huminga muna ako nang malalim bago lakas-loob na lumingon sa kinaroroonan nila. Pero, iniwasan kong mapatingin sa kinatatayuan ng lalaking katabi ni Ash.
Nang makalapit, umabriste sa 'kin si Ash bago muling balingan ng tingin ang lalaking nasa harapan namin at matamis na ngumiti rito. "On behalf of your twin, si Skye ang pinapunta niya rito para samahan akong sunduin ka."
Sa pagkakataong iyon, nagawa ko nang tumingin sa direksyon niya. At gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko nang makita siya sa malapitan. At kahit naka-shades siya, ramdam ko ang matamang pagtitig niya sa 'kin.
The guy in front of me was no longer the boy I used to know. Just like his twin, he's totally a man now. Naalala ko, dito rin sa mismong airport na ito kami huling nagkita at naghiwalay. At hindi ko ine-expect na dito rin pala kami muling magkikita pagkalipas ng walong taon.
"Hi. Long time no see," pormal na pagbati ko.
Tumango siya. "Yeah."
Dapat normal na ngiti ang ibibigay ko sa kanya, pero isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil sa sagot niya. At wala nang nagsalita sa 'min pagkatapos nang maikling batian na iyon.
Ilang sandali pa, hinila na kami ni Ash palabas ng airport habang nakapagitan ito sa 'ming dalawa - ako ang nasa right side at siya naman ang nasa left side nito. He totally ignores me. And I did the same. Kahit na ang dami kong gustong itanong at isumbat sa kanya, mas pinili ko pa ring tumahimik.
How ironic. 'Yung taong minsang naging bahagi ng buhay mo, sa isang iglap, biglang magiging estranghero sa 'yo. Sa isang iglap, parang hindi na kayo magkakilala. Sa isang iglap, may malaking pader nang nakaharang sa pagitan ninyo.
I didn't know what exactly happened between us. But, I never thought that we would end up like this. Cold, distant, and treating each other like a total strangers.
-----
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any similarity between the characters and situations within its pages and places or persons, living or dead, is unintentional and co-incidental.