SKYE
"Finally, tumawag ka rin," bungad ko sa pagtawag ni Uno. "Kanina ka pa tinatawagan ni Ash, pero hindi ka raw sumasagot. Hindi ka rin daw nagre-reply sa mga text niya."
One hour ago, I received a call from Ash, asking his whereabouts. May usapan daw kasi sila na magkikita ngayong tanghali sa airport, pero wala itong natatanggap na anumang sagot mula sa kanya. Kaya nakiusap ito sa 'kin na kontakin ko siya baka-sakaling sumagot. Tatlong beses ko rin siyang sinubukang tawagan, pero ring lang nang ring ang phone niya.
"Nag-return call ka na ba sa kanya?"
"Not yet. Ikaw ang una kong tinawagan. Naipit ako sa meeting kanina at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong tumakas at mag-return call. Nasa office ka na ba?"
"Wala pa. Papunta pa lang. Kakatapos ko lang i-meet ang wedding organizer natin." Half-day ako ngayong araw dahil pinuntahan ko ang wedding organizer para sa ilang detalye sa kasal namin.
"Sorry about that, too, Skye. Hindi kita nasamahan ngayon. Dapat talaga ay ika-cancel ko ang meeting ko ngayon dahil may schedule tayo at may usapan din kami ni Ash. Pero, ngayong araw lang kasi available ang important client ko at hindi na pwedeng mare-sched dahil aalis na rin siya ng bansa bukas."
"I understand, Uno. Basta sa initial prenup pictorial natin bukas, hindi ka pwedeng mawala."
"Of course, Skye. Hindi ako mawawala sa pictorial natin," pag-assure naman niya. "Anyway, can I ask you a favor?"
"Sure. What is it?"
"Pwede mo bang puntahan si Ash sa airport? Hindi pa talaga ako makakaalis dito dahil hindi pa tapos ang meeting. Alam kong sasama ang loob no'n sa 'kin lalo na't nangako akong pupunta at sasamahan siya ngayong araw."
"Okay."
"Huwag ka nang pumasok sa office. Ako na ang bahalang magsabi sa HR na whole day ka nang magli-leave ngayong araw."
"Sige. Mag-taxi na lang ako papunta sa airport."
"Thanks, Skye. I gotta go. Naghihintay na sa 'kin ang ka-meeting ko. I love you."
Bago pa man ako makasagot, pinutol na niya ang tawag. Hindi ko rin nagawang itanong kung sino nga ba ang susunduin nila ni Ash sa airport. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon bago pinara ang papalapit na taxi. Nang makasakay, tinawagan ko si Cliffer.
"Hey, Cliff. Hindi na 'ko papasok sa office. May kailangan akong puntahan ngayon, eh. Sa Monday na lang natin pag-usapan ang changes sa character design na gusto mong gawin," sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Saan ang punta mo?"
"Sa airport. Pupuntahan ko si Ash. Dapat kasi ay sila ni Uno ang magkikita. Pero, dahil nasa meeting pa si Uno, ako ang pinapapunta niya roon para samahan si Ash sa susunduin nila."
Ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita. "Okay. Pakikumusta na lang ako."
"Kanino? Kay Ash? Sige, sasabihin ko."
"Hindi. Sa taong susunduin n'yo." Iyon lang ang sinabi ni Cliffer bago niya pinutol ang tawag.
Kumunot ang noo ko. Kilala ba ni Cliffer ang susunduin sa airport? takang tanong ko sa sarili ko. Naguluhan man ako sa sinabi niya, hindi ko na lang iyon masyadong pinagtuunan ng pansin.
~~~
Nang makarating sa airport, agad na hinanap ng mga mata ko ang taong pakay ko. 'Di naman nagtagal, nakita ko ang nakatayong bulto ni Ash habang nag-aabang sa may arrival area. Tinawag ko siya. "Ash!"
Lumingon siya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya nang makalapit ako sa kinatatayuan niya.
"Skye? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Nagpalinga-linga siya sa likuran ko na para bang may hinahanap. "Nasa'n si Uno?"
"May importanteng inaasikaso kaya ako ang pinapunta niya. May usapan nga raw kayo na may susunduin dito sa airport."
Tumaas ang isang kilay niya. "Mas importante pa kaysa sa taong susunduin namin?"
"Important client daw, eh. Hindi niya na-resched dahil ngayong araw na lang ang available time ng client niya."
"Pero, nangako siya sa 'min ni Ninang Miles na sasamahan niya 'ko sa pagsundo. That he would make time for this day. But it turned out, hindi rin pala niya matutupad. Tsk," himutok ni Ash bago ibinalik ang tingin sa mga taong lumalabas mula sa arrival area.
Kibit-balikat na lang ang naging sagot ko. Tama nga si Uno. Sasama ang loob ni Ash sa hindi nito pagtupad sa usapan nila.
Ilang minuto rin kaming nakatayo at nakatingin lang sa mga taong lumalabas sa arrival area. Mayamaya pa, binalingan ko si Ash. "Sino ba ang susunduin n'yo?"
Nagtatakang lumingon siya sa 'kin. "He didn't tell you?"
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Hindi, eh. Wala siyang binanggit. Ang sabi lang niya ay puntahan kita rito at samahan sa pagsalubong sa taong 'yon."
"Pasaway talaga siya. Sinabi ko nang sabihin niya sa 'yo, eh."
"Baka nakalimutan lang," pag-defend ko kay Uno.
Nagusot ang mukha niya. "Imposible. Si Uno pa? Tsk," she said, rolling her eyes at me.
Bahagya akong natawa sa reaction niya. "Since hindi sinabi ni Uno, ikaw na lang ang magsabi sa 'kin. Besides, parang kilala rin ni Cliffer ang susunduin n'yo, eh. Nang makausap ko kasi siya kanina at sinabing sasamahan kita dito sa airport, pakikumusta raw siya sa taong iyon."
Matamang tumingin sa 'kin si Ash. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nag-aalangan siyang sabihin kung sino ang taong iyon. And the way she looked at me, para bang may halong pag-aalala. Para saan? At para kanino? Despite my confusion, I smiled, urging her to tell me and not to worry about it.
Ilang segundo rin siyang nakatitig lang sa 'kin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "His twin. Ngayong araw ang balik ni One."
Natahimik ako at bahagyang natigilan. At ang kaninang ngiti ko ay unti-unting nabura nang marinig ang pangalang iyon. Now I know kung bakit parang nag-aalangan siyang sabihin sa 'kin. And now I know kung ano ang ibig sabihin ni Cliffer kanina. Alam nito na ang kakambal ni Uno ang darating ngayong araw. Bakit nga ba hindi ko naisip ang posibilidad na ang taong iyon ang susunduin nila sa airport?
Maybe because you gave up expecting him to come back after eight long years, sagot ng kabilang bahagi ng isip ko.
Tama. Pagkatapos nitong umalis at hindi magparamdam, hindi na 'ko umasang babalik pa ito ng bansa. At ang ine-expect ko lang na babalik si One ay kapag malapit na o sa mismong araw ng kasal namin ni Uno.
Hindi pa man ako nakakahuma sa ibinalitang iyon ni Ash, ibinalik na niya ang tingin sa harapan. Then, as if she saw something or someone that made her face lit up in delight. "Oh, he's here." Bahagyang lumayo si Ash at tumalikod. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong itinaas niya ang isang kamay at kumaway sa direksyong tinitingnan habang tinatawag ang pangalan ng taong iyon.
"One! Over here!"
Parang itinulos naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang lumingon sa direksyon nila. Kahit inuutusan na ng utak kong ihakbang ang mga paa ko palayo, ayaw sumunod naman ng katawan ko. At mas lumakas ang kagustuhan kong umalis na lang nang makita ko sa gilid ng mata ko ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa harapan ni Ash.
"Welcome back," sabay yakap ni Ash dito.
Gumanti naman ito ng yakap. "Yeah. It's really good to be back, Ai Hea Isabelle Jimenez."
May kung anong sumipa sa dibdib ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ngayon ko na lang ulit narinig ang boses ni One pagkalipas nang maraming taon.
"Oh? Why so formal, Yoh One Montecaztres? Anyway, may kasama akong sumundo sa 'yo." Lumingon si Ash sa direksyon ko at tinawag ako. "Skye! Come here!"
Mas lalong kumabog nang malakas ang puso ko. Nahiling ko na sana ay nagpanggap na lang si Ash na hindi ako kasama. Alam naman kasi niya na masama ang loob ko sa best friend niyang iyan. At sana lang din ay nakiki-cooperate ang katawan ko para makagalaw rito sa kinatatayuan ko. Because honestly, I want to run. Run away from him.
Pero, mabilis na kumontra ang kabilang bahagi ng isip ko. Bakit ako tatakbo? Bakit ako iiwas? Kapag ginawa ko iyon, magmumukha lang akong tanga at katawa-tawa sa paningin niya. Besides, it's not as if I'm the one who broke the promises a long time ago.
Huminga muna ako nang malalim bago lakas-loob na lumingon sa kinaroroonan nila. Pero, iniwasan kong mapatingin sa kinatatayuan ng lalaking katabi ni Ash.
Nang makalapit, umabriste sa 'kin si Ash bago muling balingan ng tingin ang lalaking nasa harapan namin at matamis na ngumiti rito. "On behalf of your twin, si Skye ang pinapunta ni Uno para samahan akong sunduin ka."
Sa pagkakataong iyon, parang may kung anong humila sa 'kin para tumingin sa direksyon ni One. At gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko nang makita siya sa malapitan. Kahit naka-shades siya, ramdam ko ang matamang pagtitig niya sa 'kin.
The guy in front of me was no longer the boy I used to know. Just like his twin, he's totally a man now. Naalala ko, dito rin sa mismong airport na ito kami huling nagkita at naghiwalay. At hindi ko ine-expect na dito rin pala kami muling magkikita pagkalipas ng walong taon.
"Hi. Long time no see," pormal na pagbati ko.
Tumango siya. "Yeah."
Dapat normal na ngiti ang ibibigay ko sa kanya, pero isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil sa sagot niya. At wala nang nagsalita sa 'min pagkatapos nang maikling batian na iyon. Even though he was wearing sunglasses, I know he was looking at my direction. And I did the same. I kept staring at him.
My memories with him on this airport flashed on my mind. Natatandaan ko na umiiyak ako noon habang sinusumbatan siya dahil ang araw na iyon, doon ko lang din nalaman ang planong pag-alis ni One. What 's worse? Hindi ko pa iyon malalaman kung hindi ako sinundo ni Lander at sabihin na nasa airport na siya. Itinuring ko na siyang best friend kaya gano'n na lang ang gulat ko sa biglaang desisyon niya. And while I was crying so hard in shock and frustration, he was just there, standing and grinning at me. Kaya mas lalo akong nainis sa kanya noon.
In the end, nangako siya na babalik siya sa mga important occasions sa buhay ko. Naniwala ako roon. But, for the past eight years, he didn't show up. Even once.
In terms of physical appearance, no doubt that he looks exactly like his twin. Nakakapanibago lang na makita siya after a long years. Dati-rati, kahit seryoso siya, nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit tipid lang iyon. May nakahanda siyang ngiti kung kailangan. At hindi man siya masyadong magsalita, mararamdaman naman sa mga kilos at galaw niya ang gusto niyang iparating. However, it was as if I don't know this man. It was as if I was looking at a different person right now. Because he was standing here without any trace of emotion on his face. At kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya, alam kong wala ring mababakas na anumang emosyon mula roon.
Naalis lang ang tingin ko kay One nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Ash. Malapad siyang ngumiti. "Tara na?" yaya niya bago kumapit din sa braso ni One.
Ilang sandali pa, hinila na kami ni Ash palabas ng airport habang nakapagitan ito sa 'ming dalawa - ako ang nasa right side at si One naman ang nasa left side nito. He totally ignores me. And I did the same. Hindi ko rin siya kinibo. At habang naglalakad, silang dalawa lang ni Ash ang nag-usap.
"Bakit hindi pa sumabay sa pag-uwi si Lander?"
"Business. Nandito si Cliffer kaya si Lander ang nag-aasikaso roon."
"Bakit hindi mo kasi tulungan?"
"Not my business."
"Kailan daw siya uuwi?"
"After two weeks."
Hinayaan ko lang silang dalawa ang mag-usap. Hindi ako sumabat sa usapan nila. Kahit na ang dami kong gustong itanong at isumbat kay One, mas pinili ko pa ring tumahimik.
Lihim akong napangisi nang mapait. How ironic. 'Yung taong minsang naging bahagi ng buhay mo, sa isang iglap, biglang magiging estranghero sa 'yo. Sa isang iglap, parang hindi na kayo magkakilala. Sa isang iglap, may malaking pader nang nakaharang sa pagitan ninyo.
I didn't know what exactly happened between us. But, I never thought that we would end up like this. Cold, distant, and treating each other like a total strangers.
'Di nagtagal, biglang tumunog ang phone ko. Si Uno ang tumatawag. Agad kong sinagot. A perfect timing to distract myself from the awkward atmosphere between the three of us.
"Uno," bungad ko sa kabilang linya.
"Nagkita na kayo ni Ash?"
"Yes. Naglalakad na kami palabas ng airport."
"So, kasama n'yo na rin si One?"
"Yes. Bakit hindi mo sinabi?" bigla kong tanong. Hindi rin naman kasi lingid kay Uno na may sama ng loob ako sa kakambal niya.
"Sorry about that. Nawala sa isip ko kanina. Anyway, nandito na ako sa labas ng airport. Natapos na ang meeting ko kaya agad din akong sumunod. Hintayin ko na lang kayo rito." Iyon lang bago niya pinutol ang tawag.
"Si Uno?"
Lumingon ako kay Ash at sinagot ang tanong niya. "Oo. Naghihintay siya sa 'tin sa labas."
Nang tuluyan kaming makalabas ng airport, hindi naman kami nahirapan na makita si Uno at agad na lumapit sa kinaroroonan niya. Nakapamulsa siya habang nakatayo at nakasandal sa BMW niya. Agaw-atensiyon hindi lang ang luxury car niya, pati na rin mismo siya.
Umayos siya ng tayo at tinanggal ang sunglasses na suot niya. Ang una niyang hinarap ay ang kakambal niya. "Welcome back, my twin brother," nakangiting bati niya bago niyakap si One.
Gumanti naman ito ng yakap kay Uno. "Thanks."
After their greetings with each other, sa akin naman humarap at lumapit si Uno. "Skye." Hinapit niya 'ko sa baywang at napapikit na lang ako nang halikan niya 'ko sa noo.
Then, si Ash naman ang binalingan niya - na kasalukuyang matalim ang tingin sa kanya. Apologetic na ngumiti si Uno sa kaibigan niya. "Hey, Ash. Sorry about today. Alam kong galit ka sa 'kin dahil hindi ako tumupad sa usapan natin."
Tumaas ang kilay ni Ash sa kanya. "I think you know na hindi iyon ang ikinagagalit ko ngayon. May isang usapan tayo na hindi mo tinupad."
Ang tungkol siguro sa hindi pagsabi sa 'kin ni Uno na si One ang darating ngayon ang tinutukoy ni Ash doon.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Uno bago muling hinarap ang kaibigan. "I'm sorry, okay? I'll make it up to all of you. Ako na ang magiging driver n'yo."
"No need to bother, Uno. I have my own car. Isasabay ko na si One."
"I insist. Bakit pa kayo mag-iibang sasakyan? Isa lang naman ang destination ng mga bahay natin. Sa isang sasakyan na lang tayo at sabay-sabay na tayong umuwi. Ipa-pick up mo na lang ang sasakyan mo sa driver mo. Besides, kung may dapat mang sabayan pauwi si One, ako 'yon. We're twins, remember?" Uno crossed his arms. "You decide, Ash. Kaming tatlo sa BMW ko at uuwi ka gamit ang sasakyan mo o sasabay ka sa 'min?"
Ash gritted her teeth. Mas tumalim din ang tingin nito kay Uno na isang ngisi naman ang isinagot ng huli. Tumingin ito sa direksyon ni One na para bang nagtatanong.
"My twin has a point, Ash. And it's your decision," simpleng sagot lang nito.
Ash rolled her eyes at him. "Fine! As if I have a choice. Sasabay na lang ako sa inyo," parang napipilitang sagot nito. "Kami ni One sa backseat," dugtong pa ni Ash.
"Sure. Let's go."
Sumakay na ang dalawa sa backseat. Pinagbuksan naman ako ni Uno ng pinto sa passenger's seat bago siya umikot at pumuwesto sa driver's seat. Ilang sandali pa, nasa biyahe na kami.
While on our way home, nangungumusta si Uno sa kakambal niya. Tipid lang namang sumasagot si One. Kung minsan naman, sumasabat din sa usapan si Ash. Hindi ako masyadong nakisali sa usapan nila. Sumasagot lang ako kapag tinatanong na 'ko ni Uno.
"By the way, siguradong matutuwa ang barkada sa pagbabalik mo, One. Especially Sean. Excited na siyang makita ka."
We fell silent. And the atmosphere suddenly changed.
Mula sa rear view mirror, nakita ko ang pagguhit ng isang malungkot na ngiti ni Ash. "I mean, excited na siyang dalawin mo siya. Tagal ka na rin niyang hinihintay, eh."
"I know. I'll visit him one of these days."