CHAPTER 5: The Substitute

2618 Words
SKYE Naghihikab pa 'ko nang bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. It was already nine in the morning, pero antok na antok pa rin ako. Pinilit ko lang ang sarili kong bumangon dahil may lakad kami mamayang tanghali ni Uno. Maaga siyang umalis. Nagising ako na may iniwan siyang note sa bedside table ko. He was out to meet an important client this morning. Babalik daw siya mamayang tanghali para sunduin ako at puntahan ang wedding planner namin. Ngayon kasi gaganapin ang pictorial namin wearing wedding dress and his formal suit. Hindi pa naman iyon ang totoong susuutin namin sa araw ng kasal. Talagang maypictorial lang kami na parang bagong kasal na para raw mas ma-visualize namin. Bukod pa rin ang prenup photoshoot namin next week. Until now, busy pa rin si Uno sa pagkausap sa mga potential investors ng company. May isang client pa rin daw kasi siyang hindi nako-close ang deal. At kung hindi ako nagkakamali, itong important client na ito ngayon ang tinutukoy niya. Gusto niyang ma-close ang deal na iyon para raw wala na siyang masyadong aalalahanin because after that, magpo-focus na siya sa pag-aasikaso ng kasal. Bago ko pa man mabuksan ang refrigerator para kumuha ng tubig, napansin ko na ang pink sticky note na nakadikit dito at naka-address sa 'kin. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat. Skye, umalis kami ni Nate. May lutong pagkain sa ref. Initin mo na lang. Hindi ko naiwasang mapangiti sa pagiging thoughtful and caring ni Tita Miles. Until now, Tita at Tito pa rin ang tawag ko sa mga magulang ni Uno kahit nakatira na 'ko sa kanila at sila na ang tumatayong guardians ko. Sinabi na nilang tawagin ko silang Mama at Papa tutal, doon din naman daw ang punta no'n, so they won't mind it. Pero, ako ang nagsabi sa kanila na tatawagin ko lang sila no'n kapag kasal na kami ni Uno. One more thing. Kapag nagising si One, pakisabi na rin na kumain na siya. Thanks. Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ko nang mabasa iyon. It wasn't just a dream. One Montecaztres was really back. And last night was the most awkward dinner I had with the Montecaztres family. Magkatabi kami ni Uno habang nakapuwesto naman sa harap namin sina One at Ash. And to make the situation more awkward, katapat ko si One. I did my best not to look at his direction. And he did the same. He never glanced at my direction, too. Hindi ako masyadong sumali sa usapan ng pamilya. Si Tita Miles ang medyo maraming tinatanong sa kanya, na tipid namang sasagutin ni One. Nagtatanong din sina Uno at Ash sa kanya, pero maikli rin ang isasagot niya sa mga ito. Me? I never once asked him how he was doing for these past eight years. I wasn't interested anymore. At mukhang gano'n din naman siya. Actually, he looks like he doesn't care at all. Kaya wala man akong sabihin, hindi ko pa rin maiwasan minsan na mapangisi nang mapait at sarkastiko sa mga usapan at sagot niya. Bago pa kung saan mapunta ang iniisip ko, kinuha ko na ang tatlong tupperware mula sa ref at ininit ang mga iyon sa microwave oven. Beef lasagna ang laman ng dalawang tupperware habang chicken cordon bleu naman ang laman ng isa. Ngayon ako nakaramdam ng gutom. Hindi kasi ako masyadong nakakain kagabi. Kahit mukhang masasarap ang luto nina Tita Miles at Tito Nathan, hindi ko masyadong malasahan dahil naging self-conscious ako sa presence ng taong nakaupo sa tapat ko. Mabilis kong naubos ang laman ng isang tupperware ng lasagna. I was already eating the second one when One entered the kitchen. Wet look and topless. Bahagya pa kaming nagkagulatan nang magtama ang mga mata namin. Agad din namang nawala ang pagkagulat sa mukha niya at napalitan ng blangkong ekspresyon bago nag-iwas ng tingin. Nagpatay-malisya na lang ako at inalis din ang tingin sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang pagkain. I didn't even greet him good morning. He didn't say anything, too. And I did the same. We completely ignore each other - just like how we ignored each other in the airport yesterday. May nakapatong na puting tuwalya sa balikat niya. Kahit hindi ako nakatingin, sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko ang bawat kilos niya. Tinutuyo ng kanang kamay niya ang basang buhok habang hawak naman ng kaliwang kamay niya ang kabilang dulo ng tuwalya. Naglakad siya at tinungo ang ref mula sa likuran ko. Akala ko ay mamaya pa siya babangon dahil pagod siya at may jet lag pa kahapon. Kaya hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayong umaga. Well, not that I can avoid him forever. At mahirap siyang iwasan lalo na kung nakatira lang kami ngayon sa iisang bahay. The whole kitchen was filled with a deafening awkward silence. Tanging kubyertos na hawak ko sa pagkain at ang pagsasalin ng tubig sa baso ni One ang maririnig sa buong mansion ng mga Montecaztres. I stayed quiet and continued eating. Bahagya lang akong nagulat nang biglang may mag-ring mula sa likuran ko. "Yes, 'Ma?" narinig kong sambit ni One. Si Tita Miles ang tumawag at kausap niya sa kabilang linya. "The food? Lasagna in a tupperware? Yes, I already saw it." Napatigil ako sa pagkain. Wait. Dalawang tupperware lang ng lasagna ang nasa ref. Kay One ang isang 'to? "Actually, I'm already eating it with so much gusto. Mukhang masarap, eh." Humigpit ang hawak ko sa kutsara. Matalim ang tingin na lumingon ako sa likod ko. Pero paglingon ko, nakatalikod siya at nakatingin sa labas ng bintana habang nasa tapat ng tainga ang phone niya. Hindi siya nagsalita at mukhang nakinig muna sa kung ano man ang sinasabi ni Tita Miles sa kabilang linya. Ilang sandali pa, "There's nothing to worry, 'Ma. I'm okay. I'll hang up now. See you later." Then, he ended the call. Nang lumingon siya sa direksiyon ko, umismid lang ako bago inirapan siya. Muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ng lasagna with so much gusto like what he said. He's being sarcastic there I know. Dahil alam niyang kinakain ko na ang dapat na ay pagkain niya. Pero, hindi ako magso-sorry sa kanya. Compared to what he did eight years ago, eating this lasagna was not a big deal for a sorry or two. Tsk. Isang nakabibinging katahimikan ulit ang namagitan sa 'min. At hindi man ulit ako lumingon, alam kong nakatayo pa rin sa bandang likuran ko si One. No conversations or even small talks. Just like yesterday, we're treating each other like total strangers. And it's making me more uncomfortable. I know we're not in good terms right now. At wala rin naman akong planong makipag-kaibigan ulit sa kanya. Mahirap nang ibalik iyon ngayon. Pero, hindi naman puwedeng palagi kaming ganito. Avoiding each other, cold and distant to one another. Kung siya ay kaya niyang maging tahimik at umakto na parang walang nangyari, well, not me. At ayokong patuloy kaming maging ganito. At least not in front of Uno and their parents. We have to settle this once and for all. Binitiwan ko ang hawak na kutsara bago muling lumingon sa direksyon ni One. Bahagya pa 'kong nagulat nang magtama ang mga mata namin. For a moment, it was as if I saw some emotions in his eyes. But, before I could even put a name on it, it was already gone and replaced by blank expression. Again. Nakapamulsang sumandal siya sa may gilid ng counter. Dahil nakaupo ako, bahagya akong nakatingala sa kanya. At hindi ko naiwasang bumaba ang tingin ko sa hubad niyang katawan. It's not the first time I saw him topless. But, this is the first time I saw his upper body after so many years. At malaki na ang ipinagbago. It was firm and all his muscles were on the right places. Kahit tingnan ko lang, alam kong magkasing-built sila ng katawan ni Uno kaya hindi malayong mapagkamalan na iisang tao lang sila. Even their facial features still look the same and identical. The only difference? The way One look at you. He was looking and treating you like a total stranger. Very different from the One I know eight years ago. Pero, ang mas nakapukaw ng atensyon ko ay ang nasa bandang dibdib niya. Kahit bahagyang natatakluban iyon ng tuwalya, I saw that there was something on his chest. Mas naningkit ang mga mata ko para tingnang mabuti iyon. Is that a tattoo? When we were still in college, I don't remember that he had one back then. No. Sigurado akong walang tattoo sa dibdib niya noon. Naalis lang ang tingin ko roon nang bahagya siyang gumalaw at hawakan ng mga kamay niya ang magkabilang dulo ng tuwalya dahilan para maitago ang black ink na nasa dibdib niya. Hindi ko masyadong nabistahan iyon kaya hindi rin ako sigurado kung ano ang nakamarka sa dibdib niya. But, there's no doubt it was indeed a tattoo. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling tumingin sa mga mata niya. "Look, One. I know we're not in good terms right now. And I don't even expect you for us to be friends again. Dahil kung ako rin lang ang tatanungin, mahirap nang ibalik iyon." I didn't get any answer from him. He just stared at me blankly. Well, what could I expect from him, anyway? "For the sake of your parents, for the sake of your twin, for the sake of Yssa, let's be civil with each other." Yes, there's no other choice for us but be civil with each other. "I'm being civil to you." No. You're acting more like a stranger to me. Iyon sana ang gusto kong sabihin, pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Okay, good. At least, we're clear on that," I simply stated, nodding. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Gano'n din naman siya. Kung kaya niyang umakto na para bang okay lang ang lahat sa pagitan namin, na para bang walang nangyaring 'pang-iiwan sa ere' noon, then fine. I could also do the same. Tsk. Ilang sandali pa, naalis lang ang tingin niya sa 'kin nang tumunog ang phone mula sa bulsa niya. Kinuha niya iyon at mabilis na nagsalubong ang kilay nang may kung anong makita o mabasa roon. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagmumura niya. In a minute, he was already talking on the phone. "Uno, what the hell was that?" mariing tanong niya mula sa kabilang linya. Mukhang nakinig muna siya sa kung ano man ang sinasabi ng kakambal bago matamang tumingin sa 'kin. I raised my eyebrow at him. Walang salitang naglakad siya palabas ng kusina at iniwan ako. Sarkastiko akong ngumisi at napailing-iling. He really changed. A lot. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko maubos ang kinakain ko. Akmang tatayo na 'ko nang tumunog ang phone ko. Si Uno ang tumatawag. "Yes, Uno?" "I love you, Skye!" Hindi ko napigilang muling tumaas ang isang kilay ko sa naging pambungad niya sa 'kin. "I really really love you!" Napailing na lang ako bago huminga nang malalim. "What is it this time, Uno Kien Montecaztres?" I know him too well. Alam kong hindi siya magpapa-cute at mag-a-I love you kung wala siyang kailangan o kung may usapan kami na hindi siya makakapunta. Iyan ang paraan niya para hindi agad ako magalit o magtampo sa kanya. "About our plan later, I already talk to One. Siya ang sasama sa 'yo." Kumunot ang noo ko. "What?" "As my replacement." Mas lalong kumunot ang noo ko. "And what do you mean by that, Uno?" Dahil mukhang hindi ko magugustuhan ang kung ano man ang iniisip niya. "He'll accompany you in my place. He'll pretend as me, Skye." Napatayo ako. "What?!" Nagpabalik-balik ako ng lakad habang dina-digest ng utak ko ang sinabi ni Uno. "You're kidding, right?" "I'm not. I'm serious, Skye." Tama nga ako. Hindi ko magugustuhan ang iniisip niyang gawin. "Wait." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Uno mula sa kabilang linya. "Listen, Skye. May dahilan naman kung bakit si One ang sasama sa 'yo-" "Why him?" I cut him off. "What?" "Why him, Uno? Bakit kailangang siya pa ang pumalit in your place?" "Dahil siya lang ang puwedeng magpanggap bilang ako? Dahil siya lang ang kamukha ko?" I closed my eyes and tightened my grip on the phone. Oo nga naman. Kahit hindi ko nakikita si Uno, I could feel that he was already laughing at my dumb question. Tumayo ako sa may sink at tumingin sa labas ng bintana. "Uno, I know you know that your twin and I are not in good terms right now. Alam mong may nagbago na sa pakikitungo namin sa isa't-isa." "Yes, I know. Well, why don't you use this opportunity to get along with him again? To get close to him again? Because you know, magiging brother-in-law mo na siya soon." Hindi ako nakapagsalita. Tama naman si Uno. But, I still couldn't grasp the idea of One being my brother-in-law soon. "Look, Skye. I have reasons why I ask One to be my replacement." "Okay. Then, explain and make me understand." "I'm still in the process of figuring out who's the real traitor in MG-Tech In. Because until now, I don't have enough and strong evidences against this person. Only suspicion. And suspicion is not enough to kick this person out in my company," pagsisimula niya. "This person knows how important you are to me. This person knows my meeting with the potential investor today. At kukunin niya ang pagkakataong ito para hindi matuloy ang contract signing namin ng kliyente ko. Sisiguraduhin niya na ikaw ang pupuntahan ko at hindi ang kliyente ko. That's why I need to know kung kanino siya direktang nagtatrabaho," paliwanag pa niya. Hindi ako nagsalita. "So, you see, I'm hitting two birds with one stone. Makukumpirma ko kung sino talaga ang traydor at accomplice ng kalaban ko. On the other hand, mako-close ko rin ang deal namin ng kliyente ko. And in order to accomplish that, I need you and my twin to help me with this one." Wala namang problema sa 'kin kung makakatulong ako kay Uno. Lalo na para mahuli na ang sinasabi niyang traydor sa kumpanya. Pero... "I know how it's hard for you, Skye. Alam kong hindi simple ang hinihingi kong tulong sa 'yo. But, do this for me, okay? Please," he sounded almost pleading. Pa'no pa 'ko makakatanggi sa kanya? I heaved a deep sigh. "Pumayag ba ang kakambal mo?" "Yes. Wala namang dahilan para hindi siya pumayag. Besides, he told me that you two are being civil with each other now." Right. We just agreed to be civil with each other starting today. "Ikaw na lang daw ang tanungin ko kung papayag ka sa plano kong ito." Kung okay lang kay One, mas lalong wala rin akong dahilan para tumanggi. Besides, gagawin ko 'to para kay Uno. I sighed again. "Fine. I'll do this for you, Uno." "Great. Thanks, Skye." "But, you'll pay for this, Uno. Big time," mariin ko pang pahayag. Marami na siyang utang at hindi puwedeng hindi ko siya singilin. Alanganin siyang tumawa mula sa kabilang linya. "I know, Skye. I know. And I'm sorry I stood you up again. But, promise, this would be the last time. Hindi na 'to mauulit pa. And I'll make it up to you. Sa actual prenup photoshoot natin, ako na ang makakasama mo." "Dapat lang, Uno. Dahil ikaw ang pakakasalan ko." Few minutes of silence. "Wow. You took me by surprise there." "Bakit naman? 'Di ba nga matagal na dapat tayong kasal?" "Right. And finally, it will happen in less than a month now. You will be mine officially. And will be Mrs. Uno Kien Montecaztres soon." I could feel that Uno was gorgeously smiling on the other line. Napangiti na rin ako. "Anyway, I need to hang up now. Kakausapin ko pa si One para sa mga dapat gawin while pretending as me. And Skye, please cooperate with him." Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "I'll try my best, Uno." Then, he hang up. Ibinulsa ko ang phone ko at itinukod ang mga kamay sa gilid ng sink. Mapait akong napangiti. Great. So early to test ourselves being civil with each other.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD