CHAPTER 3: The Unusual Change

3029 Words
ASH "Hey." Pagpasok ko pa lang sa bakuran ng mga Montecaztres ngayong tanghali, ay siya namang baba ni Uno sa kotse niya. Lumingon siya sa direksyon ko. "Hey." "Hindi mo kasama si Skye?" "Nasa opisina. May kailangan lang akong kuning dokumento. Babalik din ako sa office," sagot niya bago kumunot ang noo. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" "Pinapunta ako ng Mama mo," simpleng sagot ko lang. Ayokong manggaling sa 'kin kung bakit ako pinapunta ni Ninang Miles. Tumango lang siya bago sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan namin si Ninang Miles na abalang-abala sa pag-aayos ng buong mansiyon kasama ang ibang kasambahay. "Sobrang busy n'yo, Ninang," sambit ko para makuha ang atensiyon niya. Lumingon siya sa direksyon namin. "Isabelle!" Lumapit ako at nagmano sa Mama ni Uno. Kumunot naman ang noo niya nang makita ang katabi ko. "Uno? Ang aga mo namang umuwi." "May kukunin lang po ako. Babalik din ako sa opisina." This time, it was his turn to crease his forehead. "Bakit nagge-general cleaning kayo? May okasyon ba, 'Ma?" Her smile widened and her eyes even lit up in delight. "Yes. Uuwi na ang kakambal mo," masayang anunsiyo ni Ninang Miles. Nang tingnan ko ang mukha ni Uno, mababakas ang bahagyang pagkagulat doon, pero nang makabawi, ngumiti siya. "That's good news, 'Ma. What did you say to make him come back? Ayaw niya pang umuwi, 'di ba?" "Sinabi kong 'wag na niya 'kong kakausapin kung hindi pa siya uuwi. Mukhang natakot naman siya." "Hindi ka naman niya matitiis. Kahit ako ang takutin n'yo nang gano'n, siguradong mapapauwi rin ako agad. Besides, it's time for him to be back na rin. So, kelan daw ang balik niya?" "Sa makalawa. Kami ni Isabelle ang susundo sa kanya sa airport." Tumango-tango siya. Maya-maya pa, "What, 'Ma? Bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin?" takang tanong ni Uno nang makahulugan siyang titigan ni Ninang Miles. "Be honest with me, Uno. Okay ba talaga kayo ni One?" Bahagyang natawa si Uno. "'Ma naman. Hanggang ngayon ba naman ay pinagdududahan n'yo ang samahan namin ni One? We're okay," sagot niya. "More than okay, actually," dugtong pa niya. Mas lalo lang lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Ninang Miles sa sinabi ni Uno. Pumalatak at umiling-iling siya bago yumakap sa Mama niya. "'Ma, hindi man kami madalas mag-usap ng kakambal ko, that doesn't mean hindi na kami okay. Masyado na kaming naging busy sa mga buhay namin sa mga nakalipas na taon. At alam kong iyan din ang sinasabi sa inyo ni One, 'di ba? Besides, tama lang na umuwi na siya. Dahil hindi siya puwedeng mawala sa kasal namin ni Skye." Hindi sumagot si Ninang Miles kaya nagpatuloy si Uno. "Ganito na lang, 'Ma. Para mapatunayan ko sa inyong wala talaga kaming problema ni One, ako na lang ang sasama kay Ash para sunduin siya." Nagkatinginan muna kami ni Ninang Miles bago ibinalik ang tingin nito sa anak. "Sigurado ka diyan, Uno? Hindi ka busy sa araw na 'yon?" Bahagya siyang lumayo bago ngumiti to assure his mother. "Yes, 'Ma. At kahit busy ako sa araw na 'yon, I'll make time for my twin. Like you, I miss him, too." "Okay. Kayo na lang ni Ash ang sumundo kay One," tumatangong pagsang-ayon ni Ninang Miles. "Teka, maiba ako, Uno. Ano itong nabalitaan ko kay Nate na may problema sa kompanya mo?" Napakunot ang noo ko. Ito ang unang pagkakataon na may narinig akong problema sa kompanya ni Uno. MG-Tech In is one of the top and leading game companies in the country. At unti-unti na rin itong nakikilala sa ibang bansa. May mga foreign investors na rin na gustong mag-invest at makisosyo sa kompanya niya. Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Uno bago hinawakan ang magkabilang pisngi ng Mama niya. "It's not a big problem, 'Ma. I can handle it. Besides, natapos na naman ang imbestigasyon kaya alam ko na ang mga dapat kong gawin." Hinaplos naman ni Ninang Miles ang kanang pisngi ni Uno. "Are you sure? Alam mo naman na kung may problema, magsabi ka lang sa 'min. Nandito kami ng Papa mo. Ni Skye. Nandiyan din ang mga kaibigan mo. If you need our help, just tell us, okay?" Kinuha niya ang mga kamay nito bago hinalikan iyon. "I know, 'Ma. And you don't need to worry about it. Everything will be okay." Tuluyan na siyang bumitaw kay Ninang Miles. "Anyway, I'll just go upstairs. May kukunin lang akong document, then babalik na rin po ako sa opisina." "Sure, Uno." And with that, he went upstairs. Nasundan na lang ng tingin ni Ninang Miles ang anak niya bago siya tumingin sa 'kin. "Bakit gano'n, Isabelle? Kahit sinasabi nina Uno at One na okay sila, iba ang pakiramdam ko. Hindi ako kumbinsido." Hindi ako nakasagot. Alam ko ang nararamdaman ni Ninang Miles. Dahil gaya niya, iyon din ang nararamdaman ko. Kahit ilang beses sabihin ng kambal na okay sila at walang problema, hindi ko magawang maniwala. I've known them and we've been together since we were kids. I know when they imitate each other. Alam ko rin kung kelan sila nagpapanggap at umaakto na okay for the sake of Yssa. For the sake of their parents. She let out a deep sigh. "Sana nagkakamali lang ako, Isabelle. Sana ako lang ang nag-iisip nang ganito." Sigurado akong kung ano man ang nararamdaman ni Ninang Miles sa mga anak niya, maaaring tama iyon. Maaaring hindi talaga okay ang kambal. Pero, hindi namin iyon makukumpirma hangga't walang nagsasalita sa kanilang dalawa. "Magiging okay po ang lahat." Ayokong mag-alala pa si Ninang Miles sa relasyon ng kambal kaya iyon na lang ang sinabi ko. "Susundan ko lang po si Uno, Ninang." Nang ngumiti at tumango si Ninang, umakyat na rin ako sa taas. Nakita kong bahagyang nakaawang ang pinto ng study room ni Uno kaya doon ako pumasok. Nadatnan ko siyang may hinahalungkat na mga folder sa isang cabinet safe. "Anong problema sa kompanya mo?" Saglit niya 'kong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang atensyon sa mga dokumento. "Just a minor problem." "How minor?" He shrugged. "Someone leaked our new game project to our rival game company." Nanlalaki ang mga matang tumayo ako sa harap niya. "And you just treat that as a minor problem?!" "There's nothing to worry about. I can handle it." "Anong gagawin mo? Uno, you're getting married in less than two months!" I exclaimed. Hindi biro ang problema niya. At kung may ganito siyang problema, mahahati ang oras niya sa kompanya at sa pag-aayos ng kasal nila ni Skye. Muli siyang tumingin sa 'kin bago ngumisi. "I know. And relax. Matutuloy ang kasal namin." "Kilala mo na ba kung sino ang gumawa no'n?" Tumango siya. "Sino?" "Sorry, Ash. Company confidential. Malalaman n'yo rin naman as soon as I made a statement and settle the problem." Unti-unti siyang sumeryoso. "Ang inaalala ko lang ay ang magiging impact kay Skye sa gagawin kong desisyon sa kompanya. Hindi ko alam kung pa'no niya matatanggap iyon." "What do you mean?" "After gathering some strong evidences, napatunayan ko na isa siyang traydor. Ako man ay nagulat at hindi mapaniwalaan na magagawa niya 'yon sa 'kin at sa kompanya." Mataman siyang tumitig sa 'kin. "At malapit kay Skye ang taong iyon." Muling nagsalubong ang kilay ko. At isang tao lang naman ang naiisip kong malapit kay Skye na nagtatrabaho sa kompanya niya. "Si Cliffer ba? Imposible! Hindi niya magagawa 'yon!" Umiling siya. "Of course, it wasn't him. And I wasn't referring to him. Isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa kompanya. And he's loyal to me." Loyal siya sa 'yo, pero mas loyal pa rin 'yon kay One. Silang dalawa ni Lander. Gusto ko sanang sabihin, pero pinili ko na lang tumahimik. At kahit papa'no, nakahinga rin ako nang maluwag nang hindi naman pala si Cliffer ang tinutukoy niya roon. "I told Cliffer about my problem and asked for his opinion. He suggested na kumilos na lang daw ako after my wedding. Mahirap daw kung kikilos ako ngayon tapos magkaproblema bago pa ang kasal namin ni Skye." Tumango-tango ako. "Tama naman siya." "I know. Hindi ko rin naman hahayaang may makasira sa kasal namin. Hindi ko hahayaang ma-delay ang kasal namin ni Skye sa pangalawang pagkakataon, Ash. Sayang naman ang pag-uwi ni One kung hindi na naman iyon matutuloy. He's my best man in our wedding." Mataman kong pinakatitigan si Uno at may kung anong hinanap sa mukha niya. Pero, wala akong mahanap. Noong malaman kong inalok niyang maging best man sa kasal niya si One, nagulat ako. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya ang nararamdaman ng kakambal niya noon kay Skye. Pero, mas nagulat ako nang malaman kong hindi man lang iyon tinanggihan ni One. When I asked him why... "I have already moved on, Ash. That's the reason." Just because he accepted to be his twin's best man doesn't mean he already moved on. Pa'no kung tinanggap lang niya iyon para ipakita kay Uno o sa 'kin na mukhang nakalimot at naka-move on na talaga siya? Pa'no kung ginawa lang niya 'yon para hindi na 'ko umasa sa deal namin nine years ago? After that day, alam kong may nagbago kay One. Dahil kasunod no'n, ginulantang na lang niya kami sa desisyon niyang aalis siya ng bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. I didn't buy his lame excuse kaya pinilit ko talaga siyang sabihin ang totoo. "I decided to forget my feelings for her and move on, Ash." Iyon ang nakuha kong sagot sa kanya. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob kong may nangyari. No. Sigurado akong may nangyari, pero wala siyang sinasabi. Dahil imposibleng bigla siyang magdedesisyon nang gano'n dahil gusto niyang kalimutan ang nararamdaman kay Skye. He wasn't that type of guy! Pero sa bandang huli, pinanindigan niya ang sinabi niya. Hindi siya nakipag-communicate kay Skye at nagpanggap na busy. Oo, alam kong pagpapanggap lang ang excuse niya na lagi siyang busy. At para mas maging makatotohanan ang pagiging busy kuno niya, hindi rin siya kumontak sa mga kaibigan niya. Kahit sa 'kin! Kaya pare-pareho ang naging sagot namin noon kay Skye na hindi rin kami kinakausap ni One. At talagang natiis niya kami pati ang pamilya niya nang hindi umuuwi ng walong taon! I heaved a deep sigh. "After your wedding, babalik na 'ko sa Paris," pag-iiba ko ng topic. "You'll go back alone or with Mijares?" "Of course, alone. Bakit naman nasama sa usapan si River?" kunot-nong tanong ko. "He's your travel and food buddy." "I won't go there for travel. Alam mong nasa Paris ang trabaho ko." Kasama ang kaibigan kong si Yukihira, nagtayo kami ng restaurant sa Paris four years ago. The Bon Deli Apetit. He's half-Filipino and half-Japanese, but he decided to pursue and master french cuisine. Siya ang head chef habang ako naman ang pastry chef sa restaurant. Yuki and I were college classmates in MEU. Kaming dalawa rin ang ipinadala ng school sa isang sikat na restaurant sa Paris during our OJT. Siya ang nag-encourage sa 'kin na magtayo kami ng restaurant sa lugar na iyon after graduation. I didn't think twice to not refuse him. Like Yuki, I fell in love with the most romantic place in France. "Until now, iyon lang ba ang relasyon n'yo?" My forehead creased even more. "Oo. We're just friends. And we all know his principle, right? Ang kaibigan, kaibigan lang. Ang kalandian, kalandian lang." Gaya nga ng sabi ni Uno, si River ang travel and food buddy ko. Sa tuwing uuwi ako ng 'Pinas for two-month vacation, ang gagawin ko lang ay mag-travel sa ibang lugar for food trip. To discover new recipes.  "You want chaperone?" "You will volunteer?" "I volunteer Ilog. Bukod sa trabaho, wala siyang ginagawa sa buhay niya. Try mong isama baka-sakaling mapakinabangan mo." Iyan ang minsang sinabi sa 'kin ni Lander nang sabihin ko ang unang plano kong mag-travel around the country. Sinegundahan pa iyon ng iba naming kaibigang lalaki nang magtanong ako kung may gusto bang sumama sa 'kin. Puro 'I volunteer River', 'I volunteer Mijares' o 'I volunteer gago with a name River Mijares'.  "As if I have a choice." Ang naging sagot naman ni River.  Simula no'n, siya na ang naging kasa-kasama ko sa bakasyon ko sa ibang lugar. Kapag nasa work ako abroad, magme-message siya sa 'kin at magpapadala ng mga pictures ng mga pagkain na bago sa paningin namin. Sasabihin niya ang place, then ila-line-up namin sa to-do list namin. I will do the same thing. Kapag ako naman ang nakaka-discover ng mga kakaibang food sa mga napupuntahan ko, ipapadala ko rin iyon sa kanya at mag-i-schedule kami kung kailan namin pupuntahan. Madali lang naman sa kanya ang mag-travel anytime because of the nature of his work. Private agent si River kaya kapag may mga mission siya na kinakailangang puntahan sa malalayong lugar, naglalaan din siya ng oras para mag-relax at gumala. And not to mention, to flirt and hook up with some girls. "Why don't you tease him, then?" "What?" "Flirt with him. Matibay man ang prinsipyo niya, ibang usapan naman kung ikaw na ang magpapakita ng motibo sa kanya. Believe me, Ash. Hindi ka no'n matitiis," sabay ngisi niya. Hindi ko pinatulan ang sinabi ni Uno. River is a great guy. No doubt about that. He never once let me down. Kapag humihingi ako ng pabor sa kanya, hindi siya tumatanggi. Payag agad siya. Masuwerte akong naging malapit kami sa isa't-isa after my break up with One. And it was enough to say that he's a good man, actually. Huwag lang isama ang pagiging babaero na namana niya sa tatay niya. Iyon talaga ang nakakasira sa guwapong image niya. Tsk. "I'm serious, Ash. Try to tease him a little. Tingnan lang natin kung hindi pa mabali ang prinsipyo niya." "Whatever," I just responded, rolling my eyes at him.  Nakangising umiling lang siya bago ibinalik ang atensiyon sa mga dokumentong hawak niya.  "I have to go, Uno," pagpapaalam ko na sa kanya. "Sabay ba tayong pupunta sa airport sa pagsundo sa kakambal mo?" "Sa airport na tayo magkita," hindi nag-aangat ng tingin na sagot niya. "Okay. Sasabihin mo ba kay Skye ang pagbabalik ni One?" Inihinto niya ang pagbuklat sa dokumento at sumulyap sa direksyon ko. "I'm thinking not to tell her until he comes back." I couldn't help but raise my eyebrow at him. Na tinawanan naman niya. "Just kidding. Of course, sasabihin ko sa kanya." "You should," mariing sambit ko bago tuluyang nagpaalam sa kanya.  Ayaw ko namang magulat si Skye kapag nalaman niyang nakabalik na ng bansa ang kakambal ni Uno. Dapat din namin siyang ihanda sa paghaharap nila ni One. Maaaring noon, hinihintay niya ang pagbabalik ng huli. Pero, iba na ngayon. Dahil hindi naman lingid sa 'ming lahat na may matinding sama ng loob si Skye kay One. ~~~ Nasa labas na 'ko ng bahay ng mga Montecaztres at nakasakay ng kotse nang makatanggap ako ng notification sa social media account ko mula kay Lander.  Sa magkakaibigang lalaki, siya lang yata ang pinaka-active sa social media. Pa'no, siya rin lang ang mahilig magkalat ng mga scandal ng mga kaibigan niya. Nang dahil sa kanya, parang naging instant celebrities ang mga Blue Orions. May ilang fan pages na rin ang nagkalat sa sss at tampok silang mga lalaki roon. Ang hindi lang nakikilala sa kanila ay si One. According to him, wala raw kasi siyang makuhang scandal sa huli kaya 'di niya mapasikat. Siraulo talaga.  Nagpasya akong tingnan muna kung ano ang ipinadala ni Lander. He sent a video privately. Watch it, Ash, he messaged me. Madilim, maraming tao at malakas na tugtugan ang unang bumungad nang i-play ko ang video. Kung hindi ako nagkakamali, sa isang bar ang location.  "So, where's that guy? We're supposed to celebrate his last night, but he went here first," boses ni Lander. Siguradong siya rin ang nagre-record ng video habang naglalakad at may hinahanap sa loob ng bar. Napakunot ang noo ko at halos mapamura nang matutok ang camera sa dalawang tao na nasa bar counter. And they were making out for crying out loud! "Oops! My bad! 'Di ko sinasadya. Akala ko 'yung taong hinahanap ko na, eh," boses pa rin ni Lander sabay iwas ng camera sa ibang direksyon. Gago talaga, naiiling na sambit ko sa sarili ko. Napatuwid ako ng upo nang matutok ang camera sa isang lalaki. Sa tulong ng disco lights ng lugar, nakilala ko agad siya. Si One. "Hey there! Found 'ya." Lumingon si One at agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Stop recording, Carredano." "Nope. I need remembrance tonight. This would be our last night here being together." "You sounded gross," sabay balik ng tingin ni One sa hawak na kopita.  "Right. Iba ang dating ng sinabing iyon ni Lander", natatawang komento ko. Tumawa sa background si Lander. "Anyway, where's your girl? Nakapagpaalam ka na ba sa kanya?" Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si One bago sumagot. "She maybe a girl, but not my girl," he said, emphasizing the last three words. "Oh? Hindi pa ba? Akala ko kayo na dahil siya lang naman ang binabalik-balikan mo rito sa Vegas."  Muling humarap sa camera si One. Sa ilalim at malamlam na nagsasayawang ilaw, kapansin-pansin ang blangko at malamig na tingin sa mga mata niya.  I couldn't help but feel a little sadness while looking at his eyes. Noon naman, kahit tahimik at hindi masyadong nagsasalita si One, I could still feel the warm in his eyes. At kahit hindi ngumiti ang mga labi niya, mapapansin naman na ngumingiti at kumikislap ang mga ito kapag masaya siya. Like Uno, his eyes were very expressive back then. But, now? What happened? It was void of emotions. And his eyes were as cold as an ice. Even his gorgeous face became hard and expressionless. Kahit sino ay mangingiming lapitan at kausapin siya dahil sa sobrang kaserysohan ng mukha niya. Na para bang isang salita mo pa lang sa kanya, he would glare at you saying 'back off'. Since when did he become like this?  "You exactly know why," parang napipilitang sagot ni One. Ilang sandali ring hindi narinig ang boses ni Lander bago ito sumagot. "Yes, I know why." Then, the video ended. Their last conversation made me curious and confused at the same time. May babae si One sa Vegas. I mean, hindi niya pala babae, pero binabalik-balikan niya roon. At alam ni Lander kung bakit! Mabilis akong nag-type ng reply kay Lander. Hey. Who's this girl you were talking about in the video?  No reply. He just seen my message. Muli akong nag-type at kinulit siya. But, he did the same response earlier. Argh! Lander! muli kong message sa kanya. Finally, he replied. But, he only sent a devil emoticon. I groaned in frustration. Damn you, Lander Carredano! Argh! Now, my curiosity is killing me more!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD