CHAPTER 6: The Act

2986 Words
SKYE Huminga ako nang malalim bago nagmulat at tiningnan ang reflection ko sa salamin. Isang pink off-shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuhod at puting wedge sandals ang suot ko. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok at nilagyan lang ng clip sa left side. Light makeup lang din ang in-apply ko sa mukha ko. Sabi rin naman kasi ng wedding planner namin ni Uno ay aayusan pa rin naman ako for the pictorial. Naalis lang ang tingin ko sa salamin nang tumunog ang phone ko na nakapatong sa harap ng table. Kinuha ko iyon at isang message mula kay Uno ang natanggap ko. Are you ready, Skye? Naka-ready na si One. 'Yung Mercedes Benz ko ang gagamitin n'yo. Yes. Pababa na ako. Pakisabi na lang, reply ko sa kanya. Ilang minuto pa, muling nag-text si Uno. Nasabi ko na sa kanya. Hihintayin ka raw niya sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sitwasyon. Si One ang makakasama ko sa lakad ngayon, pero heto kami at ipinapadaan pa kay Uno ang mga sinasabi para sa isa't-isa. To think na pareho lang kaming nandito sa bahay. How funny, right? And just earlier in the kitchen, we already agreed to be civil with each other. But I think, malayo pa rin sa pagiging civil sa isa't-isa ang ginagawa namin ngayon.  Isang simpleng okay na lang ang ni-reply ko kay Uno. Wala pa mang isang minuto, muli akong nakatanggap ng message mula sa kanya.  I know you are forcing yourself because of me. But, please cooperate with him, Skye. And also try to be nice to him, okay? I heaved a deep sigh before sending him a reply. Don't worry, Uno. I'll cooperate as long as he'll cooperate, too. And you know I'm nice to people. Always. :D  As long as walang nangyayaring bangayan at sagutan, kaya kong maging nice sa kakambal niya. And knowing One, baka nga mas piliin pa nitong tumahimik kaysa kausapin ako. Mas pabor sa 'kin. Tsk. I took one last glance at the mirror. Bahagya kong sinuklay ng mga daliri ang buhok ko bago tumayo at lumabas na ng kuwarto. Paglabas ko ng bahay, naroon na nga si One. Nakatayo sa tapat ng Mercedez Benz, nakayuko at bahagyang nakasandal sa sasakyan habang nasa bulsa ng pantalon ang mga kamay.  Habang hindi siya nakatingin at mukhang may malalim na iniisip, nagkaroon ako ng pagkakataong pasadahan siya ng tingin. He's tall and lean. Mas matangkad kumpara noong huli ko siyang makita eight years ago. He was wearing a blue long sleeve, denim pants and sneakers. Nakatupi ang long sleeve niya hanggang siko at naka-unbutton ang dalawang butones mula sa leeg niya. Neat din ang pagkakaayos ng buhok niya. Very Uno-style. And just like his twin brother, he could pull off any outfit he was wearing. Well, noon pa man ay kaya na nilang dalhin ang mga sarili nila kahit ano pa ang isuot nila. Then, mas prominent and define na rin ang panga niya kaya mas manly na rin siyang tingnan. Actually, he has the same face, height and built with Uno. And those lips... I was taken aback when he suddenly lifted his gaze and met mine. He caught me checking him out! Hindi na lang ako masyadong nagpahalata at tinaasan siya ng isang kilay. Kung hindi lang dahil sa malalamig na mga mata niyang iyon, iisipin kong si Uno ang kaharap ko. Now I could really see the big difference between the twins. Uno's eyes were bright and as warm as the sun, while One's eyes were blank and as cold as an ice. Ibang-iba na talaga sa dating One na kilala ko. Ilang segundo rin siyang nakatingin lang bago siya kumilos. Umalis siya mula sa pagkakasandal at walang salitang binuksan ang pinto ng passenger's seat. Humakbang ako papalapit sa kinatatayuan niya at wala ring salitang sumakay sa sasakyan.  In just a few minutes, nasa biyahe na kami. At simula nang umalis kami ng bahay, wala na ring nagsalita sa 'ming dalawa. Kahit mabilis ang pagpapatakbo ni One, parang napakabagal pa rin ng takbo ng sasakyan. Maya't-maya rin ang tingin ko sa wristwatch ko at napapasimangot na lang kapag nakikitang ilang minuto pa lang ang lumilipas. Dahil sa nakabibinging katahimikan, pakiramdam ko ay ito na ang pinakamatagal na biyaheng naranasan ko sa buong buhay ko kahit ilang minuto pa lang kaming bumibiyahe sa daan. Kapag si Uno ang kasama ko, maingay ito at panay ang kuwento ng kung anu-ano, especially his conceitedness. Tatawa naman ako at minsan ay babarahin ang mga kalokohan at kayabangan niya. That way, hindi ko ramdam ang tagal ng biyahe namin. Hindi nga ako nakakaramdam ng antok kapag ito ang kasama ko. But right now, I wanted to take a nap just to kill the time being with the man next to me. As if on cue, parang narinig ko sa isip ko ang boses ni Uno, telling me to be nice to his twin. Wala sa sariling umismid ako at tumingin sa labas ng bintana. I'm being nice, Uno! At least, being silent is still considered being nice to him! Besides, mas mabuti na iyong tahimik lang ako kaysa kausapin ang kakambal mo. Baka kung ano pa ang masabi ko at maisumbat sa kanya. Tsk. Pero ilang sandali pa, ako rin ang hindi nakatiis sa nakabibinging katahimikan namin. Wala akong balak mapanisan ng laway sa mga susunod pang minuto. Besides, I'm just trying to be civil anyway. So, I initiated the conversation.  "Sinabi ba sa 'yo ni Uno ang dapat mong gawin? Alam mo na naman siguro ang gagawin, 'di ba?" Hindi siya sumagot. I took his silence as a yes. "I'm doing this for Uno. And I know you're doing this for him, too. We're only both doing this for him," I stated.  Another silence from him.  "Ayokong mabuking ang pagpapanggap natin. Ayokong masira ang anumang plano ni Uno. Kaya hangga't maaari, makipag-cooperate ka na lang sa 'kin." I took another silence as response. I still continued talking. Kahit alam kong wala pa rin akong makukuhang sagot mula sa kanya, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. Naroong ipaalala ko sa kanya ang pagpapanggap bilang Uno, kung ano ang dapat gawin bilang si Uno at marami pang iba. Kahit nga puro walang sense na ang iba at kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko, wala pa rin akong nakuhang anumang sagot o reaction man lang kay One. Ni hindi nga siya lumingon sa direksyon ko. Nasa daan lang ang buong atensyon niya.  I couldn't help but roll my eyes at him. Here he goes again. Saan na napunta ang sinasabi niya kaninang umaga na he's being civil to me? Dahil kung pagbabasehan lang ang inaakto niya ngayon, he's acting like a real stranger to me again. Great. I started to feel like a complete idiot here, talking to myself. Tsk.  I was about to say another thing when he pulled over and stopped the car. Nang tumingin ako sa labas, nasa tapat na kami ng botique na pag-aari ng wedding planner namin ni Uno. Nang ibalik ko ang tingin sa katabi ko, doon lang siya nagbaling ng tingin sa 'kin. "I know what I have to do. You don't need to remind me," he said coldly. After unbuckled his seatbelt, bahagya siyang dumukwang papalapit sa 'kin at sinalubong ang mga mata ko. "You do your part. And I'll do mine," mariin pa niyang pahayag bago ko narinig ang pag-click ng seatbelt ko at ang mabilis niyang pag-ayos ng upo.  "Once we step out of this car, I'll be your Uno Montecaztres. So, please be nice and fully cooperate with me, Skye Lei Montenegro." Iyon lang bago niya binuksan ang pinto sa driver's seat at lumabas. Wow! Look who's talking about being nice, you cold stranger! Tsk, ngali-ngali kong sabihin sa kanya.  Bago ko pa man mabuksan ang pinto sa tabi ko, mabilis na siyang nakaikot sa may passenger's seat at binuksan iyon. Nagngingitngit ang loob ko na bumaba ng sasakyan. Pagkasarado niya ng pinto, mabilis siyang umalalay sa 'kin at hinawakan ako sa braso. Medyo nagulat pa ako sa kaunting kuryente at init na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa braso ko kaya mabilis akong napapiksi. This is our first skin contact after eight years! Imbes na kumawala, mas lalo lang humigpit ang hawak ni One sa braso ko. Hindi ko na talaga naitago ang inis ko sa kanya kaya binalingan ko siya nang masamang tingin. Pero, ang lalaki, tinaasan lang ako ng isang kilay at ngumisi. "Let go," mahina, pero mariin kong pahayag.  Nabura ang ngisi niya at biglang sumeryoso. "Hindi mo yata naintindihan ang sinabi ko kanina bago tayo bumaba ng sasakyan?" I fully understand! At alam kong ang ginagawa niya ngayon ay katulad nang palaging ginagawa ni Uno. Hinahawakan ako sa braso para alalayan, tapos ay ikakawit ko naman ang mga braso ko kay Uno. Pero, kung si Uno ang kasama ko, gagawin ko iyon! Kaso hindi, eh! And worse, si One ito! Si One Montecaztres na ilang taon ko nang hindi nakausap at nakasama kaya how could he expect me to act as if nothing's wrong between us?!  Yeah, right. Look who's talking about being nice and will cooperate with him for the sake of Uno, huh? bulong ng kabilang parte ng utak ko na hindi ko pinansin. Mas lalong tumalim ang tingin ko kay One at pilit na muling pumiglas sa pagkakahawak niya, pero ayaw niya talaga akong bitawan. Nasa gano'n kaming posisyon nang biglang may magsalita. "Welcome and nice to see you again, lovebirds!" Sabay kaming napalingon ni One sa pinanggalingan ng tinig na iyon. And we were greeted by Aerie Kith Umali, the wedding planner. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa 'min bago unti-unting nabura ang magandang ngiti. "Uhm, did I interrupt something here, guys?" Lihim akong napamura nang maalalang malakas nga pala ang pakiramdam ng babaeng ito. Noong unang beses namin itong ma-meet ni Uno, marami na agad itong napansin sa aming dalawa. Maybe it has something to do with her course. Aerie is a Psychology graduate, but decided to pursue being a wedding planner. Mas nag-e-enjoy raw itong mag-ayos ng mga wedding at maging parte ng mga successful couples na ikinakasal. At malabong hindi rin nito mapansin ang kakaibang interaction namin ngayon ni One na inaakala nitong si Uno ngayon. Kaya bago pa man ito makahalata, kumilos na 'ko. I tried my best to smile naturally in front of her. Mabilis ko ring ikinawit ang mga kamay ko sa braso ni One. "No, Aerie. Actually, we're just discussing something na hindi lang namin mapagkasunduan. Pero, mapag-uusapan naman namin," paliwanag ko bago sulyapan ng tingin ang katabi ko. Mabuti na lang at mukhang nakuha niya ang ipinapahiwatig ko bago balingan ng tingin ang kaharap namin. "Right. How are you, Aerie? Long time no see," he greeted, smiling sweetly at her. "I'm great," nakangiting sagot ni Aerie bago nito pasadahan ng tingin ang katabi ko mula ulo hanggang paa. "And you look great, too, Uno. So gorgeous and dashing," puri pa nito sa nagbibirong tono.  "Always," sabay kindat pa ni One sa babae.  Of course, I was speechless and caught off guard. He was cold and emotionless one minute, then he looked so friendly and even smiling the next minute. And his friendliness... his conceitedness... his smile... it was as if he was exactly like Uno! Walang dudang kaya nga niyang gayahin ang personality ng kakambal niya. At ito ang unang pagkakataon na nasaksihan ko ang pagpapanggap niya bilang Uno. Noong close pa naman kasi kami at hindi pa siya umaalis ng bansa, he never acted as Uno in front of me. Si Uno lang ang natatandaan kong nagpanggap bilang One noon. 'Yung time na dapat ang ka-date ko ay si One, pero si Uno ang dumating, acting as him. Now that he was acting like this, it was a little bit different. Because I never imagined One being so friendly, conceited and all smile like what he was doing right now. Dahil never naman siyang umaktong ganito. Mas madalas siyang seryoso at madalang ding ngumiti. At nakakapanibagong makitang ganito siya sa ibang tao. Especially to girls. Not so really him. Natawa si Aerie. "I miss your conceitedness, Mr. Uno Montecaztres. Mabuti naman at hindi ka na busy para samahan itong fiancee mo." Makahulugang sumulyap pa sa direksyon ko ang wedding planner.  I just smiled in response. Hindi lang nito alam na busy pa rin ang taong tinutukoy nito at ang kakambal ng totoong fiance ko ang kasama namin ngayon. "O, siya. Pasok na tayo sa loob at nang makapagsimula na tayo sa totoong agenda natin." The moment Aerie turned her back on us, mabilis din akong humiwalay kay One. Good thing at bumitaw na rin siya sa 'kin. Nauna na 'kong maglakad papasok. Napansin ko munang iniabot ni One ang susi ng Mercedez Benz sa valet na naghihintay para maiparada nang maayos ang sasakyan sa parking lot bago siya sumunod. I looked around when we get inside the botique. Napansin ko ang pagiging busy ng ilang staffs sa pag-aayos at pagbabalik ng mga presyo ng mga singsing na naka-display. "Pasensiya na at mukhang magulo itong shop ko," apologetic na sabi ni Aerie. "Pumunta kasi ang isang malapit na kaibigan ko. Well, not that I'm complaining. Nagulat lang ako sa biglaang pagsulpot niya. And he arrived with a girl! He asked me to remove the prices of those rings para raw hindi maapektuhan ang pagpili ng wedding rings ng kasama niyang babae," pagkukuwento niya. Bukod sa pagiging wedding planner ni Aerie Kith Umali, nagbebenta rin siya ng mga singsing dito sa botique niya. At hindi basta-basta ang mga singsing na ibinebenta niya. The rings were from the designers of different countries with different meanings, too. At hindi bumababa sa five digit numbers ang presyo ng mga iyon. Sa kanya rin kami kumuha ni Uno ng mga singsing para sa kasal namin.  Lumapit si One sa mga naka-display na singsing. Hinayaan lang namin siya ni Aerie at ipinagpatuloy ng huli ang pagkukuwento habang mataman kaming nakamasid sa ginagawang pagtingin ni One sa mga singsing. "Akala ko nga, si Desmond na ang ikakasal at ang kasama niyang babae ang fiancee niya. But it turns out, ang babaeng iyon pala ang future wife ng best friend niyang si Klint. Nagulat ako, actually. Because the girl was the exact opposite of that guy. She's so cute, innocent and cheerful! Si Klint?" nagusot ang mukha ng babae na para bang may hindi magandang naalala. "Never mind. Wala akong masabi sa kasupladuhan at sama ng ugali ng isang 'yon." Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi ko man kilala ang mga taong binabanggit niya, naaaliw naman ako sa paraan ng pagkukuwento niya. Marami siyang kuwento tungkol sa ibang tao kapag lagi kaming magkasama habang pinag-uusapan ang kasal. Madali mo siyang makakapalagayan ng loob. Isa iyon sa mga nagustuhan ko kay Aerie. And she's very observant, too. Just by looking at you, she could already tell what you were thinking or even hiding. Kaya kung talagang naging ganap na psychologist lang siya, I bet she would be one hell of a good one.  "But knowing Desmond, I know he's scheming something. Sigurado akong hindi niya pipiliin ang babaeng iyon para kay Klint kung alam niyang masasaktan din ito ng huli. Nakakatakot pa naman ang ngiti ng lalaking iyon. Because behind those sweet and kind smile of him, the ruthless and scary man was hiding. Argh! Kaya ayaw na ayaw ko siyang nakikita, eh. Lalo na ang mga ngiti niya. Tsk." See? She really knows how to read someone's personality and behavior. Natigil lang sa pagkukuwento si Aerie nang mapansing nakatutok na ang mga mata ni One sa isang partikular na singsing. "Wait lang," sambit niya bago lumapit sa kinatatayuan ng lalaki. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito bago maluwang na ngumiti kay One. "Very beautiful, right? Alam mo bang iyan ang napiling singsing ng babaeng dinala ng kaibigan ko kanina? Kumpara sa ibang singsing, isa iyan sa pinakamurang ibinebenta ko, pero hindi halata, 'di ba? Alam kong may singsing na kayo ni Skye when you two got engaged and now for your upcoming wedding, but why don't you get another rings for the both of you? Like a promise ring, for example," pahayag ni Aerie bago sumulyap ng tingin sa 'kin at kumindat pa. No, Aerie. Not gonna happen. Dahil ibang tao ang sinasabihan mo ng mga salitang iyan! mariing sigaw ko sa isip ko. Binalingan ni One ng tingin si Aerie. "Why don't we start and get down to business now?" madilim at mariin niyang pahayag na halatang ikinagulat ng babae.  Damn it, One! Uno was never rude to her! And you're not supposed to be rude  like that! Mula sa pagiging seryoso, biglang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya na para bang narinig ang sinabi ko. "I mean, we have pictorial, right?" magaan at friendly na sambit niya. Tumawa si Aerie nang makabawi sa pagkagulat. "Since mukhang excited ka na, Mr. Uno Montecaztres, why don't you go there and put on your suit now?" sabi nito habang itinutulak na sa kung saan si One. Tumawag pa ang babae ng isa sa mga staffs nito to assist him. Nang makapasok si One sa isang kuwarto at isarado ni Aerie ang pinto niyon, bumalik siya sa kintatayuan ko at napansin ko ang pagtataka sa mukha niya. Hindi ko tuloy naiwasang kabahan. "Ako lang ba o parang iba ngayon ang mood ng fiance mo? Parang ang init ng ulo, eh." Pilit akong ngumiti sa kanya. "Sorry about that, Aerie. He woke up on the wrong side of the bed kaya medyo mainit ang ulo niya ngayon," pagdadahilan ko na lang. Tumango-tango siya. "Okay, I understand. Nakakapanibago lang dahil pakiramdam ko ay ibang tao ang kaharap ko."  Of course, ibang tao talaga ang kaharap mo. He's One, not Uno. Tsk. Iyon sana ang gusto kong sabihin, pero tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Ayoko rin namang sirain ang usapan namin ni Uno na makikipag-cooperate ako sa pagpapanggap ng kakambal niya bilang siya. "Anyway, let's go. Aayusan ka na ng mga staff ko para makapagsimula na tayo sa pictorial." Nagpatangay na lang ako nang hilahin ako ni Aerie sa kabilang kuwarto. I thought this whole acting was easy. But, I was wrong. It wasn't easy at all. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD