CHAPTER 6: The Act (PART 2)

3538 Words
SKYE Mahigit isang oras din ang ginugol ng ilang staffs sa 'kin para ayusan. And I almost didn't recognize myself when I saw my own reflection in the mirror. Hindi man sa pagmamayabang, but they did a great job to make me extra beautiful today wearing this tiara and long sleeve wedding gown. Ang tela mula balikat, braso at likod ko ay see-through na may flower design. The ivory see-through wedding dress was so elegant and perfect. Hindi ko napigilang mapangiti dahil parang nakikita ko na ang magiging hitsura ko sa actual wedding namin ni Uno. Tatlong katok mula sa pinto bago bumukas iyon. Mula sa reflection sa salamin, nakita kong sumilip si Aerie. "Ready ka na, Skye?" I nodded in response, smiling widely at her. "Good. Ready na rin ang groom mo. Mukhang naiinip na nga, eh. Hintayin ka namin dito sa labas." "I'll be there in a minute," ani ko, pilit na pinanatili ang ngiti sa mga labi ko. Muntik ko nang makalimutan na hindi nga pala si Uno ang kasama ko ngayon. Nang muling isarado ni Aerie ang pinto, doon lang tuluyang naglaho ang ngiti sa mga labi ko. Pumikit ako at huminga muna nang malalim bago muling nagmulat ng mga mata. "Okay, Skye. Still a long way to go before this day ends. Pull yourself together and be ready for another round of acting," pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Humugot ulit ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tumayo at tinungo ang pinto. Nadatnan ko si Aerie na nakatayo sa labas ng kuwarto habang hawak ng kamay niya ang isang wedding boquet. Nang makalapit ako, nakangiting iniabot niya iyon sa akin. "Props para sa wedding pictorial n'yo." I forced myself to smile at her. Again. Pinapuwesto muna ako ni Aerie sa likod ng isang printed wall. Ang design ng wall ay malaking pulang puso na may dalawang puting kalapati na magkahalikan sa ibabaw no'n. A printed wall for a perfect wedding pictorial. Sa harapan, may nakaharang na puting kurtina. The purpose of the curtain was to surprise the person behind it. At sabi ni Aerie, sa likod ng kurtinang ito nakatayo si Uno at naghihintay sa paglabas ko. How I wish na si Uno nga talaga ang nakatayo at naghihintay sa 'kin, sarkastikong sambit ko sa sarili ko. Sumenyas ng bilang sa daliri si Aerie. Nang makatatlong bilang, may pinindot siyang button at awtomatikong bumagsak ang kurtina. Ang taong dapat na sosorpresahin, hindi nasorpresa. Dahil hayun ang lalaki, nakatalikod habang nasa tapat ng tainga ang hawak na phone. Mukhang may kausap. "Are you done talking? I have four words for you, then. I won't do it," mariing pahayag ni One bago pinutol ang tawag. Nagkatingin kami ni Aerie. Wala man kaming sabihin sa isa't-isa, alam kong pareho kami ng nasa isip ngayon. Mainit na naman ang ulo ni One - na Uno naman sa paningin ng babae.  Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nakatalikod sa direksyon namin. Sino naman kaya ang kasagutan ni One sa phone? Anong pinag-uusapan nila para uminit na naman ang ulo niya? Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung gaano kalaki ang ipinagbago ni One. At kung bakit siya nagbago. Because as far as I remember correctly, he's the most calm person I have ever known back then. Madalang uminit ang ulo niya noon. At kung naiinis man siya, tahimik lang siya at hindi niya iyon ipinapakita sa iba. The exact opposite of the man he was right now. "Mr. Uno Montecaztres?" pukaw ni Aerie sa atensyon nito. Pero, hindi ito sumagot at nanatiling nakatalikod. "Mr. Montecaztres?" pagtawag niya ulit rito, pero hindi pa rin ito lumingon. Sa ikatlong pagtawag ni Aerie sa lalaki, doon lang ito sumagot. "What now?" marahas na tanong ni One. Salubong ang kilay at madilim ang mukha niya nang magbaling ng tingin sa direksyon namin. Then, our eyes met. He looked shocked. Hanggang sa unti-unting mabura ang kunot sa kanyang noo at ang pagdidilim ng mukha niya. Napalitan ng ibang emosyon ang mukha niya. For a moment, it was as if I saw admiration in his eyes. Hindi ba ako dinadaya ng aking paningin? Talaga bang paghanga ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon? Nagkaroon din ako ng pagkakataong pasadahan ang ayos ni One. He doesn't look bad, too. Actually, he looks extra gorgeous and hot in his outfit. Bumagay sa kanya ang damit. He doesn't look like a prince. He's more like a knight in shining white suit. Now I wonder kung ganito rin ba ang magiging hitsura ni Uno kung ito ang nandito at kasama ko ngayon. I guess so. Naputol lang ang pagtitig namin sa isa't-isa nang marinig namin ang pagpalakpak ni Aerie. Nakangisi at makahulugang tumingin ang babae kay One. "Well, well, well. I could clearly see that you have been completely smitten by your fiancee. At mukhang naging good mood ka na ulit. Beautiful, isn't she?" she teased him. Umayos ng tayo si One at ang kaninang paghanga sa mukha niya ay biglang naglaho. "Can we start now?" he said, giving her a sweet smile. No. Actually, it's more like a sarcastic smile.  Aerie didn't mind it. She smiled even more, teasing him more! "Excited much, Mr. Montecaztres? Baka kapag totoong kasal na kayo, hindi pa man tapos ang reception ay itakas mo na rin ang asawa mo?" Hindi sumagot si One at bahagya lang nagsalubong ang kilay. Lihim kong naiikot ang mga mata ko. Argh! Kung alam lang ni Aerie na ibang lalaki ang kaharap niya, hindi niya magagawang tuksu-tuksuhin ito nang ganyan gaya ng ginagawa niya kay Uno. Dahil si Uno ang nakakasabay sa mga biro niya. He would even tease her back with so much conceitedness. Silang dalawa ang magkasundo sa panunukso at kalokohan. Sumigaw at may tinawag na pangalan si Aerie. Lumapit naman ang lalaking tinawag niya at ipinakilala. "This is Mac. Siya ang ating photographer ngayong araw." Tinapik-tapik pa niya sa balikat si One. "Puntahan mo na ang bride mo at tumayo sa tabi niya. Let's start the pictorial." Ilang sandali pa, nasa tabi ko na nga si One. The next minute, nagsimula nang kumuha ng mga shots ang photographer namin. After how many shots, ipinakita ng lalaki ang mga larawan nito kay Aerie mula sa DSLR camera nito. At base sa nakikita kong reaction sa mukha ng wedding planner, hindi nito nagustuhan ang mga iyon. "These pictures don't look good. No. These pictures were bad, actually. Really bad," she stated. Aerie was scanning the photos took by the photographer. She sighed heavily before looking at us. "What's wrong with you two?" salubong ang kilay na baling niya sa 'min. "Especially you," she pointed her finger at One. "Why?" "Why? You're asking me why, Mr. Montecaztres?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Aerie bago lumapit sa 'min. "Why don't you see it yourself before you ask me why?" Sabay pakita niya sa larawang kuha sa amin. Pinigilan kong mapangiwi nang makita ko ang larawan namin ni One. She's right. The photo was really that bad. Hindi kami mukhang ikakasal. Mas mukha kaming estranghero sa isa't-isa na para bang napilitan lang na magpakuha ng ganitong larawan. Now I could see where did Aerie's outburst coming from. "What about it?" balewalang tanong ni One. Ngumisi nang sarkastiko ang babae. "Do you really want me to tell you how all these photos look like, Mr. Montecaztres? Then I'll tell you." Huminga muna siya nang malalim bago deretsong tumingin sa mga mata ng katabi ko. "You two don't look like a couple. Ibang-iba ang aura n'yo ngayon kumpara noong una ko kayong makita at sa mga nakaraang meeting natin. Worse, you both look like a total strangers with each other right now. Bukod sa hindi mo hawak ang mga kamay niya, medyo malayo pa ang tayo mo sa kanya na para bang takot na takot kang magkadikit kayo! And did you see your face on these photos? No doubt na guwapo ka talaga. Pero, you look so grim and serious! Your eyes were too cold and emotionless. Your facial expression was too stoic. For the guy who will marry the woman he really loves, you don't look happy and excited at all!" There. She really said it. Pero, parang wala namang epekto ang mga sinabi ni Aerie kay One. "Don't mind it. Just take pictures and get done with it." "No. I mind it," mariing kontra ni Aerie. "I'm a wedding planner, Mr. Montecaztres. At trabaho kong makitang masaya at maging successful ang wedding ng mga couple na nagiging kliyente ko. At sa lahat ng naging kliyente ko so far, kayo ang unang-unang couple na hindi mukhang masaya sa prenup pictorial na 'to. Parang may nakaharang na malaking pader sa pagitan ninyo. Para bang hindi kayo magpapakasal sa inaakto n'yo ngayon." Hindi naman talaga kami ang magpapakasal, Aerie. Ang kakambal ng lalaking kasama natin ngayon ang totoong pakakasalan ko. Gusto ko na sanang sabihin iyon para matapos na ang lahat ng ito, pero naisip ko rin ang ipinangako ko kay Uno. "Alam kong mainit ang ulo mo at mukhang galit ka na talaga, Mr. Montecaztres. Pero kung ano man ang ikinaiinit ng ulo mo ngayon, forget it and focus on this pictorial." "I'm not mad or something." "Don't try to deny it, man. It's written all over your gorgeous face. Wala ka mang sabihin, nakikita at nababasa ko sa mga mata at kilos mo. You're mad at something. At hindi lang basta galit. Meron ka pang nararamdaman na pilit mong itinatago. What is it?" Lumapit ang mukha ni Aerie kay One. "What the hell are you doing?" kunot-noong tanong ni One habang nag-iiwas ng tingin, pero pilit naman itong hinuhuli ni Aerie. "Let me read what's on your mind kung ayaw mong magsalita. I'm expert, you know? Alam mong Psychology graduate ako. At minsan mo nang tinesting ang kakayahan kong bumasa ng behavior ng isang tao at tumama ako," nakangiting pagmamalaki pa ng babae. "Now, be a good boy and let me see your face, Uno Montecaztres." Tumigil si One sa pag-iwas at sinalubong ang mga mata ni Aerie. "I hate your kind." This time, si Aerie naman ang natigilan. Ngali-ngali ko namang kutusan si One dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Kahit sino ay siguradong magugulat sa kaseryosohan at sa tono ng pananalita niya. Not so Uno! Bago pa man may makapagsalita sa 'min, bigla na lang ngumisi si One at bahagyang pinisil ang kaliwang pisngi ng babaeng kaharap. "Just kidding. You look so worked up, Aerie. Relax."  Doon lang ako medyo nakahinga nang maluwag. Buti naman at bumalik agad ito sa pag-akto bilang Uno. "You got me there. You look so scary for a second, Uno Montecaztres. Kakaiba talaga ang topak mo ngayong araw," naiiling na komento ni Aerie. "Anyway, tell me if you want to continue this pictorial. Dahil hindi ko talaga tatanggapin ang mga photos n'yo na nandito," sabi pa niya bago bumaling naman ng tingin sa 'kin. "You, too, Skye. Don't give me that kind of smile. You look really awkward on the picture. Hindi lang basta awkward. Para bang may itinatago ka ring inis sa kasama mo kaya ayaw mo siyang lapitan. Now tell me. Nag-away ba kayo bago pumunta dito kaya ganyan kayo umasta ngayon?" Napangiwi ako sa sinabi ni Aerie. Totoong inis ako sa kasama ko ngayon. Hindi ko itatanggi iyon. Nag-away? I don't know. Hindi naman kami nagkakasagutan. Wala pa namang sumbatan. We really don't talk too much when he came back after eight years. "What do you suggest to do, then?" biglang tanong ni One. "You have two options. First, we pack up now and re-schedule this pictorial hanggang sa maging good mood na ulit ang atmosphere ninyong dalawa. Second, let's continue and give me different kind of expression. 'Yung masa-satisfy ako sa kakalabasan ng pictures n'yo. In short, do something about your faces, lovebirds." Maganda ang first option. Pwede akong magdahilan na sa ibang araw na lang ituloy para si Uno na talaga ang makakasama ko. "First-" "Second option." Bahagya akong nagulat. Nagtatakang binalingan ko ng tingin si One, pero hindi man lang siya lumingon. "We'll do something about our faces," pinal niyang sagot. Ngumiti si Aerie at tumango-tango. "Good decision. So, tell me when you're both ready." Iyon lang bago tumalikod sa 'min si Aerie at bumalik sa kinatatayuan ng photographer. Nang muli kong balingan ng tingin si One, tumalikod din siya at bahagyang tumingala. Nagpakawala rin siya ng sunud-sunod na malalim na buntong-hininga na ipinagtaka ko. What's with him? And what's with the long sighs, anyway? Lumingon siya sa direksyon ko at lumapit. Sobrang lapit. "Let's finish this act," seryoso at mahinang sabi niya na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig. Inilapit pa niya ang mukha niya at bumulong sa tapat ng tainga ko. "Isipin mo na lang na si Uno ang kasama mo para matapos na 'to." Bahagya akong napangisi. Good suggestion. Iisipin ko na nga lang na si Uno ang kasama ko para matapos na ang pagpapanggap namin. "We're ready," ani One kay Aerie. "Okay. On count of three, give me great shots on this round, lovebirds!" Pumuwesto si One sa bandang likod ko bago inilagay ang kanang kamay niya sa mga kamay kong may hawak ng wedding boquet habang ipinatong naman ang kaliwang kamay niya sa baywang ko. Hindi ako kumilos mula sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa sa camera nang magsimula na sa pagkuha si Mac. I was all smile, thinking that Uno was the man standing next to me, holding me tightly. At kahit na hindi ako nakatingin, ramdam ko ang titig ni One sa 'kin. I wasn't supposed to look at him. But, I did. Hindi ko napigilang lumingon at tumingala sa kanya. I was greeted by his calm expression and smiling gorgeous face. And it caught me off guard. Because it looks familiar. And for a second, I was lost in his deep eyes. Para kasing ang daming sinasabi ng mga mata niya. Ang daming emosyon. This kind of stare... this kind of smile... this kind of expression.... it's from One. From the One that I used to know before he left the country.  "Great job, lovebirds!" Natauhan lang kami pareho nang marinig ang sigaw na iyon ni Aerie. Mabilis pa sa alas kuwatrong nag-iwas kami ng tingin at bumitaw sa isa't-isa. Malapad ang ngiti ng babae na lumapit sa 'min. "You really did something about your faces. Especially you," panunukso na naman nito kay One. "Are we done now?" tanong ni One habang hinihila at niluluwagan ang tie sa leeg niya na para bang nasasakal na siya roon. His face became blank again. In just a blink of an eye, nawala ang bakas ng dating One na nakita ko kanina. Bumalik na naman ang cold One. "Yes, we're done." Pagkasabi no'n ni Aerie, malalaki ang hakbang na tinungo ni One ang kuwarto na pinanggalingan niya kanina at pumasok doon. "I could tell that he's really into you." Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa babae. "What?" "His eyes say it all, Skye." Aerie looked at me with her teasing smile. "The mouth could tell many lies, but not the eyes. Because our eyes can't tell a lie or two. And believe me. The way he looks at you, it's full of love! He's so much in love with you!" Isang ngiti na lang ang naging sagot ko sa kanya. Of, course. He was acting like he's really in love with me. Because he's pretending as Uno who is so much in love with me. ~~~ Hapon na nang matapos ang pictiorial. Nagpaalam na kami kay Aerie. Ihahatid na sana kami ng babae palabas ng botique nang makatanggap ito ng tawag mula sa kaibigan na kanina lang kinukuwento. At base pa lang sa reaction nito, mukhang may hindi sila mapagkasunduan sa usapan. "Hold a sec." Inilayo ni Aerie ang phone sa tainga bago apologetic na tumingin sa direksyon namin. "Sorry, lovebirds. Hindi ko na kayo maihahatid palabas. Ito kasing si Desmond, may inuutos na naman sa 'kin." I smiled. "It's okay, Aerie." It's more than okay, actually. "O, siya. Magkita na lang ulit tayo sa prenup photoshoot next week." Bumeso si Aerie sa pisngi ko, then kay One bago ibinalik ang phone sa tapat ng tainga. "I can't deliver the rings tomorrow. Kakakuha ko lang ng sukat ng mga daliri nila kanina. You're asking for impossible, Mon," sabi nito sa kabilang linya. Pagkatalikod pa lang ng babae, ay siya ring paglaho ng ngiti sa mga labi ko. Nang balingan ko ng tingin si One, wala na pala siya sa tabi ko at naglalakad na palabas ng botique. This guy, really... Argh! Mabilis akong sumunod kay One. Nang maabutan ko siya, hinawakan ko siya sa braso. Parang napapasong kumawala siya at salubong ang kilay na nilingon ako.  Sinalubong ko ang malamig niyang tingin. "What's your problem, huh?" untag ko. Mabuti na lang din at kami lang dalawa ang nandito sa labas ng botique kaya hindi namin kailangang magpanggap na magkasintahan. "What's with your attitude earlier? Muntik ka nang mahuli ni Aerie-" "But, she didn't," he cut me off. "Gusto mo bang pagdudahan ka ulit niya next time na makita ka niya at isipin na ikaw si Uno?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Gusto mo rin bang masira ang plano ni Uno dahil diyan sa pinapakita mo? Kung kay Aerie pa lang ay hindi mo na kayang umakto bilang Uno, what more kapag sa maraming tao na? Paano kung-" "Look, Montenegro." Saglit din akong natigilan bago unti-unting ngumisi nang sarkastiko. Wow. Montenegro. Montenegro! Last name basis na siya ngayon? "You did your part, I did mine. End of conversation." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Hindi ako bayolenteng tao, pero puwede bang masapak ang lalaking kaharap ko? Kahit isa lang. Mabawasan man lang ang mga naipon kong sama ng loob sa kanya sa nakalipas na maraming taon.  Bago ko pa man magawa iyon, may narinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa malayo. Nang hayunin ng mga mata ko ang pinanggalingan ng tinig, nakita ko si Fayre, nakangiti at kumakaway sa direksyon namin. I groaned silently. Great. Now we need to act again sa harap naman ni Fayre. Nang makalapit sa 'min ang babae, pilit akong ngumiti at nakipagbeso. "Fayre, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Magkikita kami ng kaibigan ko diyan sa botique. Bibili ng singsing," sabay nguso ni Fayre sa botique shop ni Aerie. "Hi, Boss Uno," malapad ang ngiting baling nito kay One. Hindi man lang gumanti ng ngiti si One. Bagkus, napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo at pag-ismid niya hanggang sa maging malamig ang tingin niya kay Fayre. When he glanced at me, I raised an eyebrow. Gusto ko sana siyang panlakihan ng mata at sigawan na dapat maging friendly siya sa sekretarya ni Uno dahil never nagpakita ng ganyang reaction si Uno sa kaibigan ko. He would even smile back at her! "Wait for me here. I'll just get the car," sabi lang ni One bago tumalikod.  Nasundan ko na lang siya ng tingin. Hindi niya pinansin ang valet na sumalubong sa kanya para siguro ito ang kumuha ng sasakyan niya. Dere-deretso lang siya patungong parking lot ng botique sa basement. "I didn't know that Boss Uno could be this hotter when serious." Binalingan ko ng tingin ang katabi ko. I caught her smiling while looking at One's direction. And it was as if there was something in her eyes, too. What was that? Nang mapansin ni Fayre na nakatingin ako sa kanya, saka lang siya tumingin sa 'kin at matamis na ngumiti. "Oh. I was just appreciating your fiance's good looks. You know, ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso. Kapag kasi magkasama kami sa office ni Boss Uno, hindi siya ganyan." "Ah," tanging nasambit ko.  Ewan ko ba. Nang si Aerie ang pumuri kay Uno kanina, okay lang sa 'kin. Dahil alam kong walang malisya iyon. Nang manggaling naman kay Fayre ang mga salitang iyon, parang iba ang dating sa pandinig ko. Pero, ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at hindi pinansin. "Mainit kasi ang ulo niya. Alam mo naman ang nangyayari ngayon sa MG-Tech In, 'di ba?" paliwanag ko pa. Ayoko rin kasing isipin ni Fayre na ibang tao ang nakaharap niya - even though it was really the case. She nodded. "Right. Anyway, mukhang busy na talaga kayo for the wedding preparations." Ako naman ang tumango. "Yes. Next week na ang prenup photoshoot namin." Ilang sandali pa, huminto ang Mercedes Benz sa harap ko at ibinaba ni One ang bintana ng passenger's seat. Nagpaalam muna ako kay Fayre bago buksan ang pinto at sumakay. "Una na kaming umalis, Fayre." "Bye, Skye. Bye, Boss Uno," nakangiting pagpapaalam ng kaibigan ko. I smiled and waved my hand. Tumango lang naman si One bago paandarin ang sasakyan. Habang nasa biyahe, walang nagsalita sa amin. Mas pinili ko na lang ding tumahimik kaysa punahin na naman ang attitude niya kanina kay Fayre tapos tawagin na naman ako sa apelyido ko. Tsk. "Is she your friend?" basag niya sa katahimikan namin na bahagya ko pang ikinagulat. "Yes," I simply answered.  "How well do you know her?" Nang lumingon ako sa kanya, nasa daan lang ang tingin niya kaya ibinalik ko na lang din ang tingin ko sa harap. "Since she started working in Uno's company. We're friends for five years now." Mas matagal ko pa siyang naging kaibigan kaysa sa'yo. "So, how well do you know her?" ulit niya. "I know her well enough to trust and respect her," I answered sarcastically. "Hindi naman ako makikipagkaibigan sa kanya kung hindi ko siya lubos na kilala." In the corner of my eyes, I saw the side of his lips twitched a little. Ilang sandali pa, "A piece of unsolicited advice." I glanced at him. Saglit lang niya kong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "Don't trust her too much." Iyon lang at hindi na siya nagsalita pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD