ASH
Hindi ko inalis ang tingin sa pasyente at hindi lumingon sa taong dumating. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumayo siya sa tabi ko at matamang nakatingin din sa taong nakahiga sa kama.
"How is he?" tanong ni River.
Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi pa rin siya nagigising, pero stable na ang condition niya."
Hindi siya sumagot, pero naramdaman kong medyo nakahinga siya nang maluwag. Ilang sandaling katahimikan din ang namagitan sa 'min bago ako muling nagsalita.
"Sinabi mo ba kay Skye?"
Alam kong nag-usap na sila ni Skye kahapon. At sinabi na niya rito kung ano ang nangyari kay Uno.
He took a deep breath before smiling weakly. "Even if I wanted to, I couldn't tell her directly. Sinabi ni One na 'wag ipaalam sa kanya."
I was shocked when I heard the news about Uno. Nang itawag sa 'kin ni River ang nangyari, kasama ang mga magulang ko, mabilis kaming nagtungo dito sa hospital. But, who would have thought na hindi lang pala si Uno ang madadatnan naming nag-aagaw buhay?
River told me everything. Mula sa natatanggap na death threats ni Uno, sa pag-uusap nilang dalawa sa phone bago may mangyari dito, sa pagsunod ng kung sino kay Uno, sa nadatnan niyang eksena nang makarating sa kinaroroonan nito, sa pagkakita kay One na nandoon din sa location, at hanggang sa naabutang kalagayan ng kambal.
Sinabi rin niya na after operation ni Uno, nakita nila ni Cliffer na bigla na lang daw bumagsak si One. Ang sinabi lang daw kasi ni One kay River ay daplis at hindi gaanong malalim ang natamo nitong pinsala sa katawan kaya hindi agad ito nagpagamot. But then, they found out that he was seriously injured.
Namumutla at halos maubusan na ng dugo si One. Malalim at malaki ang sugat nito sa bandang tagiliran. Tinakpan lang ng tela para pigilan ang pagdurugo at itinago nito ang sugat sa suot na black suit para walang makapansin.
River told me that Uno's operation lasted for two hours. And One just stood in front of the operating room and didn't leave his twin. It means that he endured his wound and pain for damn two hours! Ni hindi nito sinabi maski sa mga magulang nila na may iniinda rin itong sakit.
Ninong Nathan and Ninang Miles almost lost their twins in just one night. When I saw them, fears and frustration were all over their faces. Wala rin silang tulog. Imagine na kakatapos lang ng operation ni Uno at muntik na itong mawala sa kanila - na ngayon ay comatose - pagkatapos ay malalaman din nilang may malalang sugat pala si One at halos mag-agaw buhay na rin kung hindi pa ito nakita nina River at Cliffer na natumba sa hallway. Mas inuna pa nitong mag-alala sa kalagayan ng kakambal bago unahin ang sariling kalagayan.
Muli akong tumingin sa natutulog na si One. Ang mabagal at normal na pagtunog ng heartbeat niya mula sa ecg monitor ang nagpapatunay na stable na ang condition niya.
One, you didn't change, huh? Still selfless and enduring the pain all alone. Right now, I don't know if it's a good thing, or a bad thing. Pinag-alala mo ang parents mo lalo na si Ninang Miles. River told me she almost pass out because of you. Nanghina nga siya at halos mawalan ng lakas sa nangyari sa kakambal mo, tapos ganyan pa ang mangyayari sa 'yo. You didn't even tell them that you were seriously injured and in so much pain! Iniwan at pinagbantay ka pa raw naman ni Ninong Nathan kay Skye.
"Though, I told her that he was injured. Minor injury nga lang. But, I could tell that she was still a bit concerned about him."
Ang sabi ni River, bago pa mawalan ng malay si One, sinabi nitong 'wag na raw ipaalam pa kay Skye ang nangyari sa kanya. She doesn't need to know his current condition.
Kaya naman walang nagsabi kay Skye kung ano ang totoong kalagayan ni One. Hindi niya alam na naka-confine din sa hospital na ito ang kakambal ni Uno. Hindi rin naman niya kasi tinatanong o hinahanap man lang si One. So, we all thought that she doesn't need to know. Besides, we respected One's wish to keep his condition from her.
I know what exactly he was doing. He wanted her to believe that he doesn't care for her at all. He wanted her to continuously be mad at him. Because in that way, it would be easy for him to stay away from her.
"He was trying his best to move on and forget her, right?"
I couldn't help but smile bitterly. "I doubt it if he was even trying." Lalo na ngayon na nasa iisang bahay lang sila, dugtong ko pa sa isip ko.
Kahit walang sabihin si One, alam kong walang nagbago sa nararamdaman niya mula noon hanggang ngayon. Kahit gaano pa man niya itago o itanggi na wala na siyang nararamdaman para sa babae, alam kong mahal niya pa rin si Skye.
Kahit gusto kong ipaalala sa kanya ang deal namin, hindi ko na lang din siya kinokompronta sa bagay na iyon dahil gusto kong siya mismo ang lumapit at tumupad sa naging kasunduan namin noon. But, I know he wouldn't do it because he was acting like he already move on.
"Then, I guess, all of his efforts for trying to move on will go to waste once he wakes up and hear the next plan."
Bahagya akong natigilan at mabilis na nagbaling ng tingin kay River. "May plano na?"
Ninong Nathan was angry and devastated. Well, who couldn't? Someone tried to kill his son. At ang alam ko, nakikipag-coordinate na siya kay Papa kasama na rin ang tatay ni River at ng iba pang tatay ng aming mga kaibigan. Dahil nakasisiguro sila na babalikan ng mga taong iyon si Uno para patayin. And they needed a concrete plan to catch the culprit and the real mastermind.
And now that I was looking at River, napansin kong hindi lang siya mukhang nag-aalala at walang tulog. He looks so tired and occupied. Ang alam ko kasi, siya rin mismo ang umaasikaso at humahawak sa kaso ni Uno kaya naman siya ang pinakaabala sa magkakaibigan.
Tumango si River. "Yes. A very accurate plan, actually. And only One can pull it off."
Mataman ko siyang tinitigan. "But?" Just the look on his worried face, I know there's a but in there.
"We're not just sure if he would do it."
"If it's for Uno's sake, he would do it." Knowing One, he would do anything for his twin.
Humugot siya nang malalim na hininga bago sinalubong ang mga mata ko. "What about Skye? Would she do it?"
Hindi agad ako nakasagot. Kung kasama si Skye sa binubuong plano, mukhang mahihirapan ngang mapapayag ang dalawa. Lalo na sa estado ngayon ng pakikitungo nila ni One sa isa't-isa.
Pero, isang bagay ang sigurado ako. Mahal ni Skye si Uno. At gaya ni One, gagawin din nito ang lahat para kay Uno.
"If it's for Uno's sake, she would definitely do it," siguradong sagot ko.
-----
Two days had passed. At sa dalawang araw na iyon, marami na rin ang nangyari.
Nakabalik na ng bansa si Lander. He arrived yesterday. Sina River at Cliffer ang sumundo sa lalaki. At dito agad siya sa hospital dumeretso para dalawin ang kambal.
Gising na rin si One. And I could see the relief in Ninang's face. Medyo nabawasan na rin ang galit at init ng ulo ni Ninong Nathan. Dahil kahit papa'no, nagising na ang isa sa kambal.
As for Uno, medyo bumubuti na rin ang kalagayan niya. Though, he's still in a state of coma. Pero, nailabas na siya sa ICU at inilipat na sa isang private VIP room. And Skye won't leave his side.
Halinhinan din sina Ninong Nathan at Ninang Miles sa pag-check sa condition ng kambal nitong nakalipas na mga araw. Hindi rin naman kasi nila maiwan pareho ang isa sa mga ito. Same with Yssa. Pagkatapos niyang dalawin si Uno, babalik naman siya sa kuwarto ni One para magbantay rito.
Nang minsan din akong dumalaw kay Uno, halos matukso na rin akong sabihin kay Skye na naka-confine din si One. Alam ko na kung alam niya ang bagay na iyon, dadalawin niya rin ang huli. Even if they were not in good terms, I'm sure Skye still cared for him even just a little bit. They used to be best friends, after all.
At dahil kagigising lang ni One, hinayaan muna namin siyang makapagpahinga at makapag-relax. Ayaw rin naman namin siyang biglain sa mga plano.
Yes, I already know the plans. Together with Cliffer and Lander, River briefed us about the plans they were planning. Ang mga magulang namin ang nakaisip ng mga plano at iyon lang ang kailangan gawin. I perfectly understood the plans. Pero, hindi ko pa ring maiwasang mag-alala para kay One.
The two guys were silent and didn't say anything after hearing the plans. Pero, mababakas naman sa mga mukha nila na nag-aalala rin sila para sa kanilang kaibigan. But, we have to be rational and logical.
Uno's safety is the top priority. We have to protect him at all cost until he wakes up. And right now, those plans were the best choices that we could have right now.
Pinalipas namin ang isang buong araw para makapagpahinga si One. Sina Ninong Nathan at Ninang Miles ang magsasabi sa kanya tungkol sa gagawing plano. Pero, nandoon din sina River, Cliffer at Lander para mas maipaliwanag nang maayos.
At ngayon nga, nandito ako sa labas ng kuwarto kung saan naka-confine si One. Nasa loob naman silang lahat at kasalukuyang ipinapaalam na kay One ang plano. Ako ang naghihintay sa pagdating ni Skye. Nasabihan na rin kasi namin siya na pumunta rito. We don't have to waste any more time. We have to act fast.
Tahimik sa loob. At hindi ko maiwasang kabahan. At sa mga lumilipas na minuto, mas lalong dumodoble ang kaba at takot ko. Ilang sandali pa, halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ng sunud-sunod na pagkabasag ng kung anong gamit mula sa loob. Hanggang sa marinig ko na rin ang pagsigaw at pagtaas ng boses ni One.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang tatlong lalaki. At kahit saglit lang akong nakasilip sa loob, nakita ko ang eksena sa loob. Sumisigaw si One habang yakap-yakap ni Ninang Miles at pinipigilan din ito ni Ninong Nathan sa pagwawala.
Hindi pa man nagtatagal, dumating din sina Tito Aaron at ang kapatid nitong si Tito Baron. Walang salitang pumasok sila sa loob bago muling isinara ang pinto.
Binalingan ko ng tingin si River. "W-what happened?" nag-aalalang tanong ko.
Napasabunot ang isang kamay niya sa buhok niya bago huminga nang malalim at tumingin sa direksyon ko. "Tito Nathan told him the plans, but One misunderstood it."
"He misunderstood it because Tito Nathan explained it wrong," Cliffer stated.
"Hindi niya naintindihan dahil nag-assume agad siya," sabi naman ni Lander.
Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?" tanong ko habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo.
Bago pa man makasagot ang isa sa kanila, narinig na namin ang boses ni Skye. "Sorry. Am I interrupting something?"
Sabay-sabay kaming lumingon sa direksyon niya. Confusion was written all over her face. "Nasaan sina Tito Nathan at Tita Miles?" biglang tanong niya nang walang sumagot sa 'min sa tanong niya kanina.
Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si River bago humarap kay Skye. "Nasa loob pa. We have to wait. May pinapakalma lang sila," sabi niya bago tumingin sa nakapinid na pinto.
Wala ng ingay na nagmumula sa loob. Mukhang tumigil na rin sa pagsigaw at pagwawala si One. Wala rin sa mga lalaki ang nag-abalang sabihin sa 'min ni Skye ang nangyari sa loob.
Ilang minuto pa kaming naghintay dito sa labas bago bumukas ang pinto at lumabas sina Tito Aaron at Tito Baron. Mabilis kaming lumapit nina River at Lander sa kanila.
"Kumalma na po ba siya, Tito?"
Bahagyang tumango si Tito Aaron sa tanong ni Lander. "Yes. I told Nathan not to surprise and stress him out. Kaso kabaligtaran pa nito ang ginawa niya. Tsk." Bahagyang lumapit si Tito at ipinatong ang isang kamay sa balikat ng lalaki. "Please be easy on him. Hindi pa naghihilom ang sugat niya sa tagiliran kaya as much as possible, 'wag n'yo siyang masyadong pagalawin at i-stress," bulong niya na sapat lang para kaming tatlo nina River at Lander ang makarinig.
Tumango lang ang dalawang lalaki. Huminga nang malalim si Tito Aaron bago bahagyang sumimangot. "The room is a mess. Sisingilin ko nang malaki ang tatay ng kambal sa damage. Tsk," sabi niya bago binalingan kaming lahat ng tingin. "Pumasok na kayo sa loob. Hinihintay na kayo." At dumako ang tingin niya kay Skye. "Especially you."
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Pumasok kaming lima sa loob ng kuwarto. And Tito Aaron wasn't exaggerating when he said the room was a mess.
One was sitting straight on the bed as if he didn't undergo surgery. Lihim akong napangisi nang sarkastiko. Hanggang ngayon, gusto niyang ipakita kay Skye na okay siya at walang iniindang sakit.
Ninong Nathan didn't waste any time. Mabilis niyang sinimulan ang pagpapaliwanag kay Skye sa gagawing plano. Until he mentioned what would be One and her roles in this whole thing.
"One will take Uno's place. Magpapanggap siya at aaktong si Uno. And we need your full cooperation, Skye," sabi ni Ninong Nathan bago diretsong tumingin sa mga mata ni Skye. "Since magpapanggap siya bilang si Uno, both of you will also act as a couple."
We could see that Skye was taken by surprise.
When I glanced at One's face, no reaction from him. His face was blank and void of any emotions. Hindi ko tuloy mabasa kung ano ang iniisip niya tungkol sa pagpapanggap nilang iyon. If he likes it or not. He was trying his best to stay away from her. But now, they will act as a couple on behalf of his twin.
Now I understand what River meant when he told me that One's efforts will all go to waste because of these plans. One pretending as Uno is one thing. But him, acting as Skye's boyfriend is another.
"And as for the wedding that was supposed to happen next week, we decided to postpone it, Skye," pahayag ni Ninong Nathan.
"At least until Uno wakes up from his coma," Ninang Miles added.